Nang makaalis ang sasakyan nila Samarra hindi alam ni Zachary kung gaano siya katagal nakatayo sa labas na nakatanaw sa malayo. Ang alam niya may nararamdaman siyang panghihinayang. Ang plano niya kasi ayain si Samarra mamili ng gagamitin nito sa school. Pero naunahan pala siya ng kaniyang Kuya. Ang hindi niya maintindihan para siyang nakakaramdam ng paninibugho sa closeness ng dalawa. Kanina, nang tingnan niya kung paano natigilan si Samarra habang nakatingin sa kaniyang Kuya. Para itong walang nakikita bukod sa kaniyang Kuya Zeke tila nakalimutan na kasama siya nito. Parang may lumukob sa kaniyang puso na matinding selos. "Selos? Bakit ka naman magseselos Zachary? May gusto ka na ba sa kaniya?" susog ng kaniyang isip. "No, never as in never." Naiiling na ipinasya na niyang pumasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok pa lang niya sa loob. Dumiretso siyang umakyat sa itaas para kunin ang pinagkainan ni Samarra na naiwan sa loob ng kanilang kuwarto. Pero pagpasok niya pa lang ay bumungad na sa kaniya ang magulong kama. Ang mga towel na nakakalat at bathrobe na nasa sahig. Naiiling siya habang naglalakad sa loob at pinagdadampot ang mga kalat. Mukhang naisahan siya ni Samarra ngayon. Nagpupuyos ang kaniyang damdamin sa sobrang pagkainis. At inumpisahan magligpit ng mga kalat. Dahil sa hindi siya kumporme sa pagliligpit. Kaya ang pagliligpit niya. Ay, nauwi sa paglilinis ng buong kuwarto. Tinanggal niya ang mga kurtina at pinalitan ng bago. Ang mga unan pinalitan niya ng mga punda at pati kobre-kama pinalitan na rin niya.
Nang matapos kinuha niya ang vacuum para ma-vacuum ang buong kuwarto nila. Tagaktak ang kaniyang pawis dahil pinatay niya ang aircon sa kanilang kuwarto.
Ang buhay mag-asawa dapat ang babae ang naglilinis. Pero sa sitwasyon ko parang nabaligtad ata. Habang ang asawa ko busy sa pamimili, ako naman busy sa kakalinis ng mga kalat na iniwan niya. Tsk! Kung alam ko lang na ganito mangyayari sana pumayag na lang ako na may stay-in na kawaksi sa bahay. Hay, natatawa na naiiling si Zachary na dumiretso sa CR. Para maglagay ng mga bagong towel at bathrobe nila. Ang lahat ng mga maruruming damit nila ay dinala niya sa kanilang laundry area.
Ramdam niya ang pagod nang tingnan niya ang orasan na nakasabit sa kanilang living room pasado alas dos ng hapon. Nakaramdam na rin siya ng gutom kaya nagluto muna siya at kumain. Nang matapos kumain ay nilinis at hinugasan na niya ang mga kalat sa kusina. Ay agad siyang bumalik sa kanilang kuwarto at naligo para ma-preskuhan at makapagpahinga. Pagkahiga niya pa lang sa kama ay agad siyang ginupo ng antok.
Naalimpungatan si Zachary bandang ala siete ng gabi kaya naman naligo siya agad at napagpasyahan na pumunta sa Zafaria Mall. Habang nasa daan hindi maiwasan mapangiti, nai-i-imagine na niya ang magiging reaksyon ni Samarra. Tiyak niyang magugulat ito, kung sakaling makikita siya nito sa mall.
Nang makarating si Zachary ay agad siyang nag-ikot sa mall. Umaasa na makikita sina Samarra habang naglalakad nakita niya ang girlfriend na si Claudel kasama ang manager nito na si Rance Punzalan. Matagal na siyang naghihinala sa dalawa ngunit isinasantabi niya lang ang pakiramdam na 'yon. Hindi siya nagpakita sa dalawa at lumihis ng daan. Mahigpit isang oras na siya nag-iikot sa loob ngunit hindi niya makita sina Samarra. Naisipan na niyang tawagan si Harken para humingi ng tulong.
"Harken? Bro, I need your help," bungad niya ng sagutin ni Harken ang kaniyang tawag.
"Andito ako sa mall niyo. May hinahanap kasi akong tao pero ayokong ipa-page. Yes, baka puwedeng tulungan mo ako na makita ang cctv ng mall."
"Nasa mall ka rin? Sige, magkita tayo."
Nang maibaba niya ang tawag ay agad niyang tinungo ang opisina ni Harken sa loob ng mall.
"What's up. Bro!" bungad na bati sa kaniya ni Enzo na nasa loob din ng opisina ni Harken.
"Sino ba hinahanap mo at kailangan mo pa talagang hanapin sa CCTV ng mall namin?" seryosong tanong ni Harken.
Hindi naman niya gustong magsinungaling sa mga kaibigan pero napag-usapan na nila ni Samarra wala munang makakaalam na kasal na sila.
Umiling siya at umupo sa tabi ni Enzo na tila katulad niya may problema rin ito.
"Okay, kung ayaw mong sabihin naiintindihan ko. Tara na! Pumunta na tayo sa loob ng security room namin." Nagpatiuna nang naglakad si Harken sa kanila.
Mag-aalas diyes na ng gabi halos wala na ring tao sa loob ng mall pero nasa CCTV pa rin silang tatlo nila Harken. Buti nga at hindi nakukulitan sa kaniya ang mga security ng CCTV dahil ilang beses niya ipanapa-zoom ang akala niyang sina Samarra.
Napapagod at sumuko na siya kakahanap kanila Samarra. Kaya naman nang mag-aya sina Harken na umuwi na sila ay napilitan na siyang sumama. Nagbigay na rin siya ng pang meryenda sa mga security na tumulong sa kaniya bagama't magalang na tinanggihan siya ng mga ito. Ay, pinilit niyang ipakuha sa mga ito.
Halos maghahating gabi na siya nakarating sa bahay. Dahil nag-aya ang dalawa na kumain kaya kahit wala siyang gana ay napilitan na rin siyang kumain. Nang makapasok sa loob ganoon na lang ang kaniyang saya. Para bang lahat ng pagod niya nawala nang makita si Samarra sa kanilang living room na nakaupo at mukhang natutulog na ito.
Dahan-dahan niya itong nilapitan. Bakas sa magandang mukha nito ang matinding pagod. Kita niya rin ang maraming paper bag na nakakalat sa mahabang upuan at sa sahig halos mapuno na nga ang buong living room nila sa sobrang dami ng paper bag na nakakalat. Isa-isa niyang tiningnan. Nakalagay sa isang resibo ION Orchard Singapore. Napalunok siya at hindi makapaniwala. Dahil dala ng curiosity lahat ng may resibo ay tingnan niya. Nalulula siya sa presyo sa bawat paper bag.
What the hell! 'Wag nilang sabihin na sa Singapore pa sila namili ng mga damit at gagamitin sa eskwelahan? Kaya pala hindi ko sila makita sa Zafaria mall ang mga ito. Dahil sa Singapore pala nag-mall. Bigla siyang pinagpawisan ng malapot habang binibilang ang mga paper bag na naroon. Mukhang inubos ni Samarra ang laman ng atm niya.
Nasa ganoong ayos siya ng maalimpungatan si Samarra. "Cadden, bakit ngayon ka lang?" tanong ni Samarra habang kinusot-kusot ang mata.
"May pinuntahan lang ako. Ikaw? Bakit dito ka pa sa baba natutulog?" masuyong tanong niya na tila nawala lahat ng pagod at pagkainis na naramdaman niya kanina.
"Hinihintay kasi kita. Hindi pa ako nagdi-dinner." Nakangusong sabi ni Samarra. Gusto niyang matawa sa inaasta ni Samarra na tila batang nagmamaktol sa kaniya. Pero pinipigil lang niya baka mapikon agad ito.
"Ano ba gusto mong kainin?" masuyong tanong niya kay Samarra at tinulungan na tumayo ito sa upuan.
"May dala akong pagkain. Initin mo na lang."
Naiiling si Zachary at inakay si Samarra patungo sa kusina nakita niya ang mga dalang pagkain nito na galing pa sa Singapore. Nang matapos silang kumain ay si Samarra na nag-insists na maghugas ng pinagkainan nila.
Nang matapos maghugas si Samarra ay tinulungan niya itong magbuhat ng mga pinamili. Ang iba ay naiwan nila sa ibaba. Dahil hindi nila kaya ng isang hakutan lang. Habang naglalakad paakyat iniisip na niya na kailangan na niya mag-side line sa hotel para kahit papaano may pera siyang pantustos sa pangangailangan ni Samarra. Kung ganito ito mamili paniguradong mabubutas ang kaniyang bulsa.