Keita Asakura
Nang maihatid ko si Rin sa kwarto nila ay tumuloy kami ni Shin sa hideout namin dito sa Ceres.
Napahawak ako sa noo ko napapadalas yata ang sakit nito kaya napaupo ako at napasandal sa sofa.
"May problema ba Keita?" Tanong sa akin ni Shin abala na ito sa harap ng loptop niya.
"Alam mo naman nagtanong ka pa." Napatingin siya sa akin at bumuntong hininga saka hininto ang ginagawa.
"Nandito si Kyoya at ang nakakagulat ay butler siya ni Seirin isa pala siya sa mga tauhan ng mga Giou." Seryosong turan ni Shin.
Dalawang buwan na rin ang nakararaan ng bumalik kami ng biglaan nina Shin sa Indonesia dahil sa tawag ni Nia, namatay ang isa sa mga espiya ng Guren ang pangalan ng grupo namin.
Dahil doon ay nagpatawag ako ng biglaang meeting lahat ng mga meyembro ko na nasa Korea, Japan, Brazil, France, Russia, Taiwan at maging dito sa Pilipinas.
Nawala ang isa sa pinaka magaling kong espiya si Lee Min na nasa Japan.
Tinorture siya at pinugutan ng ulo hindi ako makapaniwala sa nangyaring iyon ang higit na mas malala ay sinulatan nila ang balat niya 'don't mess with the master' iyon ang nakasulat sa katawan niya.
Malakas ang kutob ni Nia na may traydor sa grupo at may kalaban na gustong patahimikin ang grupo namin pero ang hindi niya alam ay deserve lang niya iyon dahil sa napakalaking eskandalo ang isisiwalat niya kapag nagkataon.
Bago namatay si Lee ay nakapag-report siya sa akin.
Napakalinaw na detalye ang tungkol sa totoong pagkatao ni Rin.
Isa siyang hieress ng Giou at Goldsmith Clan nag-iisang anak na babae.
Balak niya itong ipakalat sa lahat ng leader at meyembro ng bawat Guren Org sa pag-aakala niya na wala akong alam sa bagay na iyon.
Ang matagal nang lihim na pinoprotektahan ng Giou Clan ay maiisiwalat lang kaya marahil sila ang may kinalaman sa pagkamatay ni Lee.
Anak si Seirin ni Takashiro Giou ang taong umampon sa akin noon at ang kasalukuyang Mafia Boss ng pinakamalaking organisasyon na kinalalagyan ng grupo namin. Ang pinaka makapangyarihang Mafia Family sa buong mundo.
Hindi ako makapaniwalang malalaman niya na buhay ang nag-iisang anak ni Takashiro matagal na nilang itinago ang bagay na ito isang malaking rebelasyon kung malalaman ng mga kalabang Mafia Clan na buhay pa ang princesa nila.
Tiyak na alam na nina Seiran ang nangyari kay Lee at malamang ay iisipin nila na ako ang pupuntiryahin nila kapag nagkataon.
"Baka naman masira yang upuan sa higpit ng hawak mo." Nakatingin pala si Shin at nakatawa.
Kinalma ko sarili ko saka nagtanong na lang kahapon pa siya abala.
"Ah heto ba may rinequest kasi si Nia i-review ko daw lahat ng profiles ng buong myembro." Napataas ako ng kilay at pinatong ang paa ko sa lamesa at nag sindi ng sigarilyo saka tumingala sa kisame.
Si Nia kaya pala nasa Indonesia pa rin siya dahil kay Irham sakit talaga sa ulo ang isang iyon.
"Ginagawa niya lagi ang trabaho niya bukod sayo sila nina Agneta at Maria ang aktibo sa Guren." Sabi ni Shin na bumalik sa pagiging abala sa loptap niya.
"Alam mo namang loyal kami sayo at saka si Irham medyo naglilow lang siya dahil namatay si Lee matalik silang mag-kaibigan Keita." Napabuntong hininga ako masakit rin na isipin na nawalan ako ng isang miyembro lalo na at loyal siya sa akin at tinuring ko siyang totoo kong kapatid at isa siya sa mga orihinal kong miyembro ng Guren.
Pero nagtatrabaho pala siya sa ibang grupo kaya parang nagkamali ako sa pagtitiwala, ang ibang meyembro namin ay nasisilaw sa pera kaya ito ang isa sa pinakamahirap sa pagiging isang lider.
"Una si Yoko tapos pakalipas ng dalawang taon ay si Lee naman dalawa na silang nalagas sa atin Keita. Kailangan nating mag-ingat lalo na at hindi natin alam kung sino ang kalaban." Mahabang turan ni Shin.
Iniisip ko palang ang mangyayari sa mga susunod na araw ay lalong sumasakit ang ulo ko.
At si Rin? Hindi ko siya isusuko liligawan ko pa siya at magiging nobya ko pa. Wala akong pakialam kung sino pa siya at saka ayaw kong sundin ang utos ng mga kuya niya na layuan ang kapatid nila.
"Iidlip muna ako Shin tapos gisingin mo ako mamaya para puntahan si Rin sa praktis niya." Tumango lang si Shin at tuloy lang sa ginagawa niya.
Umayos ako ng higa sa sofa at pumikit.
Nagising ako ng tapikin ni Shin ang balikat ko nakatulog talaga ako bumangon ako at inayos ang damit ko saka pumunta sa banyo para maghilamos.
Alangan namang hindi ko gawin ito haharap ako sa sweetheart ko.
Napamura ako sa isip ko nang mapagtanto ko kung ano-ano ang lumalabas sa isip ko nang lumabas ako ay inaayos na ni Shin ang mga gamit niya at tumingin siya sa akin at sumenyas na mauna na itong lumabas.
Tumango lang ako at nag suot ng jacket inilagay ko sa bulsa ko ang cellphone, pitaka at ang sigarilyo atsaka lumabas.
"I-lock mo na iyan hindi na tayo babalik diretso na tayo mamaya." Sabi ko kay Shin na sinunod naman ako napatingin ako sa paligid may kaluskos akong narinig sa may bandang kaliwa kung saan ay masukal. Kinuha ko agad ang baril na nasa bewang ko at itinutok dito at lumapit sa lugar.
"Keita anong problema?" Tanong ni Shin na sumunod sa akin kaya inalerto ko siya.
"Ahh! bwisit kayong mga langgam kayo gusto ko lang naman matulog ng maayos." Isang pamilyar na boses ang narinig namin kaya nagkatinginan kami ni Shin at tuluyang lumapit dito.
"Anong ginagawa mo diyan Rosenthal?" Tanong ni Shin sa lalake na nakahiga sa may ilalim ng puno napatingin siya sa amin habang pinapagpag ang t-shirt.
"Kayo pala natutulog malamang." Parang wala lang nitong sagot sa tanong ni Shin.
"Diba dapat nagbabantay ka kay Seirin?" Tanong muli ni Shin dito alerto ako nang tumayo siya at napatingin sa aming dalawa at napailing.
"Oo pero nagpapahinga lang ako napakaingay kasi ni Usui kaya iniwan ko muna." Natatawa niyang paliwanag ang lalakeng ito ay napakalayo sa isang sniper na nakilala namin sa isang misyon tatlong taon na ang nakakaraan.
"Isa kang Rosenthal tama?" Tanong ni Shin na nakatingin dito kaya muli siyang tumingin sa amin habang pinapagpag ang damit.
"Oo at ako ang pinakagwapong pinsan ni Xylia. Bakit?" Sagot at tanong niya naghikab pa siya at akmang hihiga nang magsalita ako.
"Pwede kang matulog sa hideout kung gusto mo nang katahimikan." Sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya.
"Hindi na bale mamaya ipa-salvage mo na lang ako sa mga tauhan mo." Napailing na lang ako at kinuha ko kay Shin ang susi at ibinato sa kanya na agad niyang nasalo.
"Hindi ko kailangan ng tulong mula sa iyo Asakura." Sumeryoso ang buska ng mukha niya at ibinalik sa akin ang susi. Medyo nainsulto ako sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"My cousin told me that we should protect our princess to someone like you, so we will do that at all cost." Iba na ang aura niya ng banggitin niya iyon, mayamaya pa ay dumating si Usui ang isa pa sa mga hadlang sa buhay ko.
"So better prepare a war againts us because we will never let you take our princess." Turan ni Usui na nakatutok ang baril sa amin ni Shin akma itong bubunot din ng baril ng pigilan ko siya.
"Matagal na akong handa sa sinasabi mong digmaan ngayon pa na mismong tadhana na ang naglapit sa akin kay Seirin." Nakangisi kong turan medyo dumilim ang mukha ni Gavin nang may isa pa na dumating na lalake.
"Enough you two! How are you brother." Bigla kong binunot ang baril ko sa akin at itinutok sa lalake.
"Kyoya Aragon sa wakas nagkita din tayo." Nagtatagis ang bagang ko dahil muli kong nakita ang pinaka kinasusuklaman kong tao.
"Come on Keita i know that you are mad at me, the feeling is mutual. Habang nandito kami ay hindi ka magtatagumpay na makuha ang prinsesa namin." Napatigil ako nang tumunog ang cellphone ko si Maria pala at pinapapunta na kaming dalawa sa music room.
Bigla na lang nawala ang tatlo at si Shin ay napatingin na lang sa akin at napailing.
"Mukhang marami na tayong kalaban ngayon at maiipit nito si Seirin." Turan niya at hindi ko siya pinansin at naglakad.
Sabay na kaming naglakad ni Shin papunta sa music room at hindi na lang siya pinansin kahit may gusto pa siyang sabihin bahala siya kung ano ang nasa isip niya.
Nakarating na kami sa music roon ng marinig namin tugtog ng isang acoustic song.
Nang makapasok kami sa loob ay bigla akong napatigil dahil may isang anghel na kumakanta habang nag papiano pati sina Maria, Agneta, Aika at ang mga Guren member ay nakikinig lang kahit si Shin ay natigilan din.
Ang ganda ng boses niya parang anghel kaya napapikit ako.
Nakita ako ni Maria na nakangiting kumaway sa amin at pinaupo kami sa upuan na katabi ng upuan nila.
Sumunod kami ni Shin at naupo recording studio pala ito at may iba't ibang music pieces kasama ang itim na grand piano kung saan tumutugtog si Rin.
"Perpect tatlong attempt niya lang iyan perpect na perpect agad niya she is like a pro." Nakangiting sambit ni Maria habang nakatingin kay Rin na kumakanta.
Napangiti ako dahil sa sobra kong paghanga sa kanya.
Naalala ko na nanggaling sa pamilya ng mga mang-aawit si Rin dahil ang mga lola niya ay mga opera singer at pianista kaya marahil ay doon niya namana ang talento ni Seirin.
Nang matapos ang kanta ay nagpalakpakan kaming lahat tuwang tuwa sila.
Napayuko siya at namula ang cute niya pagnamumula my innocent sweetheart.
Tumayo ako at lumapit sa kanya at nakangiti kong itinaas ang baba niya.
"Kazami." Mahina niyang sambit.
"Ang ganda sweetheart."
Napangiti siya sa akin at tumingin kina Maria.
"Wow baby girl proud ako sayo i"m sure ikaw mananalo." Turan ni Agneta na yinakap pa siya.
"I love you bessy ang ganda talaga ng boses mo." Sabi din ni Aika patalon-talon pa dahil sa saya.
Kanya'kanya silang compliment sa kanya at proud sila na parang nag record ng album si Rin napailing na lang ako sa kanila.
Tumingin siya sa akin ngumiti what a sweet smile nahulog yata ng tuluyan ang puso ko.
Hindi ako makapaniwala na nakilala ko siya hinding hindi ako makakapayag na makuha siya ng iba.
Lalo na ang lalakeng iyon hindi ako makakapayag na muli niyang mabawi sa akin ang babaeng pinakamamahal ko.