Kinabukasan ay naghanda na kami para bumalik sa Manila.
Kahit medyo maikli lang ang tatlong araw na bakasyon namin ay sinulit naman nina kuya ang bakasyon nila para lang makasama ako ganoon din sina Nia at Irham.
"Masaya ako at nakilala ko ang babaeng nakakapag pasaya sa boss namin tumino na siya kahit papaano." Bulong sa akin ni Nia ng magpaalam siya sa amin.
Namula ako sa sinabi at nakangiti lang siya akin ng sumakay ito sa kotse at saka kumaway.
Ganoon din si Irham na tinatawag na akong 'Nee-chan' kahit na matanda siya sa akin ng dalawang taon iyon daw ang itatawag na niya sa akin mula ngayon.
Napangiti na lang ako sa kanila na sumakay na na kanilang sasakyan sumabay sa kanila si Aika para daw makasama ko pa sina Kuya Ryuuren.
Magkita na lang daw kami sa bahay sabi ni Aika at yinakap ako ng mahigpit nagpaalam din siya kina Kuya at nagpasalamat sa kanila sa pagpayag na manatili sila dito tumango lang sina Kuya Ryuuki na ginulo lang ang buhok ni Aika, at nakita ko si Gavin kasama niya si Usui na nakatanaw lang sa amin at nakatingin kay Nia. Napansin ko na ito noong isang araw pa parang magkakilala silang dalawa pero nag-iiwasan sila sa isa't isa napansin ko iyon dahil ayaw tumingin sa kanya si Nia.
Nang makaalis sila ay nagpaalam na din kami kina Nana Sita at Tata Ben na medyo naluha pa dahil mamimiss daw nila kami kaagad.
Yinakap ko sila pareho ganoon din ang ginawa nina Kuya na nagpaalam din medyo matagal na panahon nanaman bago sila makabalik kaya kita ko ang lungkot sa mga mata nina Tata at Nana.
Nangako ako sa kanila na bibisita ako kapag may bakasyon kami sa eskwelahan at sina Kuya ay kapag medyo maluwag ang scedule nila sa college.
Nakasakay na kami sa kotse ng hinawakan ni Kuya Ryuuren ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya dahil katabi ko siya sa upuan, sina Kuya Ryuuki at Usui ang sa harap dahil ito ang nagdadrive si Gavin naman ay tahimik sa likod namin na kanina pa walang imik.
"Princess magsabi ka lang sa amin kung may mga bully sa school mo sina Usui at Gavin ang bahala sa kanila." Sabi ni Kuya na ikinatango ko lang naalala ko nanaman ang mga nambully sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya ganoon din ang ginawa nina Usui at Gavin lagi daw silang tatawag at mag ee-email masaya na din sila dahil kahit papaano ay nakakabalik na ang dating ako na nakilala nila.
"Gavin anong problema kanina ka pa walang imik diyan?" Tanong ko kay Gavin na nakapikit pero iminulat niya ang mata niya at tumingin sa akin.
"Wala ito Sei medyo masakit lang ang ulo ko." Sagot niya kaya nag-alala ako kaya nanghingi ako ng bottled water kay Kuya Ryuuki at kinuha ko ang medicine kit ko sa bag ko.
"Ito inumin mo para mawala iyan para hindi ka lalong mahilo." Ibinigay ko sa kanya ang gamot sa sakit sa ulo at ang tubig, inabot niya ito ang ngumiti.
"Salamat Sei." Maikli niyang pasasalamat saka ininom ang gamot at muling pumikit.
Mayamaya pa ay narinig ko na tumatawa ang dalawa kong Kuya at si Usui na ipinagtaka ko.
"Princess hindi dahil sa sakit ng ulo ang dahilan niyan nakita kasi niyang muli ang ex niya." Natatawang turan ni Kuya Ryuuki na agad kong sinuway dahil sa lakas nitong tumawa.
"Sinong ex?" Tanong ko kay Gavin na akmang babatuhin ng bottled water si Kuya Ryuuki pero hindi itinuloy ng makita ako na nakatingin sa kanya.
"Keira Nia is his ex three years ago at hindi siya makapaniwala na sa loob ng ilang taon ay makikita niyang muli na may iba na." Si Usui na ipinaliwanag sa akin anh lahat astsaka mahinang tumawa.
Kaya pala nasagot na ang tanong ko, si Nia pala ay ex girlfriend ni Gavin ang liit talaga ng mundo dahil muli silang nagkita pero may iba na si Nia at Irham iyon nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa lalo na si Irham na kahit may pagka-isip bata ay laging nasa tani ni Nia.
Hinawakan ko na lang ang kamay ni Gavin na hiningi ko sa kanya ang lamig nito kaya mahina akong humimig, nanahimik na sina Kuya at Usui. At habang nagda-drive si Usui ay kumanta na lang ako para makatulog na si Gavin pero ang siste ay pati sina Kuya Ryuuki at Kuya Ryuuren ay nakatulog din.
Ilang oras din ng makarating kami sa Manila deretso sa apartment namin ni Aika. Sabay ko na lang ulit yinakap sina Kuya baho ako bumaba ng mag-isa hindi ko na sila pinababa pa para walang makapansin sa kanila ihahatid pa kasi nina Usui sina Kuya sa airport dahil diretso na ang dalawa papuntang Japan. At pagkaakyat ko ay nakita ko si Aika na nakaabang sa akin nakangiti siyang sumalubong sa akin.
"Nakaalis na sila.?" Tanong niya at sabay kaming umupo sa sofa.
"Oo Aika masaya ako kasi binisita nila ako dito." Sagot ko sa kanya saka ko hinilot ang leeg ko dahil nangawit ito sa byahe.
"Ah Bessy sorry pala sa lahat kung naglihim ako sa iyo nitong mga nakaraang araw." Yinakap ko lang si Aika dahil nagpaliwanag na siya tingkol doon sa madalas niyang puntahan na hindi niya sinasabi sa akin.
Pinarusahan kasi siya ni Kazami dahil sa hindi pagpapaalam dito na nandito siya sa Pilipinas kasama ko at sinabing okay na ang lahat natawa ako dahil doon, at ayaw daw niyang ipaalam pa sakin na pinarusahan siya ng pinsan niya.
Kinabukasan ay maaga akong naghanda ng agahan dahil mayroon nanamang pasok kaya nagluluto na ako ng magising si Aika.
"Goodmorning bessy." Bati niya habang naghihikab pa umupo siya sa hapag atsaka ko siya binigyan ng isang basong mainit na gatas.
"Goodmorning din." Bati ko din sa kanya at pinagpatuloy ko ang pagluluto.
"Ano linuluto mo?" Tanong niya mayamaya.
"Favorite mo omelet rice and fried daing na bangus." Sagot ko sa kanya kaya parang nabuhayan siya at tumayo na para tulungan ako sa paghanda ng agahan.
Natawa na lang ako sa kanya paborito kasi niya ito kaya nabuhayan agad ng dugo.
Kumain kaming nagkukuwentuhan at nagtatawan pero natigil kami pareho ng tumunog ang cellphone niya kaya sinenyasan ko siyang kausapin niya muna kaya agad niyang sinagot ang tawag.
Tumayo siya at pumunta sa may bintana nitong kusina habang kumakain ako ay nakita kong parang seryoso si Aika sa kausap. Hindi ko na lang pinakingan baka personal iyon mayamaya pa ay nakita ko siyang bumuntong hininga at bumalik sa lamesa at umupo.
"Bessy tumawag si Kuya Shin babalik na daw sila sa Indonesia. Kasama si Kuya Keita at sasabay kina Nia baka matagalan nanaman bago sila makabalik dito exchange student lang sila sa Ceres University."
Ewan ko ba kung bakit bigla na lang akong nalungkot sa sinabi ni Aika.
Hindi pala nakatira dito sina Kazami kaya pala nagpaalam na siya sa akin nung nasa Laguna pa kami.
"Ganoon ba sabihin mo sa kanila laging mag-iingat." Nginitian ko lang si Aika at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"Bessy alam kong ikalulungkot mo iyon kaya hindi saiyo sinabi ni Kuya Keita na aalis na siya pauwi sa Indonesia. Sinabi niya sa akin na lagi kitang protektahan kahit wala siya dito. Alam mo ba kinausap ko siya nun na kung ano man binabalak niya sayo ay wag niya na lang ituloy kasi kilala ko siya wala pa siyang sineryosong babae at sa totoo lang ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng pinagtuunan niya nang pansin at dahil kaibigan kita ay gusto lang kitang protektahan laban sa kanya." Mahabang paliwanag ni Aika kaya kinabahan ako sa sinabi niya at namula.
"Pero alam mo bessy masaya ako sa naging pagbabago ni Kuya mula kasi nung makilala ka niya ay hindi na siya laging napapaaway hindi na siya madalas sumali sa mga drag racing, bihira na ang kasungitan tapos ito pa nag-aaral na siya para bang yung walang dereksyon niyang buhay noon ay meron na ngayon at medyo bumait na siya ng konti." Dagdag pa ni Aika na lalo kong ikinapula kaya napayuko ako.
At dahil sa mga sinabi ni Aika ay nabawasan ang lungkot ko at sabi niya ay hindi naman iyon makakatiis si Kazami na hindi bumalik ng Pilipinas dahil nandito ka.
"Aika wala naman akong ginawa tsaka hindi pa naman kami ganoon katagal na magkakilala
tapos bihira ko lang siyang makita." Depensa ko sa kanya pero natawa lang siya sa sinabi ko.
"Naku bessy lagi ka kaya nun binabantayan kahit nasa distansya siya ay lagi siyang nakabantay sayo." Marami pang kinuwento si Aika sa akin tungkol kay Kazami at lahat ng iyon ay nakita ko kung ano ang naging buhay niya ng hindi pa daw niya ako nakilala.
Lagi daw sinasabi sa kanya ni Shin na kung gusto daw ako ni Kazami kailangan daw niya munang baguhin ang buhay niya para pagkatiwalaan ko siya at hindi matakot sa kanya.
Kasi ay isa siyang Gangster, isang Boss ng isang bayolenteng grupo sa Indonesia.
Hindi na bago sa akin ang bagay na ito dahil alam ko kung saan at ano talaga ang trabaho ni Kazami, he is part of the organization na hawak nina Kuya Ryuuki kaya natatakot ako dahik nalaman na nina Kuya na nagkita na kaming muli ni Aika.
Aika just know that her cousin is a leader of a gangster in Indonesia but little did she knows na mas malaking organisasyon ang kinabibilangan ng pinsan niya.