Chapter 5 - IV

Bitterer Than Death

"Handa ka na bang mamatay?" Vincenzo asked while grinning evilly from ear to ear.

Avriana glowered at her. "Who are you?!"

"Ako?" he asked eerily. "Ako lang naman ang papatay sa'yo, Kamahalan," sagot niya kaniya. Napatingin siya sa sahig at doon ay namataan ang nakahandusay at walang buhay na katawan ng Empress.

Nagulat si Vincenzo sa nakita gayunpama'y sinikap niyang huwag itong ipahalata. Anong ibig sabihin nito? Hindi sila ang may gawa nito sa Empress kaya't napaisip siya. Imposibleng isa sa mga miyembro niya dahil kararating lang nila at wala siyang binigay na utos sa kahit na sino sa kanila na maaari nilang patayin ang Empress bukod doon ay hindi rin uyong napagplanuhan nila. Siya ang dapat na papatay sa Empress.

Ibig sabihin ba nito ay may iba pang nagtatangka sa buhay ng Empress at naunahan sila nito? Palihim na napabuntong hininga si Vincenzo at iwinaksi ang bumabagabag sa kaniya.

Ipinagsawalang bahala niya na lamang ito, total naman ay pabor din naman sa kanila ang nangyari sa Empress. Mabuti na rin iyon at mababawasan ang kanilang trabaho. Binalik niya ang atensyon at paningin kay Avriana na may sobrang samang tingin na pinupukol sa kanilang lahat.

Avriana gritted her teeth. "You..." she hissed, her face darkened. "Kayo ba ang may kagagawan ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa imperyo?! Why are you here in our Empire? What are you trying to accomplish? Bakit niyo ginagawa ang lahat ng 'to?!" mariin at magkakasunod na tanong niya habang matalim na nakatingin sa kanilang lahat.

But Vincenzo only answered her with a loud devilish laugh. He couldn't help but be amused at Avriana's reaction. He hasn't even done anything yet, but he is now already beginning to enjoy the night. Sa katunayan ay hinila pa nga niya ang isang upuan sa tabi at umupo sa harap ni Avriana na para bang isa siyang uri ng palabas. Vincenzo smirked at her. This woman will surely going to entertain him later and he is certain that everything that will occur tonight is going to be be fan-fucking-tastic.

"Why?" muling tanong ni Avriana ng hindi pa rin siya sahutin ni Vincenzo. "Why are you doing all of these? What do you need? Tell me, what do you need?!"

"Wala naman. Trabaho lang," kaswal at walang kagatol-gatol na tugon ni Vincent pagkatapos ay sabay-sabay silang napatawang lahat na naroon.

Mas lalo tuloy nanggalaiti si Avriana. "Bastard!"

Tumayo si Vincenzo at nilapitan ito. "Huwag kang mag-alala Kamahalan. You're in good but dirty hands," nakakalokong sambit ni Vincenzo.

Pagkatapos ay walang babala at ubod ng lakas niyang hinampas ng baril at sinipa si Avriana dahilan para matumba at sumadsad ito sa sahig. Sinenyasan niya ang mga kasamahan nito na agad naman tumalima at iginapos si Avriana.

Kasabay nito ang pagdating ng isa pang unit ng Hellraiser Force na pinamumunuan ni Artemis na kanilang Vice Commander at asawa ni Vincenzo. Ang unit nila in charge sa pag-ubos ng mga royal guards at ibang tao sa loob ng palasyo. "Nahalughog na namin ang buong parte ng palasyo pero ni anino ng Emperor ay hindi namin nahanap. Mukhang wala yata siya rito," pang-iimporma ni Artemis kay Vincenzo pagkatapos ay napatingin siya sa Empress.

"Hindi kami ang may gawa niyan," bulong ni Vincenzo sa asawa.

Nangunot ang noo ni Artemis. "What do you mean?" she asked, confused.

"I'm not sure either. Pagkarating namin dito ay naabutan na namin siyang ganiyan. Duguan at walang buhay na nakahandusay sa sahig."

Saglit na napaisip si Artemis. "Ibig mo bang sabihin ay may ibang nakapatay sa kaniya? May iba pa silang kalaban bukod sa atin?" mahinang anito.

"That's possible. Pero saka na natin iyon isipin. May mas mahalaga pa tayong dapat intindihin ngayon," sagot ni Vincenzo. Pagkatapos ay sabay silang napatingin kay Avriana na ngayon ay nakasalampak sa sahig at nakagapos na.

Napangisi si Artemis at dahan-dahang naglakad papalapit sa kaniya. "Your Highness..." she greeted as she bow her head in mockingly.

Pagkatapos ay lumuhod siya para mapantayan si Avriana at saka marahas na hinawakan sa baba upang iangat ang kaniyang mukha. "Huwag kang mag-aalala, Mahal na Prinsesa..." madramang sambut nito. "Hindi ka naman namin papatayin kaagad. We could kill you in an instant if we want to, but that' would be no fun. We want to make this night memorable. Iyong tipong lahat ng dadanasin mo sa gabing 'to ay dadalhin mo hanggang sa kamatayan!" nakakapangilabot na aniya saka sinundan ng mahina ngunit malademonyong tawa.

Mas lalong nagpuyos sa galit si Avriana dahil sa tinuran nito. "You'll regret this! You'll pay big time for this! Do you know what it means to mess with us? Just simply entering our territory is already a big mistake! You just dug your own graves! Sa tingin niyo ba ay hindi nila kayo matutunton? Akala niyo ba ay hindi nila malalaman ang tungkol dito? I guess you don't know what kind of empire the Levexon is!"

"And it's seems like you have no idea how terrifying the Ethreon Kingdom's Hellraiser Force can be..." Vincenzo retorted with a small grin on one side of his lips. "Do not underestimate us, Avriana. This is our biggest and most special mission. We've spent enough time to see how to do all of these without flaw."

"At huwag kang masyadong magmalaki, Princess Avriana," Artemis sneered. "Nagtagumpay na kami noon at paniguradong magagawa ulit namin iyon ngayon. Kung nagawa naming mapatay ang mga makapangyarihang royal family ng bawat kaharian, ikaw pa kaya?" she replied smugly.

"Kung gano'n ay kayo nga ang pumatay sa kanila?!" nanggagalaiting wika ni Avriana.

"Yes! At ikaw ang susunod!" Artemis and Vincenzo chorused then laughed menacingly.

Kasabay n'on ay ang malakas ng paghiyaw ni Avriana nang biglang gumapang sa buong katawan nito ang boltahe ng kuryente. Agad itong nawala pero matindi ang iniwang sakit sa katawan niya. Naubos ang lakas niya at nanlupaypay.

Pero ilang segundo lang ang lumipas ay muli na naman niyang naramdaman ang kuryente sa kaniyang buong katawan. "AHHHH!"

Napatawa ang mag-asawa. "Ohh, nalimutan nga pala naming sabihin na nilagyan namin ng kaunting boltahe ang gapos mo," nang-aasar na sambit ni Artemis.

"A-ahh--ughh---Ahhhhhh! AAHHHH!" malakas na hiyaw ni Avriana nang muli siyang makuryente, hindi pa doon iyon natapos dahil paulit-ulit niya iyong naramdaman.

Samantala, sa kabilang banda ay lihim na nakasilip at nagmamasid si Arren mula sa pamamagitan ng isang maliit na butas mula sa loob ng cabinet na kaniyang kinaroroonan. Kitang-kita niya ang mga nangyayari sa labas at rinig na rinig din nito ang patuloy na pagsigaw ng ina dahil sa labis na sakit na dinaranas. He felt a gripping pain in his chest because of what's his mom experiencing. He cannot stand seeing her like this. It's heartbreaking.

Pero hindi pa doon natapos ang pagpapahirap nila kay Avriana dahil matapos nila siyang ilang beses kuryentehin ay sunod naman nila itong nilatigo. Nilatigo siya ng nilatigo ni Artemis sa kung saan-saang parte ng katawan niya.

Cries of anguish escaped. She couldn't fathom the amount of pain. Walang lumabas sa bibig niya kun'di pagsigaw sa tuwing dumadapo sa balat niya ang latigo samantalang tawa lang ng tawa sina Artemis, Vincenzo at ang mga miyembro ng Hellraiser Force.

Kung minsan ay sinisipa-sipa din nila siya na tila parang isang basura. They're continuously torturing her. She was bleeding, she had bruises, and scathes on her body. Hindi lang iyon dahil sapilitan din nila siyang pinakain ng basura at kung ano-ano pa. Pinutol pa nila ang mga daliri nito sa paa.

Hindi pa sila nakuntento pinagsamantalahan pa siya ng ibang mga miyembro ng Hellraiser Force. Pinagpasapasahn nila siya na parang gaya ng isang laruan. Samantalang ang mag-asawang Ishikawa ay parehong nakaupo lang isang tabi, nasisiyahan sa kahayupang nasa harapan nila.

"Tanoshii! (This is fun!)" They laughed.

Patuloy sa pag-iyak at pagsigaw ng pagmamakaawa si Avriana. It was unbearable. It was too much for him. Napakahirap para kay Arren na makitang gano'n ang mommy niya. Sa mura niyang isip ay hindi niya maintindihan kung bakit nila ito ginagawa sa mommy niya. Sino ba sila?

Hindi niya makita ng mukha ng mga ito dahil kapwa may takip ang mukha nilang lahat at tanging mga mata at bibig lamang ang nakalabas. Ang dalawa sa kanila ay naiiba ang damit kumpara sa ibang kasamahan at nasisiguro niyang sila ang leader ng mga ito. Ang isa ay babae at ang isa naman ay lalaki. Bukod doon ay pare-parehong simbolo rin ang nakatatak sa damit nila na siya ring tattoo na nasa batok ng lalaking leader nila at nasa likod ng palad ng babaeng kasama nito.

Anong kailangan nila? Bakit kailangan nilang ganituhin ang mommy niya? He want to help her, he want to protect her from those people but he can't do anything. Gusto niyang lumabas sa cabinet  pero hindi niya magawa. Gusto niyang umiyak, sumigaw at magmakaawa na tigilan na nila ang ginagawa sa mommy niya pero walang boses o luhang lumabas mula sa kaniya.

Tuyong-tuyo ang mata niya dahil sa galit. Galit na galit siya sa mga oras na ito. His young mind was set to kill everyone inside the room if only he could. They will pay. They definitely will pay. This is unforgivable.

"That's enough!" pagdaka'y ani Vincenzo kaya agad nang tumigil ang mga miyembro ng Hellraiser Force. Tumayo ang mag-asawang Ishikawa at nilapitan si Avriana. Mabilis namang nagsitabi ang mga miyembro at iniwang nakahandusay si Avriana sa sahig.

"Yare yare... (Oh dear...) Seems like our members overdid it," Artemis commented sardonically while staring at her.

"How was it, Avriana?" Vincent asked in a deriding tone. "Taste like hell eh?" he laughed. "Don't worry we're already through with you. That was great by the way. It was fun tormenting you. You entertained us very well," he ridiculed and they both laughed evilly.

"Paano ba iyan? Mamamaalam ka na sa mundong 'to, Avriana. Any last words?" ani Artemis.

"Maaari ngang nagtagumpay kayo sa ngayon... Maaaring.... nagawa niyo kaming patayin... But..." hirap na sabi ni Avriana. "Even if you managed to defeat us... Someone... will rise to avenge us and kill you all! Babalikan niya kayong lahat... And as long as he's alive and standing... You...can never bring this empire down!---aagh!" Bigla siyang napadaing at hindi na nagawa pang tapusin ang gustong sabihin nang isa malakas na sipa ang dumapo sa kaniya.

"Heeeh? Hontoni? (Really?)" Artemis taunted.

"Magbabayad kayong lahat! Pagbabayaran niyo ang lahat ng 'to!" muling sambit ni Avriana pero tinawanan lang siya ng mag-asawa.

"Nasabi mo na ba lahat ng gusto mong sabihin?" tanong ni Vincenzo sabay labas ng kaniyang baril. "'Cause if you are done already, I'm going to put you out of your misery now," aniya saka kinasa ang baril at tinutok sa noo ni Avriana.

"Sayonara... (Farewell...)" he said with a devilish and terrifying smirk. At hindi nagtagal ay isang malakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong silid.

Then he announced victoriously, "Mission complete..."