Habang nakaupo siya at nakaupo lang ako sa kandungan niya at ewan ko ba hindi siya nangangawit sa posisyon namin gusto kong magtanong pero nahihiya akong magsalita mahigpit pa rin siyang nakayakap sa akin.
Naalala ko tuloy yong halik kanina napabuntong hininga ako kaya napaangat siya at tumingin sa akin ng mataman.
"Nangangawit ka na ba sorry napatagal ako sa pagkakayakap sayo." Bigla na lang akong napayuko sa sinabi niya.
Ako nga itong dapat magtanong sa kanya dahil nakaupo ako sa kandungan niya.
"Ako nga dapat magtanong sa'yo." Nakalabi kong sabi sa kanya napatawa siya sa sinabi ko kaya napasimangot ako kaya bigla niyang pinisil ang ilong ko kaya nagulat ako sa ginawa niya.
"Ang cute mo talaga, tara punta tayo banda don nandoon yong pagkain." Tumayo na siya at bago iyon ay inayos muna niya ang damit ko at damit niya.
Ang sweet niya, tapos ay inakay ako papunta sa may lamesa na may pagkain isang candelite dinner ang nakahanda at ang paligid ay medyo dim light lang at may mga maliliit na kandila sa paligid.
Namamangha kong inilibot ang paningin ko sa paligid at napatingin ako sa kanya ng hinila niya ang upuan at inakay akong paupo at pagkaupo ko ay pumunta siya sa may maliit na lamesa at kinuha ang isang ipod at nagpatugtog ng isang soft rock music.
Pamilyar sa akin ang kanya sa background isa sa mga paborito kong musika.
"Nagustuhan mo ba? Sina Maria at Agneta ang gumawa ng lahat ng ito." Napakamot siya sa batok niya habang sinasabi niya iyon na habit na niya noon pa man kapag nahihiya siya.
"Nagustuhan ko lahat kahit medyo nabigla ako sa ginawa nila pero gustong-gusto." Sagot ko sa kanya at muling tumingin sa paligid ito marahil ang ginawa nila kahapon dahil nagpaalam sina Maria at Agneta na may aasikasuhin lang daw ito pala iyon kaya pala ang saya-saya nila kahapon pa.
"I like the kiss too." Bigla niyang sabi kaya namula sa sinabi niya kaya nahihiya akong napayuko.
"Silly sweetheart, tumingin ka sa akin i love seeing your face." Naglalambing niyang turan kaya napatingin ako sa kanya at niyaya na niya akong kumain.
Habang kumakain kami ay nagsimula kaming magkwentuhan tungkol sa mga nakaraang araw na hindi kami nagkita nakangiti lang siya habang nakikinig lang na naging maayos naman ang lahat kahit wala siya.
Nai-kwento ko rin na malapit na yong intramurals namin tapos isa ako sa mga representative sa Ms. Intrams, art contest, archery, at tennis na sina Aika ang dahilan kaya nakasali ako doon.
"Teka bakit parang madami naman yata ng sasalihan mo baka naman mapagod ka niyan." Nag-aalala niyang sabi.
"Kasi naman hindi ko pa nararanasan yong sumali sa isang school festival, home schooled ako since middle school kaya sabik akong masubukan ang lahat at saka don't worry i can handle it sanay akong maglaro ng archery at tennis kasi si papa at lolo ang lagi kong kalaro nong nasa Romania pa ako natalo ko na nga sila." Mahaba kong kwento sa kanya na ikinabigla niya.
"Wow! ang dami mo palang talent." Mangha niyang turan na napatigil sa pagkain nginitian ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
"Ikaw naman ang magkwento ano ang mga ginawa mo sa nakalipas na buwan?" Nakangiti kong tanong sa kanya kanina pa ako nagkukuwento tapos siya nakikinig lang ang unfair naman yata.
"Wala naman masyadong nangyari sa loob ng dalawang buwan kong pag-uwi pinagpatuloy ko lang yong pag aaral ko tapos may part-time job ako sa isang car company gusto ko kasing nagkukumpuni ng mga sasakyan, aral, trabaho, at bahay lang ang naging routine ko." Sagot niya at nagkibit balikat lang napatingin ako sa kanya na parang hindi makapaniwala sigurado ba talaga siya?
"So walang car racing? hindi ka nakikipagbugbugan sa mga kalaban mong grupo? walang underground battle? hindi ka inuumaga sa internet cafe para maglaro ng video games?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya bigla na lang siyang napatawa sa mga tanong ko.
"Saan mo nalaman yan? wag munang sagutin alam kong kay Aika." Natatawa niyang turan at napapailing pa pero hindi naman siya galit kaya nakahinga ako ng maluwag.
Akala ko magagalit siya sa mga tanong ko.
"Hindi ka ba galit?" Mahina kong tanong sa kanya kaya napatigil siya sa pagtawa at tumingin sa akin ng mataman.
"Rin that was before, noon ganyan ang routine ko wala na nga akong oras para magpahinga but when i met you again i realise that i should stop what i am doing because i want you to know that i can change for you." Paliwanag niya kaya namangha ako dahil sa mga sinabi at hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
Maya-maya pa ay tumayo siya at linahad ang kamay niya sa akin tiningala ko siya na nagtataka.
"Dance with me sweetheart, tara mahaba pa ang gabi sulitin natin." Tinangap ko ang kamay niya at dinala ako sa gitna at hinawakan niya ang bewang ko at ipinatong naman ang kamay ko sa balikat niya at nagsimula kaming sumayaw ng dahan-dahan.
Napalitan na ng malamyos na piano piece ang tugtog na sinasabayan niya.
Humilig na lang ako sa dibdib niya at pumikit sana ay hindi na matapos ang gabing ito dahil napakasaya ko.
Naalala ko nong una kaming magkakilala para siyang isang goon na puro itim ang suot at nakatingin sa akin ng mataman at malalim ang mga mata niya na parang nanghihipnotismo.
"Sweetheart?" Tawag niya sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya hinaplos niya ng dahan-dahan ang pisngi ko na mali kong ikinapikit dahil sa ginagawa niya masarap sa pakiramdam.
"Kazami mananatili ka ba dito?" Tanong ko sa kanya ng idilat ko ang mga mata ko nakangiti lang siya na nakatingin sa akin.
"Oo Rin mananatili ako dito hangga't nasa tabi kita." Muli akong yumakap sa kanya at nagpatuloy kami sa mabagal na pag-sayaw.
Pumikit akong muli at dinama ang tibok ng puso niya masarap pala sa pakiramdam na nasa tabi ka ng taong mahal mo para sa akin ay ito ang pinakamasaya kong sandali na ngayon ko lang naranasan.
Nang matapos yong kanta ay hindi pa rin niya ako binitiwan bagkus ay siya ang kumanta ng mahina natawa ako sa kinakanta niya.
"Sorry sweetheart wala akong alam na love song." Natawa na lang ako sa sinabi niya pero maganda boses ang niya kaya hinayaan ko na lang siya.
Medyo nagtagal pa kami sa ganoong posisyon at hindi na namin namalayan ang oras.
"Ayaw ko pa sanang tumigil tayo pero magpapast-ten na ng gabi kaya iuuwi na kita." Tumango na lang ako sa kanya pero bago iyon ay may kinuha siya na parang kahita sa bulsa niya at ibinigay sa akin.
"Ano ito?" Tanong ko sa kanya na nagtataka pero may kaba dahil sa box na binibigay niya.
"Buksan mo hindi siya ganoon kamahal pero sana magustuhan mo, naalala mo ang unang kwintas na binigay ko sa iyo?." Napatango ako sa kanya may pag-aalangan pa siya pero naman sa akin ay hindi naman mahalaga kung mahal o mura akala siguro niya ay sanay ako sa mga mamahaling bagay.
Mayroong mga alahas na regalo sa akin ang mga magulang ko, ang mga kamag-anak namin lalo na ang dalawa kong uncle na kapatid ni mama mamahalin lahat ng ibinibigay nila sa akin pero never ko naman iyong sinuot.
Kinapa ko ang kwintas ko na unang binigay niya sa akin at inilabas ko ito sa damit ko kaya nahulat siya sa pinakita ko.
"Nasa iyo pa ang kwintas na binigay ko?" Namamangha niyang tanong kaya napatango ako at ang ginawa ko ay hinubad ko ito at tinanggal ko ang pendant at binuksan ko ang ibinigay niya sa akin at isinama ko ito sa bagong bigay niya na necklace at saka ko isinuot ang kwintas hinawakan ko ito at tumingin sa kanya.
Isang dog tag pendant na naka-engrave ang pangalan niya ang bago niyang binigay na kwintas at ang dati ay isang maliit na susi.
Pangalan niya ang naka-engrave at sa likod ay ang endearment niya sa akin.
"Salamat ang ganda." Sabi ko sa kanya at muling tinignan ang kwintas.
"Meron rin ako." Pinakita niya sa akin yong sa kanya na suot na niya may nakalagay rin doon na pangalan ko at magka-pareho sa likod.
"Salamat dito Kazami iingatan ko ito katulad ng dating kwintas na binigay mo." Yumakap ako sa kanya dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya kung gaano ako kasaya at sa yakap ko na lang ibinuhos ang lahat.
Napakasaya ko dahil ito ang unang date namin ni Kazami at ito ang pinaka-memorable dahil mayroon na naman siyang ibinigay sa akin na mahalang bagay na nanggaling sa kanya.
Nang makalabas kami ng gate ay nakita kong may mga taong naghihintay sa amin mga nasa pito sila at puro lalake hindi ko sila kilala kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Kazami at bahagyang nagtago sa likod niya napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Relax they are my brothers." Turan niya medyo nawala ang kaba ko at nakahinga ng maluwag.
"Salamat sa effort niyo lalo na sa ginawa niyo kahapon." Pasasalamat ni Kazami sa mga ito na napailing lang ang karamihan sa kanila.
"Boss naman bumyahe pa kami dito para makita ka namin matagal ka rin namin na hindi nakita kaya pinatulan namin ang kakornihan nina Maria at Agneta para sa date mo." Sabi ng isa sa kanila na naka-cap at may hawak na sigarilyo at nakasandal sa isang sport car.
Ang iba niyang kasama ay nagtawaman.
Hinawakan ni Kazami ang kamay ko at tumingin sa mga lalake.
"Brothers this is Seirin." Nakangiti niyang pakilala sa akin sa kanila na nagsipulan lahat.
'Yoh!'
'Hi!'
'Hello!'
'Konnichiwa!'
Sabay-sabay nilang bati yong iba ay sumaludo lang sa akin.
Nakita ko si Irham at Shin na nangaling sa loob at kumaway at nakangiti sa akin.
"And sweety this are my brothers Allen, Hayato, Lui, Yuno, Justine, Ryme, at si Mirano. They are part of my group Guren Organization." Pagpapakilala rin niya sa mga ito kahit hindi naintindihan ang huli niyang sinabi ay hindi na lang ako nagtanong.
"Hello sa inyong lahat ikinagagalak ko kayong makilala." Ngumiti ako sa kanila at muli silang nag-sipulan at may mga sinabi pa kay Kazami na bagay daw kami na ikinapula ng mukha ko.
Niyakap na lang niya ako sa baywang at nakitawa sa mga kapatid niya lahat sila ay mukhang mababait at halata na lahat sila ay mataas ang respeto kay Kazami.
"Boss tara na kailangan na nating umuwi tinatadtad na ako ng text ni Maria." Biglang sabi ni Shin na nagkakamot ng ulo habang pinakita sa amin ang cellphone niya.
Nakatawang tumango si Kazami sa kanila na isa isang nagpaalam at sumakay sa mga sasakyan nila pinasakay ako ni Kazami sa kotse niya na si Shin ang nagmamaneho nasa harap sila ni Irham at kami ni Kazami sa likod.
Dahil sa napagod ako ay hindi ko namalayan na nakatulog ako pero naramdaman ko na lang na humalik si Kazami sa noo ko at pinasandig niya ako sa balikat niya at kinabig ako payakap hinayaan ko na lang siya at tuluyan na akong nakatulog.