Chapter 30 - MOVIE DATE

Umuwang ang bibig ni Samarra sa nakikita. Bahagya niya pang kinurap-kurap ang mata. Rinig niya ang malakas na tibok ng kaniyang puso. Paanong hindi lalakas ang tibok ng kaniyang puso. Napapanood niya lang ang ganitong set-up sa mga nagdi-date.

Bumungad sa kaniyang paningin ang maraming christmas light at mga balloons na nakasabit. May nakalatag na malaking waterbed, comforter at mga unan. Naroon din ang mini-TV at mini-speaker. May mga boxes of pizza, chicken, pasta and drinks. Na nakalagay sa paper bag's Aldama's Resto Bar. Mukhang pinaghandaan ni Zachary ang gabing 'yon. Speechless siya sa ginawa nito ngayon. Isa ito sa pinakamagandang nangyayari sa kaniyang buhay. She didn't expect this. Na may gagawa sa kaniya ng ganito. Pakiramdam niya napaka-special niya.

She felt Zachary's warm hug behind her. She felt him sniffing her neck before whispering

"I hope you like it and thank you for the gift. Sobrang na-appreciate ko talaga 'yon."

Napakagat siya ng kaniyang labi at bahagya niyang itinungo ang kaniyang ulo. Upang mapigilan niya ang nagbabadyang luha sa kaniyang mata. 'Yon lang naman ang gusto niyang marinig kay Zachary kaninang umaga. 'Yong simpleng thank you lang. Okay na sa kaniya 'yon. Plus, factor na lang ang effort na ginawa nito ngayon.

Ipinatong ni Zachary ang baba sa balikat ni Samarra. Ramdam niya nag paninigas ng katawan nito. Tulad niya, hindi niya rin mapaniwalaan na magagawa niya ang ganitong set-up sa itaas ng kanilang bahay. This was the first time he had done this. Even with his girlfriend Claudel, he did not make such an effort. Never in his life na makakagawa siya ng mga crazy things katulad ngayon. Yes, crazy. Hindi naman siya ganito. Kay Samarra lang.

Napapitlag siya ng dumampi ang labi ni Samarra sa kaniyang pisngi. Kitang-kita niya ang pamumula ng mukha nito ng lumayo ng bahagya ang mukha ni Samarra sa kaniya. Simpleng halik lang 'yon pero ibang-iba sa pakiramdam niya.

Hinawakan niya ang baywang ni Samarra at iginiya palapit sa kama na nakalatag sa lapag.

"Manonood tayo ng movie."

"Anong movie naman?" malambing na tanong ni Samarra sa kaniya.

Napangiti siya sa paraan na pakikipag-usap ni Samarra sa kaniya. Bumagay sa mukha nito ang maamong pakikipag-usap sa kaniya. Sana lang hindi muna bumalik ang Wicked Samarra. Pumili siya ng isang action movie. Hindi naman niya alam kung ano ang gusto ni Samarra kaya siya na ang pumili para sa kanila. Pansin niya kay Samarra hindi ito mahilig sa mga romantic movie. Kasi ang wallpaper ng laptop nito at cellphone puro cartoon character ang nakalagay. Awtomatikong lumabas ang kaniyang ngiti ng maalala niya ang underwear nito. Naiiling na tinungo niya kung saan naka-set up ang TV.

Nang matapos niyang ma-set up ang panonoorin binuksan ang mga box ng kanilang kakainin. Tiningnan niya si Samarra. Kitang-kita niya sa mukha nito ang masayang ngiti na umabot sa mata.

"Happy?"

Napapitlag siya ng hawakan ni Samarra ang kaniyang pisngi. "Very much happy. And thank you," ani ni Samarra na sandali lang siya tiningnan at muling itinuon ang tingin sa pagkain.

Nag-umpisa na ang kanilang panonoorin. Pansin niya si Samarra na focus sa panonood, samantalang siya hindi makapag-focus. Paano ba naman nakahilig si Samarra sa kaniyang dibdib. Ang isang kamay nito nasa kaniyang binti at ang isa nasa likod hinihimas ang kaniyang likod. Hindi niya alam kung aware ba si Samarra na kanina pa siya nakakaramdam ng kakaiba sa kanilang pagkakaupo. Napalunok siya ng bumaba ang kaniyang tingin sa labi ni Samarra. Ilang beses na ba natikman ang labi nito? Pero hindi siya nagsasawa na umasam na sana matikman niya muli 'yon.

He groaned. Fuck! Zachary, relax. Focus sa panonood hindi kung ano-ano ang naiisip mo. Kaya kung ano-ano ang nararamdaman mo.

Hinapit niya ng husto si Samarra na wala ng espasyo sa kanilang pagitan. Ang kaniyang kamay ang humahaplos sa mahabang buhok nito. Shit! Hindi talaga siya makapag-focus. Napapikit siya ng maramdaman niyang yumakap si Samarra sa kaniya. Bumigat ang kaniyang paghinga ramdam niya ang dibdib nito na sumasayad sa kaniya. He cursed. He can take it anymore.

Kita niya sa maamong mukha ni Samarra na tila nagulat ito sa kaniyang ginawa. "Where are you going?" takang tanong ni Samarra ng tumayo siya.

"Just keep watching. I'm just going to bathroom." Aniya na hindi na nilingon si Samarra.

Nang makapasok siya sa bahay. Agad siyang dumiretso sa CR na nasa third floor. Hinubad niya agad ang suot niya at tumapat sa shower para puksain ang init na nanunulay sa kaniyang katawan. Fuck! Huling ginawa niya ang ganito noong nasa junior high pa lang siya.

Nang makaramdam ng ginhawa bumaba muna siya sa kanilang kuwarto para kumuha ng damit. At bumalik sa itaas. Kita niyang nakaupo si Samarra focus sa panonood nito. Hindi rin nito naramdaman ang kaniyang presensiya. Dahan-dahan siyang umupo sa tabi ni Samarra.

Napapitlag ito at gulat na lumingon sa kaniya nang yakapin niya ito. "Kanina ka pa ba?"

Tumango at ngumiti lang siya. "Parang gusto ko na magselos kay Christ. Ah," kunwa'y pagtatampo niya. Kita niya sa mukha ni Samarra na tuwing nafo-focus ang male lead character pigil na pigil ang ngiti nito. Animo'y kinikilig. Damn! Bakit naman kasi 'yang movie pa ang sinalang niya.

"'Wag mong pagselosan, mas maganda pa rin ang abs mo d'yan," ani ni Samarra at ngumiti sa kaniya. Tila naman na-off guard siya sa sinabi nito.

"Really? Did you find me attractive kaya ba titig na titig ka sa akin kanina habang nagbibihis ako?"

"Oh, that. Yeah, you're really attractive," pagsasang-ayon ni Samarra na hindi tumitingin sa kaniya.

"Really, Ara?" hindi makapaniwalang tanong niya. Ramdam niya ang mukha niya na nag-iinit. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi ngayon lang ata siya nakaramdam ng kilig. Ang weird dahil marami naman ang nagsasabi sa kaniya ng ganoon pero iba pala 'pag galing kay Samarra.

Ramdam niya ang paggalaw ng balikat nito. Kaya mabilis niyang hinawakan at hinarap sa kaniya. Pigil na pigil ang pagtawa nito. Dahil namumula na ang buong mukha nito.

"What's funny? Pinagti-tripan mo lang ba ako?"

Biglang pinakawalan ni Samarra ang kanina pa nitong pinipigilan na tawa. Ikinagulat niya ang paghalakhak nito. Dahil first time niyang nakita at narinig na tumawa ito nang malakas. Ang tawa nito punong-puno ng buhay. Wala sa personality nito na ganoon ito tumawa. 'Yong tipong wala ng bukas.

"Cadden, gosh! I can't help. Pero nakakatawa talaga ang mukha mo." Pinisil pa nito ang kaniyang ilong.

Napasimangot siya sa narinig kay Samarra. Mukhang tuwang-tuwa kasi ito. Shit! Ano ba kasi ang itsura niya? Bakit ganito na lang makatawa ang babaing ito?

"Okay, I'm sorry," ani ni Samarra nang siguro nito na hindi na siya umiimik.

"Kiss me," aniya.

"Huh?"

"Kiss me, instead of saying sorry. Dali na," pade-demand niya kay Samarra at ipinikit niya ang mata.

Napamulat si Zachary. He was joking. Nang sabihin niya kay Samarra 'yon. At hindi niya inaasahan na tototohanin nito ang sinabi niya. It was a smack pero still. Iba ang effect sa kaniya. Nakita niyang nakatalikod na uli sa kaniya si Samarra.

Gumuhit ang isang ngiti sa kaniyang labi na umabot sa kaniyang mata. Ibang-iba ang pakiramdam niya kay Samarra. Para bang lahat nangyayari sa kanila ay first time niya. Umisod siya ng kaunti para mas mapalapit kay Samarra. Hinila niya ang comforter at ipinatong niya sa kaniyang balikat at niyakap naman niya si Samarra mula sa likuran.