Chapter 4 - III

The Heir to the Imperial Throne

Isang umaga naabutan ni Empress Emeraude mula sa kanilang napaengrandeng sala ang kaniyang apong si Arren na abalang nakikipaglaro ng chess kay Zeus na personal na butler nito.

Napangiti siya at lumapit sa kanila. "Nice one, hijo..." she commented when Arren did a brilliant move that resulted in checkmate.

"Your Imperial Majesty," bati ng sampung taong gulang na si Arren sa kaniyang lola. Sabay silang napatayo ng kaniyang personal butler na si Zeus at nagbigay galang sa Empress ng Levexon Empire.

"Pwede rin ba akong makipaglaro sa'yo, Mahal na Prinsipe?" Emeraude asked sweetly.

"Of course you can, Your Majesty," mabilis na sagot ng bata sa kaniyang lola saka sinenyasan si Zeus. Nakuha naman nito agad ang sabihin ng amo kaya naman muli siyang nagbigay galang sa dalawa bago umalis at iniwan silang mag-lola.

"Wala ka bang training ngayon?" tanong ni Emeraude habang inaayos ang mga white pieces at sinimulang ihilera ang mga pawns.

"It's my rest day today," Arren answered.

"Good then," nakangiting ani Emeraude. "Sinabi ko talaga sa lolo mo na bigyan ka ng pahinga. You've been through so much since you started your training as the Crown Prince."

Arren is now Emperor in training and it is not easy as it seems. As the Crown Prince, Arren have so much to learn and much growing to do in order to be made fit for such calling. And Emperor Alaric - his grandfather - is training him hard.

He's training Arren to become powerful, to become invincible and strong. He wants his grandson to become worthy of being his chosen one. And he will surely raise him to become a person he wants him to be.

Napabuntong hininga si Emeraude. "Sa totoo lang, hangga't maaari sana ay ayaw ko munang pasanin mo ang ganong kabigat na responsibilidad. Napakabata mo pa, hijo. Hindi ang mga bagay na ito ang dapat na iniisip at inaalala ng isang sampung taong gulang na gaya mo."

"It's alright, Granny. I'm fine," ang tanging naisagot na lang ng batang si Arren na may kasamang tipid na ngiti sa labi.

Iba si Arren sa ibang mga bata. Bagama't sampung taong gulang pa lamang ay matured na ito kung mag-isip. Sa murang edad ay itinatak na sa isip niya kung anong klaseng buhay ang mayro'n siya at kung anong klase ng mundo ang kinabibilangan niya. He's exemptional, whom people are looking up to. He has the power, the wealth and the influence. He was born to rule and not to be ruled. Siya ang itinakdang tagapagmana ng trono.

His life is different from the others. His life is dark and bloody. The world where he belongs is full of brutality, cruelty and monsters who don't value human life. A world where power is everything. A world where the weak are trampled on and crushed.

He is not an ordinary person. Everyday is a battle, everyday is survival. If you are strong, you'll survive but if you're weak, you'll die. Death is normal, killing is a chore. There's no room for any stupid emotions or feelings, especially love. This is his kind of life. This is where he belongs.

Chase before becoming chased, hunt before becoming hunted, and murder before becoming murdered, iyan ang laging itinatak sa kaniyang isipan. Pinalaki siyang malakas, walang kinatatakutan at mas pinaiiral ang isip kaysa emosyon.

Muling napabuntong hininga si Emeraude at nginitian ang apo. "So let's start?"

"A five-minute game?" paghahamon ni Arren sa lola.

"Ohh," Emeraude said, amused. Bahagya siyang natawa saka gumanti ng ngisi sa apo. "If you think you can manage it," kibit balikat na sagot niya. "Sa pagkakatanda ko kasi ay hindi mo ako matalo-talo pagdating sa larong 'to,"

"We'll see then, Granny," puno ng kumpiyansang turan ni Arren dahilan para mas matawa ang kaniyang lola. Malapit si Arren at si Emeraude sa isa't-isa. At isa ang paglalaro ng chess sa mga palagi nilang ginagawang maglola.

"Is that a challenge?" tanong niya sa apo.

"Yes, Granny," taas noong wika nito.

Napangiti si Emeraude at napailing-iling. "May pinagmanahan talaga," pabulong na komento niya saka sinimulan na ang laro.

Siya ang unang tumira at ang pawn na nasa tapat ng king ang unang ginalaw niya at ini-advance ng two steps. Fifteen turns after her move they set up their strategies to win the game. Emeraude set up an offensive strategy because she wanted to finish the game quickly. Pero nang sandaling mapatingin siya sa set ng kaniyang apo ay napansin niyang magkapareho sila.

"I see..." napapatangong usal niya, naroon ang gulat at pagkamangha sa apo. "This has turned into a fine morning's entertainment indeed," dagdag na komento niya pa.

Ngumisi lang si Arren saka inalabas ang knight at itnabi sa king. "Your turn."

"How many minutes have we already consumed?" tanong ni Emeraude habang pinagmamasdan ang mga pieces at pinag-iisipan ang susunod na move.

"Three minutes and twenty seconds."

Napatango siya saka ginalaw ang rook at tinapat sa king. "Check," aniya at hindi napigilang mapangisi lalo na nang dispatsahin ni Arren ang rook gamit ang queen nito. "Wrong move, hijo..." natatawa at kunwari'y nang-aasar na sabi niya saka mabilis na dinispatsa ang kaniyang queen gamit ang knight na hindi niya nakita dahil katabi lang ng ilang pawns. "I think you've just lost your most valuable piece."

"No," mabilis na kontra ni Arren. "Sometimes, a winning strategy necessitates making sacrifices..."

And Emeraude felt all the chills in her body and her heart beating so fast and hard because of how the way he mentioned it. It was so calm but ghastly. She couldn't help but gulped and grinned because of it. Pagkatapos n'on ay muling nagpatuloy ang kanilang laro hanggang sa maya-maya...

"23 seconds left, Gran," ani Arren at nagmove ng isang pawn.

"Alright. Tapusin na natin ito..." Emeraude said and confidently moved her queen to capture Arren's pawn.

Isang tira na lang at checkmate na. Napangisi siya pero ang ngising iyon ay mabilis na nawala nang mapansin ang isang bagay. Awtomatikong nanlaki ang mga mata niya at ilang beses na napakurap habang nakatingin sa puwesto ng mga piyesa. At doon ay unti-unti niyang napagtanto ang lahat.

So Arren really sacrificed his queen and his other pieces on purpose? Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin sa apo. The expression on her face was a mixture of shock, disbelief, and astonishment.

M-in-ove ni Arren ang kaniyang knight sabay sabing, "Checkmate."

Emeraude shook his head, amazed and speechless. So this is his plan all along? Darn it. Bakit hindi niya namalayan? Bakit ngayon niya lang napansin? He was just baiting her all along. He was baiting her into free pieces in exchange of victory.

Ngayon ay trapped na ang king niya. Sa ginawa kasi ni Arren ay parehong check ang queen at king. Dahil din sa move na 'yon ay na-open ang natitira pa niyang bishop at direkta ring naka-check sa king ng kaniyang lola. Walang mapupuntahan ang king nito dahil kahit saan niya ito i-move ay nakaabang ang isang rook at pawn ni Arren.

"Tsk. Tsk. Tsk. You got me there, Your Highness..." kunwaring nakaismid na anito pero ang totoo ay natutuwa siya sa ginawa ng kaniyang apo. She felt proud.

Not to mention that he was just ten year-old kid. She never expected any less from him but Arren just never fails to always surpass her expectations.

"Chess is like a war, it is more than just a game of material advantage, which is why piece sacrifices exist," pagdaka'y nasabi ni Arren. "This is a board battle, and the goal is to crush the opponent's mind."

Goosebumps spread all over Emeraude's body because of how powerful and vigorous Arren when he stated those words. Napangiti siya at pagdaka'y napatango-tango.

'de Vil Kahelius Arren Apxfel... You are indeed worthy of being the crown prince... You have grown into a truly wonderful heir. You are our family's pride...'

✒✒✒

------

Kinagabihan ay napagsiyahan ni Princess Avriana na bisitahin ang anak na ngayon ay kasalukuyan nang nagpapahinga sa kaniyang silid.

Si Bloodaxe Avriana ay anak ni King Nozel at kakambal ni Prince Alasdair ng Eyllwe. Siya ay napangasawa ng anak ng Emperador na si Prince Aillard. Mayroon silang dalawang anak, ang kanilang panganay ay si Prinsipe Arren at ang pangalawa naman ay si Prinsesa Ary na mayroon lang isang taong pagitan sa isa't-isa.

"Arren, anak? Still up?" nakangiti at malambing na tanong ni Avriana pagkapasok sa kwarto ng anak.

"Mom." Agad na bumangon mula sa pagkakahiga si Arren nang marinig ang tinig ng kaniyang ina.

"Hey, natutulog ka na ba? Nagising ba kita?" tanong nito saka mabilis na tinabihan ang anak. Hinaplos nito ang kaniyang buhok at mabilis na ginawaran ng halik sa noo.

Arren shook his head. "No, it's fine. In fact, I can't sleep," he answered.

"Oh, why is that? Something's wrong?"

Muling umiling si Spade at nagkibit balikat. "Nah, it's just that I can't help but keep on wondering why dad is away and why can't he be with us?" inosenteng tanong niya. "Gramps told me before that he is not in good terms with dad. He said dad is a rebellious son that he even choose to give up his right to succeed the throne. Ang sabi pa ni gramps ay may nagawa raw siyang malaking kasalanan na muntik nang ikasira ng pamilya natin, that's why he was banished. Is that true, mom?"

Natigilan si Avriana, hindi alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon ng kaniyang anak. Naiiwas niya ang paningin, naghahanap ng pwedeng maisagot. Totoo ang lahat ng sinabi ng lolo nito sa kaniya. Matagal ng may alitan ang mag-ama. Bago pa man niya mapangasawa si Prinsipe Aillard ay hindi na sila magkasundo ng amang Emperador.

And aside from that, her husband also had an affair with his personal assistant and secretary. That is what his grandfather meant when he said that his father's sin nearly destroyed their family.

Though the House of de Vil kept it secret and made sure that the issue will only stay within their family to avoid tarnishing their family's name and reputation. That's also one of the reason why his father received a banishment from the Emperor. Kinailangang gawin iyon para mapagtakpan at maiwasan ang pagkalat ng isyu sa publiko.

Kalaunan ay napabuntong hininga na lamang si Avriana at malungkot na tumingin kay Spade ngunit pagdaka'y agad din namang ngumiti. "What your gramps had told you are all true. But believe me," she paused and cupped his face. "Your dad loves you. He loves us so much. At kung ano man ang nagawa niya noon, alam kong balang araw mapapatawad din siya ng lolo mo gaya ng pagpapatawad ko sa kaniya," wika nito at ngumiti ng matamis.

"Alam kong darating din ang araw na mapapawi ang galit ng lolo sa daddy mo at magkakasundo na ulit sila. Sigurado akong pinagsisisihan na rin ang daddy mo ang mga nagawa niya noon. At kung magkakaroon man siya ng pagkakataon, alam kong gagawin niya ang lahat para maitama ang lahat ng pagkakamali niya."

"Don't worry mom, once I succeed to the throne, I will nullify dad's banishment so that he'll be able to go here. Hence we'll be complete and can finally live together,"

Mas lalong napangiti si Avriana sa tinuran ng anak. "I know you'll do that son," she commented as she hugged him and tousled his hair. "And I'm so glad and grateful that I have son like you."

"I love you mom."

"I love you more son," she said sweetly and chuckled. "O, saan ka pa pupunta? Hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya sa anak nang pagdaka'y bigla itong tumayo sa kaniyang higaan.

"I forgot to give this to Granny. Ibibigay ko lang saglit," sagot niya sa ina sabay pakita ng isang itim na box na kinuha niya sa kaniyang cabinet.

Tumango si Avriana. "Alright. Good night then," she said and kissed him at the top of his forehead.

"Good night mom," Arren replied. Pagkatapos ay nagmamadali nitong tinungo ang silid ng lola.

Ngunit isang hindi inaasahan at karumaldumal na senaryo ang bumungad sa kaniya pagkarating doon. Awtomatikong nabitawan nibArren ang hawak-hawak na kahon. Tila biglang tumigil ang takbo ng paligid at gano'n din ang tibok ng kaniyang puso nang maabutan niya sa silid ang kaniyang lola na duguan at walang buhay na nakabulagta sa sahig. Nakalugaygay ang leeg nito at halos humiwalay sa kaniyang ulo bukod doon ay isang dagger rin ang nakabaon sa dibdib nito.

"Granny..." he trailed off, unsure how to react to what he had just witnessed.

Akmang lalapitan sana nito ang katawan ng kaniyang lola nang isang ingay. Ingay na tila mayroong kaguluhang nangyayari sa loob ng kanilang palasyo. Nakarinig siya ng sigawan na hindi nagtagal ay nasundan nang sunod-sunod na pagpapaputok ng baril. Dali-dali niyang pinuntahan ang pinto ng silid at akmang lalabas ngunit bago pa nito mapihit ang serdura ng pinto ay kusa iyong bumukas at iniluwa ang kaniyang ina.

"Mom," gulat at may bahid ng pagtatakang bulalas ni Arren. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang nagdurugong noo at braso ng ina. Ngunit hindi niya na nagawa pang tanungin ang ina dahil matapos nito ni-lock ang pinto ay dali-dali siyang giniya nito sa isang malaking cabinet.

"Mom, what are you doing? What's going on," hindi niya na napigilang hindi itanong nang simulan siyang ipasok ng ina sa loob ng cabinet. "Mom," untag niya nang hindi pa rin siya sagutin nito. "Mommy---"

"Hush," she cut him off. Hinawakan at hinaplos niya ito sa pisngi saka pinagdikit ang kanilang noo. "Makinig ka sa akin, anak..." Hindi na napigilang maiyak ni Avriana. "You need to cooperate with me okay? Naiintindihan mo ba ako? Para rin ito rin ito sa kaligtasan mo. Please..."

"But mom, at least tell me what's happening?"

"May mga nakapasok na kalaban sa palasyo, anak. At andito sila para patayin tayong lahat," sagot nito.

"How about Ary? Where's she?" nag-aalalang tanong ni Arren.

"Pinatakas ko na sila kanina kasama ang yaya niya," mabilis na sagot ni Avriana at nagmamadaling hinanda ang tali at panyong gagamitin niya para igapos bigyan ng busal ang anak.

"But... How about you, mom?"

"Huwag muna akong intindihin. Wala na tayong oras na natitira. Please, anak. Please..." nakikiusap na sabi nito na patuloy pa rin sa pagluha.

"Pero mom..."

Muli niyang hinawakan sa pisngi ang anak. "Please Arren... Nakikiusap ako sa'yo anak. Huwag ng matigas ang ulo, please?Makinig ka naman sa akin," nagsusumamong anito. "Kailangan mong mabuhay. Ikaw ang nag-iisang tagapagmana, ikaw lang ang pag-asa ng imperyong ito..." dagdag pa niya at sinimulan ng igapos at bigyan ng busal ang anak.

Sa kahuli-huliang pagkakataon ay niyakap niya ng mahigpit ang anak habang umiiyak. Ilang beses niya itkng hinaplos ang buhok at hinalikan sa noo. "Mahal na mahal kita, anak... Mahal na mahal kita. Please, live..." aniya at tuluyan nang sinarado na ang pinto ng cabinet.

Doon lamang napansin ni Avriana ang katawan ng Empress na nakahandusay sa sahig. Napaluhod siya at mabilis itong dinaluhan. Agad niyang natutop ang bibig at doon na nga siya tuluyang mapahagulgol ng malakas. Ngunit agad din siyang natigilan nang biglang kumalabog at marahas na nabuksan ang pinto. Iniluwa nito si Vincenzo at ang iba pa sa kaniyang mga kasamahan na kapwa nakaitim at may takip sa mukha.

"Yo, Avriana-sama! Yōyaku kojin teki ni o aidekite yokattadesu, (Hello, Your Highness! I'm glad I finally met you personally,)" Vincenzo greeted her in a playful and sarcastic manner with an evil grin on his lips.

"Handa ka na bang mamatay?"