Chapter 5 - Chapter 4

[Cont.]

"Hindi man lamang ako nakapagpasalamat." nanghihinayang at mahina kong sabi sa aking sarili.

Pinasyalan ko muna ang pamilihan at ang paligid nito upang humanap ng makakain at matutuluyan.

Hanggang may isang tindahan na nakapukaw ng atensyon ko kaya lumapit ako rito at harap ng tindahan na ito ay may malaking nakatakip na banga.

Kung saan may mga nagkakagulong tao rin dito. Tila sila ay may inaabangan na pakulo sa tindahan na ito at sa kagustuhan ko na malaman ito ay nakisali na rin ako sa mga ito.

Kaya naman pumwesto ako sa unahan upang tanaw na tanaw ko ito ngunit pagbukas nung banga ay sumalubong sa aking mukha ang napakainit na usok at singaw ng kumukulong niluto sa banga.

Nang humupa ang makulimlim na usok tumambad ang tinapay na niluto sa ibabaw ng kumukulong tubig.

"Mukhang masarap.. ." natatakam kong nasambit habang tinitignan ito.

Paglapag palang nung tindero ng takip ay nagsimula nang magkagulo ang mga tao at nagkakatulakan na ang mga ito sa pag-uunahan makabili. At dahil ako ang nasa unahan walang kahirap hirap sa akin ang makabili agad nito at inabot ng tindero ang mainit init na tinapay at agad ko naman na binigyan ito ng bayad. Atsaka mabilis akong sumibak sa unahan at nilisan na ang patok na tindahan na ito ng tinapay.

Sa aking paglalakad palayo sa pamilihan ay napadpad naman ako sa lugar kung saan ay magkakalayo ang mga tahanan at tila mga halaman at puno lamang ang pagitan nito sa bawat isa.

At dahil ito ay rural meron itong parteng kakahuyan o kagubatan kung tawagin at may mga kalapit itong iba't ibang anyo tubig tulad ng dagat at iba pa.

Tinahak ko ang kadiliman ng gubat dahil base sa mga napagtanungan ko mayroon daw mga pansamantalang panuluyan ma matatagpuan doon na mababa lang ang singil na upa.

Other Side Story

[Narrator]

Pabalik balik ang paglalakad ng monarko at hindi mapirmi aa isantabi. Hanggang sa may pumasok upang maghayag ng mensahe sa monarko.

"Oh anong balita?" agad na tanong ng monarko sa mga dumating upang magbalita sa kanya.

"Maaaring nakalabas na ng pader ng palasyo ang binibining prinsesa." tugon nito sa monarko.

Napapikit at napailing lamang ang monarko sa mga narinig. At pagtapos ay naupo ito upang ipagpahinga ang isip na hindi matigil tigil sa kakaisip sa nawawalang prinsesa.

"Ipagpatuloy ang paghahanap." muli niyang inutusan ang heneral ng hukbo na ipagpatuloy ang operasyon sa paghahanap sa binibini. Pagkatapos nito ay lumisan na ang heneral ng may pumasok naman na mensahero.

"Mahal na hari may masama pong balita.." saad na pagsalubong ng mensahero sa monarko.

Nagpakita ng ibang impresyon ang hari sa narinig kaya naman ay napukaw ang tingin ng monarko sa mensahero "Bakit anong nangyari?" tanong ng monarko.

"Kasalukuyan pong dinidepensahan ng ating hukbo ang prinsipe. Marami nang nasawi at patuloy ang pag abante ng kaaway. Kakailanganin ang karagdagang tao upang tulungan ang ating natitirang hukbo na depensahan ang prinsipe." paghahayag nito.

Napapikit na lang ang monarko at tumayo upang dumako sa bulwagan upang magbaba ng kautusan sa lahat ng nasasakupang sandahan ng monarkiya.

"Nagbababa ako ng utos bilang kataas taasan ng monarkiyang ito na gawin ang lahat ng makakaya na maibalik ng ligtas, buo at buhay ang prinsipe. Sa sinumang ilalagay sa unahan para pamunuan ang pagdepensa at hindi maisasakatuparan ang aking utos ay papatawan ko ng kamatayan sa bisa ng aking pamumuno." nagngingitngit sa galit na ibinaba ng monarko ang utos.