Kahit pala may kadiliman na ay hindi naman masyadong nakakatakot. Sapagkat marami naman ang mga tao at mga kapwa ko naghahanap at nanunuluyan din dahil nga sa murang paupa ng mga panuluyan dito.
Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay nakasaksi ako ng gulo ng babae at lalaki.
"Walang hiya ka!" sabi nung ginang sa lalaking kausap nya habang hinahampas nito ang dibdib ng lalaking may kasamang babae sa likod nya.
"Manloloko ka!" pagpapatuloy na sabi ng ginang.
"Wag kang lumikha ng pag-uusapan dito." sagot naman ng lalaki sa babaeng nagagalit sa kanya.
Dinuro-duro pa nung ginang ang lalaki at marami pa siyang mga maduduming salitang sinabi.
Ngunit pinagpatuloy ko ang aking paglakad at hindi na pinansin ito.
Mukhang ang mga tao dito ay may iba't ibang problema na kinakaharap at ginagawang takbuhan ang lugar na ito tulad na lamang ng mga may asawang naisip pang sumiping sa iba na aking kanina lamang kanina ay nasaksihan.
Maya maya lamang iba namang eksena ang aking kinaharap. May naghahabulan na mga tao patungo sa direksyon ko.
"Magnanakaw!" sambit nung pangalawang natakbo patungo sa direksyon ko.. .
Talamak din pala ang pagnanakaw o nakawan sa lugar na ito. Pasimple kong sinadya na itinisod yung magnanakaw "Ay paumanhin ginoo." Pagpapanggap ko kunwari hindi ko alam na magnanakaw siya.
Tinulak nya ako pagkat malapit na ang may-ari ng ninakawan nya ng gamit. Kaya naman hinawakan ko siya sa paa "Ginoo.." pagpigil ko "Sandali lamang, Ginoo.." dagdag ko pa at tila natataranta na ang magnanakaw na lalaki.
Galit na galit yung magnanakaw na inalis ang aking kamay sa pagkakahawak sa kanyang paa.
"Bitawan mo ko!" pagpupumiglas nyang sabi. Mas lalo siyang nataranta nung makita nyang mas papalapit na ng papalapit ang may-ari. Kaya naman binitawan ko na siya. Pagkatapos ay tumayo ako — di kalayuan natanaw ko na nahulog yung magnanakaw sa butas kaya naabutan siya nung ninakawan niya.
Pagtapos nito ay ipinagpatuloy ko ang paglakad ko dahil nilamon na ng kadiliman ang buong paligid.
Pinagpatuloy ko ang pag-akyat para medyo mataas-taas na parte na ng bundok ang maging tanawin ko.
"Nakakapagod pala.." sabi ko sa aking sarili.
Nakaramdam ako ng pagod kaya naman naisipan kong sumaglit ng higa sa damohan upang magpahinga sandali.
[Narrator]
Ang sinabi nyang sandali lamang ay nauwi sa pagkalingat.
"Nasaan ako??" tanong niya sa kanyang sarili.
Pagkat sa mga oras na ito ay nasa isang malaking silid siya. Kinapa niya ang kanyang suot at isa isang tinignan ang mga bulsa nito. Nang malaman na wala namang nawawala sa kanya ay saka pa lamang siya bumangon sa pagkakahiga.
Dahan dahan itong naglakad ng walang ingay upang tunguin ang pintuan ng silid. At pinakiramdaman ang labas kung may tao ba sa labas nito nang siya ay walang marinig ay tatangkain nya na sanang buksan ito nang bigla itong kusang nagbukas. Sa sobrang pagkagulat ay napaupo ito. Mula sa labas ay may taong pumasok sa silid.
Other Side Story
[Narrator]
Hindi mapirmi sa isang tabi ang monarko sa nangyayaring sigalot upang madepensahan ng hukbo ang prinsipe na maiuwi sa palasyo ng buhay.
At habang balisa ang hari ay nakarating na rin sa reyna ang balitang sigalot kaya dali-dali itong nagpunta sa monarko.
"Anong nangyayari?!" tanong ng reyna sa monarko.
"Nasaan na daw ang aking anak???" dagdag ng reyna.
Hindi agad nakaimik ang monarko para sumagot sa reyna "Sa ngayon nagpadala na ako ng karagdagang tao doon. Kaya wag ka nang mag-alala.. ." saad ng monarko sa reyna.
"Sinabi ko na sayong huwag mong pasamahin ang prinsipe sa isang malayong misyon." panunumbat ng reyna sa monarko.
Sapagkat sobrang tinutulan ng reyna ang misyon na ito ngunit para sa ikakatuto ng magiging taga pagmana ng monarko marami sa opisyal ang nagpasya na isama sa misyon ang prinsipe at upang maging patas sa lahat ng kanyang nasasakupan ang monarko ay sinang-ayunan niya ito.
Hindi umimik ang monarko sa mga panunumbat ng reyna sa kanya. Maya maya lang ay pumasok na ang heneral ng hukbo upang magbalita.
"Ayon sa aming pagkilos at pagsisiyasat maging sa labas ng palasyo ang wala na ang prinsesa." paghahayag ng heneral sa monarko.
Mas kumulo ang dugo ng reyna sa kanyang narinig sapagkat hindi lingid sa kanyang kaalamanan na maging ang prinsesa ay nawawala at wala ito sa loob at labas ng palasyo.
Kaya naman nawalan ng malay ang reyna.