Pagpasok pa lang sa loob ng dalawang pares sa opisina ni Mr. Lucas. Nakaramdam na si Samarra ng kaba. Automatic na naka-focus ang kaniyang tingin sa lalaking nakangiti sa harapan ni Mr. lucas.
"Good morning. Po!" panabay na bati ng dalawa kay Mr. Lucas.
"I'm Jazzy Mae Aquino Salazar," pagpapakilala ng babae.
"I'm Jameson Libit Serrano." Yumuko pa ito pagkatapos magpakilala.
Yes! It's Jameson Serrano. Her personal assistant and bodyguard. Buong akala niya hahayaan siya ng kaniyang ama na mamuhay ng simpleng tao. No, assistant and bodyguard. Naniningkit ang kaniyang mata habang nakatingin sa direksyon nito. Ngunit, kanina pa sadyang iniiwasan ni Jameson na magtama ang kanilang mga mata. Shit! Kung wala lang sina Mr. Lucas at Jazzy Mae. Masasakal niya talaga ito.
Tumikhim si Samarra para makuha ang atensiyon nina Ezekiel at ang lalaking pumasok sa opisina. Ngunit, si Mr. Lucas at 'yong nagngangalang Jazzy Mae lang ang lumingon sa kaniyang gawi. Damn! Kitang-kita niya na iniiwasan ng lalaki na mapatingin sa kaniyang gawi, pati na rin si Ezekiel. Napabuga siya sa hangin sa sobrang inis. Bago ngumiti ng matamis sa harap ni Mr. Lucas.
"Yes, Samarra."
Agad na umiling si Samarra matapos siyang tanungin ni Mr. Lucas. Tumango naman si Mr. Lucas sa kaniya at sumenyas na ipagpapatuloy nito ang pag-briefing sa kausap. Inis niyang binalingan ng tingin si Ezekiel na busy kuno sa pagbabasa ng magazine. Pansin niya na nagkuwa-kunwarian lang ito. Para hindi niya ito matanong.
"Psst!!"
Pagsitsit niya nang mahina kay Ezekiel. Agad naman nag-angat ng tingin si Ezekiel at kumunot ang noo. At tinungo ang ulo na tila nagtatanong kung bakit? Pinadidilatan niya ito ng mata at ininguso ang lalaki na kasama nila sa loob ng opisina. Sinundan ng tingin ni Ezekiel ang kaniyang ininguso. Wala siyang nakita na kaunting pagkabigla sa mukha nito. 'Pagkuwan ay ibinaling ni Ezekiel ang tingin sa kaniya. Sinenyasan niya ito kung ano ba ang ginagawa ni Jameson dito. Nagkibit-balikat lang sa kaniya si Ezekiel at ibinalik ang atensyon sa binabasa kuno nito na magazine. Napabuntong-hininga siya at pilit na pinapakalma ang sarili bago binalingan ang isang magazine sa ibabaw ng lamesa.
Nagulat si Ezekiel ng batuhin niya ito ng magazine. Bakas sa guwapo nitong mukha ang pagkadisgusto nito sa ginawa niya. Well! Wala siyang pakialam kung magalit ito sa kaniya, hanggat hindi nito sinasabi. Kung bakit nandito ang lalake na 'yon sa University.
"What?" naiinis na pabulong ni Ezekiel.
Abah! HB agad? Tiningnan niya lang ito at nginisihan bago kumuha ng isa pang magazine para basahin.
Naririnig niya kung paano mag-briefing si Mr. Lucas sa dalawa. At masasabi niya na magaling ito magsalita. Nakikinig lang siya habang sinasabi ni Mr. Lucas ang rules and regulation ng Stieford University.
"Thank you, Dean Montserrat."
Narinig niyang pasasalamat ng dalawa kaya lumingon siya sa mga ito. Nakita niyang inabot ni Mr. Lucas ang envelop ng dalawa at yumuko pa ang mga ito bago lumabas ng opisina.
"Guy's lets go. Kanina pa naghihintay si Jace sa resto."
Agad na tinungo ni Mr. Lucas ang pintuan. Binuksan 'yon at inantay sila nito na makalabas. Mabilis na tumayo si Ezekiel para alalayan siyang tumayo at kinuha na rin nito ang kaniyang bag. Habang naglalakad sila ni Ezekiel. Napapalatak si Mr. Lucas habang nakatingin sa kanilang kamay na magkasiklop. Kitang-kita niya ang malaking ngisi ni Mr. Lucas habang papalabas sila ng pintuan. Ang tingin nito tila may ibig sabihin na agad naman sinamaan ng tingin ni Ezekiel.
"Don't you dare?"
Napamaang siya na nakatingin kay Mr. Lucas ng tumawa ito nang malakas. Animo'y may nakakatawa sa pagbabanta ni Ezekiel. Palipat-lipat ang kaniyang tingin sa dalawa. Si Ezekiel na matalim ang tingin kay Mr. Lucas at si Mr. Lucas na tila'y tuwang-tuwa sa pang-aasar kay Ezekiel. Hindi niya ma-gets kung ano ang pinagtatalunan ng dalawa. Basta may pakiramdam siya na may kinalaman siya. Pero ayaw niyang magtanong baka mapahiya lang siya. Knowing Ezekiel in denial king 'yon. Napanguso na lang siya sa naiisip niya.
"Samarra?" Mabilis siyang tumingala kay Mr. Lucas.
"Yes, po,"
"Oh. Cut the po and ho. I'm not as old as Ezekiel. Besides, I'm only twenty-five." Tumatango-tango siya sa sinabi ni Mr. Lucas.
"Twenty-five your ass," sabat ni Ezekiel na muling ikinatawa ni Mr. Lucas
"And? Samarra. When were not at the University, you can address me as Lucas or Luke?" Ngumiti siya kay Mr. Lucas. Mukhang mabait naman ang Dean nila. At isa pa, ang cool niyang kasama pala ngiti. Nakaramdam siya ng inggit kasi kahit na mukhang nag-aaway ang dalawa. Alam niya na malalim na ang pinagsamahan ng dalawa based sa mga kilos at galawan ng mga ito.
Napangiwi si Samarra ng maramdaman niyang madiin na pinisil ni Ezekiel ang kaniyang kamay. Mabilis siyang napalingon dito. Kaya kitang-kita niya ang pagngangalit ng bagang nito. Tiningnan niya ito ng masama at pinandilatan na mata. Para ipahiwatig kung bakit siya pinisil sa kamay.
"Don't smile at him." Nangunot ang kaniyang noo sa isinagot ni Ezekiel sa kaniya. Aba! Walang nag-inform sa kaniya na hindi pala puwedeng ngumiti sa ibang tao. Tsk!
"Possessive," narinig niyang bulong ni Mr. Lucas kaya nilingon niya ito.
"Who?" naiintriga niyang bulong kay Mr. Lucas.
"Saamarraa!" Napaigtad siya ng dumadundong ang boses ni Ezekiel. What the hell! Bakit ba siya sumusigaw?
"What," balik na asik niya sa binata.
"Whoa. Come on guys chill lang tayo." Tinapik pa ni Mr. Lucas ang balikat ni Ezekiel.
"Samarra, relax. Nandito na tayo, oh." Natatawang namamagitan si Mr. Lucas sa kanilang dalawa ni Ezekiel.
Huminga siya nang malalim para kalmahin ang sarili. Naramdaman niyang hinawakan pa rin ni Ezekiel ang kaniyang kamay. Hinila niya 'yon. Ngunit, hinigpitan pa rin ng maigi ni Ezekiel na tila ayaw siyang pakawalan. Kaya nagpatianod na lang siya kung saan sila pupunta. Medyo may kalayuan din ang kanilang pinuntahan. Pero hindi naman sila lumabas ng university.
"Welcome sa Monte Filipino Dishes, kung saan masasarap ang mga pagkain na inihahain dito," puno nang pagmamalaki at kumpiyansa na ani ni Mr. Lucas.
"Tsk! Malamang sasabihin mo na masarap d'yan. Ikaw ba naman ang may-ari." Hinila na siya ni Ezekiel papasok sa restaurant. Narinig niya na humalakhak si Mr. Lucas habang nasa likuran nila.
"OMG! Ang mga Prince of Heartthrobs nandito," kinikilig na ani ng isang babae na nadaanan nila.
Naiiling na lang siya sa mga naririnig mukhang sikat ang mga kasama niya. Well! May mga itsura naman talaga.
"Ang tagal niyo naman. Kanina pa ako rito," pagrereklamo ng lalaking nakasuot ng shade, the boy next-door ang datingan.
"Alam mo, Jace. Busy kasi akong tao at maraming kinakausap," pambabara ni Mr. Lucas. At sumenyas sa isang staff.
"Busy, rin ako. Hindi lang ikaw, Luke," inis na sagot nito.
"By the way this is Samarra Miel O'Harra," pagpapakilala ni Ezekiel sa kaniya.
"Jace Lichauco." Tinanggap niya ang kamay na inaalok nito.
Matapos magkumustahan ang tatlo inalalayan na siyang umupo ni Ezekiel. Maya maya inihain na rin ang kanilang pagkain. Isang full pack na Filipino breakfast meal ang nasa harapan nila. Ayon kay Ezekiel the best daw ang tapsi na inihahain dito. Napag-alaman rin niya na magkaklase sang mga ito since kinder. Kaya pala intact ang samahan ng mga ito. Katulad ni Ezekiel may mga sariling kompanya rin ang mga ito. Ang pamilya ni Jace Lichauco ang nagmamay-ari ng sikat na theme park ride na Mazefair Kingdom sa Pilipinas. Habang si Lucas Montserrat ay, isang producer.
"Bro! Si Samarra, estudyante mo sa first subject." Tumatango-tango lang si Mr. Jace sa sinabi ni Ezekiel. Maraming pinag-uusapan ang tatlo habang siya ay, nakikinig lang.
Nang matapos na silang kumain. Ay, agad siyang nagpaalam sa tatlo para makapag-CR. Agad din naman siyang bumalik nang matapos.
"Bro, ikaw na bahala kay Samarra," bilin ni Ezekiel kay Mr. Jace. Na tanging sagot lang ay isang tango. Si Mr. Lucas naman. Nagpaalam na rin na babalik na ito sa opisina nito. Habang panabay silang naglalakad sa mahabang hallway. Marami-rami rin silang napag-usapan hanggang sa huminto sila sa isang room. Naroon sina Jazzy Mae at Jameson.
"Kayo ba 'yong, dalawang transferee." Panabay na tumango ang dalawa kay Prof. Lichauco.
"Good morning," seryosong bati ni Mr. Jace sa mga estudyante. Agad na tumayo ang lahat at balik na bumati ang mga estudyante.
"Good morning, Prof. Lichauco," panabay na bati ng mga estudyante.
"As you can see, may tatlong estudyante pa ang nasa labas. Sila ang mga transferee student. So, I hope maging maayos ang pakikitungo niyo sa kanila." Sinenyasan na sila ni Prof. Jace na pumasok sa loob. Naunang pumasok sa loob si Jazz kasunod si Jameson. Kaya naman malaya niya itong kinurot ng pino sa likod. Hindi naman 'yon ininda ng kaniyang assistant bagkus nilingon pa siya at nginitian.