Chapter 13 - Chapter 13

Tunog ng alarm clock ang nakapagpabalik sa akin sa kasalukuyan. Nilingon ko ang side table kung saan nagmumula ang maingay na aparato. Tumayo ako at pinatay ito bago bumalik sa silyang kinauupuan sa tabi nang nakabukas na bintana.

It's past two in the morning but I'm still awake. Gaya ng bawat gabing nagdaan sa buhay ko, malabo ang antok sa akin. Hindi ako makatulog dahil sa mga bangungot ng kahapon na hanggang ngayon ay nakasunod pa rin sa akin. Isa pang dahilan ay ang paghihintay ko kay Cholo na hindi na bumalik matapos iwan ako kanina.

So here I was beside the window gazing at the bright moon above me while patiently waiting for my erring husband. A gawking doting wife who is dead worried for her other half.

Uminom ako sa hawak na kopita at sinamyo ang dapyo nang napakalamig na hangin. Inilipad nito ang nakalugay na buhok ko kasabay ang pagkalampagan ng mga bato sa suot ko na hikaw. Hindi ko ininda ang panginginig ng katawan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay nasanay na akong huwag pansinin ang pisikal na lamig.

Mas may malamig pa sa silakbo ng hangin. Mas may masakit pa sa hantarang pagpapakita ng disgusto sa akin ni Cholo.

Inilibot ko ang tingin sa malaki at tahimik na silid. Tumigil ang mga mata ko sa king size bed na nasasapinan ng kulay asul na mattress. Wala ni isang lukot ang mga unan at kumot palatandaan na wala pang nahihiga rito.

Hindi ko kayang humiga sa kamang ito dahil sa isiping dito rin mismo nagsisiping ang dalawa. May respeto pa rin naman ako sa aking sarili. Sa isip ay unti-unti ko na silang pinaparusahan.

Bumalik ako sa pagmamasid sa paligid. Larawan ng isang napakaalwang pamumuhay ang master's bedroom. Marmol na sahig, mamahaling mga kagamitan, at kompleto sa makabagong teknolohiya mula sa giant television set, noise cancelling aparatus at soundproof na kwarto.

May kaugnay din na sauna room ang jacuzzi area ng kwartong ito. Kanugnog din ng silid sa pamamagitan ng adjoining door ang library na nagsisilbing opisina ni Cholo. I checked it earlier out of boredom. The place is filled with books and paintings from top to bottom.

Isa pang ihip ng hangin ang dumaan bago ko maingat na isinara ang bintana.

Dala ang wine at baso ay lumabas na ako sa silid at plakado ang mga hakbang na bumaba ako sa bifurcated na staircase na gawa sa Brazilian mahogany. Lumulubog sa carpet ang five-inch na takong ng sapatos ko.

Naglagay ako ng isang ngiti sa mga labi para sa imaginary audience ko sa ibaba at buong eleganteng iginalaw ang bewang kasabay nang mabining paghuni ng isang lullaby.

Napakatahimik ng buong sala. Kulang na nga lang ay magsalita ang mga tao sa painting para sakaling mapunan man lang ang nakabibinging katahimikan.

Nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ay tumingala ako sa cathedral ceiling na nabibistahan ng mga ceiling lamp shades na naghahatid nang malamlam na ambiance sa kabahayan. Medyo madilim dahil subdue ang ilaw.

Muli kong iginala ang tingin sa paligid. Karamihan sa mga muwebles ay earth toned furnishing magmula sa floor, walls, hanggang sa ceiling.

"This house is too old for a young couple like us," sambit ko nang matutok ang paningin ko sa antigong piano na nasa pinakagitna ng sala na nagsisilbing attraction na rin dahil sa kalumaan nito.

Dumiretso ako sa kusina at hinugasan ang baso. Pagkatapos ay sumaglit ako sa banyo para maglagay ng lipstick at ayusin ang mukha. Sinigurado kong pusturang-pustura ako para matakam si Cholo sa akin pag-uwi nito.

Pinasadahan ko ng tingin ang sarili sa salamin. Perfect na naman uli ang make-up ko. Nasa ayos din ang suot kong black silk dress na hanggang sa ibaba ng binti. Masakit nga lang sa paa ang suot kong de-takong na sapatos pero kailangang elegante at maganda pa rin akong tingnan kahit na isa na akong maybahay na matimtimang naghihintay sa asawa.

Nangingiting bumalik ako sa kusina para maghanda sa pagluluto. Hindi ko na hahayaang mabuhay ang asawa ko sa mga luto ng maids at sa mga orders mula sa restaurants. Simula ngayon ay tanging mga luto ko lang ang kakainin niya.

Binuksan ko ang ref at naglabas ng mga rekados at karne. Habang naghihiwa ay pakanta-kanta ako. Nagpakulo na rin ako ng tubig para paglagaan ng espesyal na putahe ko ngayon.

Nang mula sa labas ay narinig ko ang ugong ng sasakyan, ang pagtigil nito, at ang tuluyang pagbukas ng pintuan ng mansiyon.

Napangiti ako sa sarili. Mabuti naman at nakauwi na ang asawa ko. Tamang-tama para sa agahan.

"What are you doing?" saad ng isang tinig sa bukana ng kusina.

Nag-angat ako ng tingin kay Cholo at napatunganga. My husband is freaking hot in his disheveled hair and rolled sleeves that showcased his hairy arms while leaning on the side of the frame at the entrance of the kitchen. His coat is comfortably lying on his shoulder.

Oh, now I remembered how hairy his body is and hot it tingles against my naked body.

Pinigil ko ang sariling umungol dahil sa tumataas na temperatura sa paligid. It has always been like this with Cholo. Whenever he's near, I can't feel but get turned on. I mean, that's justifiable! My husband is a walking testosterone!

Banal na lang siguro ang hindi mababasa sa lalaking ito at ang isang tigang na tulad ko ay isang tunay na makasalanang nilalang.

"Good morning, hubby. Bakit ngayon ka lang nakauwi? Ah, too busy with work? Yes, I deeply understand. Wait, do you have something particular dish you want to request? Just say it. I studied culinary with you in my mind. You know, I wanted to impress you with my cooking. Cliche as it may sound but I believe that a way to a man's heart is through his stomach. So, any request?"

Nginitian ko si Cholo bago bumalik sa paghihiwa ng mga gulay na pansahog. Pasimple ko ring pinunasan ang gumigiti na pawis sa leeg.

"You're cooking breakfast at two in the morning? Really? Ilang batalyon ba ang papakainin mo? Karina, hindi barangay ang bahay ko para magpa-pista ka. Now if you're thinking of inviting guests over then forget about it. Tama na ang ginagawa mong panggugulo sa buhay ko."

Matiim ang tingin niya sa akin at namumula na rin ang mukha nito. He doesn't look tired but I can tell that something is bothering him up.

"Ano bang panggugulo ang sinasabi mo? I wanted to serve you and be the best wife you can have, Cholo."

Kinuha ko ang blender at nilagyan ng mga prutas.

"You can be the best person in the world by leaving me and leaving the town for good."

Sinadya kong paandarin ang blender para hindi ko siya magawang sagutin.

"What? What was that? Come again?"

Isinalin ko sa baso ang smoothie.

Tiningnan muna niya ako sandali bago pasuray-suray na naglakad papunta sa direksiyon ng ref. Sinalubong ko naman siya dala ang baso at ibinigay dito. Amoy na amoy ko ang alkohol sa katawan nito.

"Here. Maganda sa katawan iyan lalo na kapag walang laman ang tiyan mo. It also helps to cool your head. Ang init na kasi agad ng ulo mo, eh. Ang aga-aga."

Balewalang kinuha niya sa akin ang baso. Nagbunyi naman ang loob ko.

Laking gulat ko na lang nang itapon niya ang laman ng baso sa lababo at kumuha ng tubig sa ref.

"Trash." I heard him said before he drank the water.

Natigilan ako sandali pero hindi ako nag-react. Bumalik lang ako sa harap ng chopping board at parang walang nangyari na hiniwa ang mga karne.

"Akala ko kapayapaan ang madadatnan ko sa bahay pag-uwi ko not until I saw you. Why are you still awake at this hour?"

Inilapag ko ang kutsilyo at hinarap ito.

"Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi kagabi? May matino bang may-asawang tao na nagpapaabot ng madaling-araw sa labas nang hindi nagpapaalam sa asawa? I thought it's only work but for heaven's sake Cholo, you reek of too much alcohol." May kalakip na na talim sa boses na wika ko.

Cholo chuckled mockingly. "Acting like a real wife, are we? Cut the crap, Karina. Hindi bagay sa iyo. Wala kang pakialam kung ano ang gagawin ko sa buhay ko at hindi rin kita papakialaman sa buhay mo. Just make sure to hide whatever scandals you wanted to engage in. Magtitiis ako habang kasagsagan pa ng election. That's only three months from now. After that, we will be annulled."

"Would you prefer me to shut up?" Sa halip ay saad ko. "Because that will be very impossible, Cholo. We are not in the ancient times anymore where women always nod to the liking of their husbands. I won't stay mum in the corner. That's just not my style. It's the 21st century, baby. Keep up din 'pag may time. Now go to sleep. I'll prepare food for you. That's how kind I am."

Tinalikuran ko na siya at bumalik sa ginagawa. Wala naman itong naging tugon pero tumitindig ang balahibo ko sa likod sa mga titig niya.

"Meeting you the first time was magical. I was caught off guard but I managed to set it aside because of my anger. Imagine how devastated I was when I went back to the hotel and seeing it empty. There was not any sign of you. I felt empty that time. You know how I thought that I must have loved you in all of those times but you prove it all wrong when you chose to leave me. I could have given everything to you, Karina. Pero sinayang mo lang lahat. At ngayong nagsisimula na akong lumagay sa tahimik kasama ang babaeng tunay na minamahal ko, ngayon ka pa babalik para manggulo. You know why I'm drinking? It's because I can't accept Ely being called a mistress when she's all I ever wanted to be my wife all my life.  How I wish you could have ended just as  what you made all the town believe. Dead. Insignificant. Forever out of my sight."

"I hope you don't mean it, Cholo."

Hinarap ko uli siya at nginitian. "It's evil to wish someone dead." My lips are smiling but my eyes are blazing in fury as a memory sticks in the recesses of my head. "Sige na. Itulog mo na iyan." Hinaplos ko ang pisngi nito at matamis na nginitian.

Hinuli nito ang kamay ko at padarag na inalis nito sa mukha.

"I mean every word I say, Karina," he said in  between his gritted teeth.

I still caught a whiff of his suave scent mixed with a strong liquor before he dragged himself out of the kitchen.

Nag-concentrate na ako sa ginagawa. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko ang asawa na nakatulog na sa cushion sofa sa sala. Nang matapos sa pagluluto ay nilapitan ko si Cholo at inayos ang pagkakahiga nito. Inalis ko ang sapatos nito at pinunasan ng tuwalya ang basang likod.

Umupo ako sa gilid ng sofa at hinaplos  ang gitla sa noo nito saka dinama ang makinis na mukha ng asawa.

"This face can launch a thousand women in tears," bulong ko habang pinapasadahan ng daliri ang matangos na ilong nito.

I smiled sinisterly and played at his hair.

"I pity those women Cholo because I will never let you go, not in the hundred years to come. Akin ka lang at walang sinuman ang makakaagaw sa iyo mula sa akin, not even the love of your life. I'll do everything to keep you for myself. Babawiin ko ang pag-ibig na inilaan mo sa kaniya. You will fall hard for me just as it should be."

Bumaba ang mukha ko sa bahagyang nakabukang bibig nito at kikintalan sana ito ng isang halik pero natigilan ako sa pangalang binanggit nito.

"Ely..." he said in a whisper.

Para akong napaso sa narinig kaya inilayo ko na lang ang mukha.

Tumayo ako at nakahalukipkip na tinitigan ang natutulog na asawa. Nakakunot ang noo nito na para bang may masamang napapanaginipan.

"You can call me Ely all you want just as you wanted. If you wanted to call me Ely then Ely will be my name. It still won't change that you are mine. Only mine, Cholo."