Chapter 27 - GIFT

Naunang nagising si Samarra kaya naman naisipan niyang ipagluto si Zachary. Dahan-dahan niyang inalis ang braso nito na nakalagay sa kaniyang baywang. Nang mapagtagumpayan niyang alisin ang braso ni Zachary nang hindi nagigising ay agad siyang dumiretso sa loob ng CR. Naligo na siya at pumili ng over size t-shirt ni Zachary. Ewan niya pero komportable siyang suotin ang mga damit nito. Kinuha niya rin ang isang kahon na binili niya para kay Zachary kahapon. Hindi niya naman ginamit ang atm na binigay sa kaniya ni Zachary. Hindi niya kayang gumastos ng malaki sa pera nito. Dahil alam niya simula pa noon ay wala naman itong malaking pera kung mayroon man. 'Yon ay galing sa allowance lang nito. Siguro gagamitin na lang niya 'yon 'pag may bibilhin sila na kailangan sa loob ng kanilang bahay.

Dumiretso siya sa kusina para tingnan kung ano ba puwedeng lutuin para kay Zachary. Pansin niya kasi sa lalaki palaging heavy breakfast ang kinakain nito. Kaya naisipan niyang mag-fried rice. Kumuha rin siya ng dalawang egg at bacon. Marunong naman siyang magluto. Ang ayaw niya lang ay inuutusan at ipapamukha sa kaniya ni Zachary na kailangan niyang kumilos, dahil siya ang babae. Habang nagpre-prepare siya sa ng lulutuin. Binuksan niya ang isang speaker at nagpatugtog ng reggae. Umiindayog ang kaniyang balakang at sinasabayan ang tugtog habang nag-uumpisang magluto.

Nagising si Zachary nang walang makapa sa tabi niya. Agad siyang bumangon at hinanap ng kaniyang paningin si Samarra sa loob ng kanilang kuwarto ngunit wala ito. Amoy niya ang bango na naiwan nito sa kuwarto. Bigla siyang kinabahan baka umalis na naman ito nang hindi nagpapaalam sa kaniya. Hindi na niya kayang maghintay na naman ng hatinggabi para magkita na lang uli sila. Hindi na siya nag-abalang magsuot ng pang-itaas nagmamadali siyang bumaba. Nang nasa huling baitang na siya. Narinig niya ang malakas na tugtog na nanggagaling sa kanilang kitchen.

Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makita si Samarra na nakatalikod sa kaniyang gawi. Abala sa pagluluto ng kung ano. Kitang-kita niya ang paggiling ng baywang nito at sinasabayan ang tugtog. Bahagyang ginagalaw-galaw nito ang ulo at panay ang kembot ng baywang nito.

Napapangiti siya habang minamasdan ang kaniyang asawa na tila hindi nito nararamdaman ang kaniyang presensya. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napalunok siya. Suot nito ang kaniyang t-shirt na umabot lamang sa hita nito. Hantad ang makinis na hita nito at ang mahabang buhok nito ay basta na lamang ipinusod paitaas. What a morning surprise! Tumikhim nang malakas para maagaw ang atensyon ni Samarra. Hindi naman siya nabigo dahil mabilis itong lumingon sa gawi niya at tila nagulat pa ng makita siya.

"K-ka-nina ka pa ba d'yan?" nauutal na tanong ni Samarra habang nakaharap sa kaniya hawak ang siyansi. Kitang-kita niya na natigilan ito at napalunok. Marahil hindi nito inaasahan na makikita niya itong sumayaw.

Kibit-balikat siya at ginaya ang paggiling na ginawa ni Samarra habang nakatalikod sa kaniya. Kita niya ang pag-awang ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit kay Samarra na namumula ang mukha at iniwas ang tingin sa kaniya.

"Why?" masuyo niyang tanong kay Samarra na hindi magawang salubungin ang kaniyang tingin.

Umiling lang ito at tumalikod sa kaniya. Alam niyang nahihiya si Samarra sa kaniya. Kaya nilapitan niya ito at niyakap habang nakatalikod.

"Bakit ka nahihiya? Ang galing mo ngang sumayaw."

Ramdam niya ang pinong kurot ni Samarra sa kaniyang braso. "Stop teasing me," may bahid na inis na sabi ni Samarra sa kaniya. Kaya hindi na niya ito inasar. At mas lalong hinapit ang baywang sa kaniya. At inamoy-amoy ang buhok at leeg nito.

"Hmmp, pinagluto mo ako ng breakfast?"

Tumango si Samarra at pinatay na ang lutuan. "Umupo ka muna." Nguso nito sa upuan kaya napilitan na lang si Zachary na sundin ang utos ni Samarra sa kaniya. Hindi niya mapigilan sumilay ang ngiti sa kaniyang labi habang pinagmamasdan niyang inaasikaso siya ni Samarra.

Kung ano man ang sumapi kay Samarra, kung bakit naging mabait at maasikaso ngayon. Sana tuloy-tuloy na lang. 'Wag na sanang bumalik ang tamad at makalat na Samarra.

Nagising ang diwa ni Zachary. Nang inilapag ni Samarra ang mga niluto sa kaniyang harapan. Pansin niya na pang isahan lang niluto nito.

"Hindi ka ba kakain? Hindi mo ba ako sasabayan?"

"Kakain." Sabay lapag ng isang plato na puro prutas ang laman.

"What? Prutas na naman ang kakainin mo?"

"Yes, why?"

"No, lumapit ka rito, hati tayo ng niluto mo."

Napilitan na tumayo si Samarra para kumuha ng isa pang plato pero mabilis niyang napigilan ang braso nito.

"Where are you going?"

"Kukuha ng isang plato. Sabi mo hati tayo 'di ba?"

"No, we can share in one plate."

Hinapit niya sa baywang si Samarra at pinaupo sa kaniyang kandungan. Kita niya na namumula si Samarra na nakaupo sa kaniyang mga hita. Ramdam niyang naiilang si Samarra sa kanilang posisyon pero ayaw niya itong umalis. Kaya kahit may nararamdaman na rin siyang kakaiba hindi na lang niya ipinahalata kay Samarra para hindi ito lalong mailang sa pagkakaupo nito.

"Say ah," anya habang inilapit sa bibig ni Samarra ang kutsara na may lamang kanin at ulam. Kita niya ang pagkailang sa mukha ni Samarra pero hindi na lang ito kumibo at napilitan na kainin ang inilapit niyang pagkain. Nasa ganoon silang posisyon nang biglang napatayo si Samarra.

"Wait lang, hindi kita napagtimpla ng coffee mo." At nagmamadaling magtimpla ng kape. Pinagmasdan niya si Samarra na abala sa pagtitimpla ng kaniyang kape. Hindi niya aakalain na hahantong sila ni Samarra sa ganito. Na ipagtitimpla at ipagluluto siya. Knowing Samarra tamad itong kumilos at ayaw ng nauutusan.

"Here." Sabay lapag ng tasa at umupo sa kaniyang tabi.

Tahimik silang kumain hanggang sa matapos sila. Siya na nagprisinta na maghugas ng kanilang pinagkainan. Habang naghuhugas nakatingin lang sa kaniya si Samarra. Hindi ito mapakali sa upuan parang may gustong sabihin na hindi masabi-sabi.

"Why?" tanong niya nang matapos siyang maghugas at umupo sa tabi ni Samarra. Umiling lang ito at tahimik na tumayo. Sinundan niya ng tingin ang asawa habang naglalakad patungo sa study room parang nagiging paboritong tambayan na ata ni Samarra. Napabuga na lang siya ng hangin sa inis. Hindi na niya naiintindihan ang ugali ni Samarra. Kanina okay naman sila in one second bigla magbabago ang mood nito. Hindi na niya masakyan ang ugali nito. Mas gusto niya pang sinasagot-sagot siya nito kaysa sa tahimik at hindi umiimik.

Naiiling na naglakad sa living room kung saan nakatambak ang mga paper bag na naiwan nila kagabi. Kinuha na niya ang iba at iniakyat sa kanilang kuwarto. Nakailang akyat-panaog din siya bago tuluyang maubos ang paper bag sa ibaba.

Halos punong-puno ang kanilang kuwarto kaya minabuti na niyang tanggalin ang mga laman ng paper bag at itupi ang mga damit. Ang mga sapatos naman ay inilagay na niya ng maayos.

Pambihirang buhay ito! Kakaligpit ko lang kagabi. Nagliligpit na naman ako ng mga damit. Teka nga? Ba't nga pala ako magliligpit nito? Eh, hindi naman sa akin ito. Inis niyang pinagbabalibag ang mga paper bag. Tumayo at sisipain na sana niya ang mga naituping damit.

Nang bumukas ang pintuan. Nasa ganoong ayos siya ng mabungaran ni Samarra na akmang sisipain niya ang mga damit nito na itinupi niya.

"What are you doing?" nakakunot-noo na tanong ni Samarra at lumakad palapit sa kaniya habang may bitbit na juice.

Alanganin tuloy siyang ngumiti. "Ah, eh." Napakamot siya ng kaniyang batok.

"Tsk. Bakit kasi tinupi mo pa 'yan? Eh, ipapalaba ko muna lahat ng damit. Tumawag na ako kay Mommy Lorraine, darating daw 'yong isang kawaksi na maglalaba 'yan," anito at iniabot ang dalang juice sa kaniya.

"Sa akin ito?" takang tanong niya, habang hawak ang juice na binigay sa kaniya ni Samarra.

"Yeah, at may ibibigay rin pala ako sa'yo." Nagmamadali itong tumalikod sa kaniya at may kinuha sa bag.

Pagbalik ni Samarra may hawak itong isang paper bag at inabot sa kaniya.

"Here. Open it."

Kinuha niya ang paper bag at sa loob nito may isang maliit na kahon. Dahan-dahan ni Zachary binuksan ang kahon. Tumambad sa kaniya ang isang relo. Napalunok siya ng makita ang brand ng relo na binigay sa kaniya ni Samarra. Isang Rolex Sky-Dweller ang ibinigay sa kaniya. Sa pagkakaalam niya hindi biro ang halaga 'nun. Kulang-kulang nasa tatlong milyon ang halaga ng ganoong uri ng relo.

Hindi siya makapagsalita ng mga oras na 'yon. Parang nabibigla siya sa binigay ni Samarra. Masyadong mahal at hindi niya matatanggap. Nang akmang isasauli niya ang relo kay Samarra.

"If you plan to return that. I will not accept it. Itapon mo kung ayaw mo."

Kunot-noong sinundan niya ng tingin si Samarra na papalabas ng kanilang kuwarto. Ramdam niya ang inis sa timbre ng boses nito.