Chapter 29 - HEART BEAT

Nagising si Zachary nang dahil sa walang tigil na pag-ring ng kaniyang cellphone. Hindi niya iminumulat ang mata at kinapa-kapa niya lang ang cellphone sa gilid ng kama.

"Hello," naiinis niyang bungad habang nakapikit.

"Zach, iho. Natutulog ka pa ba?" ani ng kaniyang Mommy Lorraine sa kabilang linya.

"Mom,"

"Sina Manang Tessie tapos na raw maglaba. At namalansta na rin sila ng mga damit n'yo ni Samarra. Babain mo na at nasa labas na si Mang Dado para maibalik na sila rito."

Hindi pa siya nakakasagot nawala na sa kabilang linya ang kaniyang ina na si Mommy Lorraine. Napilitan siyang dumilat at mabilis na sinipat ang oras. Alas otso na pala ng gabi. Napabuntong-hininga siya at muling pumikit. Dahan-dahan niyang hinapit si Samarra. Inamoy-amoy niya ang buhok nito. Mga ilang minuto rin bago niya napagpasyahan na kumilos. Maingat siyang kumilos upang hindi niya magising si Samarra.

Sinigurado niya na nakakumot si Samarra bago niya ito iwanan sa kuwarto. Nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan. Nakita niya ang mga kawaksi na nakatayo sa kanilang living room.

"Tapos na kayo?" bungad niyang tanong sa mga ito.

"Yes. Sir, sila na po ang maglalagay ng mga damit sa inyong lagayan," ani ng nakakatandang kawaksi. Marahil 'yon ang Manang Tessie na tinutukoy ng kaniyang ina.

Tumango na lang siya at tinulungan ang mga itong buhatin ang mga laundry basket kung saan nakalagay ang mga damit nila ni Samarra. Nang matapos ay agad naman nagpaalam sa kaniya ang mga ito dahil pasado alas otso na rin.

Pumunta siya sa laundry area para tingnan kung nalinis ba bago umalis ang mga kawaksi na pinadala ng kaniyang ina. Nang makita niya na maayos naman ay napagpasyahan na niyang umalis.

Papaalis na sana siya ng may nakita siyang isang box na nasa ilalim ng kabinet. Napakunot ang kaniyang noo at iniisip kung kailan pa ang box na 'yon. Agad niyang kinuha at inilapag sa lamesa. Curious siya kung ano ba ang laman ng box. Dali-dali niyang binuksan ang box. Lalong nagpakunot ng kaniyang noo ang laman ng box. Maraming christmas light at mga small light bulb ang laman. Nasa buwan pa lang ng Oktubre pero may christmas light na agad sa bahay nila. Kibit-balikat siyang dinala ang box sa ikatlong palapag ng kanilang bahay.

Naalimpungatan si Samarra ng makaramdam siya ng lamig. Pupungas-pungas siyang umupo sa kama. Sinipat niya ang orasan na nasa gilid ng kanilang kama. Nakita niyang alas diyes ng gabi. Hindi niya nakita si Zachary marahil ay umalis na naman ito. Agad siyang bumangon at tinungo CR, nang makaramdam ng panunubig. Nang matapos ay napagpasyahan niya na rin mag-shower. Pagkatapos ay kumuha siya ng bathrobe at lumabas. Muntikan na siyang mapasigaw nang makita si Zachary na prenteng nakaupo sa kama.

"Anong ginagawa mo rito?" paninita niyang tanong habang hinigpitan ang pagkakabuhol ng tali ng kaniyang bathrobe. Pansin niya ang pagdapo ng tingin ni Zachary sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pasimpleng paglunok nito.

Kahit kailan ang lalaking ito mabilis mag-fiesta ang mata. Inis niyang inirapan ito. Nang hindi sumagot sa kaniyang tanong.

Napakunot ang noo ni Zachary ng makabawi. Marahil naalala nito ang kaniyang tanong.

"Really Samarra? Tinatanong mo na naman ako? Gusto mo bang ipaalala ko kung bakit ako narito sa ating kuwarto?"

Naumid ang kaniyang dila sa tanong nito. Oo, nga pala ba't naman kasi palagi siyang nagtatanong. Eh, bahay rin naman ito ni Zachary. Hindi siya nakaimik at tumuloy sa kanilang closet para magbihis. Kumuha siya ng oversize t-shirt ni Zachary. Wala naman siyang pantulog na nabili at dala. Kaya damit ni Zachary ang kaniyang isinusuot. Isa pa, komportable siya sa damit nito. hindi rin naman nagrereklamo si Zachary.

Kasabay ng pag-upo niya sa kama ay siya namang pagtayo ni Zachary at tinungo ang CR. Habang pinapatuyo niya ang kaniyang buhok. Napatda siyang nakatingin kay Zachary na nakatapis ang ibabang bahagi nito ng towel. Parang nag-slowmo ang mundo niya habang naglalakad papalapit si Zachary.

Napalunok siya habang nakatingin kay Zachary pababa. He was looked like those men in magazines with a perfect abs. Those his eyes penetrating her soul. She didn't know why suddenly her heart beating so fast. Ito ang unang pagkakataon na natitigan niya si Zachary. Aside Kiel no other man made her feel this way. Palakas nang palakas ang tibok ng kaniyang puso. Sa sobrang lakas nag-aalala na siya baka marinig ni Zachary 'yon.

"Why are you staring at me like that?" tanong ni Zachary na hindi man lang lumilingon sa kaniya habang nagsusuot ng boxer short nito.

Daig pa nito ang may third eye. Alam ata na pinagmamasdan niya ito. Huminga siya nang malalim para kalmahin ang nagwawala niyang puso. Ayaw niya ng ganitong pakiramdam hindi puwedeng mauna siyang magkagusto kay Zachary. Gusto? OMG! Samarra. Ano ba 'yang iniisip mo? Oo, mag-asawa kayo pero alalahanin mo may girlfriend 'yan. Pinilig niya ang kaniyang ulo sa naiiisip niya.

Nalilipasan na ata siya ng gutom. Tama! Gutom lang siya kaya nakakapag-isip siya ng mga bagay na hindi naman dapat.

"Do you find something that you didn't like?" Pataas-taas pa ng kilay habang nakangisi si Zachary sa kaniya.

"Conceited." She rolled her eyes and cross her arm.

He shrugged. "At least may ipagmamayabang. Bakit hindi mo na lang kasi aminin na tinitingnan mo ako. At guwapong-guwapo ka sa'kin."

Tamad niyang binalingan ito. "Seriously Cadden? Do you really think na nagu-guwapuhan ako sa'yo?"

"Bakit hindi ba?"

"Hindi," kaila niya at iniwas ang mata.

Lalong napangisi si Zachary at tila aliw na aliw habang nakatingin sa kaniya. "Liar, I know that look. Lady," pag-aakusa ni Zachary sa kaniya. Mukhang naaaliw ito sa nakikitang pagkainis sa kaniyang mukha.

"Leave me alone and stop pestering me." Aniya at tinalikuran si Zachary.

"Did you find me attractive?"

"Oh, please. Cadden, stop pestering me," She hissed.

Mabilis siyang napalingon nang marinig niyang mahinang tawa ni Zachary sa kaniya.

"What?" inis niyang tanong kay Zachary na hindi siya nilulubayan ng tingin.

"Easy." Tatawa-tawang iniangat ang dalawang kamay nito. Alam niyang obvious na sa mukha niya na napipikon na siya sa ginagawa ni Zachary sa kaniya. Iniayos na niya ang sarili sa kama at naglagay na rin siya ng mga unan sa pagitan nila. Bago niya tinalikuran si Zachary.

"Love, let's go."

Nalingunan niya si Zachary nakasuot na ito ng t-shirt na itim at boxer. Ang kamay nito ay nakalahad sa kaniya.

Napakunot-noo niyang tiningnan si Zachary. Fifteen minutes before eleven o'clock. Saan naman kaya sila pupunta sa mga oras na 'yon? Hindi kaya may plano itong masama sa kaniya. Napalunok at ipinilig niya ang kaniyang ulo. Hindi magandang nag-o-overthink siya masyado.

"Ara," pukaw ni Zachary.

"Huh?"

"What kind of look is that?"

"Where are we going?" mabilis niyang tanong, ayaw niyang isipin ni Zachary na may iniisip na naman siyang hindi maganda.

"Oh, that! Let's go." Parang bigla naman naalala ni Zachary na aalis sila. Basta na lang siya hinila sa kamay at lumabas sila ng kuwarto.

Pagkasara nila ng pintuan ay biglang umikot sa kaniyang likod si Zachary. "Close your eyes," bulong nito sa kaniya.

Inisimiran niya ito pero sinunod pa rin niya ang nais ni Zachary. Pagkapikit pa lang niya ng mata. Naramdaman niyang ang palad nito na inilagay sa kaniyang mata. Napapitlag siya ng maramdaman niya na ang isang kamay nito ay inilagay sa kaniyang baywang. Iginaya siya sa paglalakad. Alam niyang aakyat sila sa itaas. Ang tanong ano ba ang gagawin nila roon? Ramdam niya ang kamay ni Zachary na ipinulupot sa kaniyang baywang at mas inilapit pa siya nito. Napalunok siya bigla ng lumakas na naman ang tibok ng kaniyang puso. Pasimple sinapo niya ang kaniyang dibdib. At pilit na pinapakalma ang sarili.

"We're here," mahinang bulong ni Zachary at inalis na ang kamay sa kaniyang mata.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mata. Ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata sa nakikita.

What the hell!