Inis na bumaba si Samarra at hinayon ang kusina para makainom ng tubig. Pilit niyang pinapakalma ang sarili sa ginawang pagtanggi ni Zachary sa kaniyang binigay. Wala naman siyang nakikitang masama kung bigyan niya ito ng regalo. Mag-asawa naman sila at isa pa late wedding gift na nga 'yon. Napanood niya kasi sa CHUM'S na dapat bago ikasal ang dalawang tao may gift ito para sa isa't isa. Kaya naman ng malaman niya na sa Singapore ang punta nila ni Ezekiel ay agad siyang nag-search kung ano ba kadalasan ibinibigay ng bride sa groom at nasa top list ang watch. Kaya naman kahit pagod at gutom sila ay hindi niya ininda 'yon kahapon. Ang importante ay mapuntahan nila ang Marina Square para makabili ng latest watch. Tapos ibabalik lang sa kaniya. Hindi man lang magpasalamat. She felt rejected at never niya pang naranasan 'yon. Ngayon lang.
Inis niyang ibinagsak ang baso at nagpalakad-lakad sa loob ng kusina. Ganito siya kapag hindi nakakalma, kailangan niyang maglakad-lakad para makapag-isip ng matino. Nang hindi makalma si Samarra napagpasyahan na lang niyang magkulong sa study room. Tumawag muna siya sa kaniyang magulang. Nang matapos makipag-usap. Hinarap na niya ang kaniyang laptop at inasikaso ang mga naiwang trabaho. Mag-iisang buwan na rin niyang hindi naaasikaso ang kaniyang mga business though may tiwala naman siya sa pamamalakad nina Ezekiel at Jameson. Pero hindi pa rin sapat kung iaasa niya lang ang lahat. Tutal, may dalawang araw pa siya bago mag-umpisa ang pasukan.
Inabala niya ang buong umaga niya sa pagtra-trabaho at pages-sent ng mga emails kanila Ezekiel at Jameson. Nagbigay na rin siya ng mga instruction na magkaroon ng sales sa nalalapit na Ber months. Nang malapit na siyang matapos ramdam na niya ang pananakit ng kaniyang batok. Nakakaramdam na rin siya ng gutom pero binabalewala niya lang 'yon. Dahil gusto na niyang matapos ngayong araw ang naumpisahan niyang trabaho.
Pasado alas tres ng hapon nang matapos niya ang lahat ng kaniyang ginagawa. Nang mai-sent na niya ang lahat na kailangang i-sent at napirmahan na rin niya ang mga dapat pirmahan. Iniligpit na muna ang lahat at ini-off na niya ang kaniyang laptop. Nang masigurong maayos at malinis ang study room ay napagpasyahan na niyang lumabas.
"Oh, God!" Sapo niya ang dibdib sa pagkagulat ng mabungaran niya si Zachary sa pintuan. Nang buksan niya 'yon para lumabas sana.
"Hindi pa ako kumain at sure akong hindi ka pa rin kumakain. Kakatukin sana kita kaso palabas ka na pala. Let's eat. Nagluto na ako."
Napamaang siyang nakatingin sa kanilang kamay na pinagsiklop nito, habang hinahayon nila ang dining area. Pinaupo na siya at ito na ang kumilos para sa kanilang dalawa. Inilapag ang sinigang na baboy at kanin sa harapan niya. Biglang kumulo ang kaniyang tiyan sa amoy ng ulam. May kung anong sumapi kay Zachary sa mga oras na 'yon. Dahil kaunting kibot niya ay to the rescue agad.
"What's going on? Para kang nakainom ng holy water sa sobrang bait mo sa akin? May masama ka bang plano?" napra-praning na hindi niyang tanong kay Zachary habang nakakunot-noo.
Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Zachary habang ang kamay nito sapo ang tiyan. Animo'y may nakakatawa sa sinabi niya.
"Ara, you make my day. Wala akong gagawing masama o plano sa'yo. Relax. Okay!"
She rolled her eyes. "Whatever."
Nang matapos silang kumain ay agad na tumayo si Samarra at hinayaan na si Zachary ang magligpit ng kanilang pinagkainan.
"Ara, where are you going?"
Napahinto si Samarra sa bukana ng kanilang dining area at maang siyang napalingon kay Zachary na nakapamaywang at magkasalubong ang kilay habang nakatingin na matiim sa kaniya.
"Upstairs?" bagama't naguguluhan si Samarra sa uri ng pagtatanong ni Zachary ay sinagot niya pa rin ito.
"Who will wash the plates?"
She shrugged. At ipinagpatuloy na niya ang naantalang paglalakad.
"Ara, ako ang nagluto. Hindi ba dapat ikaw naman ang maghugas?" pagrereklamo ni Zachary sa kaniya. Na ikinaangat ng kaniyang kilay. Sino bang may sabi na magluto ito?
Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga bago humarap at naglakad palapit kay Zachary.
"Next time, don't cook." Inis niyang inayos ang lahat ng hugasin at napilitan maghugas. Nang masulyapan niya si Zachary kita niya ang laking pagngisi nito habang nakatingin sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin at nagmadaling tapusin ang paghuhugas. Gusto na niyang maligo at matulog.
Matapos makapaghugas si Samarra ng plato ay agad niyang hinarap si Zachary na prenteng nakaupo.
"Aww! What is your fucking problem?" Napatayo ito ng suntukin niya ito sa t'yan. Tila ininda ni Zachary 'yon dahil bakas sa mukha na nasaktan ito.
"Let me remind you. Ikaw ang nagsabi sa magulang mo, na hindi natin kailangan ng kasambahay rito. I remember, you clearly told to your parents. That, you can do the house chores. Tapos gusto mo maghugas at magluto ako para sa'yo," nanggagalaiti niyang wika bago niya talikuran si Zachary.
Napipikon na siya sa mga ginagawa ni Zachary. Ayaw niya sa lahat na gagawa ng isang bagay tapos ang ending kailangan tutulungan niya rin. Tsk!
Nagtuloy-tuloy ang kaniyang lakad paakyat patungo sa kuwarto. Pagpasok niya pa lang ay dumiretso na siya sa loob ng CR, para makaligo. Pakiramdam niya naubos ang kaniyang energy sa paghuhugas. Mas gusto niya pang isabak siya sa on-the-spot meeting kaharap ang mga investor ng Daddy Frost niya kaysa gumawa ng gawaing bahay. Fuck! Hindi talaga siya housewife material.
Pagkalabas niya pa lang ng CR. Dumiretso siya cabinet ni Zachary at kumuha ng isang t-shirt at 'yon ang isinuot niya. Umupo siya sa kama at tinanggal ang towel sa kaniyang buhok at basta na lang niya 'yon inihagis kung saan. Padapa siyang humiga at ipinikit ang mata.
Gulong-gulo ang isip ni Zachary ng mga oras na 'yon. Hindi na niya alam ang gagawin kay Samarra. Sala sa init, sala sa lamig. Inaasar lang naman niya ito na maghugas. At okay lang naman sa kaniya kung hindi ito papayag. Ang hindi niya maintindihan pumayag nga pero susuntukin naman ang kaniyang t'yan. Buti na lang bago pa lumapat ang kamao nito napatigas niya ang kaniyang t'yan kaya hindi masyadong masakit.
Naiiling na naglakad si Zachary patungo sa staircase nang makarinig ng doorbell. Napaisip siya dahil wala naman siyang ine-expect na bisita. Bagama't nagtataka ay tinungo niya pa rin ang kanilang pintuan. Ganoon na lang ang kaniyang gulat na may limang kawaksi na dumating.
"Sir, kami po 'yong pinapunta ni Ma'am Lorraine."
Tumango siya at niluwangan ang pagkakabukas ng pintuan. Sinamahan niya ang mga kawaksi sa laundry area nila.
"Puwede bang sumama sa akin ang tatlo para magbuhat ang mga ibang labahin."
Agad naman nagprinsita ang tatlo marahil mga bagong kawaksi nila sa bahay dahil hindi naman niya kilala ang mga mukha nito.
Napatda siya pagkabukas pa lang ng pintuan ng kuwarto. Nakadapa si Samarra at medyo lumihis ang laylayan ng damit na suot nito. Kita ang kulay pink na underwear na suot nito. Bigla niyang iniharang ang katawan. At hinila pasara ang pinto bago lumingon sa mga kawaksi na kasama niya.
"Ah, dito na lang kayo sa labas. Ako muna ang papasok," aniya.
Pumasok siya sa loob at mabilis na isinara ang pintuan. Naglakad siya palapit kay Samarra. Maingat niya itong binuhat at inayos ang pagkakahiga. Kinumutan niya ito at naglagay ng unan sa gilid nito.
"Tsk. Ang lakas mong magkalat pero magligpit tamad." Aniya at naiinis na dinampot ang towel. Kinuha na rin niya ang mga damit na itinupi niya kanina. At binuksan ang pintuan.
"Pasok kayo, pero 'wag kayong maingay natutulog ang asawa ko." Nilakihan niya ng bukas ang pintuan at pinapasok ang tatlong kawaksi. Mabilis na nailabas ng mga ito ang mga damit ni Samarra. Pati ang mga nasa paper bag pinalabas na rin niya. Nang masiguro na nailabas na lahat. Tinulungan na rin niya ang mga ito na maibaba ang mga paper bags.
"Here." Abot niya ng pera sa mga ito na mabilis naman tinanggihan ng nakakatandang kawaksi.
"Sir, 'wag na po," magalang na tanggi nito.
"It's okay, tanggapin n'yo na po. At isa pa extend duties n'yo na po ito." Pamimilit niya at inabot ang ilang libo sa mga ito. Nagkatingin muna ang mga ito bago tinanggap ang inaabot niya. Nagpasalamat ang mga ito sa kaniya.
"Every Saturday kayo na lang ang maglaba ng aming mga damit," aniya at nagpaalam na sa mga ito na aakyat na siya. Sinabi na rin niya kung sakaling magutom or gusto nilang uminom kumuha na lang sila. Basta 'wag nilang iwanan ang mga hugasin.
Pagpasok sa loob ay agad siyang naligo at nang matapos ay tumabi na siyang humiga kay Samarra.