Chapter 35 - CLASSMATE

Kamuntikan nang mabitawan ni Zachary ang hawak na cellphone. Nang papasukin ni Prof. Lichauco ang tatlong estudyante. Wala sa dalawang nauna ang kaniyang atensyon kundi sa pang huling tao na pumasok sa loob. Napigil niya ang kaniyang paghinga ng mga sandaling 'yon. What she's doing here? Kaya ba nang magising siya kanina wala na ito?

Nagising si Zachary sa sunod-sunod na pag-ring kaniyang cellphone. Kinapa-kapa niya lang 'yon habang nakapikit pa.

"Hello," bungad niya nang sagutin ang tumatawag sa kabilang linya.

"Hello ka rin, damn! Zach, gumising ka na nga. Pupunta pa tayo sa hospital bago tayo papasok. Sige na, maligo ka na." ani ni Jarem sa kabilang linya.

Napasapo siya ng kaniyang ulo. Bakit ba niya nakalimutan na kailangan maaga sila ngayon? Ganito sila 'pag first day of school, sabay-sabay silang papasok sa eskwelahan. Kaibahan lang, hindi nila kasama si Ivo ngayon. Dahil comatose pa rin ito hanggang ngayon sa hospital. Kaya napag-usapan nila na sabay-sabay silang dadalaw bago pumasok sa University.

Tiningnan niya ang orasan na nasa gilid ng kama. Six forty-five in the morning. Agad napakunot ang kaniyang noo. Nang hindi niya makita si Samarra sa kama. Dali-dali siyang bumangon para tingnan kung nasaan ito. Una niyang pinunta6han ang CR, ngunit wala ito. Patakbo siyang bumaba ng staircase at hinayon ang kitchen ngunit isang sticky note lang ang napansin niyang nakadikit sa thermos tumbler.

Zach,

K.

Samarra.

Napailing na lang siya sa sinulat ni Samarra. Pag-iisipin pa siya ni Samarra kung ano 'yong K na isinulat. Kahit ata sa pagsusulat tamad pa rin. Binuksan na niya ang nakatakip na pagkain na niluto ni Samarra para sa kaniya. Ganoon na lang ang kaniyang pagngiti nang makita ang pagkain na niluto nito para sa kaniya.

Pinagmasdan niya ito mula ulo hanggang paa. Mula sa mahaba nitong buhok na wavy ay maayos na nakatirintas sa magkabilang gilid. Nakasuot ito ng simpleng polo shirt black at khaki brown pants. Pinarisan ng black sneakers. Hindi niya aakalain na simpleng kasuotan nito. Nag-uumapaw pa rin ang kagandahan nitong taglay. Ganoon na lang ang pagkunot ng kaniyang noo. Nang makita itong nakasuot ng malaking eyeglasses. Disguise? Probably not, because it's suited for her.

"Damn! My super B. I love her style; it's suit for her." Mabilis siyang napabaling ng tingin kay Enzo. Panay ang bulong nito kay Harken habang nakatingin sa unahan. Sila lang kasi ang magkakatabi na upuan sa hulihan. Sina Jarem at Vince ay mas pinili sa bandang gitna umupo.

"Who?" patay-malisya niyang tanong pero may pakiramdam na siya kung sino ang ibig nitong tukuyin. Gusto niya lang kumpirmahin kung tama ang kaniyang hinala. Ayaw naman niyang mag-assume dahil dalawa ang babaing nakatayo sa unahan.

"The one, wearing a black polo shirt," ani ni Enzo na walang kakurap-kurap sa pagkakatingin sa kaniyang asawa. Damn! Gusto niyang suntukin ang mukha ni Enzo sa uri ng pagkakatingin nito. Napahugot siya ng kaniyang hininga at pilit niyang pinapakalma ang sarili.

"Introduce yourself to them." Naagaw ang kaniyang atensyon nang magsalita muling si Prof. Lichauco.

"Hi! I'm Jazzy Mae Salazar,"

"I'm Jameson Serrano."

"I'm Samarra Miel O' Ha-"

Na-interrupt ang sasabihin ni Samarra. Nang biglang tumayo ang dalawang lalaki sa bandang likuran. Lahat ng tao ay napalingon doon kaya naman, maski siya ay hindi rin napigilan tumingin. Ganoon na lang pagsinghap niya ng mapasino ang tao na mataman na nakatingin sa kaniya. Wala sa dalawang lalaki ang atensyon niya kundi sa lalaking nakatingin rin sa kaniya. Walang bakas na ngiti sa guwapo nitong mukha. Malayo sa Zachary na nakasama niya sa bahay, wala ang pilyong ngiti nito. Saglit lang siya natigilan at pina-blangko niya ang kaniyang expression.

"What's going on, you two?" tanong ni Prof. Lichauco sa dalawa lalaki na panabay na umiling.

"Ah, kayong tatlo maaari na kayong umupo kahit saan niyo gustong umupo," ani ni Prof. Lichauco sa kanilang tatlo.

Naunang naglakad si Jazzy na umupo sa pangalawang row. Si Jameson naman mas pinili ang sa hulihan. Habang si Samarra iniisip kung saan siya maaaring umupo na malayo kay Zachary. Pinili niyang umupo sa tabi ng isang lalaki na nakayuko sa desk na tila natutulog.

"Gosh! That bitch, kay Vince pa talaga siya tatabi," narinig niyang sabi ng isang babae bago siya umupo.

"Sam, si Mr. Escaler ba 'yang natutulog?" tanong ni Prof. Jace sa kaniya. Nagkibit-balikat lang siya dahil hindi naman niya kilala kung sino ang tinutukoy nito.

"Okay, dahil sa mabait ako ngayon at first day-" hindi pa natatapos magsalita si Prof. Lichauco naghiyawan na ang mga estudyante.

Tumango si Prof. Lichauco. "Dahil masaya kayo, mayroon tayong surprise quiz. Actually, short quiz lang ito. 'Pag natapos na kayo puwede na kayong lumabas."

Biglang natahimik ang mga estudyante sa sinabi ni Prof. Lichauco. Ang hiyawan napalitan nang katahimikan. Habang inaabot ni Prof. Lichauco ang test questioner. Si Zachary panaka-nakang sumusulyap kay Samarra.

Tiningnan ni Samarra ang kaniyang bag pero hindi niya makita ang kaniyang ballpen. Shit! Hindi kaya naiwanan niya sa office ni Mr. Montserrat kanina? Tiningnan ni Samarra ang kaniyang katabi. No choice siya kundi ang gisingin ito at hiraman ng ballpen.

Habang nagsumasagot ng quiz si Zachary. Hindi niya maiwasan na mapalingon sa gawi ni Samarra. Pinagmamasdan niya ito habang naghahalungkat sa bag. Ano ba ang hinahanap ng babaing 'yon? Napakunot-noo siya nang gisingin nito si Vince. Gusto niya sanang sawayin ito pero huli na. Knowing Vince ayaw na ayaw nito na ginigising ito.

"Hey," ani ni Samarra at niyugyog ng bahagya ang katabing lalaki.

"You!" panabay pa nilang bigkas nang mapasino ang lalaki 'yon. Napalingon ang iba nilang kaklase.

"Samarra, right?" Napatango siya sa sinabi ng lalaki. Hindi niya matandaan kung ano ang pangalan nito.

"Do you have extra ballpen?" Tumango ito at may kinuha sa bulsa ng pantalon at binigay sa kaniya.

"Thank you." Kinuha niya ang ballpen na binigay nito.

Mabilis tinapos ni Samarra ang quiz na binigay sa kanila. Tumayo na siya para ibigay ang kaniyang papel kay Prof. Jace.

"Excuse me," aniya sa katabi para makadaan siya.

"Tapos ka na?" Tumango siya at ibinalik ang ballpen na hiniram niya rito.

"Thank you." At naglakad na siya patungo sa harapan.

"Tapos na siya?" narinig niya nang dumaan siya.

"O, Samarra," ani ni Prof. Lichauco at kinuha nito ang answer sheet niya. Nakita niyang tumatango-tango ito at tumingin sa relo na suot.

"Okay, puwede ka ng lumabas." Tumango si Samarra at dumiretso lumabas ng classroom.

Habang naglalakad si Samarra sa hallway hindi niya maiwasan na mapangiti. Naaalala niya kung paano natigilan si Zachary habang nakatingin sa kaniya. Iniisip niya kung nakakain ba ito kanina. Kung nabasa ba nito ang kaniyang isinulat.

"Samarra Miel!!" Napalingon siya sa taong nagbigkas ng buong pangalan niya. Kunot-noo niyang pinagmasdan ang babae na humahangos na tumakbo palapit sa kaniya. Kasunod nito ang si Jameson.

"Beshy." Napapitlag siya ng ipinulupot ni Jazz ang mga kamay nito sa kaniyang braso. Never pang may humawak sa kaniya ng ganoon.

"Tapos na rin kayo?" tanong ni Samarra sa dalawa.

"Yes, beshy. Gosh! Dinugo ata ako sa pagsagot," ani Jazz bagama't naguguluhan siya sa tawag nito sa kaniya at sa paraan na paghawak nito ay hinayaan na lang niya. Si Jameson naman ay nakatingin lang sa kanila.

"Saan pala ang punta niyo?" pagkuwan na tanong ni Samarra.

"Sa canteen, 'di ba? Mamaya pang eleven ang susunod natin na klase. Para naman magkakakilala naman tayong tatlo. Tutal iisang course lang naman tayo," ani ni Jazz sa kanila ni Jameson. Gusto niyang matawa sa sinabi nito dahil ang totoo. Magkakilala sila ni Jameson, ito lang ang hindi, sabagay wala naman masama kung may makasama siyang ibang tao.

"Ms. Samarra, mukhang okay naman ang sinabi ni Ms. Jazz," singit na wika ni Jameson wari bang nababasa nito ang kaniyang naiisip. Kaya tumango na siya bilang pagsang-ayon sa mga ito.

"Yes!" hiyaw ni Jazz at kumapit sa kanila ni Jameson.

Napapangiti na lang siya at naiiling dahil first time niyang magkaroon ng kakilala na makulit at madaldal. Sa buong umaga na kasama niya si Jazz at Jameson, hindi na rin niya mabilang kung ilang beses siyang napapangiti sa mga kuwento nito. Parang sa kanilang tatlo, ito lang ang nagsasalita sa kanila.

"Ahm, Samarra alam mo parang nakita na kita?" pagkuwan na tanong ni Jazz. Kasalukuyan kasing nasa Pizza House na nasa loob ng University. Ang gusto kasi ni Jazz sa canteen pero dahil ayaw niya ng maraming tao kaya naghanap pa sila ng iba.

"Really?" Tumango si Jazz at humawak pa sa baba nito animo'y iniisip kung saan siya nito nakita.

"Baka kamukha niya lang," sabat ni Jameson.

"Baka nga, teka lang? Jowa mo 'yong boylet kanina?" tanong ni Jazz sa kaniya.

"Jowa?" Kunot-noo niyang tanong kay Jazz. Hindi niya ma-gets kung ano ang ibig nitong tukuyin.

"Jowa? As in jowable, boyfriend, nobyo. Ganern! 'Di ba? May kasama kang guwapo kanina?" pagpapaintindi ni Jazz na tanong sa kaniya.

"Ahh, hindi ko jowa 'yon at wala akong jowa," kaila niya kay Jazz. Dahil ang totoo. I'm married. Gusto niya sanang sabihin 'yon kay Jazz pero hindi niya na nagawa.

"Jameson, ikaw ma-" hindi pa natatapos magtanong ni Jazz ay umiling na agad si Jameson.

"O, sa guwapo mong 'yan? As in wala ka rin jowa?" Ngumiti at tumango lang si Jameson sa sinabi ni Jazz.

"SF pala tayo?" nalulungkot na wika ni Jazz sa kanila.

"SF?" takang tanong naman ni Jameson.

"Single Forever," masayang bulaslas ni Jazz sa kanila kaya hindi rin nila maiwasan ni Jameson ang matawa.