Chereads / CLOSER: Harder, Deeper / Chapter 2 - 00

Chapter 2 - 00

"ARE YOU SURE ABOUT THIS, LUCK?" Tumango ako kay Vien. She's my 2 years girlfriend. We're both 18.

My name is Lucky but I'm not lucky just like my name. Bata palang ay minamahal ko na sya pero kailangan naming itago ang pagkakaibigan namin noong mga paslit palang kami. Magkaaway na mortal ang mga pamilya namin. Damn politics.

Matagal nang may alitan ang mga Purzuelo, angkan nya, at Lacuezo na siya namang angkan ko. Noon pa man ay magkalaban na sa pagiging Governador ang mga kalolo-lolohan namin.

Pero hindi non napigilan ang pagkakaibigan namin. At relasyon na ngayon nga ay dalawang taon na.

Sinubukan ko nang sabihin ito sa pamilya ko pero wala silang pakelam. Ang tanging ginawa nila ay tumutol.

"Lucky, stop seeing her! Ilang beses na kitang pinagsabihan at kapag hindi ka pa sumunod saakin, sinasabi ko sa'yo, ipapadala kita sa dad mo sa US!" Naalala ko pa ang banta saakin ni mom last week.

Matagal na silang hiwalay ni dad pero okay naman sila. Nasa US si dad kasama ang bago nyang pamilya kaya hinding-hindi ko gugustuhin na pumunta roon, bukod syempre sa kadahilanan na ayokong malayo kay Vien.

For other people's eyes, maybe we're both too young. Maaaring mapusok din kami para sa iba pero ito lang ang tanging bagay na nakikita kong sagot para hindi kami magkahiwalay ng girlfriend ko. Ngayong gabi, magtatanan kami.

"Luck?" Doon ako muling bumalik sa kasalukuyan. Tiningnan ko sya nang matiim at mahigpit na hinawakan ang kamay nya.

In-start ko na rin ang makina ng sasakyan. Tonight, we'll run away. I don't care about anything anymore. Hindi naman ako ang tipo na padalus-dalos sa mga desisyon. Lahat ng mga ginagawa ko ay hindi ko lamang sasampung beses munang iniisip bago gawin, isa sa mga nakuha ko sa pamilya kong mga politiko.

Alam kong sa desisyon kong ito ay masasaktan ko ang pamilya ko. Hindi ako bast lamang isang kabataan na atat nang mag-asawa. Ako ang kabataan na hindi nabigyang laya noon pa man at ngayon lamang ako maglalakas loob na ipaglaban ang bagay na ipinagbabawal din saakin.

"Yes, Vien. Kung ganon lang rin naman na paghihiwalayin tayo, hindi ako papayag. Ikaw ba, makakaya mo bang malayo saakin at papayag kang ipakasal sa iba?"

"No, ofcourse not!" Nakita ko ang determinasyon sa mga mata niya. Gaya ng determinasyon ko sa mga oras na ito. "Yeah, you're right. Let's run away, love."

Hiniram ko ang kotseng ito sa bestfriend kong si Bernard dahil kapag ginamit ko ang kotse ko o kotse ni Vien ay baka mabilis kaming mahanap ng mga angkan namin. Pupunta rin kami sa private resort na pagmamay-ari nila Bernard. Hindi pa ito bukas at sinabi niyang pwedeng kami na muna ang tumuloy roon habang inaayos nya ang mga papeles at iba pang kakailanganin para makalabas kami ng bansa.

I'm lucky to have a friend like him. Maimpluwensya din ang pamilya nila but it is not the thing that made me— us lucky. It's because he's the kind of friend whom I know that'll do everything just to keep and protect the people he loves the most. At nakatutuwang kasama kami ni Vien sa mga taong iyon.

Nang sabihin ko pa lamang sakanya ang plano ko ay nakitaan ko na siya nang pag-aalala. Pinayuhan nya rin akong mag-isip pa kaya naman dalawang buwan ang pinalipas ko, naisip ko rin na baka nabibigla lamang ako pero hindi, ito ang pinakamagandang gawin sa oras na ito. Masyado nang lalong gumugulo ang lahat sa pagitan ng mga pamilya namin.

Nang sabihin ko kay Bermard lahat-lahat ay siya na ang nagkusang tumulong saakin na magplano ng lahat.

That night, all I— we only wanted was to run away and to be happy. Pero hindi ko alam na ang simpleng hiling at kagustuhan ng bata kong puso noon ang siyang dudurog saakin nang napakahabang panahon.

Vien, hindi ka na maibabalik pa.

Vien, hindi na maibabalik pa ang lahat.

Pumikit ako nang mariin at nakita ko ang mukha niyang nakangiti, nagflashback saakin ang nangyari sa buong araw na ito mula pa lamang kaninang umaga jnaway ako ng parents ko paggising ko pa lang. Ang usapan namin ni Bernard, ang usapan namin ni Vien, ako na nagmamaneho habang iniisip na sa wakas ay makakalaya na kami, at ang mala-impyernong aking kinalalagyan sa ngayon.

Wala na akong lakas pa upang magpumilit tumayo at umalis. Napangiti ako nang bahagya nang lalo akong naghabol ng hininga. Nanikip ang dibdib ko at tuloy-tuloy na umagos ang aking mga luha sa mata.

Nakaharang na ang lupa sa aking bukng katawan maging sa mukha. Nakain ko na ang iba kanina, nalagyan na ang aking mata at ang iba ay pumasok sa ilong pero napangiti pa rin ako. Dahil alam kong magkakasama na kami ngayon ng taong mahal ko.

Magkakasama na tayo, Vien...

***

The story will start after 10 years...