Chapter 10 - IX

The Real Beginning: Encounter with the Unknown

(Several Years Later)

Seven years have passed since that horrible incident happened. Countless of people died and mojority of them were murdered by Arren while others died due to the severe explosion. Maraming bangkay ang hindi natagpuan dahil karamihan sa kanila ay kung hindi naging abo ay nalunod sa dagat kasama ng barko

That bloodcurdling incident was all over the news and on the headlines, it became a hot topic all over the world. Umugong ang balitang ito lalo pa at bukod sa House of Ashryver na pinuno ng Ethreon Kingdom ay pawang mga malalaki at hindi basta-bastang mga tao ang sakay ng barkong pinangyarihan ng massacre.

The perpetrator of the massacre has remained undiscovered until now.

And because of the death of the Ashryver family, the Ethreon Kingdom fell into disarray. And now, the Kingdom of Ethreon is on the verge of collapsing. Their death caused the start of their downfall.

'This is not yet the end, this is just the beggining of everything. And the real story has finally began...'

Arren sighed and leaned back in the couch.

"Wala ka bang trabaho mamaya, Hel? Do you wanna go with us later and have a blast?"

Sinirado ni Arren ang librong binabasa at nilingon si El Grande Alekhine. "Where?"

Alekhine smirked playfully. "Saan pa ba? Of course we'll go to our favorite place. We're going to Entertainment District. Are you in tonight?" He wiggled his eyebrows.

Saglit munang nag-isip si Arren bago sumagot. "Yeah, I'm down."

"Alright! How about the others?" baling ni Alekhine sa iba.

"Nah." El Grande Ankhiale shook her head. "We're going somewhere later."

Tumango-tango si Fallon bilang pagsang-ayon. "Right. May sariling lakad ang trio mamaya," aniya na ang tinutukoy ay silang tatlo nila Ary at Ankhiale.

"Girls out," tipid na na sambit naman ni Ary na kumindat pa.

"Whoaah."

"Well, that's nice. We need to get loose sometimes and have the time of our lives. We deserve a slack too." Hakken shrugged.

Ngayon ay pare-parehong nasa iisang building sina Arren, Ary, ang pinsan nilang si Fallon na reyna ng Eyllwe, sina Zairen at Hakken na kapawa mga hari ng Terrasen at Wendlyn at sina Azkien, Jellal, Senju at ang kambal na sina Alekine at Ankhiale na kapwa mga Pillar.

Ang building na ito ay ang sariling headquarter ng mga Supreme at ngayon nga ay magkakasama sila sa entertainment hub ng building at namamahinga. Sina Jellal, Senju, Azkien at Ankhiale ay abalang naglalaro ng billiards. Samantalang baraha naman ang pinagkakaabalahan nina Hakken, Alekhine, Fallon at Ary. Si Arren at Zairen naman ay tahimik lang at parehong may sariling mundo.

Zairen was lounging on the sofa while lazily playing his Rubik's cube. Samantalang si Arren ay pagbabasa ng libro ang inaatupag. Sa kanilang lahat ay silang dalawa ang pinakatahimik. Well, Jellal is also silent but unlike Zairen and Arren, he's more easy to be with.

"By the way, where are the other supreme members? Kulang yata tayo," maya-maya'y puna ni Moon Senju.

"The younger ones have gone to work," sagot ni Zairen na ang tinutukoy ay ang tatlong nakababatang mga Pillar na hindi nila kasama ngayon dahil abala sila sa trabahong binigay sa kanila ng Emperador.

"I see..."

The Supreme also known as the Governing Body of the Empire is the one who rules the entire Empire along with the Emperor. Amg Supreme ay binubuo ng mga Imperial Ruling Pillars na may walong miyembro at ang mga pinuno ng apat na kaharian ng Levexon. Pero sa kanilang lahat, Arren has the supreme authority.

Members of the Imperial Ruling Pillar have authority and power and the Kings and the Queen have a total control over their territory but the Emperor is the one who makes the final decision for the entire empire. Arren is the supreme leader, the leader of the leaders, ruler of the rulers. He's an Emperor and has the control over the vast area and has the highest power in the whole Empire.

The top seat is occupied by him, effectively the leader of the entire Supreme, who takes the final decision on every matter. Pumapangalawa sa kaniya sina Fallon, Zairen at Hakken na kapwa mga pinuno ng bawat kaharian ng Levexon at sunod naman sa kanila ay ang mga Pillars.

Silang lahat maliban sa apat na maharlika ay pawang galing sa mga noble family mula sa iba't-ibang kahariang sakop ng Levexon. Magkakaalyado ang mga pamilyang kinabibilangan nila kaya naman simula pagkabata hanggang mgayon ay sila-sila na ang palaging magkakasama.

Madalas, kapag sila-sila lang ang magkakasama at walang kinalaman sa kanilang katungkulan at imperyo ang ginagawa nila ay para lang silang magkakaibigan kung magturingan pero kung may kinalaman sa dalawang bagay na nabanggit ay naroon ang pagiging pormal at paggalang nila sa isa't-isa.

Sina Arren, Zairen, Jellal at Senju ay kapwa magkakasing-edad lang, samantalang mas bata naman ng isang taon sa kanila sina Ary, Fallon, Hakken at ang kambal na sina Alekhine at Ankhiale. Ang pinakabata naman sa kanila na sina Akari at Szayel ay magkasing-edad lang din, samantalang si Sakio ang pinakabata sa kanilang lahat na parte ng Supreme.

"Hey Hel, we came up with a great plan for later. Are you interested? Wanna hear it?" kapag kuwan ay sabi ni Hakken na may nakakalokong ngisi.

Kumunot ang noo ni Arren at tamad na tinignan si Hakken. "What?"

Lumawak ang ngisi ni Hakken at bahagya pang natawa. "Sigurado akong hindi mo ito palalampasin..."

"Uhuh?"

"We're planning to go to the underground fight club in Entertainment District... Of course with our identity hidden. What do you think?" si Izuno Saint Jellal ang nagsalita.

Saglit na natigil si Arren at pagdaka'y isang maliit ngunit mapaglarong ngisi ang sumilay sa kaniyang labi. "Sure."

✒✒✒

------

Pagkababa na pagkakaba niya sa kaniyang motorsiklo ay ingay ng mga tao ang kaagad na sumalubong sa kaniya. Hinubad niya ang kaniyang helmet at inilibot ang paningin sa paligid. 'So this is the Entertainment District huh?' wika niya sa kaniyang isipan at hindi mapigilang mapingisi habang patuloy pa ring nagmamasid sa paligid. The place seems to sleep during the day, and at night, it sparkles and dazzles. The place is so alive and extraordinary.

Sa parking lot pa lang ay pawang ang mga magagarang sasakyan na ang nakaparada. Sa sasakyan pa lang ay alam mo ng hindi mga basta-bastang tao ang nagpupunta sa lugar na ito. Hindi naman syempre magpapahuli ang kaniyang napakaangas na Vyrus Alyen 988. Wala iyong kasing angas kumpara sa ibang mga sasakyang nakaparada.

Bumuntong hininga siya saka pinindot niya ang device na nasa kaniyang tainga. "Nakarating na ako," seryosong anito sa kausap sa kabilang linya.

"Alright. Good luck and don't forget to enjoy."

"Tss," usal niya at hindi napigilang mapairap dahil sa kasarkasmuhan ng kausap. Muli niyang pinindot ang device at inalis iyon sa kaniyang tainga. Pagkatapos ay saka sinuot ang hood ng jacket at pinamulsa ang mga kamay.

Muli siyang bumuntong hininga saka nagsimulang maglakad at maglibot-libot sa lugar. Unang bumungad sa kaniya ang night market. Napakaraming tao at napakaingay ng lugar. Bagay na pinakayaw niya at hindi niya nakasanayan. Muli siyang napabuntong hininga. Bakit nga ba siya andito?

Nagpatuloy lamang siya sa paglalakad at kalaunan ay narating niya ang isa sa mga parte ng Entertainment District, ang beach nightclub. Sa malayo pa lang ay kita na ang dami ng taong nagkakasiyahan habang nagsasayawan. Rinig na rinig din malakas na tugtugan at ingay ng mga tao.

Sa paligid ay nagkalat ang mga taong halos maligo na sa alak o 'di kaya ay lantarang tumitira ng droga. Ang iba naman ay halos hubad na habang nakikipagmake out at iba pa nga sa kanila ay kundi sa ibabaw ng kotse ay sa ibabaw ng mesa.

Nang tuluyang makalapit ay hindi niya maiwasang mapangiwi. People are having their best moments, they were partying like crazy. There are huge speakers, flashing lights and lasers, alongside floating streamers and glowsticks. The DJs are even splashing and pouring color powder and water to the people on the dance floor to hype them up. Not to mention that there's also an artificial rain on the dance floor.

'Damn. They are so wild!'

There's also a bonfire on the beach side and fire shows that entertains the other people. Sa kabilang banda ay mga pool din kung saan may mga tao ring nagkakasiyahan. There's also a large dancing water fountain with led lighting. Bukod sa mga sunken fire pit area sa mga mismong pools ay mayroon ring mga beach bed at sitting area sa gilid ng dagat.

May mga waiter ding naglilibot para kumuha at magbigay ng orders at mayroon ring malawak na bar area. Wala sa sariling napairap siya dahil hindi naman siya ang tipo ng taong mag-eenjoy sa ganitong klase ng lugar kaya naman nang magsawa siya sa kamamasid sa lugar at walang makitang interesante ay umalis na siya at nagsimulang punatahan ang iba pang lugar sa Entertainment District.

Sunod niyang napuntahan ang isang abandunadong kalsada malapit sa dagat kung saan ginaganap ang street race. Gaya ng iba pang parte ng Entertainment District ay marami ring tao rito. Sobrang ingay rin lalo pa't puro hiwayan ng mg tao at tunog ng mga humaharurot na sasakyan ang maririnig.

Fast cars, loud exhausts, modified engines, customized body kits and races, this is what you get at an illegal street race. Racers gather from all around to race their custom built cars against one another. The adrenaline pumped thrills of racing is a calling not only to hot-blooded young males but to young women as well.

She smirked. Finally she found something that matches her interests. Street racing is something that she truly enjoy. She's both race and car enthusiast. Mas lalo niyang binaba ang suot na hood para mas matakpan pa ang mukha pagkatapos ay saka siya lumapit at nagsumiksik sa kumpulan ng mga tao. At nang makapunta sa pinakaharap ay mas lalo siyang napangisi.

Isa ang karera at kotse sa mga bagay na kinahuhumalingan niya kaya naman hindi niya mapigilang matuwa dahil mukhang katatapos pa lang ng unang batch na maglalaban at ngayon ay mukhang magsisimula pa lang ang mga susunod. Apat na kotse ang nakita niya mula sa 'di kalayuan na papunta strating point para humilera at ang isa sa talaga namang umagaw ng pansin niya ay ang napakaangas na dating ng isang special edition at kulay pulang Ferrari J50.

"I heard the King of the Road is here."

"Really?! Damn. This is gonna be a great race then!"

"Yes! Drop the beat! The fucking monster of the race is here!"

"Hey, hey, hey! Fuck that. Just place your fucking bets, morons!"

Bahagyang kumunot ang noo niya, hindi maiwasang hindi maintriga sa mga usapang naririnig niya sa paligid.

"Did you hear that? Nandito raw siya!"

"What?! No way!"

"Kung nandito siya ay siguradong talo na naman tayo nito sa pustahan!"

Napalingon siya sa mga kalalakihang nasa kaniyang tabi. "Excuse me? Who's that King of the Road, the monster of the race that you are talking about?" she can't help but asked.

Sabay-sabay na napalingon sa kaniya ang grupo ng mga lalaki na may nagtatakang tingin. "You don't know him?" tanong ng isa sa kanila.

She shook her head. "I'm new here."

"Oh," sabay-sabay na usal nilang lahat.

"Well, he's the greatest illegal racer! Misteryoso ang isang iyon at minsan lang iyon magpunta dito. But whenever he's around, no body can beat him," sagot ng isang lalaki.

"Uhuh. And he's a fucking big time. Laging ibang kotse ang dala niya sa tuwing kakarera siya," sabi rin ng isa pa.

"Oh look! Oh my god! Andito nga siya!"

Napatingin silang lahat sa babaeng nagsalita malapit sa kanila at agad na sinundan ng tingin ang tinutukoy nito. At doon ay nakita nila ang isang kulay pulang Ferrari J50.

She grinned. "Is that him?"

Tumango-tango ang mga lalaki. "Yes, without a doubt!" they answered in unison.

Tumaas ang kilay niya. "How can you be so sure? Iba-ibang kotse ang dala niya sa tuwing pupunta siya rito, hindi ba?"

"His car will always be the best, the coolest and the most eye-catching one. Plus his car is always the special edition one, the best of the best cars that ever made," sagot nila na tinuro pa ang kotse nito. Tinignan niya naman uli ito at napatango-tango.

"Hay, kainis talaga. Wala man lang pasabi na lalaban pala siya ngayon. Paano na kami mananalo ng team ko nito!" one of them ranted absentmindedly.

"So there's a team?" tanong niya at bahagyang tumaas ang sulok ng labi dahil sa ideyang nabubuo sa kaniyang isipan.

"Yeah. May mga kaniya-kaniyang team ang bawat lalaban ngayong gabi. Pero dahil nandito siya ay siguradong wala na kaming panalo," dismayadong sagot nila.

"I can fight for your team," she suggested confidently without hesitation, not minding anything.

Nanlaki ang mga mata ng mga kausap niya. "Are you serious?!"

She crossed her arms and with her chin up and cold eyes, she answered, "I'm serious."

"Pero..."

"Kung sakaling mananalo ako, sainyo pa rin lahat ng premyo. Hindi na ako makikihati dahil wala naman akong pakialam. I just wanna race and have fun." She raised an eyebrow. "Deal?"

"Huh..." hindi makapaniwalang usal ng isa sakanila na iiling-iling pa at hindi napigilang bahagyang matawa. "Ang lakas naman ng loob mo. Palibhasa ay bago ka lang dito at hindi mo alam kung paano siya kumarera," he said mockingly and he even has the guts to look at her from head to toe. "Do you wanna end up in hospital? Or perhaps die? You don't even know him! You have no idea how dangerous he is!"

"And you don't even know me. You have no idea how great I am and how dangerous I can be..." she retorted daringly giving him a small smile. A confident and threatening smile that made him shut up. "I'm just being kind here, you see... I'm trying to do you a favor. It's up to you if you're gonna accept my offer," she added in a convincing manner.

"Tss. Ang tapang talaga..." bulong ng lalaki kanina.

"S-Sige, pumapayag na kami," sagot naman ng isa sa kanila.

Isang mapaglarong ngiti ang binigay niya rito saka bahagyang tinapik ang balikat ng lalaking sumagot sa kaniya. "You made a right decision. You won't regret this, I swear..." she said dangerously. Pagkatapos ay nilibot niya ang paningin sa paligid. "Now, where's your car?"

"Halika, sumunod ka," anito at iginiya sa mga kotseng ngayon ay nakahikera na sa kalsada. Pagkatapos ay tumigil sila sa isang kotseng katabi lang ng pulang Ferrari.

"This is the car," anang lalaki. And it's a BMW i8 Roadster.

"Nice car, huh? Not bad," she commented coolly with a nod.

Kinatok ng lalaki ang binata ng kotse at mula roon ay bumababa ang panibagong lalaki na mukhang kasamahan din nila. "Siya na ang lalaban," anito sa kasama.

"What?!" tanong ng lalaki at napatingin sa kaniya. "And who the hell is she?"

"We made a deal. She'll help us. She'll fight for our team," paliwanag ng lalaki.

"What? Are you crazy?"

Lumapit ang lalaki dito at bumulong. "Mukha naman siyang magaling at mapagkakatiwalaan. Isa pa, mukhang hindi rin basta-basta ang isang 'to. Hindi naman siya makikihati kaya ayos na rin iyon. Pagbigyan na natin."

"Damn," usal ng lalaking kasamahan nito at muling napatingin sa kaniya saka napakamot sa ulo at bumuntong hininga.

Nilapitan niya naman ito at nginisihan. "Yo!" bati niya. "Ako ng bahala sa team niyo," she said nonchalantly.

"What's your name?" tanong nito sa kaniya.

"Hindi mo na kailangan malaman," sagot niya saka inilahad ang palad nito. "Key," she ordered calmy. At walang nagawa ang lalaki kun'di ibigay sa kaniya ang susi. "Now watch carefully 'cause what will happen tonight will be written in history for I am going to defeat that so called mother fucker greatest racer in town," she said confidently, the tone she used was so assuring. It was firm and powerful.

Pagkatapos ay saka na siya pumasok sa kotse at iniwan ang dalawang lalaking nakanganga at walang masabi. Pagkapasok ay agad niya ng sinuot ang seatbelt saka sumandal at bumuntong hininga. Napatingin siya sa katabing pulang Ferrari at pilit inaaninag ang nakasakay roon, but to no avail.

Ilang sandali pa ay naglakad na sa harapan ang isang babae na may hawak na dalawang flag sa magkabilang kamay. Mukhang magsisimula na ang karera lalo pa't nagsimula na ring maghiyawan ang mga tao. Sa gilid ay napansin niya ang mga lalaking nakausap niya kanina na tila nababahala sa mga mangyayari.

Ngumisi siya at muling sinulyapan ang katabing Ferrari saka nilipat ang paningin sa babaeng nasa harapan. Itinaas na nito ang dalawang flag at akmang ibaba para sana simulan na ang karera ngunit bigla siyang bumaba sa kotse dahilan para matigilan at makuha niya ang atensyon ng lahat.

"Wait!" aniya na itinaas pa ang kamay. "Can you give the spotlight to me and to this car next to me? Let's go for 1v1," walang kasing angas na wika niya.

Nagulat ang lahat sa sinabi niya. 'Ohh's and 'whoa's filled the place because of that. Umugong ang bulungan sa paligid, ang iba ay namamangha sa kaniyang lakas ng loob at ang iba naman ay nababahala.

"Hinahamon niya ba ang King of the Road?"

"What the fuck, is she serious?"

"Well, this is gonna be exciting for sure!"

"Ibang klase. Malakas ang loob niya. Mukhang may ibubuga rin ang isang 'to."

"But that's insane! Gusto niyang makipag one-on-one. That's dangerous."

"She's crazy."

"Who's she?"

"Hoy babae. Siraulo ka ba?!" lumapit ang mga lalaking kausap niya kanina.

"Stop provoking him. This ain't just about racing! Gusto mo bang mamatay?!"

"Alam mo ba kung anong ginagawa mo? You are fucking playing with fire," they warned.

Bahagya siyang natawa. Natawa siya ng mahina ngunit nakakapangilabot dahilan para matigalan at bigla na lang matameme ang mga lalaking nasa harapan niya. "Relax..." sagot niya. "I love danger and I know how to play with fire very well," she spoke menacingly.

Pagkatapos ay lakas loob siyang naglakad papunta sa pulang Ferrari at umupo sa hood nito. Halos mapanganga naman ang lahat at ang iba pa nga ay halos hindi na huminga dahil sa ginawa niya.

"Hey," aniya sa driver ng kotse na bagamat hindi niya nakikita dahil heavy tinted ang salamin ang ng kotse nito ay sigurado naman siyang nakikita siya nito mula sa loob. "You must be very bored and dissapointed every time you come here to race. Nagsasawa ka na siguro sa mga paulit-ulit na nangyayari. Biruin mo, nagbabalak ka palang na pumunta dito, alam mo ng ikaw na ang mananalo. Malamang ay walang kwenta ang mga nakakalaban mo. That's no fun. There's no even challenge and thrill at all," she said, provoking him.

Then she licked her lips and crossed her arms coolly. "Mabuti na lang talaga at nandito ako. Magpasalamat ka dahil sa gabing 'to, bibigyan kita ng isang magandang laban at sigurado akong hindi mo ito malilimutan," she said and smirked devilishly.

Pagkatapos ay saka na siya naglakad papunta sa kaniyang kotseng gagamitin at sinenyasan ang lahat. "Umatras muna ang iba. Sa amin ang laban na 'to."

Wala naman silang nagawa kun'di ang sumunod sa kaniya. Sumakay na siya sa kotse at huminga ng malalim. Mariin niyang hinawakan ang manibela at muli siyang bumaling sa katabing kotse. Binusinahan niya ito ng tatlong beses, laking pasasalamat naman niya at nakuha nito ang ibig niyang sabihin. They began revving up the engine as their supercars made a screeching sound.

"Let's see what you've got," she whispered.

At mula sa harapan ay itinaas na ng babae ang dalawang hawak na maliit na flag at agad na ibinaba hudyat na simula na ng laban.

"Let's get it on, baby!"

Nagsimula siyang magmaneho gamit ang isang kamay at humalumbaba gamit ang kabila. Sa ngayon ay tinatantiya niya pa kaya medyo mabagal pa ang takbo niya. Pero nagtaka nang hindi makita ang kalaban at nang mapatingin siya sa rear view mirror ay nakita niyang nagpaiwan pala ito.

"Huh." She rolled her eyes. "Is that his strategy?"

Ngunit ilang sandali pa ay narinig niya na ang pagharurot ng sasakyan nito at mula sa rear-view mirror ay nakita niya itong humahabol sa kaniyang likuran. At bagamat nahuli ng ilang segundo ay nagawa pa rin nitong abutan at pantayan siya.

She bite her lips and smirked. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela at napasulyap sa pulang Ferrari. She accelerated and he did too. He tried to go on the inner lane but she immediately blocked him. Pagkatapos ay mas pinabilis niya ang pagpapatakbo na gumawa ng malaking distansiya sa kanila.

Her car glides rapidly along the empty expanse of road. Racing is the pursuit of fast, powerful, and audible speed. A racecar never purrs, instead buzzing and shrieking. The faster it runs, the louder it gets.

It has a throaty quality to it, as if the guts of the car are running exposed. For some it's noise but for her it's music, the sound of well-tuned instrument, its perfect pitch. Speed isn't the type of fun that needs to be rationalized. Speed is simple. Speed is a game. She really is fond of this kind of things.

Pero maya-maya pa ay bigla na lang may bumangga sa kaniyang likuran at nang mapatingin siya sa rear-view mirror ay namaatan niya ang pulang Ferrari. Hindi niya namalayan na nakaabot na pala ito. Pagkatapos ay tinapatan siya nito at ginitgit sa gilid nang makadaan sila sa isang tunnel. Bahagya pa itong humiwalay para makabwelo at muli siyang binangga ng ubod ng lakas.

"Damn!" She gritted her teeth. Hindi naman siya nagpatalo at sinubukang bumawi sa kalaban. Ngunit naging maagap ito at bago pa man niya madikitan ang sasakyan nito ay nagawa na siya nitong iwasan at maungusan.

Her smirk grew wider. "So he's indeed a real deal huh?" komento niya at muling binilisan ang papatakbo para abutan ito.

She started to manipulate the car for a drift since there's a corner approaching. Pero hindi niya pa rin nagawang lampasan ang kalaban matapos makadaan sa isang corner. Sinubukan niya ulit na ungusan ito sa sumunod na corner pero nagawa ulit siya nitong harangan.

"Tss!" Sa inis ay bahagya siyang dumistansiya saka bumwelo at binangga ang likuran ng kotse nito. Dahil dito ay nagawa niya itong pantayan.

Pagkatapos ay saka niya kinabig ang sasakyan at binunggo ulit ito. Sa lakas ay halos mapunta siya kabilang parte ng kalsada samantalang ang kalaban naman niya ay sumadsad sa gilid at inararo ang mga stalls na naroon. Ginamit niya naman ang pagkakataon na 'yon para unahan at iwan ito.

Pero gaya ng kanina ay muli itong nakahabol sa likuran niya. Napamura siya nang mag-overtake ito at muli siyang maungusan pagdating sa panibagong corner.

"The dude is good..."

She shift to the second gear, the car shuddering in response and speeding ahead. She catch up to her opponent and struggle to pull in ahead of him. The combined loudness of their mufflers fills the air and adrenaline rushes through her veins as she catch the view of the Ferrari overtaking again.

Pero hindi siya nagpatalo at sinubukang ungusan din ito pagdating sa isa na namang panibagong kurabada pero nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Pagliko ng Ferrari ay nagtuloy ang pag-ikot nito hanggang sa magkaharap ang kotse nilang dalawa at naging papunta sa direksyon niya ang takbo nito.

"What the hell? The driver is insane! What the fuck is he planning to do?"

Nagtuloy ito sa pagmamaneho at siya naman ay hindi malaman ang gagawin. Bahagya siyang nabahala dahil mukhang may balak ang driver na isalpok ang kotse nito sa kaniya. At hindi naman siya nagkamali dahil iyon nga ang kaniyang ginawa. Mabuti na lang at nagawa niya pang maiwas ang kotse bago pa man sila magsalpukan kaya hindi gano'n katindi ang naging damage.

Hindi naman siya nag-aksaya ng panahon, dali-dali niyang minaniobra at pinaandar ulit ang kotse saka inunahan ang kalaban. Pero muli siyang napamura nang makitang nakahabol kaagad ang Ferrari na at nasa gilid na niya ito. At sa hindi inaasahan ay bigla nitong idikit ang kaniyang kotse sa kotse niya. Pagkatapos ay saka siya nito itinulak at inipit sa railings ng kalsada.

"Bloody hell!" inis na sambit niya dahil hindi niya magawang makawala rito. Patuloy siyang ginitgit nito hanggang sa maya-maya'y biglang bumigay ang bahagi ng railing at doon ay mas lalo siyang tinulak ng kalaban.

"Shit!" bulalas niya nang maramdaman niyang tila bahagyang bumagsak pababa ang gulong ng kotse sa likod. Damn, kung tuluyang dadausdos pababa ang kotse ay siguradong sa bangin ang diretso niya.

Sa pagkakataong iyon ay iniwan na siya ng kalaban at ginamit ang tiyansang iyon para siya'y unahan. "Tss. Annoying..." Nahampas niya ang manibela.

Bumwelo siya at buong pwersang kinabig manibela palayo sa bahaging iyon at napabuntong hininga siya nang magawa niyang makabalik sa gitna ng kalsada.

Muli siyang nagpatuloy sa pagmamaneho. Humigpit ang pagkakahawak niya sa manibela saka kumambyo at lalo pang diniin ang pagkakatapak sa silinyador. Sa ginawa niya ay naabutan niya ang kalaban. Mabuti na lamang at hindi pa ito nakakalayo.

Mas binilisan niya pa ang takbo at inunahan ito. Base on the map there's still last three corners that they need to pass before reaching the starting point which is also serves as the finish line. Muli niyang sinulyapan ang Ferrari sa likuran na sinusubukang humabol sa kaniya. She smirked upon the idea she came up with.

Mula sa side mirror ay ibinalik niya ang tingin sa kalsada at pagkaliko sa kurbada ay sinubukan pa rin siyang ungusan ng kalaban pero hindi niya na ito pinayagan. Nananatili pa rin itong nakabuntot sa likuran kaya sinadya niyang biglang magpreno. She didn't hear the loud crash that she was expecting. At nang silipin niya ito ay namaatan niyang agad itong umiwas para hindi bumangga sa kaniya at agad na nagpreno bago pa man sumalpok sa isang poste.

She whistled and smirked. Iniwan niya na ito at nagpatuloy sa pagmamaneho. At nang malapit na siya sa huling corner ay mas lalo niyang binilisan ang takbo. A slow right is approaching but she didn't slow down at all. She just manipulate the car for a drift and did it effortlessly with just one hand on the steering wheel.

But there will be sharp turn left ahead and it will be too late to reduce the speed so she steered the car into the opposite direction of the corner then shifted the weight of the car into the direction of the corner, causing the tires to slide for the next turn.

She chuckled out of amusement, this is her first time using that technique and it really worked. "So this is what you called inertia drift huh?"

Then she drove and pass by the hairpin easily. Hindi na siya nahirapan dahil sanay na siya sa mga ganito kahit pa hindi niya na bagalan pa ang takbo. At hindi nagtagal, sa wakas ay narating niya na rin ang finish line.

She whistled as she run her free hand through her hair. "Damn, that was one hell of a race!" she exclaimed.

Agad niyang sinuot ang hood at pagkababa ng kotse ay una siyang sinalubong ng ingay ng mga naghihiyawang tao. They were cheering as someone collected the money from everyone who bet on the race.

Matapos ianunsyo na siya ang nanalo ay binigay rin sa kaniya ang premyo sakto namang nilapitan siya ng mga lalaki kanina kaya agad niya ng inabot sa kanila ang napanalunan. Binati nila siya habang manghang-mangha at hindi makapaniwala sa pagkapanalo niya. Tuloy ay hindi nila maiwasang mahiya dahil sa mga sinabi nila sa kaniya.

"By the way, I did some damage to your car. Babayaran ko na lang o kung gusto niyo ay papalitan ko na lang ng bago," alok niya sa kanila na para bang isa lang iyong isang napakasimpleng bagay.

Napangiwi pa siya matapos makita ang lagay ng kotse. Puno ito ng gasgas, may mga yupi-yuping parte at may lamat na ang mga salamin. Pero agad naman tumanggi ang mga lalaki at sinabing ayos lang.

Samantala nagsimula namang magsilapit sa kaniya ang mga tao para batiin siya at makiusyoso. Pero hindi niya na inabala pa ang sarili sa mga ito at pasimpleng umalis sa lugar para makaiwas sa mga tao. She hates the crowd, eyes of people and attention.

Nang makalayo na siya at makarating sa isang bahagi kung saan wala ng tao ay agad siyang sumandal sa isang pader na nakita niya at doon ay namahinga. Pero agad siyang natigilan nang mapansin sa 'di kalayuan ang kararating lang na pulang Ferrari na siyang nakalaban niya kanina.

At mula roon ay bumaba ang isang taong nakasuot ng itim na hood. Akma sana niya itong lalapitan ngunit isang van ang huminto sa kaniyang harapan at mula roon ay lumabas ang grupo ng mga kalalakihan.

"Is that her?" wika ng isang lalaki.

Tumango naman ang isang kasama niya. "Oo iyan iyong humamon sa kaniya kanina."

Kumunot ang noo niya at dahan-dahang napaatras. 'What's the meaning of this?' Tinignan niya sila isa-isa. Nasa mahigit sampu ang mga ito at mukhang mga gangsters. At sa palaga niya pa ay mukhang nakainom at nakahithit ng droga ang iba sa mga 'to.

"Hoy, ikaw!" turo ng lalaking nagtanong kanina. "Alam mo ba kung gaano kalaki ang pinusta para sa labang 'to. Milyon ang pinusta namin para sa lalaking iyon! Punyeta, kung hindi ka sana nangialam, malamang malaki ang panalo namin ngayon!"

Naramdaman niyang biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Agad niya itong kinuha mula sa bulsa at agad na sinagot ang tawag.

"Where are you? Nandiyan ka pa ba? Go home now and don't get yourself into trouble," sambit ng nasa kabilang linya at hindi na siya hinintay pang makasagot at binabaan na kaagad.

Inis niyang binalik ang cellphone sa bulsa. 'Oh yeah, good shit. Seems like I just got myself into trouble.'

"Kasalanan mo bakit wala kaming panalo ngayon."

"Susuwertehin na sana kami dahil dumating ang magaling na lalaking iyon kaso sinira mo ang diskarte namin. Akala mo kasi kung sino ka e."

"Putangina ang laking pera n'ong tinalo namin!"

"Humanda ka!" anang mga ito at nagsimulang maglabas ng patalim.

She rolled her eyes and licked her lower lip in annoyance. Sa dinami-dami ba naman ng mapag-iinitan nila ay siya pa talaga. It's not like she can't fight them. She can but she won't. Kaya naman wala siyang nagawa kun'di ang takbuhan ang mga ito.

"Hoy! Bumalik ka rito!"

"Dali! Habulin niyo!"

Binilisan niya ang takbo nang sinimulan siyang habulin ng mga ito. She keep on running while they keep on chasing her. Hanngang sa maya-maya ay napunta siya sa isang parking lot ng mga abandunadong sasakyan. Inakyat niya at nilukso ang mga sasakyan at doon tumakbo sa ibabaw ng mga ito. Sinundan naman siya ng mga lalaki kaya agad siyang lumiko sa isang nakitang maliit na iskinita. Pero nagulat siya nang makita sa 'di kalayuan ang mga ibang kasamahan ng mga lalaki.

Akmang magtatago sana siya sa gilid ngunit huli na dahil naplingon sila sa gawi niya at dali-daling tumakbo papunta sa kaniya. Tatakbo sana siya pabalik ngunit naroon na rin ang kaninang mga humahabol sa kaniya. She's fucking cornered.

"Shit!" Wala siyang nagawa kun'di ang akyatin at talunin ang mataas na chain link na bakod.

"Hoy, hindi ka makakatakas sa amin!" Sinundan siya ng mga ito kaya nagpatuloy siya sa pagtakbo.

"Ugh! Kainis!" aniya nang makaramdam ng bahagyang pagkirot sa paa kaya bigla siyang napatigil sa pagtakbo at napaupo. Nang mapalingon siya sa kaniyang likuran ay nakita niyang malapit na ang mga lalaki kaya wala siyang nagawa kun'di ang tumayo at tumakbo ulit papunta sa bahaging madilim at mapuno.

Panandalian siyang huminto at sumandal sa isang puno, hindi na kinakaya ang pagod at kirot na nararamdaman niya sa isang paa.

"Nasaan na?! Nakita niyo ba?"

"Nakita kong dito siya nagpunta! Dali sundan natin!"

"Bullshit," bulong niya nang marinig ang mga usapan ng lalaki at marinig ang yabag ng mga ito papalapit sa kaniya. Napapikit siya sa inis at walang nagawa kun'di magpatuloy sa pagtakbo.

Paika-ika na siya at hindi na halos makita ang dinadaanan dahil sa labis na dilim ni wala na rin siyang ideya kung saang lugar na siya napunta. "Ahh!" hindi niya napigilang maiusal ng malakas nang bigla siyang matisod sa isang malaking ugat ng puno.

"Narinig niyo 'yon? Hindi kaya siya iyon?"

"Dito ko banda narinig! Tara!"

"Oh damn!" she murmured. Tumayo siya mula sa pagkakatisod at muli sanang tatakbo nang may isang kamay ang bigla na lang humila sa kaniya at dinala siya sa kabilang bahagi ng malaking puno. Pagkatapos walang ano-ano ay bigla na lang siyang niyakap nito.

At dahil sa labis na gulat at bilis ng pangyayari ay hindi kaagad siya nakapag-react, hindi na siya nakaalma pa at walang nagawa kun'di hayaan na lang ang kung sino man ang yumakap sa kaniya. She wanted to scold herself. She didn't even know the person and yet she allowed herself to be hugged by him.

"Who are you?" she murmured while breathing heavily.

"Sshh... Stay still." A frisson of alarm quickly ran down her spine as soon as she heard him spoke. The guy has a nice voice yet his dominating and deep cold voice made her tremble for the first time in her life.

Awtomatiko naman siyang napatahimik at halos pigilin na rin pati ang paghinga nang makarinig ng mga papalapit na yabag.

"Nasaan na?"

"Dito ko iyon narinig. Sigurado ako."

"Hanapin niyo. Tignan niyong mabuti!"

Napapikit siya at hindi napigilang maisubsob ang mukha sa lalaki nang makarinig ng mga kaluskos at yabag papalapit sa bahaging kanroroonan nila.

"Hindi ko siya makita."

"Wala rin siya rito."

"Saan napunta iyon?"

"Subukan nating hanapin banda roon."

Nakahinga siya ng maluwag matapos marinig ang usapan nilang iyon at marinig ang papalayo nilang mga yabag. At nang makasigurong nakalayo na nga sila ay saka lamang siya binitawan ng lalaki.

Napayuko siya at napahugot ng sunod-sunod na malalim na hininga. Although the atmosphere was chilly, she could still feel the beads of sweat dripping from her face. Napatingala siya sa lalaki at mariing tinignan ito. Sinubukan niyang aninagin ang mukha ng lalaki ngunit madilim ang bahaging kinaroroonan nila, nakadagdag pa ang suot nitong hood kaya natakpan ang itaas na bahagi ng mukha nito at tanging ang ibabang parte lamang ang kaniyang nakikita.

"Who are you?" she asked.

Ngunit sa halip na sagutin siya ay isang tanong din ang ibinato nito sa kaniya. "It was you, right?" he asked in a calm yet stern voice. And she suddenly feel scared all of a sudden which is new because she's usually fearless. Or maybe because the aura of the guy in front of her is intimidating.

"What do you mean?"

"You're the one who challenged and beat 

me in the race a while back, right?"

Her eyes widened. "So you mean, y-you..."

Kung ganon ay siya iyon? He is the mysterious King of the Road, the greatest and monster of the race? Siya ba ang nakalaban niya kanina sa karera? Wow, that's insane.

Hindi niya napigilang mapatawa ng mahina. "So it's you huh?" napapatangong aniya at ngumisi "I heard you're great and that no one has ever beaten you. Too bad, I exist and have arrived. So tell me, what it's like to be beaten by someone like me for the first time?" she mocked and laugh teasingly.

"It excites me," mabilis at malamig na sagot ng lalaki na awtomatikong nakapagpatigil sa kaniya. "It felt exciting as hell and I don't know if it's a good thing or not." He shrugged as he put his hands inside the pockets of his hoodie. "And I want to find it out that's why I was looking for you after the race. And I'm glad that I found you..." sagot nito na bigla na lang nakapagpataas ng kaniyang mga balahibo. Napahakbang siya paatras nang bigla itong humakbang, hindi niya alam kung bakit bigla siyang kinilabutan.

"I saw you and those guys running and I thought they were chasing after you so I decided to lend a hand," he said like it was no big deal. "You're welcome, by the way," he added lazily with a bit of sarcasm.

She crossed her arms and slightly raised her brow. "And why are you looking for me?" She tried to show that she's not intimidated by him.

A small devilish smirk rose on the side of his lips. "Maybe because I found you worthy of my attention?"

"Oh," she uttered, amused. Then she gave him a mischievous smirk. "Me? Why?" nagtatakang tanong niya ngunit mas lamang ang kuryusidad. "Wait, don't tell me, the so-called mysterious King of the Road and the monster of the race is interested to me?"

"Why not? You are such an iconic. After all, you managed to fucking win against me..." he muttered and she suddenly became nervous. Hindi niya alam kung sarkastiko ba siya o ano.

Then he moved and suddenly leaned in closely to her, which caught her off guard. His face was only few inches away from her. "And you seemed no ordinary to me. You are tough and confident, I think there's something more to you. And I find it interesting and amusing," he whispered.

Muling nagsitaasan ang kaniyang mga balahibo nang maramdaman niya ang pagtama ng hininga nito sa kaniyang leeg. His lips almost touched her ears and it brought shivers down to every parts of her body.

Pagkatapos ay saka siya dahan-dahang umatras palayo sa kaniya. "Earlier was awesome, by the way. You gave me a one hell of a good one-on-one race, I liked it," he commented straightforwardly and she felt her heart pounded because of that. "It is indeed something that I would never forget and so are you..." mariin at makahulugang sambit niya.

Hindi siya nakapagsalita, hindi niya alam kung ano ba ang dapat sabihin. Nanatili lamag nakatitig sa lalaki. Hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman at maging reaksyon mula sa sinabi nito.

"So, what's your name?" pagdaka'y tanong nito sa kaniya.

"And why do you want to know?" she retorted. Laki pasasalamat niya at hindi siya nautal.

The guy smirked, perhaps smiled. "I think it's worth knowing. I want to know the name of the person who just caught my attention," sagot nito dahilan para lihim na mapalunok siya.

"I'm Akane," pagpapakilala niya sa sarili. "Akashi Akane..."

"Akashi Akane..." he repeated in a slow and menacing manner with a subtle amusement in his tone. "I see..." napapatangong aniya. "Anyway, there's a way out over there. Just go straight to that direction and you'll find the parking lot across from the road," sambit niya na iminuwestra pa ang direksyong tinutukoy. "I gotta go now. It was nice meeting you, Akane. Good night," paalam niya pagkatapos ay saka na tumalikod at akmang aalis na.

"Wait!" pigil niya dahilan para huminto ito sa akmang paghakbang. "Who are you? I mean, what's your name?" lakas loob na tanong niya. Of course, hindi pwedeng hindi niya malaman. Matapos niyang magpapakilala saka niya, dapat ay makilala niya rin ito.

"Hel," tipid na sagot ng lalaki na hindi man lang nag-abalang humarap sa kaniya.

"Ha?"

"You can call me Hel." Iyon lang at nagsimula nang humakbang palayo sa kaniya.

"Hel..." she murmured absentmindedly. Nananatili lamang siyang nakatayo at tulalang pinagmamasdan ang misteryosong lalaki habang naglalakad palayo hanggang sa tuluyang maglaho sa liwanag.