Chapter 42 - IMPRESS

Habang nagsasalita si Samarra sa harapan hindi maiwasan ni Zachary ang ma-impress. Masyado itong magaling magsalita at magpaliwanag. Confident at alam na alam kung ano ang gusto nitong gawain at ipahayag sa meeting as CAO. Ngayon, lang niya nakita na ganoon si Samarra. Ibang-iba ang Samarra na kaharap niya ngayon kumpara sa bahay nila. Kaya naiintindihan na niya kung bakit ibinigay ng kaniyang ama ang mataas na position kay Samarra. Sa totoo lang. Ngayon, na nakaharap na niya ito at nalaman niya kung gaano ito kagaling. Ramdam niya ang hiya at panliliit sa sarili. Hiyang-hiya siya. Dahil siya ang lalaki pero parang si Samarra pa ata ang bubuhay sa kanila. Kaya pala unang kita niya pa lang niya ay nakaka-intimidate na ito. At ganoon na lang pag-push ng kaniyang magulang na si Samarra ang dapat niyang mapangasawa. He's already aware of what's going on. Hindi iilang beses na napanganga ang mga kaharap kay Samarra. As eighteen years old. Malayong-malayo na ito kumpara sa kaedaran nito. Ang iba ay, tanging pagpapaganda at pag-gimik lang ang inaatupag. Si Samarra umiikot lang ang buhay sa eskwelahan at trabaho. Napabuntong-hininga si Zachary nang matapos si Samarra. Masaya siya sa achievement ni Samarra pero nangangamba siya, baka sa sobrang layo na nito hindi na siya makita. Damn! Zachary, what are you thinking? Akala ko ba gusto mong hiwalayan si Samarra 'pag nakuha mo na ang mana mo? Epal ng kaniyang isip. Gulong-gulo siya sa nangyayari, sa tuwing nasa malapit si Samarra 'yong puso niya nagkakarambulan. Am I in love? Do I love her?

Nang matapos ang meeting pansin ni Samarra ang pananahimik ni Zachary. Kibuin-dili siya ni Zachary hanggang sa lumabas sila ng conference room. Bagama't hawak nito ang kaniyang kamay pero ang isip nito ay tila bang nililipad ng hangin. Hindi ito nagsasalita at nakatingin lang sa mga tao.

"Are you okay?"

Tumango lang ito sa kaniya at isa-isang kinakamayan ang mga board member na nais makipagkamay sa kanila. Ramdam ni Samarra na may kakaiba kay Zachary. Alam niya rin na first time nito na um-attend ng ganitong uri ng meeting. Pinisil niya ang kamay nito para makuha ang atensyon nito.

"I'm okay, no worries."

May gusto pa sanang itanong si Samarra ngunit pinili na lang niyang tumahimik dahil pansin niyang papalapit sa kanila si Daddy Calvin at may kasamang dalawang nagguguwapuhang dalawang lalaki. Tantya niya nasa mga mid-forties ang mga ito.

"Sam, congratulation. Iha, you made it. I'm so impress. Nagmana ka talaga kay Frost, kaya hindi talaga ako nagkamaling pumili ng position na ibinigay sa'yo. Alam kong kayang-kaya mo, at mahusay kang magsalita, at buti naman nahikayat mo si Zachary na sumama sa'yo," nakangiting wika ni Daddy Calvin pagkatapos siyang yakapin. Alam naman ni Samarra na hindi maiiwasan na ikumpara siya sa kaniyang ama. Pero, kung sa galing lang ay wala siyang binatbat sa ama niya. Napakunot-noo si Samarra nang mapansin niyang nasa gawing likuran niya si Zachary.

"Thank you, po Dad."

"Oh, by the way, this is Kennedy Zafa. He is the owner of Zafaria Mall and the man next to me is Vincent Escaler, owner of Villa Escaler."

Ngumiti at nakipagkamay si Samarra sa mga kaharap. Alam niya ang dalawang nasa harap niya ay hindi basta-bastang tao. Dahil di-iilang beses na niya ito nakikita sa mga pagtitipon na dinadaluhan ng kaniyang magulang. Hindi lang sila nagkakaroon ng pagkakataon na makilala ng personal. Pero masasabi niya na ang dalawang kaharap niya ay mahusay sa negosyo.

"Hi, I'm Samarra Miel,"

"Oh, you have the most adorable smile, little girl. I had no idea Frost had a daughter like you. Do you have a boyfriend?" nakangiting tanong ni Mr. Zafa sa kaniya.

"I don't-" hindi pa natatapos ang sasabihin ni Samarra nang maramdaman niyang may kumurot sa kaniyang likod. Agad siyang lumingon at nakita niya si Zachary na pinandidilatan siya ng mata. Tila bang nagbabanta na ayusin niya ang sagot. Tsk, hindi pa nga natatapos ang sasabihin niya.

"You don't have a boyfriend, do you?" Napalunok si Samarra tila bang na-hot seat siya ngayon.

"I don't have a boyfriend because I'm married." Alanganin na napangiti si Samarra sa mga kaharap. Kita niya na bahagyang napaawang ang mga bibig nito. Siguro, dahil masyado pa siyang bata para sa pag-aasawa kaya nagulat ang mga ito.

"Oh, I didn't know; I assumed you were single because I have a son, but in any case, who is the lucky guy?" Napangiti si Samara sa tanong ni Mr. Zafa. Mabilis siyang lumingon sa kaniyang likod at hinila ang kamay ni Zachary.

"This is Zachary, my husband." Alam ni Samarra na kakilala ng mga ito si Zachary pero wala siyang idea kung may alam ba o wala ang mga ito.

"Oh, Kumpadre, hindi ko alam na ikinasal na itong si Zach,"

"Ah, kinasal na sila last month. Medyo biglaan kaya at sa huwes lang pero after their graduation magpapakasal din sila sa simbahan,"

"Yes, Tito Ken. Kukunin po namin kayo na Ninong sa kasal at kayo rin po Tito Vincent. Para naman may sasagot na sa aming honeymoon trip to New Zealand." Napamaang si Samarra sa isinagot ni Zachary kay Mr. Zafa. Kung titingnan niya si Zachary parang sigurado ito sa binibitawan na salita.

"Sagot ko na nag honeymoon niyo, kahit saang bansa pa." Nakangising at tinapik si Zachary ni Mr. Escaler. Hindi malaman ni Samarra ang sasabihin kaya ngumiti lang siya at tumahimik.

"Mauuna na kaming dalawa. Zach, 'pag may time kayo ni Samarra bumisita kayo sa bahay." Nakangiti lang si Samarra at yumuko. Ramdam niya ang pag-iinit ng kaniyang pisngi. Ini-invite sila ni Mr. Escaler sa bahay nito. Ang nagmamay-ari ng buong Villa Escaler.

"Yes, Tito Vincent. Ingat po kayo ni Tito Ken,"

"Son, Samarra. Mauuna na rin ako,"

"Dad, aalis na rin po kami, okay lang po ba?" Nakangiting tumango si Daddy Calvin sa kanila.

"No, worries. Saturday naman kaya wala namang problema. At wala rin naman talagang office ngayon. Nagkaroon lang tayo ng emergency meeting lang tayo kaya narito tayong lahat. At sa bahay kayo ni Zach magdi-dinner." Tumango sila at pinaunan na nilang umalis si Daddy Calvin.

"Let's go." Tumango at nagpatianod na lang si Zachary nang hawakan siya ni Samarra sa kamay. Habang naglalakad pansin niya na dalawa na lang sila ni Samarra.

"Where's Jameson?" Napakunot-noo siya nang makitang ngumisi si Samarra. And he knew what kind of smile that was.

"What?" naiirita niyang tanong. Ang ngisi ni Samarra ay unti-unting napalitan nang halakhak.

"You missed my bodyguard?" wika ni Samarra sa pagitan ng halakhak nito. What? Na-miss hindi ba puwedeng nagtatanong? Damn! Ano akala nito bakla siya? Sinamaan niya ito ng tingin wala pa rin tigil ito sa pagtawa. Nakakainis na ito, ah.

Nang hindi pa rin tumitigil sa pagtawa si Samarra ay agad na hinapit ni Zachary ang baywang nito at ang isang kamay niya ay awtomatikong inilagay sa batok nito. Para palalimin ang kanilang halik. Kitang-kita niya ang mata ni Samarra na namimilog tila bang hindi nito inaasahan ang nangyari. My sweetest punishment, aniya sa isip.

Tila naman natulos si Zachary nang kusang umangat ang kamay ni Samarra at inilagay sa kaniyang balikat. Tinugon nito ang kaniyang halik nang walang pag-aalinlangan. Nasa ganoon sila nang biglang bumukas ang elevator. Laglag ang panga ng mga nakakita na tila bang nakapanood ng live show.