Chereads / Asakura Possession / Chapter 9 - Chapter eight

Chapter 9 - Chapter eight

Nagising ako na may mga naririnig na ingay sa paligid na nag-uusap.

Hindi ko masyadong maidilat ang mga mata ko dahil nakakaramdam pa rin ako ng pagkahilo.

Unti-unti na lang akong bumangon at nakita kong nakatayo sina Aika, Nia at Irham sa isang sulok ng kwarto ko.

Habang si Kuya Ryuuki ay palakad-lakad at halata ang pag-aalala hinanap ko si Kazami pero wala siya dito pati si Kuya Ryuuren ay wala rin.

Tinawag ko si Aika kaya napatingin silang lahat sa akin agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Gosh! Seirin nag-alala ako sayo."Nag-aalala niyang sabi at mas ako hinigpitan ang yakap sa akin.

"Kumusta na ang pakiramdaman mo?" Tanong ni Nia na nakatitig sa akin kaya napatingin rin ako sa kanya.

"Ayos na ako." Mahina ko lang na sagot sa kanya.

Bigla kong naalala yong nangyari kanina nawalan pala ako ng malay ng makita ko silang nagtutukan ng baril sa isa't-isa napayuko na lang ako dahil sa bagay na iyon, natakot ako dahil sa baril na hawak nila mula ng mamatay sina daddy at mommy ay nagkaroon na ako ng trauma sa baril bigla kong pinikit ang mata ko ayaw ko nang alalahanin pa ang lahat ang masamang trahedyang iyon.

Siguro huli na rin ng mapagtanto nina kuya na may phobia ako sa baril.

Lumapit sa akin si Kuya Ryuuki at hinawakan ang kamay ko at dinala sa kanyang pisngi ganito ginagawa niya kapag alam niyang nakakagawa sila ng isang bagay na nakakapag alala sa akin sa nakaraan.

"I'm so sorry princess this is not gonna happen again i swear." Nakatingin lang ako sa kanya habang nagsasalita siya kaya napangiti ako.

Kung ganito siya kalambing ay hindi ko talaga siya matitiis.

Napatingin kaming lahat ng may sumigaw sa labas ng pinto.

"Ano ba papasukin niyo nga ako gusto kong makita si Rin." Narinig ko si Kazami na marahil ay ayaw papasukin dito sa silid ko.

Napatingin ako kay Kuya Ryuuki dahil napatawa siya ganoon rin sina Aika.

"Ang tigas talaga ng ulo ng lalakeng iyan." Naiinis na turan ni Kuya Ryuuren na pumasok mula sa bintana ng kwarto ko napailing na lang ako sa ginawa niya.

Gusto kong tumayo dito sa kama pero nanghihina pa rin ako gusto kong puntahan si Kazami sa labas ng kwarto.

"Pwede ka nang pumasok." Binuksan ni Kuya Ren ang pinto na naka lock pala.

Bigla itong nagbukas at agad na pumasok si Kazami nagtama ang paningin namin at bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

Hindi niya alintana na nandito sina kuya kaya kita ko ang pagkamangha sa mukha ni kuya.

"God! sweetheart akala ko kung ano nang nangyari sayo nag-alala ako ng sobra." Tinignan ko siya ng mapansin kong may mga pasa siya sa mukha nag-aalala kong hinaplos ang pisngi niya.

"Bakit may mga pasa ka?"Tanong ko sa kanya napangiti lang siya sa akin at umiling lang.

"Dahil kay kay Kuya Ren mo princess dumaan muna siya sa amin bago siya makapasok dito sa kwarto mo." Natatawang sabi ni Kuya Ryuuki.

Nag-away ba sila pero bakit si Kazami lang ang may pasa sa mukha at ang dalawa kong kapatid ay wala.

"Lalabas na muna kami bessy." Sabi ni Aika na nagpaalam sa amin at tinignan ng masama si Kazami habang akay ang dalawa kong kuya na parang walang balak na lumabas ng kwarto ko, sina Nia at Irham naman ay ngumiti lang habang nakasunod kina Aika.

Sinara ni Shin yong pinto paglabas nila pero bago iyon ay sinabi niya kay Kazami na bilisan lang.

"I'm sorry sweetheart hindi ko sinasadya ang nangyari kanina." Paghingi ng sorry ni Kazami sa akin.

"Wag ka nang humingi ng tawad okay na ako nahilo lang ako kanina." Malambing kong sagot sa kanya.

Muli kong hinawakan amg pisngi niya na may pasa at nangingitim na rin ito.

"Ano ba talaga ang nangyari at mayroon kang pasa." Muli kong tanong sa kanya.

"Nagkaroon lang kami ng sparring ng kuya mo kaya may konting pasa." Sagot niya at minasahe ang panga na marahil ay masakit. Napabuntong hininga nalang ako habang hinahaplos ko ang mukha niyang may pasa.

"Sweetheart hindi na ako magtatagal dito kailangan na naming umalis."

Malungkot niyang turan bigla akong nalungkot dahil sa sinabi niya.

"Dahil ba kina kuya? magkikita pa rin naman tayo diba?" Magkasunod na tanong ko sa kanya at pinilit kong ngumiti sa kanya.

"Oo hindi lang kasi maganda na nandito pa kami lalo na nandito mga kapatid mo." Sagot niya nauunawaan ko naman dahil mula pa man noon ay hindi na sila magkakasundo, ang kambal kong kuya ay ayaw talaga kay Kazami at si Kuya Seiran ay civil lang ang pakikitungo sa kanya noon.

"Mayroon ba kayong pinag-awayan na malala?" Bigla kong tanong sa kanya alam kong malalim ang sa likod ng away nila pero kaya hindi ako mapalagay, hindi kasi naging maganda ang nangyari noon dahilan para umalis si Kazami sa bahay namin noon.

"Magkikita pa rin tayo Allia kaya wag ka nang malungkot." Malambing niyang turan sa akin kaya napangiti ako.

Nakatingin lang siya sa akin na nakangiti biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Mayamaya ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo at akmang tatalikod na siya ng bigla na lang siyang humarap ulit sa akin at niyakap ako ng mahigpit ang sarap sa pakiramdam binitiwan na niya ako at tuloy-tuloy nang lumabas sa silid.

Naiwan akong nakatingin pa rin sa pinto ng kwarto nakasarado, naramdaman kong tumulo ang luha ko dahil sa saya na sa wakas nakita na muli si Kazami.

Napahiga bigla ako sa kama at napapikit narinig kong may motor na umandar at sasakyan ibig sabihin ay nakaalis na sila.

Mayamaya pa ay muling bumukas ang pinto at pumasok sina Aika at Nia akala ko ay pati sila ay umalis na rin kaya natuwa ako na nandito pa sila.

"Bessy okay ka na ba?" Umupo sa tabi ko si Aika at hinawakan ang kamay ko.

"Oo okay na ako salamat." Sagot ko sa kanya.

Umupo rin si Nia sa tabi ko at tumingin ng mataman sa akin at bumuntong hininga.

"Gusto ka talaga niya Seirin kasi nagawa niyang makipagaway sa kuya mo para lang makita ka niya bago siya umalis."

Napaangat ang ulo ko at nagtatakang tumingin sa kanya. Pero nginitian lang niya ako.

"Alam mo bago siya nakapasok dito dumaan muna siya sa kamay ng Kuya Ryuuren mo pinatulan niya y9ng sabi ni Ryuuki grabe determinasyon niya hindi daw siya aalis dito hangga't hindi ka niya nakikita kaya yon nag-dwelo muna sila bago siya makapasok dito kaya may mga pasa siya sa mukha." Parang sumakit ang ulo ko sa kwento ni Nia.

"Sinubukan namin siyang pigilan pero ayaw papigil nanalo naman si Kuya Keita kaya nakapagpaalam siya sayo." Dagdag ni Aika na natatawa lang hindi ko ma-imagine ang kung ano ang nangyari habang tulog ako pero knowing my brother alam ko na pinahirapan nanaman nila si Kazami.

Napapikit na lang ako sa sinabi nila parang lalo yatang sumama ang pakiramdam ko.

"Akala ko pati kayo umalis na din." Nasabi ko na lang sa kanilang dalawa at hindi na nagkumento pa.

"Nakiusap ako sa kuya mo na manatili muna kami dito at sina Nia at Irham ay nagpaiwan na rin." Sabi ni Aika na nakangiti.

"Gusto kasi naming sulitin ang bakasyon namin dito bago kami bumalik sa Indonesia." Sabi ni Nia tumango lang ako natuwa naman ako sa sinabi nila hindi pala dito nakatira sina Nia at Irham nagbakasyon lang sila dito at binisita na rin si Aika at gusto daw nila akong makilala ng personal.

Naglinis na muna ako ng katawan habang hinihintay ako nina Aika at Nia, nagtext daw si Irham kay Nia na kung pwede na kaming bumaba dahil baka daw pagtulungan siyang bugbugin ng mga leon na pini-pertain sina kuya.

Natawa kami sa text ni Irham kaya nagdesisyon na lang kami na bumaba na kahit gusto pa namin magkwentuhan.

Pagkababa namin ay naabutan namin sa sala sina Kuya Ryuuren at Kuya Ryuuki na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa, sina Usui at Gavin ay nakaupo sa magkabilaang upuan at si Irham ay nakaupo din pero halata ang tensyon sa mukha.

Naging maayos naman ang lahat kahit medyo may awkwardness kina kuya at Nia ay naging civil naman sila sa isa't isa.

Pero hindi ko nakalimutan ang sinabi ni Kuya Ryuuren isang gabi habang nasa bonfire kami iyon ang huling gabi namin bago pa kami bumalik sa Manila at ganoon din sina Kuya at babalik na rin sila sa Japan.

"Princess please iwasan mo ang Asakura na iyon hindi siya magandang impluwensya sayo pati sila."

Tinutukoy niya sina Nia at Irham kaya medyo nasaktan ako sa sinabi niya.

"Hindi mo sila kilala kaya iwasan mo na sila habang maaga pa." Dagdag pa niya pero umiling lang ako at naglakas ng loob na ipagtangol sila.

"Kuya please hayaan mo akong maging kaibigan sila mabuti silang tao kahit alam kong kakikilala ko palang sa kanila at hayaan mo muna akong mag desisyon para sa sarili ko." Sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nagkaroon ng mga kaibigan na higit sa tatlo, at kahit na kabilang sila sa isang organisasyon ay nakita ko kung gaano kabuting tao sina Nia at Irham. "Please kuya gusto kong maging masaya at malayang gawin ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa." Pakiusap ko sa kanya bago ako yumakap at umiyak sa mga bisig niya na sinuklian din niya ng mahigpit na yakap sa paraang iyon ay naunawaan na niya ako.

Mahal na mahal ko sina kuya dahil sila na ang nagprotekta sa akin simula nong bata pa ako kaya alam kong maiintindihan nila ako.

Pero sa ngayon ay gusto ko munang sundin kung ano ang nasa puso ko.