Nagising ako na maganda ang pakiramdam ko at tinignan ko agad ang cellphone ko at may text mula kay Kazami kaya nakangiti ko itong binasa.
Binati niya ako ng magandang umaga at sinabing magkikita kami mamaya.
Dahil sa sorba kong saya ay napahiga ulit ako sa kama pero bigla rin akong bumangon at tinignan rin yong isa kong phone kung may reply rin ni mama kagabi ay nag-message ako kay mama bago ako matulog kaya alam ko na mababasa niya kaagad ito.
Meron nga at hindi lang kay mama pati kina kuya at kay Uncle Simon ang nakababatang kapatid ni mama.
Una kong binasa yong kina kuya na nangumusta lang at sinabi na lagi akong mag-iingat.
Binasa ko rin kay mama at nagsasabing miss na miss na niya ako at ganoon rin sina papa, at ang mga lolo at lola ko from the both side.
Si Uncle Simon ay miss na rin ako at hanggang ngayon ay hinahanap pa rin daw niya si Aunt Issabelle na nawawala hanggang ngayon.
Hindi na talaga naubusan ng problema ang pamilya ko kaya napailing na lang ako, sana ay makita na niya ang kapatid niya para hindi na mag-alala pa sina mama at Uncle Simon.
Pagkatapos kong mabasa ang mga message nina Mama ay tumuloy na ako sa banyo at naligo.
Pakanta-kanta ako habang nagbibihis ng kumatok si Agneta na tinawag ako.
"Nasa closet ako nagbibihis wait lang."
Sabi ko sa kanya.
"Okay baby girl take your time maaga pa naman dinala ko lang uniform mo na bagong plantsa." Lumabas ako sa closet na naka-short at sando lang wala nga akong uniform dito dahil nilabhan iyon ni Agneta kahapon.
Talagang siya na ang nagpaplantsa ng mga uniform namin sanay daw siyang gawin iyon dahil nasanay siyang mag-isa lang at walang gumagawa ng mga ito kaya kinasanayan na niya.
"Salamat Neta." Niyakap ko siya at hinaplos lang niya ang likod ko ang bait niya talaga pati si Maria.
"Ano kaba okay lang mag-bihis ka na at bumaba nasa kusina na yong dalawa at nagluluto." Sabi niya sa akin at tumango lang ako sa kanya lumabas na siya at ako naman ay nagbihis na ng uniform.
Pagkatapos ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na naabutan ko silang nag-hahanda ng agahan.
Sabay silang bumati sa akin na sinuklian ko din at pareho ko silang hinalikan sa pisngi.
Umupo na kami at sabay-sabay na kumain ng agahan habang nagkukwentuhan gaya ng lagi naming ginagawa sa umaga.
Ang sasarap lagi ng agahan na nakahain sa lamesa kaya magana akong kumain, important meal of the day ang agahan kaya hindi ko pinapalampas ang hindi kumain nito.
May fried rice, fried egg, fried hotdog, hot chocolate and fresh mango juice and slices of apples and orange.
Ang laki ng pasasalamat ko kina Maria at Agneta dahil sila lagi ang gumagawa at umaasikaso sa amin ni Aika simula nong nandito na sila kaya napagaan ang bawat umaga namin.
Hindi tulad ng kami palang na dalawa ni Aika ay madalas siyang late nagigising at ako naman hindi nakakapag-prepare ng agahan dahil hirap akong gisingin si Aika may minsan pang iniiwanan ko siya dahil ang tagal niya talagang gisingin pero ngayon maaga siyang nagigising dahil kay Maria kinikiliti niya si Aika hanggang sa magmadali itong bumangon ayaw pa naman ni Aika ang kinikiliti siya kaya nadala na siya kay Maria dahil sa takot na makiliti.
"Oo nga pala baby girl mamaya na yong practice mo may napili na ako sa kakantahin mo." Nakangiting sabi sa akin ni Agneta.
"Yehey! galingan mo bessy ichi-cheer ka namin." Masayang turan ni Aika kaya napangiti ako pero kinakabahan rin.
Oo nga pala nakagat ko labi ko sana maging okay lang ang lahat dalawang linggo mula ngayon ay simula na ng tatlong araw naming intramurals kinabahan tuloy ako dahil ito ang first time kong makasali sa ganitong school event.
"Don't worry Seirin kami bahala sayo." Nakita siguro ni Maria na uneasy ako kaya pinapalakas niya ang loob ko.
"Ano pala kakantahin ko? para mai-download ko sa ipod at makapagparaktis na rin." Tanong ko kay Agneta kinuha niya ang cellphone niya at may pinatugtog siyang isang song maganda ito at ang ganda ng beat.
"Actually dalawa iyan mamili ka lang eto pa yung isa." Ngumiti lang ako at nagsimulang hanapin ito sa search bar ng ipod ko para marinig yong mga hindi pamilyar na kanta sa akin mas love ko ang classical music kaysa sa mga new trending song ngayon.
Sabay-sabay kaming pumasok sa school ng makita namin yong isang itim na kotseng nakaparada sa harap ng school naging alerto sina Agneta at Maria at itinago nila kami ni Aika sa likod nila.
Bumukas ang pinto nito at nagulat ako ng makilala ko kung sino yong bumaba ng kotse dahil dito ay napatakbo ako sa kanya kahit pinigilan ako nina Maria pero nagpatuloy ako miss na miss ko na siya.
"Kyoya!" Bigla akong yumakap sa kanya na sinalubong rin ako ng yakap.
"Allia i miss you." Mahigpit na yakap ang pinagsaluhan namin ng may biglang humablot sa akin at napasandal ako sa matigas na dibdib nito pagkakita ko kung sino siya ay nagulat ako na si Kazami pala at galit na galit siya.
"Stay away from my girl or i'm going to kill you!" Nagtatagis ang bagang na sabi ni Kazami kay Kyoya nakaramdam ako ng panganib kaya pumagitna ako sa kanila at tumingin ng masama kay Kazami.
"Ano kaba Kazami! si Kyoya kaibigan ko siya." Sabi ko sa kanya kaya napatigil siya at tumingin sa akin inirapan ko lang siya at humarap kay Kyoya.
"Kyoya magkita na lang tayo mamaya okay sige na ite-text na lang kita para masundo mo ako." Malambing kong sabi sa kanya tumango lang siya sa akin at yumukod tapos tumingin kina Kazami, seryoso lang siyang nakatingin sa kanila at sumakay na siya sa kotse niya at umalis.
Humarap ako sa kanila na ngayon ko lang napansin na lahat ng kaibigan ni Kazami ay nandito pala tumalikod ako at dumiretso papunta sa loob ng school alam ko nakasunod sila kaya tumuloy lang ako sa paglalakad.
"Rin paano mo nakilala ang taong yon?" Huminto ako at hinarap si Kazami na nakasunod pala sa akin.
"Kyoya ang pangalan niya at katulad nina Gavin at Usui ay isa siya sa mga butler ko at kaibigan ko siya." Sagot ko sa kanya at saka ako humalukipkip.
Napakunot ang noo niya at tumingin kina Shin na natigilan rin bakit ba sila parang gulat na gulat napailing na ako at akmang aalis na pero hinawakan ako sa kamay ni Kazami kaya napatigil ako at napatingin muli sa kanya.
"Hindi ka dapat nakikipag kaibigan sa kanya. Delikado siyang tao Rin! Mapanganib naiintindihan mo ba?" Napabuntong hininga ako at tumingin ng diretso sa kanya sasabihin ko na lang sa kanya wala na akong pagpipilian pa, naiinis rin ako dahil ganon ang tingin niya sa kaibigan ko.
"Si Kyoya personal butler at childhood bestfriend ko siya kaya hindi ko siya dapat iwasan." Paliwanag ko sa kanya nagulat si Kazami pati sina Shin sa sinabi ko.
"Ano? paano nangyari iyon?"
Nagtataka niyang tanong sa akin.
Halata ang gulat sa kanila kahit sina Agneta at Maria ay halata rin ang gulat at nagkatinginan pa.
"I've known him since i was three years old, my foster parents adopted him when i was three years old." Muli kong paliwanag sa kanila nakita ko si Aika na parang maiiyak kaya lumapit ako sa kanya kahit nagtataka ako kung bakit ganito sila.
"Ano ang apelyido niya?" Tanong ni Shin sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Kyoya Aragon. My mom name him after her surname, since he was adopted." Sagot ko sa kanila naiinis ako kasi parang ang sama ng tingin nila kay Kyoya kaya inaya ko na si Aika.
"Pasok na tayo." sabi ko kina Aika kaya napasunod na lang siya sa akin.
"Rin." Nakita kong malungkot ang mga mata ni Kazami parang bigla akong na-guilty dahil pinag-sungitan ko siya bumalik ako sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kazami i'm sorry wag ka nang magalit kay Kyoya he's a good man." Bulong ko sa kanya gumanti lang siya ng yakap at lalo pa niyang hinigpitan kung hindi pa tumikhim si Maria ay hindi niya ako bibitiwan.
"Ako dapat humingi ng sorry diba?" Napatingin ako sa kanya at tumingin sa kanya dahil mataas siya sa akin ay bahagya siyang yumukod at hinawakan ko siya sa mukha.
Marahan ko itong hinaplos at pinaunat ang nakakunot niyang noo.
"Kazami, si Kyoya kaibigan ko siya matagal na bago pa kita nakilala noong mga bata pa tayo kaya please kung ano man ang mayroon kayo sana wag na kayong mag-away ayaw ko na may nag-aaway sa mga taong mahalaga sa akin." Sabi ko sa kanya ngitian ko siya kaya gumanti na rin siya ng ngiti.
"Nagseselos lang kasi ako Sweetheart kaya galit ako don at niyakap ka niya."
Nakalabi niyang sabi ang cute niya sa part na ito para siyang bata.
"Wag ka pong magselos kasi parang ko na siyang kapatid." Muli kong sabi sa kanya hindi ako makapaniwala na nagseselos lang pala siya kaya siya nagalit kanina.
"Okay sige sabi mo yan." Umaliwalas ang mukha niya sa sinabi ko.
"Kazami pwede ako makipag kita sa kanya diba?" Tanong ko sa kanya at tumango rin siya pagkatapos.
Kung hindi pa kami tinawag ni Shin ay mahuhuli talaga kami sa klase natawa ako sa kanya dahil magkasalubong na naman ang mga kilay niya.
Nauna na pala sina Aika natagalan daw sa amin madami pa kasing kaartihan si Kazami.
Habang nag-lelecture ang professor namin ay hindi ko maiwasan ang hindi mag-isip bakit ganun na lang ang galit ni Kazami kay Kyoya?
Paano sila nagkakilala ni Kazami.
May panganib na naman kaya?
Kailangan ko na naman bang magtago?
Madaming tanong sa utak ko pero alam kong si Kyoya siya lang ang makakasagot nito o si Kazami.