"Anong nangyayari kay Zach?" Napakunot-noo si Zachary nang marinig niyang nagtanong si Primo kay Jarem. Kasalukuyan kasi silang nasa FR fraternity room. Dito sila nagpupunta 'pag tapos na ang kanilang klase or naghihintay ng next subject. Isang exclusive room na ipinagawa pa ng ama ni Enzo na si Tito Conrad.
"Bakit ako tinatanong mo, bakit hindi si Zachary tanungin mo Primo." Napailing na lang siya sa pagsusuplado ni Jarem. Kilala niya si Jarem ayaw nitong naiistorbo sa pagbabasa.
"Baka naghiwalay na sila ni Claudel." Naningkit ang kaniyang mata, sa narinig na konklusyon ni Enzo.
"Baka pinagalitan 'yan ni Tito Calvin," narinig niyang ani ni Harken.
Agad na napalingon si Zachary sa mga kaibigan. Kung makapag-usap ang mga ito parang wala siya sa harapan ng mga ito. Bakit parang napaka-big deal naman masyado sa mga ito ang hindi niya pag-imik.
"May iniisip lang ako," iritableng wika ni Zachary.
"Wow! Bago 'yan?" Agad niyang sinamaan ng tingin si Enzo sa sinabi nito. Anong akala nito hindi siya nag-iisip. Tsk, napilitan siyang tumayo at napagpasyahan na niyang umuwi.
"Anong sabi mo?" Tumawa nang malakas si Enzo at itinaas ang dalawang kamay. Ganito ito palagi sa kanila. Mang-aasar at mang-aasar talaga. Ang mapikon talo. Tss.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Jarem sa kaniya nang hinayon niya ang pintuan palabas.
"Uuwi tapos na rin naman ang klase ko ngayon."
Paglabas pa lang ni Zachary ng pintuan. Hindi niya maiwasan mapabuntong-hininga. Namomroblema tuloy siya ngayon. Hindi naman niya aakalain na kaya ni Samarra na hindi siya tingnan at kausapin. Kung sa patigasan pala, mas magaling si Samarra. Ilang beses na ba niyang tinangka na kausapin si Samarra pero para lang siyang nakikipag-usap sa hangin. Kahit nga magkasalubong sila tila hindi siya nito nakikita. Urgh! Napatingala siya sa langit at napabuga ng hangin. Bago ipinagpatuloy ang paglalakad at tinungo ang kaniyang kotse na nasa parking lot. Nang makasakay ay agad niyang pinaandar 'yon diretso pauwi sa kanilang bahay. Ganito palagi ang kaniyang routine pagkagising papasok sa school tapos uuwi. Kahit anong pilit ng mga kaibigan niya hindi siya sumasama dahil hindi naman siya mapakali sa kakaisip kay Samarra. Lalo na't may problema sila. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil mainit talaga ang dugo niya sa bago nilang kaklase. Tapos palagi pang nakabuntot kay Samarra. Frustration was written all over his face.
Papasok pa lang si Zachary ng pintuan. Napatda siya sa kaniyang kinatatayuan, hindi niya magawang ihakbang ang kaniyang mga paa papasok sa loob. Mataman niyang tiningnan si Samarra na bumababa ng staircase. Hindi siya nito napapansin dahil hawak nito ang cellphone. Tumikhim siya para makuha ang atensyon ni Samarra at hindi naman siya nabigo dahil tiningnan siya nito. Katulad nang nagdaan na araw blangko lang ang ekspresyon nito at dagli lang siyang tiningnan ni Samarra. Damn! Nakakaramdam siya ng inis pero kasalanan naman niya kung bakit ganoon ito kalamig ang pakikitungo ni Samarra sa kaniya.
Sinundan niya si Samarra hanggang kitchen. Nakita niyang nagbukas ito ng ref na tila may hinahanap. Dahil nakayuko ito nang bahagya at medyo nakatuwad sa gawi niya. Napalunok siya ng umangat ang laylayan ng t-shirt nito.
"I'm sorry, Love," aniya nang yakapin niya si Samarra mula sa likuran nito. Ramdam niya paninigas ng katawan ni Samarra. Kaya mas lalo niya itong hinapit at idikit sa kaniyang katawan. Ang ulo niya ay sumiksik sa leeg ni Samarra. He cursed silently. God knows how much he missed Samarra.
Hindi sumagot si Samarra kay mas lalo niya pang ibinaon ang mukha sa leeg nito. Ang mga braso niya mas ipinulupot niya sa maliit nitong baywang.
"Cadden, I can't breathe," ani ni Samarra at pilit tinatanggal ang kaniyang braso sa baywang nito.
"Cadden, stop." Umiling siya at ibinaon niya lalo ang mukha sa leeg nito.
"Urgh!" daing niya nang sikuhin siya nang malakas ni Samarra sa kaniyang tagiliran. Napasapo siya roon.
"Oh, gosh! I'm sorry, hindi ko sinasadyang mapalakas." Natatarantang wika ni Samarra nang makita siyang napadaing at sapo ang tagiliran. Bingo! Isang brilliant idea ang pumasok sa kaniya.
Pigil ang pagngisi ni Zachary ng mga sandaling 'yon, bakas sa magandang mukha ni Samarra ang pagkataranta nito. Kaya naman mas ginalingan niya pa ang pag-acting.
"Urgh! It's a fucking hurt." Umupo siya at sinapo ang tagiliran.
"Oh, Cadden, saan masakit? Wait, d'yan ka lang. Dadalhin kita sa hospital." Natatarantang tumayo si Samarra at akmang aalis na ito nang hawakan niya ito sa kamay.
"Don't go," kunwa'y nahihirapan niyang wika.
"Okay, what do you want," masuyong tanong ni Samarra at lumuhod ito. Napapikit pa siya sa sobrang lapit ng mukha ni Samarra sa kaniya. Damn! Kailangan panindigan niya na masakit. Kung alam lang niya na magiging ganoon si Samarra. Sana pala nagsakit-sakitan na siya noong umpisa pa lang.
"Cadden, are you okay?" Napamulat siya ng mata nang tapikin ni Samarra ang kaniyang pisngi. Kita at ramdam niya ang pag-aalala nito sa kaniya. Tumango siya at dumaing.
"I'm sorry. Kaya mo bang tumayo? Gusto mo bang dalhin kita sa hospital? O, ano?" sunod-sunod na tanong ni Samarra sa kaniya.
"I'm okay." At nagpatianod na lang siya nang tulungan siya ni Samarra tumayo. Hawak niya ang kaniyang tagiliran at si Samarra halos nakayakap na sa kaniya habang panabay silang naglalakad patungo sa living room.
"Gosh! Cadden. You're so heavy," reklamo ni Samarra nang tulungan siyang umupo sa sofa. Napangiti siya dahil pinagpawisan si Samarra at pasalampak umupo sa sofa na katabi niya. Pinagmasdan niya si Samarra na nakapikit at hinihilot-hilot nito ang ulo.
"Tired?" masuyong tanong niya kay Samarra.
"Hmm," sagot nito na hindi iminumulat ang mata.
"I'm sorry," Napamulat si Samarra sa sinabi niya at umayos itong umupo.
"I'm-" Naputol ang lahat ng kaniyang sasabihin nang ilagay ni Samarra ang hintuturo sa kaniyang labi.
"You're forgiven," nakangiting wika ni Samarra. Damn! Ganoon lang 'yon? Akala niya pahihirapan siya ni Samarra.
Mabilis niyang ikinulong sa kaniyang bisig si Samarra. Napahugot siya ng kaniyang hininga nang yakapin din siya ni Samarra pabalik. Halos nakadapa na ang buong katawan nito sa kaniya. Matagal din sila sa ganoong ayos.
"Love," aniya habang hinahaplos-haplos niya ang buhok nit.
"Hmm,"
"Do you like Jameson?" Napatingala sa kaniya si Samarra bakas sa mukha nito ang pagkabigla.
"What? Are you nuts?" Napaayos ito nang upo at lumayo sa kaniya.
"Calm down, I'm just asking?" Pilit niyang hinihila si Samarra nang lumayo ito sa kaniya.
"Of course not," mabilis na tanggi ni Samarra.
Tiningnan niyang mabuti ang mata nito at alam niyang nagsasabi ito nang totoo. Ewan, niya pero mas gumaan ang kaniyang pakiramdam sa sagot nito.
"Okay, come closer." Umisod si Samarra palapit sa kaniya pero hinila niya ito sa kandungan niya.
"Cadde-" Hindi na natapos ni Samarra ang sasabihin nang hagkan niya ang labi nito. He kissed aggressively. Napangiti siya sa pagitan ng halikan nila. She knows how to fight back to his kisses with the same ferocity. Natigil sila nang mapangapusan sila ng hininga.
"Love,"
"Oh, gosh!" Napangisi siya nang ibinaon ni Samarra ang mukha sa leeg niya. Damn!
"Love, you know how to kiss me back," he teased.
"Love, urgh! Fuck!" Napangiwi siya nang kagatin ni Samarra ang kaniyang balikat.
"Stop teasing me, Cadden," gigil na bulong ni Samarra sa kaniyang tainga.
Napahalakhak siya sa sinabi ni Samarra. This is the great day for him. Hindi niya aakalain na simpleng sorry niya lang. Papatawarin agad siya ni Samarra.