Sa mga sandaling ito ay hindi ko na alam kung gaano na kalayo ang naitakbo ng aking mga paa. Ang tanging nasa isip ko ay ang tahimik na makalagpas sa mataas na pader at makalayo rito.
Kasalukuyan akong nasa pangpang ng mataas na pader at nag-aabang ng maliligaw. Nang may natanaw akong bangkero sa di kalayuan.
Nang siya ay makalapit sa akin ay dali dali akong sumakay sa kanyang bangka. "Binibini, saan ba ang inyong punta?" tanong ng bangkero sakin.
"Sa layong kaya niyong isagwan. Handa akong magbayad ng kahit magkano." Saad ko.
Nagtataka ang bangkero kaya naman inabot ko ang piraso ng ginto at pilak sa kanyang mga kamay.
"Nakikiusap po ako sa inyo, Ginoo." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Anuman ang iyong dahilan, naniniwala ako sa kabutihan na meron ka, Binibini". Sinimulan ng bangkero ang pagsagwan.
Walang paglagyan ang kasiyahan na aking nararamdaman sa sobra itong nag-uumapaw.
"Maraming maraming salamat po sa inyo, utang ko ang kalayaan kong ito." Kinuha ko ang isa pang sagwan na nasa bangka ng bangkero "Teka." pagpigil nito.
Kaya naman saglit din akong natigilan. "Upang malayo layo ang ating marating. Nais ko lang din maranasan ang makapagsagwan na tulad nito." Pagpapalusot ko sa kanya at sabay ngiti ng pilit.
Sumisilip sa isip ko na maaari akong maabutan ng mga kabayong may sakay na tao na humahanap sa akin. At maudlot pa ang kasiyahan na nagwawala sa puso ko.