"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya. Imbes na sagutin nya ang aking katanungan ay tumalikod siya sa akin.
"Teka!" pagpigil ko sa kanya. Napahinto siya ng lakad. "Kailangan ko ang kasuotan na tulad sa inyo. Maaari mo ba akong tulungan?" pakikisuyong sabi ko sa kanya.
Tila wala siyang narinig at itinuloy ang kanyang paghakbang "Ginoo!" muling pagpigil ko sa kanya at hinawakan ko balikat nya mula sa likod bilang pagpigil sa kanyang patuloy na paglakad.
"Nakikiusap ako sayo.. ." pagpupumilit ko sa kanya. Inaabangan ko ang kanyang reaksyon habang siya ay nakatalikod.
Nang itinaas nya ang kanyang kanang kamay habang nakatalikod at sumenyas na sundan ko siya.
Kaya naman walang alinlangan at dali dali ko siyang sinundan.
OTHER SIDE OF STORY
[Narrator]
Umalingawngaw sa buong palasyo ang pagkabasag ng mga tasa at lagayan ng tsaa sa bulwagan.
"Anong sinabi mo!?" galit na galit nitong tanong dahil sa masamang balita na kanya narinig.
"Nangkakagulo na lamang sa harap ng kanyang silid nung ako ay dumating buti nalam—" at sinampal ito ng monarko.
Nagkukuyom ang mga kamay ng monarko at madiin nitong binigkas sa ginang ang mga katagang "Inutil.. ." sabi ng monarko sa ginang.
Nawalan ng kulay ang mukha ng ginang ng marinig ito mula sa monarko. At naipon ang tubig sa kanyang mga mata at pinipigil ang emosyon.
Kaya yumuko na lamang ito at naghintay ng sunod na sasabihin o hakbang ng monarko.
Umahon sa pagkakaupo ang monarko "Magtalaga ka ng tao na maghahanap sa binibini." saad nito at pagkatapos ay nauna nang nilisan ng monarko ang bulwagan at naiwan na lamang doon ang binibini.
Pag-alis ng monarko saka pa lamang bumagsak ng tuluyan ang mga luha ng ginang.
Pagtapos humangos ng ginang ay lumabas ito ng bulwagan. Tumambad sa kanyang paningin ang tambak na mga tao sa labas ng bulwagan. "Anong ginagawa nyo sa pinto at daanan ng bulwagan ito?!" galit nitong sabi sa mga tao roon. "Magsibalik na kayo!" dagdag pa nitong sabi.
Kaya naman mabilis na nag-alisan ang mga taong tambay ng bulwagan.
"Isa pa kayong mga inutil" mahinang sabi ng ginang.
At tuluyan ng nilisan ang bulwagan at tumungo sa kampo ng base militar ng monarkiya.