Kanina pa hindi mapakali si Zachary sa upuan. Nandito siya ngayon sa kanilang bahay at kanina niya inaantay si Samarra. Tapos na rin siyang magluto ng kanilang dinner dahil buong akala niya nauna ito sa kaniya umuwi. Napabuntong-hininga siya at ipinikit ang mata.
"Zach, pupunta kami sa hospital bago umuwi," ani ni Jarem sa kaniya na mabilis siyang umiling dahil kung sasama pa siya baka gabihin na siya masyado. Dahil ang plano niya pumunta muna sa kompanya ng kaniyang ama.
"I can't dahil pinapunta pa ako ni Dad sa office niya, pasensya na Primo pero dadaan ako bukas bago pumasok," paghingi niya ng pasensya kay Primo dahil ang kambal nito na si Ivo na kaibigan din nila ay nasa hospital pa rin. Walang may alam kung kailan ito magigising.
Habang patungo siya sa parking lot panay ang lingon niya. Nagbabakasali kasi siya na makita si Samarra pero hanggang sa makarating siya sa kaniyang kotse. Walang Samarra siyang nakita. Huling kita niya pa kay Samarra sa Pizza House pa, pero after nun. Hindi na niya ito nakita.
Habang nagmamaneho saka niya lang naalala na kailangan makuha niya ang cellphone number ni Samarra. Naiiling siya habang naka-focus sa pagda-drive agad din siyang nakarating sa Buenavista Corporation. Gusto niyang makausap ang ama regarding sa pag-side line niya sa kompanya. Gusto niyang mag-ipon para sa kanila ni Samarra. Ewan ba niya simula nang makita niya itong mamili. Na-realize niya na dapat magsumikap siya nang husto.
"Sir Zach, may meeting pa si Sir Calvin. Pero nagbilin po siya na kapag dumating po kayo dumiretso na po kayo sa loob," ani ni Cherry ang secretary ni Dad.
"Thank you, Ate Cherry," aniya at dumiretso na sa loob ng opisina ng kaniyang ama.
Umupo si Zachary sa sofa na nasa loob ng opisina ng kaniyang ama. Habang naghihintay naagaw ang kaniyang atensyon sa isang international magazine The Phenom. Ang cover nito ay isang babae na naka-vintage hat fascinator na tanging labi lang ang nakikita. Habang tinitingnan niya ito biglang kumabog ang puso niya.
"For the past two years, the drag racing queen has been missing." Mabilis niyang binuklat ang magazine para basahin. Hindi naman siya mahilig sa sports o kahit sa mga car racing pero sa hindi niya malaman na dahilan. Gustong-gusto niyang malaman kung sino ang tinaguriang queen of drag racing.
"Nobody knows why 'Ms. Oh' is no longer taking part in the car racing competition."
Binasa niya ang magazine bawat pahinang binubuklat niya. Tila dinala siya sa mundo nito. Ganoon na lang ang kaniyang paghanga nang malaman niya na bata pa ang queen of drag racing. Dahil nag-umpisa ito was thirteen at sunod-sunod ang pagkapanalo nito.
"Son."
Biglang nag-angat ang kaniyang tingin nang makita ang ama na papasok sa loob ng opisina. Kaya mabilis siyang tumayo at nagmano.
"Dad." Tumango si Daddy Calvin sa kaniya at tumingin sa hawak niyang magazine.
"Binasa mo 'yan?" nakangiting tanong ni Daddy Calvin sa kaniya.
"Yes, Dad. Para mawala naman po ang pagkabagot ko," aniya at tumango naman si Daddy Calvin sa kaniya at tinuro ang visitor chair sa kaniya. Agad naman siyang umupo.
"Ano ang kailangan mo?" diretsuhang tanong ni Daddy Calvin sa kaniya.
"Dad, I need a job. 'Yong puwede po sa schedule ko." Kita niya ang pagkunot-noo ng kaniyang Daddy Calvin tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"What?"
"Dad, ang sabi ko po kailangan ko ng trabaho,"
"Why did you suddenly change your mind?"
"Because I want Samarra to have a good life," diretsong sagot niya kay Daddy Calvin.
Tumango-tango ang kaniyang Daddy Calvin at tila nasisiyahan sa isinagot niya. At tiningnan siyang mabuti.
"Why not just start your own business? I can make you a lend money, at least hawak mo pa ang oras mo. Tapos makakapag-focus ka pa sa pag-aaral mo."
Natahimik siya sa mungkahi ng kaniyang ama. Puwede rin naman kaso. What if he doesn't succeed? Hindi niya kaya 'yon. Ayaw niyang mapahiya sa kaniyang ama lalo na kay Samarra.
"I'll think about it. Dad." Tumango naman ito na tila naiintindihan siya.
"Sabi ng Mommy Lorraine mo sa bahay na kayo mag-dinner ni Samarra sa Saturday." Tumango siya sa kaniyang ama at nagpaalam ayaw niyang gabihin siya ng uwi.
Napadilat si Zachary nang makarinig ng paghinto ng sasakyan. Ewan niya kung bakit narinig niya 'yon samantalang napakalayo ng gate nila sa mismong pintuan nila. Mabilis siyang tumayo at binuksan ang pintuan. Ganoon na lang ang pagsalubong ng kaniyang kilay. Mula sa kaniyang kinatatayuan, kitang-kita niya na inalalayan si Samarra na bumaba ng sasakyan. Damn! Hindi niya makakalimutan ang mukha na 'yon. Malalaki at mabilis niyang hinayon ang gate para puntahan salubungin si Samarra.
"Samarra!!"
Mabilis na napalingon si Samarra sa pinanggalingan ng boses. Napakunot-noo siya habang nakatingin kay Zachary. Tsk, problema niya? Kitang-kita niya sa mukha nito na galit at namumula. Kabisado na niya si Zachary paggalit ito halos mag-isang kilay ito.
Halos mawalan ng panimbang si Samarra nang basta na lang siya hinila ni Zachary sa pagkakahawak ni Jameson sa kaniya. What the hell! Gustong-gusto niyang hampasin ito kaso nasa harapan pa nila si Jameson.
"I'm Zachary Buenavista, her husband." Maang na napatingin si Samarra kay Zachary habang nagpapakilala ito kay Jameson.
"Jameson, Pare," ani ni Jameson at tumingin sa gawi niya.
"I think you should leave." Napabuga ng hangin si Samarra sa lantarang pagpapaalis ni Zachary kay Jameson. Pero pinili niyang manahimik dahil ayaw niyang sa harapan pa sila ni Jameson magtalo. Nakakaunawang ngumiti sa kaniya si Jameson.
"Ms. Samarra, aalis na ako." Tumango lang si Samarra at nagpasalamat sa kaniyang assistant.
Nang makaalis si Jameson. Inis na tinanggal niya ang kamay ni Zachary sa kaniyang baywang. At nagpatiunang maglakad papasok sa loob ng bahay.
"What's wrong with you," hindi mapigilan ni Samarra na mapataas ng boses nang makapasok sila sa loob ng bahay. Ang kaniyang white coat at bag kasama ang damit niya kanina sa school ay basta na lang niya hinagis sa sofa.
"What's wrong with me? Or what's wrong with you? Samarra may asawa kang tao tapos nakikipaglandian ka sa iba. At umuwi ka pa ng late."
Naningkit ang mga mata ni Samarra sa sinabi ni Zachary sa kaniya. What? Naglalandi? Alam ba nito kung saan siya galing para sabihin ang mga ganoong bagay sa kaniya. Pagkatapos ng kaniyang klase dumiretso na siya sa Buenavista Corporation para tumulong sa kompanya tapos ganito sasabihin niya. Naiiling si Samarra at pilit pinapakalma ang sarili. Pagod siya at ang gusto niya kumain at magpahinga pero ganito ang isinalubong sa kaniya ni Zachary.
"Watch your language," may diin at tigas ang tinig ni Samarra. Kung galit ito hindi niya alam pero sana hindi ito naging bastos sa harapan ng kaniyang assistant.
Napabuga ng hangin si Zachary nang makita niya ang galit sa mukha ni Samarra. Frustrated ang mukha nito habang nagpalakad-lakad sa kaniyang harapan. Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo nang mapansin niya ang suot ni Samarra. Naka-long sleeve dress bodycon na kulay black ito, na hanggang tuhod ang haba. Na pinarisan na black stilettoes na parang mga four-inch ang taas. Lumabas ang kurba ng katawan nito. He cursed silently iniisip niya pa lang na kasama nito ang lalaki kanina. It makes his blood boil. Damn!
Nakita niyang pinulot ni Samarra ang gamit nito sa sofa at basta na lang siya tinalikuran. Gusto niyang habulin ito at humingi ng sorry pero tila napako na siya sa kaniyang kinatatayuan.