Third-person Point Of View!
Mga nakakasisindak na Mutant Animals, mga kakaibang halaman at puno at mga lugar na pambihira pagkat puno ng mga misteryo. Tanging mga taong may kakayahan na gumamit ng mahika lamang ang makakagawa ng pasya sa kung ano ang dapat gawin sa kanilang paligid na ginagalawan.
Isang mundo ng mahika ang Elementacia. Mapalad ang mga taong ipinanganak na nabiyayaan ng mahika sapagkat kung sino ang malakas ay siyang karapat-dapat na mabuhay sa mundong ito.
Ang sinumang mahubog ang kanilang kapangyarihan hanggang sa sukdulan nito ay kikilalanin at kakatakutan ninuman dahil sa lakas nitong tataglayin.
Nasa tao ang pagpapasya kung sa mabuti o masama ito tatahak na daan patungo sa buhay nitong pipiliin.
*****
10 years ago...
Sa isang isla, matayog na nakatayo ang isang gusali na pinamumugaran ng pinakamapanganib na organisasyon sa Vlade Empire. Ang mga miyembro ng organisasyon na ito ay nagsisiyahan sa kanilang lungg na nabulabog ng malakas na pagsabog galing sa di kalayuan.
Mas lalong naalarma ang mga ito nang maramdaman nila ang aura na ipinalabas ng kung sino mang gumawa ng pagsabog.
Sa paglabas nila, at tumingin sa dalampasigan, isang babaeng mayroong puting buhok at hawak na dalawang espada ang kanilang nakita.
"An enemy!"
"She's the strongest Adventurer of the Guild, Mary Mchavoc!!"
"Attack her! The Higher-ups are having a meeting right now, we can't let that woman bother them because today's the day, World Conqueror's Familia will conquer Vlade Empire!!"
Hinarap ng mga ito ang kalaban na kanilang nakita, na si Mary Mchavoc, ang pinaka-malakas na Adventurer ng Guild.
Sumugod ang buong pwersa ng World Conqueror's Familia kay Mary Mchavoc, upang pigilan ito na magulo ang meeting ng kanilang mga higher-ups.
Samantala, dalawang lalaki naman ang hindi sumama sa pagsugod. Pinili muna ng dalawa na manood mula sa gate ng headquarters.
"She's finally here."
"Mary Mchavoc... you're on a big suicide mission." Reaksyon nila sa ginawa na pagsugod ni Mary Mchavoc.
(Giftia will fall unto World Conquerors Familia's hands if you will give your life here.) Muli ay nagsalita ang isa sa kaniyang isipan.
*****
Mary Mchavoc Point Of View!
Bakit naging ganito ang buhay ko?
Nawawala isa-isa ang mga taong importante sa buhay ko.
Kasalanan nila ito. Hindi ko sila mapapatawad sa labis na pagdurusa na aking nararamdaman.
*****
Sinugod ko ang isang isla, ang isla kung saan namamalagi ang mga kalaban na ubod ng sama at puro pasakit, gulo at takot ang ibinibigay sa mga mamamayan ng Vlade Empire.
Sa isang isla, na hindi man bahagi ng main land ng Vlade Empire ay parte parin ito nito. Ang isla na lungga ng 'World Conqueror's Familia', ang pinaka-mapanganib na Gang sa kasalukuyan.
"Twin Supreme Slash!" Iwinasiwas ko ang aking dalawang espada na mahigpit kong hinawakan sa aking dalawang kamay. Dalawang naglalakihang mga slashes ng enerhiya ang kumawala mula rito at sumabog sa direksyon kung saan ito tumama. Dead on the spot ang maraming buhay ng kalaban na tinamaan.
It only took me few minutes to completely slaughter the army of World Conqueror's Familia. I'm pretty much done, tanging mga Executives, Top Executives at Boss na lamang ng organisasyon ang aking kailangan na tapusin.
Medyo nakaramdam ako ng pagod matapos ang pakikipaglaban sa mga mahihinang mga tauhan, kaya napaluhod ako.
Hindi nagtagal, agad din akong tumayo at dumiretso sa headquarters ng World Conqueror's Familia.
Nakarating ako sa harap ng headquarters, sa gate nito.
Itutuloy ko na sana ang pagpasok ko nang biglang may sumulpot na dalawang lalaki sa harapan ko. Kaya naman, naging alerto agad ako dahil ramdam ko ang pagiging matindi ng aura nang isa sa kanila.
"What are you doing here? You came here digging your grave." Nagtatakang sigaw sa akin ng matangkad na lalaki. Mukhang hindi inaasahan ninu sa World Conqueror's Familia na ako ang umatake sa kanila. "Ang pinakamalakas na adventurer, Mary Mchavoc."
Napagitgit ako sa ngipin ko.
"Medyo interesante. Lahat ng miyembro ng organisasyon namin ay Stage 4 and above Stage Rank. Ikaw ang pinakamalakas na Stage Zero na nakita ko. Pero, yun nga, mamamatay ka sa lugar na ito kung patuloy kang pumasok sa loob ng headquarters." Sabi ng pandak na lalaki naman sa pagkakataong ito. "Hindi ka sapat na malakas laban sa mga executive. The 7 Top Executives and the Boss are all Arcane Stage. Kamatayan lang ang naghihintay sa iyo."
"I don't give a damn and I don't have time to listen to your lame stories!" Nagmamadali akong lumapit sa kanilang dalawa. Binalot ko ng Energy Manipulation ang aking mga espada.
"Mary Mchavoc, Twin Revenge Slash!"
Iwinawasis ko muli ang aking mga espada nang makalapit ako sa kanila.
Nagulat ako sa ginawa ng matangkad na lalaki. Mabilis niyang hinugot ang espada mula sa kaluban nito na nakasabit sa likod niya at sinangga ang malakas na Energy Slash na pasugod sa kanyang direksyon.
Pina-punta niya ang atake ko sa itaas at doon ito sumabog.
"Wag kang matigas ang ulo." Sabi ulit sa akin ng matangkad na lalaki. "Wala ng ibang paraan. Habang hindi pa nila napapansin." Tila natataranta na sabi ng matangkad na lalaki sa akin. "Teleport." Sa pagbigkas niya ng salita na ito, bigla na lamang nag-iba ang lugar na kinaroroonan naming tatlo.
"TSK." Angal ko sa nakita ko. "Bakit mo ako inilayo sa isla, alam mo bang isang buwan kong hinahanap ang lokasyon ng organisasyon niyo? Hindi kita bibigyan ng simpleng kamatayan!!"
"Walang paraan na maaari kang manalo laban sa isang Arcane Stage, Mary Mchavoc." Kampante namang sabi ng pandak na lalaki.
"Tumahimik ka!!"
"It's not the right time to take revenge. Don't waste your life on a battle you can't win. You're only putting the Empire into a worse future possible where the World Conqueror's Familia will dominate if you get caught by them." Nagsalita ang matangkad na lalaki. Hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi pero wala akong pake. Galit na galit ako at gustong-gusto kong gumanti at ubusin ang World Conqueror's Familia.
"Huwag mo akong hadlangan." I was about to attack him again nang naramdaman ko na lang na may matigas na bagay na tumama sa batok ko dahilan para mawalan ako ng malay.
*****
Dahan dahan kong binuksan ang mata ko. Unang tumambad sa aking paningin ang pandak na lalaking nakasagupa ko sa gate ng World Conqueror's Familia headquarters.
Napansin kong nasa parehong gubat parin kami, kung saan ako dinala ng kasama ng pandak na lalaking ito. Wala ang matangkad na lalaking, kaya nakakapagtaka.
"You damn!" Mura ko agad sa kaniya.
Nagulat ako kasi parang lumambot ng husto ang boses ko. Iniligtas nila ang aking buhay. Hindi lang iyon, talagang napakahina ng magic energy na nararamdaman ko sa aking katawan.
What the fuck is going on.
"You stupid brat. We did this for your sake and that's what you're going to say to me?" Inis na sabi agad sa akin nitong pandak na lalaki na ito.
Napansin ko namang parang maluwag ang damit ko nang subukan kong tumayo.
Kinapa ko ang katawan ko, hanggang sa makumpirma ko. Lumiit ako, hindi, bumalik ako sa pagiging bata.
"Anong ginawa mo sa katawan ko!" Inis na sigaw ko.
"Shut up! I used my Magic on you, Body Magic. Kaya nitong manipulahin ang hugis ng katawan ng isang tao. Ibinalik ko ang katawan mo sa pagiging 6 years old."
"Bakit mo ginawa iyon?"
"Para hindi ka magmadaling lumaban muli sa World Conquerors Familia."
"Bakit mo ako pinipigilan sa aking kagustuhan para sa paghihiganti?!"
"Mary Mchavoc, you need to get stronger than before. Kung gusto mo talagang sirain ang World Conqueror's Familia, ito lang ang naiisip namin ng partner ko na paraan."
"Anong pinagsasabi mo? Ibalik mo ako sa dati!!"
"Hindi ko gagawin iyon."
"Putangina mo!" Sinubukan kong i-channel ang magic sa mga kamay ko pero mahinang mana lang ang nararamdaman ko.
What the hell? Nanghina ang magic ko dahil lang naging bata ako?
"I'm not really an ally of World Conqueror's Familia. Basically, we're not enemies, Mary Mchavoc. The reason that we did this is to help you out. Wala ng makakapigil sa World Conqueror's Familia kung mamamatay ka nang hindi naaabot ang pinakamakapangyarihang antas ng iyong potensyal."
"Like hell, paniniwalaan kita." Namumula ang mga nerbiyos sa noo ko dahil sa frustration.
"I'm not asking you to believe us. I'm asking you to get stronger and live your life as in pangalawang beses mo nang nabubuhay sa mundong ito. Nakalimutan ko...."
Umakyat siya sa puno, pagkababa niya ay hawak na niya ang espada ko.
"Ang espada ko. Teka, nasaan ang isa? Ang espada ng papa ko?"
"Sa kasamaang palad, nasira ang espadang iyon, marahil dahil sa malakas na Energy Manipulation na ibinalot mo rito, hindi ito nakayanan ng espada."
"Ang tanging alaala ko sa aking ama ay nawasak....."
"I don't have much time chitchat with you, kailan kong gamutin itong sugat at sakit ng dibdib ko na nararamdaman bago pa ito lumala." Napansin kong may sugat nga siya sa kaniyang dibdib.
"Damn you, you're leaving me behind? Where the hell am I?"
"Don't worry. We're somewhere here on the mainland of Vlade Empire. Anyway, I have to go, Mary Mchavoc, kung hindi ka lalakas, ikaw din lang ang siyang magsisisi."
Hinagis niya sa akin ang isang compass piece. "What is the meaning of this?" I asked.
"Itago mo sa isang ligtas na lugar, kapag alam mong kaya mo na itong pangalagaan, kunin mo ito ulit. Sigurado akong mas mapupunta ang atensyon ng mga hangal na mga iyon sa paghahanap sa mga compass pieces kaysa sa pagkumpirma kung patay kana nga ba o hindi pa." He's spouting nonsense.
I have an ability to store things in a spacing storage pero sa lagay ng katawan at magic ko ngayon, hindi ko matatago ang compass piece na sa magic kong Spacial Storage Magic. Kailangan ko nga itong itago sa isang ligtas na lugar.
Sa isang kisap mata, biglang mabilis siyang tumalon mula sa iba't ibang sanga ng mga puno, naiwan ako sa gubat na hindi ko alam kung nasaan.
Nalunod agad ako sa depresyon dahil wala na akong magagawa sa sitwasyon na nararanasan ko.
Nabigo akong ipaghiganti ang mga mahal ko sa buhay na binawian ng buhay ng mga kalaban.
Hindi lang iyon, natalo ako.
Mahina ako.
Nawala pa ang espada na tanging alaala ng papa ko.
Iniligtas pa nga ng dalawang kalaban ang buhay ko dahil lang sa mahina ako at sa kanilang pakay na hindi ko alam.
Bumalik pa ang katawan ko sa pagiging isang bata.
Deserve ko pa bang mabuhay?
This is a fucking miserable life.
Sa paglubog sa isang mas malalim na depresyon, nagsimula akong umiyak nang malakas.
Damn it.
Wala na si Mary Mchavoc.....
Itutuloy.