Chereads / Grace and Aces (Filipino) / Chapter 3 - Chapter 2 - Entrance Exam

Chapter 3 - Chapter 2 - Entrance Exam

Shannon Petrini Point Of View

Hindi naman natagalan sina Senju at South sa pakikipaglaban sa mga gangsters. Upang magtanda sa kagaguhan nito ang boss ng mga gangsters, pinutol ni South ang kanang kamay nito.

Afterwards, South continued to lead us to the house he said that he owned.

Nakapag-pahinga rin ako sa wakas nang nakarating kami sa bahay na nasabi. Nakakapagod ang umupo ng ilang oras sa kalesa sa biyahe.

That being said, minsan ang sarili ko ay ayaw pa rin maniwala na sampung taon na ang nakalipas simula nang mangyari sa akin ang bagay na iyon.

The day I feel like I lost everything.

I'm an 28-years-old 'Strongest Adventurer' of the Vlade Empire ten years ago, I encountered bastard two men after murdering thousanda of World Conquerors Familia members outside of their headquarters. Because of one of the two men, I was turned back into being a 6-years-old brat. Now ten years had passed by and I'm 16-years-old again but my height was not the same as when I first turned 16. I'm much taller at 5'8 feet tall before. Ngayon, 5'6 feet na lang ang taas ko.

Hindi ko maintindihan kung bakit ako ibinalik sa pagiging batang babae. I can't trust my instinct na sinasabing para talaga sa akin ang ginawa ng mga lalaking iyon. There's always ulterior motive behind something done to a person by the other. Wether it is kind or not.

Dahil sa nangyari sa akin, pinalitan ko ang pangalan ko para itago ang aking pagkakakilanlan. Nagsuot din ako ng magic contact lenses sa aking mata upang takpan ang tunay na kulay ng aking mga mata. Right now, I have violet eyes but my real eye color is green.

Dahil ako ang pinakamalaking banta sa organisasyong World Conquerors Familia, mabuti na din ang ginawa upang hindi na magalaw pa ang mga natitirang taong malapit sa akin na sa kabutihang palad, ay buhay parin.

Sina Senju at South ay hindi alam ang aking tunay na pagkakilanlan. Nagagalak naman ako dahil hindi sila ang tipo ng tao na usyoso at maraming tanong sa pagkatao ko. Perfect timing ang ginawa kong pag-punta sa Palkia City. May gaganapin kasi na 'Entrance Exam' para sa mga gusto na makapag-aral sa Asteromagus Academy. In-advance, pinakuha ko na ng badge si Senju para makapag-take na lamang ako sa exam na bukas na gaganapin at wala ng hassle pa. Senju is that dependable.

Mag-aaral muli ako sa Asteromagus Academy upang maka-kalap ng impormasyon at maka-recruit ng mga magiging miyembro ng Gang na makakasama ko sa laban. Asteromagus Academy is full of talented people that's for sure. I don't need Adventurers to join me because they are cowards who fear World Conquerors Familia. They are also money hogs.

*****

Mabilis lang tumakbo ang oras.

Kinabukasan, handa na ako para sa Entrance Exam. Gusto pa ngang manood nina Senju at South pero pinagbawalan ko sila dahil may klase sila.

I did my morning rituals and prepared myself. Pagkatapos non ay agad akong lumabas sa bahay ni South at pumunta sa nasabing 'Public Plaza' ng bayan kung saan gaganapin ang Entrance Exam ngayon para sa Asteromagus Academy.

Kahit matagal na panahon na ang nakalipas noong unang beses akong grumaduate sa Asteromagus Academy, hindi ko parin nakakalimutan ang ilang lugar sa Palkia City, kabilang na ang Public Plaza doon.

Every month nagdaraos ng Entrance Exam ang Academy na siyang mahirap ipasa para sa mga sumusubok dahil napakaarte ng mga judges na buwan-buwan ay iba-iba din na humahatol sa mga examiners. Hindi lang yan, kailangan mo rin dapat 16-years-old and above kana para makalahok sa 'Entrance Exam' at makapasok sa 'Asteromagus Academy' kung makapasa ka sa exam.

Marami na ang nanonood sa malawak na entablado na inihanda ng mga hurado sa plaza ng ako ay nakarating. Mayroon ng maraming bilang ng mga tester na nakapila.

Syempre, sumama din ako sa pila. Pero bago ako nakapila ay may humarang sa akin, staff member na nagtanong kung may badge akong kinuha sa harap ng Asteromagus Academy para sa pagsusulit na si Senju actually ang gumawa. Ipinakita ko agad badge at pinayagan na akong sumama sa pila.

Ilang oras akong naghintay sa pila, siguro nasa 2 oras at 3 minuto.

"Susunod!" Ngayon sa wakas, turn ko na para sumikat. "Tumungo sa entablado." Inutusan ako ng isa sa mga hurado.

Pumunta ako sa stage at humarap sa direksyon kung saan sila nasa labas ng stage. Lahat ng tatlong hurado, sa kanilang hitsura, ay mukhang mga teenagers. Siguro mga estudyante na nasa high ranking class at senior students siguro sila, 3rd year and above.

"Pwede ba naming makita ang badge mo?" Tanong ng nag-iisang babae sa mga hurado. Ang liit ng mga mata niya at para sa akin ay parang laging nanlilisik ang babaeng ito sa buong buhay niya.

Napaka-segurista ng mga ulol.

Ipinakita ko sa kanya ang badge ko at wala man lang siyang naging reaksyon.

"Ano ang iyong pangalan?" Tanong naman ng isa sa dalawang lalaking hurado na kasama nung babae na hurado. Siya ay may mahabang kulay orange na buhok. Seryoso ang mukha nito, habang ang lalaking naka violet ang buhok na kasama naman niya ay parang laging nakapikit ang mga mata.

Ang weirdo nitong mga hurado na huhusga sa gagawin kong Entrance Exam.

"Shannon Pretini." Tumugon ako.

"Okay miss Shannon, let's start your entrance exam. First, let's test your physical ability." Anunsyo sa akin ni mister orange na buhok.

Sinenyasan niya ang ibang staff na nasa malapit lang. Nagdala sila ng Punch Counter Machine  sa stage at inilagay sa harap ko.

"Miss Shannon, kailangan mong suntukin ang Punch Counter Machine na iyon para makita namin ang iyong pisikal na lakas at matukoy kung ito ay angkop para sa Academy." Nagsalita si mister violet hair.

"Kung wala pang 100 ang suntok mo, automatic kang bagsak." Sabi ni miss glarer sa akin.

Bumuntong hininga ako at agad na sinuntok ang makina.

I forgot to control my strength. The count my punch had made was 9,000.

"What the....." Hindi makapaniwala na sabi ni mister violet hair jury sa akin.

"Maintenance team, is that Punch Counter Machine broken?" Sigaw naman agad ni mister orange hair sa mga staff members.

"There's no way that a Punch Counter Machine can be broken by punches that have no Magic coated in it." Sabi naman ni miss glarer.

(Shit. I messed up.) Kinabahan na sabi ko sa aking sarile.

Lahat ng nanonood ay nagulat sa ginawa ko. To score 9,000 is not normal for a 16 year old teenager, especially I'm a delicate woman.

(Damn it.) I cursed to myself.

"A-Anong ginawa mo?" Tanong sa akin ni mister orange na buhok.

"Gumamit ka ba ng Magic?" Tanong sa akin ni mister violet hair.

"Bawal gumamit ng magic sa Punch Counter Machine. Kung gumamit ka ng Magic, disqualified ka." dagdag ni Miss glarer.

"Hindi ako gumamit ng Magic, puro na lakas ko lamang ang ginamit ko sa suntok na iyon. Gusto niyo bang ulitin ko?" Katwiran ko sa kanilang tatlo.

"Kung gayon, maari mo bang gamitin ngayon ang iyong Magic para patunayan ang iyong pagiging inosente." Pahayag sakin ni miss glarer na parang hinahamon ako.

Nagtaas ako ng kilay. (Okay fine.) sabi ko sa sarili ko. "I'll just show my Magic right? I can do anything to my Magic as long as I'm showing it right?" Tanong ko sa mga hurado. Tumango lang silang tatlo sa akin.

(I'll use my Fire Magic then.) Sabi ko sa sarili ko na huminga ng malalim. "Ignite." Nagsalita ako sa hangin. Lumitaw ang malakas na puwersa ng apoy na bumabalot sa buong stage na kinatatayuan ko. "Buhawi." Pinaikot ko ito na parang buhawi. "Agila, Phoenix, Dragon." Hinubog ko rin ito ng iba't ibang hayop. "Shannon Pretini." Ang huling palabas ko ay sinulat ko ng apoy ang pangalan ko sa ere. Maya-maya ay sumabog ito at nawala. Kumunot ang noo ko pagkatapos.

"That's amazing. Nagpractice ka na ba ng Magic mo simula bata ka pa?" Tanong sa akin ni mister violet hair.

"Yeah kind of." Tugon ko.

"Even though you're not a Royalty or a Noble?" Tanong naman ni mister orange hair na parang insecure agad sa akin.

Wala akong badge na nakasabit sa damit, sa may dibdib ko na tatak ng kahit anong Noble o Royal Family.

"Of course." Muling tugon ko.

"Ikaw ay isang mahusay na gumagamit ng apoy. Sa ganiyang level ng Magic Ability na mayroon ka, hindi mo na kailangan na gawin ang iba pang mga tests. Pasado kana sa Entrance Exam na ito." Sabi ni mister violet hair.

Nagkibit balikat naman ako.

"Sa antas ng Magic na iyon, tiyak na kabilang ka sa klase na 'Mythical Glory', sa Asteromagus Academy." Sabi ni Miss glarer.

"Here, get this form. It is your certificate of registration. It is signed by us, the judges of this exam that you're a 1st year Mythical Glory Class student." Sabi sa akin ni mister violet hair na naglakad papunta sa akin at may inabot na papel na certificate of registration ko sa Asteromagus Academy.

Si mister orange hair ay talagang nanahimik at parang sumama ang timpla ng mukha dahil sa ginawa kong pagpapakita ng aking magic.

Sa pangalawang pagkakataon, papasok ako sa Academy. Nakakatuwa talaga kung malalaman ng mga dati kong kasama ko sa Guild itong kalokohan ko. Ang pinakamalakas na Adventurer ay parang tanga na nag-aaral muli.

To be continued.