Chapter 2 - Chapter 1

Sa ilang oras na pagsagwan namin ng bangkero ay nagsalita ito.

"Malayo layo na ito Binibini. Maaari kang bumaba sa lugar na ito. At sa iyong pagbaba hanapin ang sentro ng bayan na ito. Maghanap ng taong mapagkakatiwalaan." Payo ng bangkero at iginilid sa pangpang ang bangka.

Luminga linga ako sa paligid. "Maraming salamat, Ginoo. Sinuman ang makapagtanong at ipakita ang aking litrato manatili ang katapatan ng iyong pagtulong." saad ko sa kanya.

Yumuko lang siya. At bumaba na ako ng bangka at sumenyas na sya ay lumisan na.

Naglakad-lakad ako at binaybay ang masukal na bahagi ng gubat sa pangpang ngunit may ingay akong naririnig.

Pinakinggan ko itong mabuti "Hindi ito ang ingay ng panganib" sambit ko sakin sarili.

Kaya hinanap ko ang pinagmumulan ng ingay at tinungo ito. Kaya naman ipinagpatuloy ko ang pag-abante upang baybayin ang pinagmumulan ng hiyawan ng nagkakasiyahan.

Habang papalapit ng papalapit ako sa tila ingay ng piging ng kasiyahan. Hindi ko napansin ang taong lumapit sa aking likuran at nagsalita ito.

"Sino ka?" napahinto ako sa pagkagulat at mahinahon na pinapakiramdaman ang taong nasa likod ko.

"Hindi pangkaraniwan ang iyong suot. Hindi ka taga rito, ika'y isang dayo." sabi nito habang ako ay nanatiling nakatalikod sa kanya.

May tila binunot siya at itinutok niya ito sa akin.

"Humarap ka!" mariin nyang utos.

Upang masiguro ko ang aking kaligtasan ay sinunod ko siya at dahan-dahan kong itinaas ang aking kamay at humarap sa kanya.

"Tanggalin mo ang tabing sa iyong mukha.." Mariin nitong utos.

Bilang pagtutol sa kanya ay nagsalita ako.

"Maaari mo akong kapkapan, ako ay walang dalang kahit anong bagay na magdudulot o magtatangka sayo ng kapahamakan." Tugon ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noon at napansin ko na mata lamang rin ang nakikita sa kanya.

Walang kung anu-ano ay lumapit siya, at ikinilos ang kanyang kaliwang kamay.

Kaya naman napaatras ako at tinanong ko siya ng "Ano ang iyong gagawin?" pagtataka kong tanong.

"Hindi ba't sayo nanggaling na ikaw ay kapkapan?" Pamimilosopo nito.

Nang aking mapagtanto ay inilihis ko ang aking paningin upang di mailang.

Pagtapos nya akong kapkapan ay sabay bawi ng kanyang espadang kanina pa nakatutok sa akin.

Inalis nya ang tingin nya sa akin at tumingin sa piging ng mga nagkakasiyahang tao.

At muli siyang nagsalita sa akin habang nananatiling nakatingin sa nagkakasiyahang tao.

"Palitan mo ang iyong damit masyadong mapaghinala ang uri ng iyong kasuotan. Paglumitaw ka mula rito sa iyong kinakatayuan patungo doon sa mga nagkakasiyahan, Lilisanin mo ang lugar na ito na ikaw ay wala ng samplot" mariing payo nito sa akin.

OTHER SIDE OF THE STORY

[Narrator]

"Binibini, naipon na ang pagkain sa pinto ng iyong silid. Ito ay hindi pangkaraniwan." nagtatakang sambit ng naninilbihan sa tapat ng silid.

Maya maya lamang ay may hindi kaaya ayang dumating.

"Ano ang mga ito? Bakit hindi nyo ihatid sa loob ng kanyang silid ang pagkain!?" pagalit nitong sabi sa mga naninilbihan.

"Mula kahapon pa po nagkukulong ang binibini sa loob at wala pa po siyang kinakain na kahit ano." takot na pagpapaliwanag ng naninilbihan.

Nagpakita ng pagtataka ang mukha ng ginang kaya naman sumenyas siya.

"Sirain ang pinto." ang medyo mahinahon pa nitong utos sa mga kawal na kasama nya.

"Ngunit —" tanging nasaad lang ng naninilbihan sa ginang. Nang magsalita muli ang ginang.

"Sinabi nang sirain ang pinto!!" sigaw ng mala-madrastang ina inahan ni cinderella.

Nagsigalawan ang mga nasa likod niya at sinira ang malaking pinto ng binibini.

"Halughugin ang buong silid." narinig kong sabi ng ginang sa mga kawal na kasama niya.

Mula sa labas dinig naming lahat ang pagbubukas-sara nila ng mga kabinet at ilang pinto pa sa loob ng silid ng binibini.

Maya maya pa lamang ay lumabas ang ginang na salubong na ang kanyang mga kilay at mabilis na tumungo papunta sa bulwagan kung saan kasalukuyang naroon ang monarko.

Kaya naman napuno ng bulong bulungan ang monarkiya dahil sa nangyari na ito at isang naninilbihang alipin ang tinanong ng isa sa mga nakikibalita sa labas ng silid.

"Anong nangyayari? Totoo ba??" tanong nito sa naninilbihang alipin na galing sa loob ng bulwagan.

Mahina nitong sinagot ang nagtanong sa kanya "nawawala ang binibini."

Ang pagkagulat nila ay may kasamang pagkabahala pagkat nawawala ang binibini ng ganun ganun na lamang na wala man lamang nakakapansin.