Chapter 8 - VII

Time to Get Even

"ARREN!" Ary called out loud when she saw her older brother sitting in front of the door of a room.

Agad itong tumakbo papalapit sa kaniya habang nakasunod naman sa kaniyang likuran ang kanilang lolo. "I'm glad you're safe." Hindi napigilang yakapin ni Ary si Arren nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya. Kumalas din naman siya agad pagkatapos ay napalinga-linga siya sa paligid. "Where's mom and granny?" tanong niya nang hindi sila makita.

Hindi agad nakasagot si Arren. Nananatili lamang siyang nakayuko. His face was blank, no expressions, no actions. He was just practically sitting, eyes fixed nothing on particular. Halos mag-iisang oras na rin simula nang makaalis ang Hellraiser Force sa kanilang palasyo. At ngayon pa lang nakabalik ang Emperador sa kanilang palasyo kasama ang mga Warriors/Knights ng Adarlan.

Nasa kaharian ng Terrasen si Emperor Alaric nang mabalitaan ang naganap na pag-atake ng Hellraiser Force sa kanilang palasyo. Kaya naman wala sa oras na napasugod pauwi ang Emperador at dali-dali nitong pinatawag at pinapunta sa palasyo ang kasundaluhan ng Adarlan upang i-rescue ang pamilyang naroon.

Ngunit mukhang huli na nang makarating ang mga ito dahil wala na silang naabutan na bakas ng mga kalaban doon. Tanging ang nadatnan lamang nila ay ang mga nagkalat sa sahig na duguang bangkay ng mga tauhan at tagasilbi ng mga House of de Vil.

"Arren?" untag ni Emperor Alaric nang hindi pa rin kumibo ang apo.

"Arren, where's mom and granny?" tanong ulit ni Ary, malapit na itong maubusan ng pasensya bukod doon ay mukhang may kutob at ideya na rin ito sa nangyari sa ina at sa lola. "Answer me, Arren!"

"They are dead..." walang kasing lamig na sagot ni Arren sa kaniya.

At nang mag-angat ito ng tingin ay awtomatikong nanginig at tumaas ang balahibo ni Ary nang masalubong niya ang mga mata ni Arren. His eyes were full of fury. His eyes were like the devil's eyes. What was living behind his eyes were purely and simply evil. Arren had a stoic expression on his face and full of killing intent, who wouldn't shake in fear with the dark aura around him?

His jaw clenched. "Those fuckers killed them!" turan niya dahilan para parehong matigilan at magkatinginan sina Ary at Emperor Alaric.

Pagkatapos ay kumuyom ang parehong kamao ni Arren nang maya-maya pa ay lumabas mula silid ang ilang mga sundalo bitbit ang dalawang stretcher sakay ang kalunos-lunos na katawan nina Emeraude at Avriana.

"Mom! Granny!" bulalas ni Ary at mabilis silang dinaluhan. "No..." Ilang beses siyang napailing at kung hindi pa siya naalalayan ng yaya nito ay baka bumagsak na siya sa sahig. "No. It can't be... Mommy... Granny..." aniya pa at tuluyan na ngang napaiyak.

Samantala nakaramdam ng kakaiba at matinding galit si Emperor Alaric matapos niyang lapitan at makita ang duguang bangkay ng asawa at manugang.

Arren on the other hand remained sitting while staring at his mom and granny. His expression was blank but his eyes were full of hatred. There's a burning anger inside him, he was so mad. No. He was beyond fucking wrathful.

"They will pay.... I will make them pay...." sambit nito. "Babalikan ko silang lahat at sisiguruhing wala ni isa man sa kanila ang makakatakas sa tunay na bagsik ng kamatayan at impyerno..." makapanindig balahibong wika ni Arren. Deadly aura was all over his face that Ary and Emperor Alaric can see and feel his bloodlust.

Bumuntong hininga si Emperor Alaric at lumuhod para mapantayan ang apo. Pagkatapos ay saka niya hinawakan ang parehong balikat nito at bahagyang pinisil doon. "That's right, hijo. We will definitely avenge them. That's why you should keep your heart cold. Revenge taste great when your soul is engulfed in hate. And that way, our revenge will gonna be sweet as hell..."

"GRAMPS, it's been several years, but why do we still appear to be doing

nothing? Why haven't we been able to

avenge mom and granny, as well as the

others, till now? When are we going to act?" sunod-sunod na tanong ng labing-apat na taong gulang na si Arren. "Kinalimutan niyo na ba ang mga ginawa nila? Ganon na lang ba iyon?" dagdag pa niya.

Emperor Alaric sighed. Binitawan nito ang hawak na fountain pen saka sumandal sa kaniyang swivel chair. "Hijo, isn't this

something we've already discussed? I told you, this is not yet the right time for that."

"Pero hanggang kailan ba tayo maghihintay, gramps?"

"Maghihignati tayo, pero hindi pa sa ngayon, Arren. Maraming problemang kinakaharap ang imperyo at iyon ang bagay na mas dapat nating unahin. May tamang panahon para sa paghihiganti."

"But gramps. Those people should know that they just provoked the wrong opponent! Those people should know that it was their biggest mistake that they made us their enemy! Ilang taon na tayong nananahimik at walang ginagawa. Ano na lang ang iisipin ng mga kalaban natin? Na nagtagumpay sila? Na natalo nila tayo?"

"Then let them believe you are losing. Win in silence..." mariin at makahulugang sabi ng Emperador dahilan para matigilan si Arren. "Move in silence and never let them know your next move. Only speak when it's time to say checkmate. Confuse them with your silence and shock them with your actions. Silence is the ultimate weapon of power, Arren," mahabang dugtong ng Emperador.

"You must learn how to deceive your enemy. When he have the ability to attack, we must appear unable; when we use our forces, we must appear inactive; when we are close to the enemy, we must make them believe we are far away and when we are far way, we must make them feel we are close," mariing sabi pa nito.

"Utak ang laging pairalin, huwag ang emosyon, huwag ang galit. Hindi ba't iyan ang palagi kong sinasabi sa'yo?" Hindi sumagot si Arren sa sinabi ng lolo at umiwas lamang ng tingin. "You cannot simply act rashly because you are enraged and want to prove something to them. Kung gusto mo ng magandang paghihignati, pinag-iisipan at pinaghahandaan iyan..." dugtong ni Emperor Alaric dahilan para mas lalong matahimik si Arren, tinatatak sa isipan lahat ng sinabi ng kaniyang lolo.

Pagkatapos ay muli siyang napabuntong hininga at hinawakan sa balikat si Arren. "Listen to me, hijo. You know what's the best revenge?" tanong niya sa apo dahilan para muli itong mapatingin sa kaniya. "Ang ipakita sa kanila na kahit anong gawin nila, hinding-hindi ka nila mapapatumba," anito. "You see, ang daming kinahaharap na problema ng imperyo ngayon dulot ng mga pinaggagagawa nila. Pero huwag kang mag-alala, tatayo ulit tayo sa pagkakadapa at babalikan natin ang mga gumawa nito sa atin. Those people just broke the wrong part of us. They broke our wings but they forgot we have claws. And that's what we are gonna use to defeat them."

"Sa ngayon ay hayaan muna nating tuluyang maging maayos ang lahat sa imperyo. Hayaan mong isipin ng mga kalaban na nagtagumpay sila sa pagpapabagsak sa atin. At kapag dumating na ang takdang panahon, tayo naman ang susugod sa kanila sa panahong sila naman ang nagkakasiyahan at atatake sa paraang hindi nila tayong kayang labanan."

Tumango-tango si Arren sa sinabi ng kaniyang lolo. Tipid namang napangiti ang Emperador saka hinaplos ang buhok ng apo at ginulo-gulo. At kalaunan ay isang makahulugang ngisi ang sumilay sa kaniyang labi. "Just wait till the right time comes, Arren. We'll make sure that our vengeance is going to be epic and remarkable that their suffering and death will be legendary, even in hell..."

✒✒✒

------

"What will happen now, Emperor? What are we going to do?" tanong ni Ary sa kapatid na bagamat seryoso ay kalmado at prente lang na nakaupo sa kaniyang swivel chair habang ang mga binti ay magkakrus at ang baba ay nakapatong sa magkasiklop nitong mga kamay.

Ngayon ay nagkatipon sila sa conference room sa palasyo ng House of de Vil para pag-usapan at ilatag ang magiging plano nila laban sa Hellraiser Force at sa pinuno ng kaaway nilang kaharian. Kasama nila sa meeting ang mga pinuno ng bawat kaharian at ang lahat ng bumubuo sa Imperial Ruling Pillars.

Halos isang buwan na ang lumipas nang maganap ang Coronation Day at kamatayan ng dating Emperador at matapos ang pangyayaring iyon ay nagsimula na rin silang mag-imbestiga tungkol sa Hellraiser Force.

Sa pamamagitan ng intelligence agency ng Levexon ay marami silang nakalap na impormasyon tungkol sa organisasyong ito. Nalaman nilang mula sa isang kahariang nagngangalang Ethreon ang Hellraiser Force at isa itong malaking organisasyong nabuo para lamang sa isang layunin at dahilan at iyon ay ang pabagsakin ang imperyo ng Levexon.

Nalaman rin nila maging iba pang background nito katulad ng kung kailan ito naitatag, kung sino ang nagtatag, kung sino ang tumatayong leader, bilang ng mga miyembro at pati ang kanilang base.

Hindi lang iyon dahil may mga hawak na rin silang impormasyon maging sa mismong kahariang pinagmulan nito. Nalaman nilang ang kahariang ito ay nais na matalo at mahigitan ang kapangyarihang mayroon ang Levexon. Nalaman nila na ito ay pinamumunuhan ng House of Ashryver na matagal ng may malaking inggit at galit sa kanila.

At ngayon nga na may mga hawak na silang impormasyon tungkol sa Hellraiser Force at maging sa Ethreon Kingdom ay wala nang makakapigil pa sa kanila sa pagsingil ng kabayaran para sa lahat ng karumal-dumal na ginawa ng mga ito sa kanila.

"We'll have our revenge of course," mariing turan ni Arren. His expression didn't change at all. He remained stoic. "Nagkakamali sila kung iniisip nilang mapapabagsak nila ng gano'n kadali lang ang Levexon. As long as I'm alive, I will never give them the victory they want..." he said in the most powerful yet petrifying way.

"So what are we gonna do then?" tanong ni Zairen. Sobrang lamig at sobrang seryoso ng paraan ng pananalita nito at tila may kung anong kakaiba at nakakakilabot na awra ang bumabalot dito.

Arren let out a small terrifying smirk. "Well, it's our turn. The perfect time that we have been waiting for has finally come," he answered coldly, his voice was laced with venom.

An evil simper slowly appeared in Azkien face because of that. "You mean, it is time for us to make a move and return the favor with pleasure?"

"I guess it is," sabat ni Hakken. "Now that we already know the real enemy's identity. Nothing's gonna stop us now. Besides, they have already done so much damage to us. It's time to collect the debts. Right Emperor?" he said with deadly seriousness, showing the evil side of him.

"Yeah... I'll change things to the way it should be starting tomorrow. I'll gonna turn the tables and show them what it means to be the enemies of the Levexon Empire," Arren declared with an eerie calmness in his voice. His eyes looked empty but powerful.

"Kung ganon ay anong klaseng paghihiganti ang gagawin natin? Nakaisip ka na ba ng mga pwedeng maging hakbang para dito, Kamahalan?" Fallon asked.

"Yes," nakakapangilabot na sagot niya habang mariing nilibot ang paningin sa lahat at tinitignan ang bawat isa. Lahat naman sila ay nagsi-iwas ng tingin, 'di kayang salubungin ang maladugong kulay ng mata nito.

"Tomorrow, there will be a celebration for the Ethreon Kingdom's King's birthday and it will be held in an exclusive small cruise ship owned by them. Maraming dadalong mga bigating tao at paniguradong hindi mawawala rooon ang Hellraiser Force," Arren told them sternly, not batting an eyelid.

"And?"

"Gusto ko ay walang sinuman ang kikilos," seryoso at maawtoridad na sagot ni Arren sa tanong ni Fallon na ikinatigil at nakapagpagulo sa isip ng lahat ng nasa silid.

"Pardon?" kunot-noo at naguguluhang tanong ni Ary.

"Wait. We don't understand you," wika naman ni El Grande Alekhine, isa sa mga bumubuo ng Imperial Ruling Pillars. "Anong ibig mong sabihin Kamahalan?"

"Walang sinuman ang kikilos..." Arren trailed off calmy yet dangerously. "Maliban sa akin," kaagad na dugtong niya dahilan para muling matigilan ang lahat at magkatinginan sila sa isa't-isa.

Akma sana silang aalma ngunit muling nagsalita si Arren. "My decision is final. Papatayin ko ang sinumang aangal," mabilis na aniya na tila nababasa ang nasa isip nila. Tuloy ay awtomatikong tumiklop ang lahat at hindi na itinuloy pa ang balak na pag-alma. Pero lahat sila ay alanganin pa rin sa desisyong iyon ng kanilang Emperador.

"Huwag kayong mag-alala dahil matagal ko ng pinaghadandaan ang bagay na 'to. Everything is already perfectly and meticulously planned," naniniguro at puno ng kompiyansang aniya sa kanila. "Tomorrow will be the perfect day to massacre all of them. I won't let any single of them live. With my own hands, I will slay them all."

They all suddenly felt goosebumps creeping on their skin because of what Arren stated in all seriousness and vigor. They could all feel the heaviness of the whole atmosphere.

Moon Senju, one of the Pillars smirk because of that. "Surely, hell would break loose," komento niya.

"Indeed," Senju's younger brother, who's also a Pillar, agreed coldly. "What a bad luck they have us as an enemy," Szayel added impassively.

"But isn't too dangerous to go up against them by yourself?" lakas loob na sambit ni El Grande Ankhiale (Angkyel), kakambal na babae ni Alekhine na parte rin ng Imperial Ruling Pillars.

"I'm the fucking the danger, Ankhiale. Nakalimutan mo na ba?" mapanindak na sagot ni Arren dahilan para mapalunok si Ankhiale at hindi na nagsalita pa.

"But Ankhiale has a point, Emperor. You should at least bring us with you," walang pag-aalinlangang segunda ni Sakio.

"Right," tumango-tango si Akari sa sinabi ng kapatid na gaya niya ay isa ring Pillar. "Bakit ka susugod mag-isa kung pwede mo naman kaming isama?"

"No need. I can take care all of them by myself," he replied nonchalantly.

"What? No way, hindi pwede. Kailangan kasama kami," agad na kontra ni Ary.

"Right! You can't just go on a killing spree and have fun alone. That would be unfair for us," sabi ni Izuno Saint Jellal na kasama rin sa bumubuo ng Imperial Ruling Pillars. Lahat ay tumango at sumang-ayon. Nagpumilit silang sumama, umaasang mapapayag nila ang Emperador kahit na tila pinal at wala na talagang makakapagpabago sa kaniyang desisyon.

"Tss," Arren scoffed. Awtomatiko namang natigil at napalunok ang lahat dahil dito.

But after that, an sinister smirk slowly crept in his lips as he let out a soft yet devilish chuckle. At tila ba may kung anong kilabot at matinding pakiramdam ang gumapang sa buong katawan nila dahil sa tawa niyang iyon. Tila ba isang napakalamig na kamay ng demonyo ang bigla na lang humawak sa leeg nila dahilan para mahirapan silang huminga. It was just a simple chuckle yet he made them feel that he controls everything, including the time of their lives. Everyone just went dead silent. Damn Arren, he's giving them nonstop goosebumps.

"Fine. I'll take you all with me tomorrow..." he muttered menacingly. "After all that will be interesting... At least you'll be able to witness something special, something remarkable and something that will be written in history," aniya habang mariin silang isa-isang tinitignan. "Bukas, ipapakita ko sa inyo ang bagay na kailanman ay hindi pa nagagawa ninuman... You'll going to witness how enemies would bow their heads in fear just by simply glancing at me."

Hindi nila napigilang muling mapalunok dahil sa mapanindak na boses nito. Their heartbeat doubled and they were all frozen for solid of seconds because of the undeniable effect of his words.

And they even shivered a little because of the coldness in his eyes and his calm expression while stating those words. They could feel his power and detrimental killing intent. The seriousness in his air never faded, it became stronger.

Pagdaka'y napasulyap si Arren sa suot na wrist watch saka napabuntong hininga at tumikhim. "I guess dito na nagtatapos ang usapang 'to. May mga kailangan pa akong asikasuhin. Magkita na lang tayo bukas kung gusto niyo talagang sumama," he said dismissively at tumayo na.

"Anyway," pahabol niya. "Prepare and steel yourselves. Dahil kung ngayon palang hindi na kayo makahinga, paano pa kaya kapag harap-harapan niyo ng makikita?" aniya at hindi na hinintay pa ang kanilang sagot, basta niya na lang silang tinalikuran at tinungo ang pinto sa palabas.

Pagkatapos ay agad siyang dumiretso sa isang silid kung saan nakahanda ang mga gagamitin niya bukas sa pag-atake. Nilibot niya ang paningin sa loob ng silid at gayon na lamang ang pagkakangisi niya nang makita ang isang itim na cloak at itim maskara. Sa nasa tabi naman ng mga ito ang kaniyang dalawang katana na parehong nasa sheathe at maayos na nakalapag sa isang mesa.

Agad siyang lumapit at pinaglandas ang kamay sa sheathe ng mga ito kung saan parehong nakalagay ang katagang, 'Draw me not without reason, sheath me not without honor.'

He let out a cold-hearted smirk. These are the katana that he will going to use to kill them. The katana that will chop their body, cut their head and throat. These are the katana that will kill them all.

"The Hellraiser Force and all the Ashryvers are all yours tomorrow..." mahinang wika niya saka in-unsheathe ang parehong katana saka iwinasiwas at pinaikot sa kaniyang magkabilang kamay.

Pagkatapos ay saka niya kinuha ang kulay itim maskara na may tatak na may disenyong tila maliliit na talsik ng dugo at malaking ekis sa parteng kanang mata. "The time has come again for a bloodbath Arren," bulong niya sa sarili. "You will murder again with no mercy... You kill again like there's no tomorrow..."

✒✒✒

------

"This is the night of my vengeance so don't butt in."

"Emperor naman!" reklamo ng ilang mga mga Pillars na kasama ni Arren matapos sabihin niyang sabihin iyon. Kanina pa kasi sila nagpupumilit na sumama sa mismong pag-atake ngunit ayaw silabg payagan nito.

"Shut up. Sinabi ko na sa inyo kahapon diba? Sasama lang kayo para manood..." matigas na aniya sa kanila. "So just stay here, sit tight and watch..." pinal na sabi niya.

Kaya naman wala ng nagawa ang mga ito kundi ang mapahalukipkip at mapa 'tch' na lang. Tanging ang mga lalaking Pillar lang ang kasama ni Arren, ang mga babae ay naiwan sa Levexon kasama ang mga pinuno ng bawat kaharian. Hindi sila pwedeng sumamang lahat dahil hindi pwedeng walang parte ng Supreme (The Governing Body of the Empire) ang maiiwan sa imperyo lalo pa ngayon na wala si Arren.

Sakay sila ngayon ng isang submarine yacht na nagsisilbing hideout nila at kasalukuyan silang tutok sa malalaki at napakaraming monitors na nasa harap nila. Sa Sang Real exclusive cruise ship na pag-aari ng mga Ashryver gaganapin ang selebrasyon para sa kaarawan ni Haring Yuan Chaol ng Ethreon Kingdom. At may mga spy drone silang pinadala doon kaya naman nagagawa nilang makita sa pamamagitan ng monitor ang mga live feeds sa iba't-ibang bahagi ng venue. Bukod doon ay hawak din ni Arren ang blueprint ng barko kaya naman memoryado niya na ang mga pasikot-sikot dito.

Mayroong tatlong kilometro ang layo nila sa cruise ship at may lalim lang na 5 metro ang kanilang submarine mula sa ibabaw ng dagat. Mayroon din silang mga nakahandang torpedo, isang straight-running underwater missile na gagamitin nila para pasabugin at palubugin ang barko. Nakahanda na ang lahat at naghihintay na lamang ng magandang pagkakataon si Arren para umatake.

At hindi rin naman nagtagal ay nagsimula na ang selebrasyon kaya naman kinuha na ni Arren ang kaniyang dalawang katana at iba pang patalim na gagamitin niya. Sinuot na rin niya ang hood ng cloak at ang kaniyang itim na maskara. Pagkatapos ay saka na siya sumakay sa triton, isang personal submarine na hinanda ng mga tauhang kasama nila na sasakyan niya papunta sa venue.

"You are now approaching to the ship, Your Majesty..." iyon kaagad ang unang sumalubong sa kaniya matapos buhayin ni Arren ang device na kaniyang gagamitin. His earpiece is now activated to become a key of communication. At si Ackerman Zeus na kaniyang personal butler ang magsisilbing intel niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakalapit din siya sa yate at nang makaahon na ang triton submarine na kaniyang sinasakyan ay agad na tinuro sa kaniya ni Zeus ang bahaging madilim at walang bantay.

Gamit ang climbing rope ay mabilis na tinungo ni Arren ang parteng tinuro ni Zeus. "Your Majesty, the event is held on the grand hall located at the fifth deck of the ship..."

"Tell me the safe way to get there," utos niya na agad naman sinunod ni Zeus. Mabilis niyang sinuyod ng tingin ang monitor at saka tinuro kay Arren ang nakita niyang route kung saan walang bantay.

Pero habang papunta si Arren doon ay may nasalubong siyang apat na bantay. Hindi iyon inaasahan ni Zeus kaya naman hindi niya nabalaan agad si Arren. Pero wala namang naging problema dahil tahimik at mabilis na naibato ni Arren sa kanila ang apat na shuriken.

Tumama iyon sa dibdib nila kaya walang buhay agad silang bumagsak sa sahig at pagkatapos ay basta na lang silang hinagis ni Arren sa dagat. Mabuti na lang at wala ng sumunod pang kalaban pagkatapos n'on kaya madali nang nakarating si Arren sa fifth deck at lihim na pinasok ang grand hall. Doon ay naabutan niya ang maraming taong nagkakasiyahan.

Mabilis na tinungo ni Arren sa puwesto kung saan hindi siya mapapansin at kung saan maayos din niyang makikita ang nagaganap sa event.

Nilibot niya ang paningin sa paligid. The whole atmosphere was classy and regal. Everything screams lavishness and elegance. Even the chairs, tables and decorations seemed to be made of gold, diamonds and crystals.

The ship itself is spectacular. It is magnificent and grand. It was like a castle on the sea. Luxury seems to be the first idea that would come to a your mind upon entering the ship. Its interior is very impressive and exceptional. Not to mention that this was the first voyage of this ship

Even the people are very sophisticated and grandiose. You can already tell that they are on a different level just from the aura and demeanor they exude. Unang kita mo palang sa kanila ay alam mo ng hindi sila basta-basta.

Ayon sa impormasyong binigay sa kaniya ng kaniyang mga informant ay bukod sa buong angkan ng House of Ashryver at Hellraiser Force ay narito rin ang kanilang mga kaalyadong pinuno ng ibang mga karatig kaharian at ibang mga organisasyong sakop nila.

Arren scoffed. "Sige lang..." bulong niya habang pinagmamasdan silang nagsasaya. "Rejoice greatly, rejoice with all your might," aniya saka in-unsheathe ang parehong katana. "And then die..."