Chapter 3 - II

Operation Downfall: Crushing Blow

Lumipas ang halos isang taon simula nang maganap ang Shiganshina City bombing. And that disastrous incident has marked the history of Levexon. The aftermath of the atomic bombing in Shiganshina City of Adarlan was a complete nightmare. Many lives were lost and more than forty percent of the city was destroyed.

Ngunit ang may salarin ay nananatili pa ring isang malaking misteryo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nila alam kung sino ang may gawa at kung saan nag-ugat ang pangyayari. The incident left a big deep scar to the empire of Levexon. Labis ang naging pagluluksa ng buong imperyo sa nangyari at gayon din naman, labis din ang kanilang galit sa may gawa nito. What they did was unforgivable.

Ngayon lang may nangyaring ganito at ngayon lang may nakagawa ng ganito sa kasaysayan ng Levexon. Sinamantala nila ang panahong sila ay nagkakasiyahan at sinira nila ang isa sa pinakamahalaga at pinaka-iniingitang lugar ng sentro ng imperyo.

Ngunit hindi pa roon nagtatapos ang lahat, dahil wala sa plano ng Hellraiser Force na bigyan sila ng katahimikan. Ang masaklap na pangyayaring iyon ay susundan pa nila ng mas masaklap pa. Hindi yata papayag ang Hellraiser Force na makabangon pa sila. Kung noong una ay pinilayan lang sila, ngayon naman ay puputulan na sila ng paa upang tuluyan ng hindi makatayo kahit kailan.

Halos isang taon pa lang ang lumilipas ngunit heto at isang panibagong trahedya na naman muli ang gugulantang sa buong Levexon. At katulad lang din ng dati, muli silang sasalakay ng palihim. Hellraiser Force is fond of surprises. Kumikilos sila sa panahong hindi namamalayan. Umaatake sa paraang pabigla at hindi inaasahan kung saan hindi sila makakalaban at tiyak na wala ni isa mang buhay ang maiiwan.

They like it if their enemy is caught of guard. Ang Hellraiser Force ay ang tipong pasekreto at malinis kung magtrabaho. Walang pinapalagpas, walang bakas at walang takas.

"This is Alpha-1 to communicating to all units. The target is approaching, moving at speed of 80kph. Do you read?" It was Vincenzo talking to his members through their listening device

"Loud and clear, alpha-1," sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Muling pinagmasdan ni Vincenzo sa pamamagitan ng high tech military binocular ang limousine kung saan nakasakay ang mga miyembro ng House of Killmore na siyang namumuno sa buong Terrasen Kingdom. Nasa loob ng sasakyan si King Havilliard Laurent, ang asawa nitong si Queen Feyre at si Prince Langris Laurent na kanilang anak.

Papalabas na ang limousine sa main gate ng kanilang palasyo at napapagitnaan ng dalawang van kung saan kapwa nakasakay ang mga royal guard ng Killmore family. Ang isa ay nasa unahan ng limousine at ang isa naman ay nakabuntot dito.

Napangisi si Vincenzo. Matagal na nilang pinaghandaan ang operasyong ito, planado at kalkulado nila ang lahat kaya naman nakasisiguro siyang gaya ng una ay magtatagumpay uli sila sa kanilang pangalawang misyon.

"I already have a visual on the target. This is Delta-2 speaking." One of his members said.

"Copy. All units prepare on your posts and prepare your weapons!"

"Roger!"

Vincenzo eyed his RPG-7 with bleak eyes, the eyes of a hunter framed in the passionless face of an executioner. His blunt hands were steady as they lifted and set the weapon. He nodded to himself. He was ready. Carefully, he positioned it to the direction where the target will pass by.

Pagkatapos ay muli niyang kinuha ang radyo at nakangising sinabi, "It's time! Fire!"

Hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Vincenzo at agad na tinira ang van na nasa unahan kasunod ang van na nasa likuran. Awtomatiko sumabog at tumilapon ang dalawang sasakyan, hindi nagtagal ay agad iyong sinundan ng magkakasunod at makakabilang putok na galing sa kaniyang mga kasamahan.

Sabay-sabay silang nagpaputok at walang tigil na pinaulanan ng bala ang limousine. Nabasag ang mga bintana ng sasakyan at maging ang gulong nito ay tinamaan na rin. Naging pagewang-gewang ang takbo nito at kalaunan ay tuluyan na ngang nawalan ng kontrol at biglang napapihit sa kabilang direksyon.

Tumama sa railing ang limousine at sa lakas ng pagkakatama nito roon ay bumalibaliktad ang sasakyan saka nahulog at dumausdos sa bangin.

Panandaliang tumigil sa pagpapaputok ang mga Hellraiser Force. Umalis sila sa kani-kanilang mga puwesto at mabilis na nagsilapit sa gilid ng bangin at doon ay muling pinaulanan ng bala ang bahaging kinabagsakan ng limousine. Bukod doon ay hinagisan din nila ito ng de-kalibreng bomba para siguruhing hindi na mabubuhay pa ang mga sakay nito.

"Mission number two accomplished!" masayang wika ni Vincenzo habang nakatanaw sa mala-impyernong apoy sa ibaba ng bangin. "Job well done!" puno ng galak na dagdag pa nito habang nakatingin sa mga kasamahan.

Bakas ang labis na saya sa mukha ni Vincenzo dahil sa nakamit na tagumpay habang pinapanood sa ibaba ng madilim at malalim na bangin ang sasakyang tinutupok ng naglalagablab na apoy.

"One down..." he murmured darkly with a spine-tingling smirk on his lips.

"Commander Ishikawa!" Agad siyang napabaling sa isang miyembrong papalapit sa kaniya. "Nakatanggap na po kami ng update galing sa Vice Commander..." may himig na sayang pang-iimporma nito.

"At ano raw ang balita?"

Ngumiti ito. "Tagumpay, Commander! They successfully crashed the plane with no survivors."

Isang napakatamis at napakalapad na ngiti ang awtomatikong sumilay sa labi ni Vincenzo matapos marinig ang sinabi ng kaniyang miyembro. "Subarashii! (Excellent!)" At hindi na nga nito napigilang hindi mapahalakhak dahil sa labis na tuwa.

Si Ishikawa Artemis na walang iba kun'di ang kaniyang asawa at Vice Commander ng Hellraiser Force ay ang in charge sa misyong pagpapatumba sa House of Bloodaxe kasama ang iba pa sa mga miyembro ng Hellraiser Force.

Ayon sa impormasyong nakalap nila, sa araw na ito ay nakatakdang umalis ang House of Bloodaxe upang bisitahin ang kaharian ng Ardarlan. The Hellraiser Force's members that is in charge in this mission, decided to infiltrate the plane and planned to plant a bomb on board. Hindi naman sila nahirapang isagawa ito dahil tinulungan sila ng elite group na kakampi nila sa loob ng Levexon.

Madaling nakapanggap ang dalawang miyembro ng Hellraiser Force bilang piloto at flight attendant ng private plane ng House of Bloodaxe at dahil sa masusing pagpaplano ay madali lang rin nilang naitanim ang bomba sa loob ng private plane. The explosive device brought down the aircraft killing all the people inside aside from the two members of Hellraiser Force who managed to escape through parachute.

Sakay ng private plane si Haring Nozel Bloodaxe ng Eyllwe, ang anak nitong si Prince Alasdair at ang kaniyang asawang si Princess Grandina na kapwa napatay sa plane crash na isinagawa nila.

At ayon sa report na katatanggap lang nila mula sa mga in charge sa plane crash, the plane had reached a height of approximately 31,000 feet when a timer-activated bomb detonated. The blast broke the plane into thousands of pieces that landed in an area covering roughly 850 square miles. Falling wreckage destroyed 21 houses and killed an additional 17 people on the ground.

"And this day marks the history of Levexon again. For we have taken down two powerful ruling family at the same time!" wika ni Vincenzo.

"And there's two more left, Commander..." turan ng kaniyang isang miyembro.

Nginisihan niya ito. "Huwag kang mag-aalala, makikita mo, hindi ko patatagalin ang mga natitira nilang sandali sa mundong 'to..."

✒✒✒

------

Chaos. Chaos was the result of the incident involving the House of Killmore and Bloodaxe. Both Terrasen and Eyllwe Kingdoms were thrown into chaos because of the death of the members of the two ruling families.

Ang kamatayan ng dalawang makapangyarihang pamilyang ito ay nagdulot ng matinding impact sa buong imperyo. Hindi pa man tuluyang nakakabangon ang Levexon Empire sa nangyaring Shiganshina Bombing kamakailan lamang, heto't panibagong malaking problema na naman ang kanilang kinakaharap.

The whole empire knew that an adversary has undoubtedly invaded their territory. It's also likely that the Shiganshina bombing and the assassinations of the two royal families were carried out by a same group or organization. As a result, the land of Levexon grew more cautious, and its security was tightened, as was the safety of all royal families, particularly since they were the targets of the enemy.

Ngayon ay ginagawa na nila ang lahat upang mahuli at mapigilan ang mga kalaban. They need to catch them and figure out who are they. They must stop them from taking their next actions. They can't let them succeed, they can't let them overcome them.

Sa kabilang banda ay buo pa rin ang kompiyansa ni Vincenzo at ng buong Hellraiser Force na hindi sila mahuhuli ng mga ito. Lalo pa ngayon na hindi lang iisa ang kakampi nila sa loob ng imperyo at hindi basta-basta lang. Dahil kumpara sa elite group na kakampi at palihim na tumutulong sa kanila, ang isang ito may posisyon at kapangyarihan sa imperyo na tulad nila ay nais ding pabagsakin ang Levexon.

At hangga't nasa likod nila ang mga ito ay mananatiling parang bulag ang buong Levexon na nangangapa sa dilim. Nag-aaksaya lamang sila ng panahon, sa una pa lamang ay sinugurado na nilang magtatagumpay sila. Levexon Empire's defeat and downfall is certain.

Samantala, labis na saya naman ang idinulot ng kasalukuyang estado ng Levexon Empire kay Haring Yuan Chaol. Labis niyang binabati ang buong Hellraiser Force dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng kanilang misyon. Tila unti-unti na ngang nagbubunga ang kaniyang punong itinanim at pinaghirapang diniligan. Hindi rin magtatagal at tuluyan nang magwawakas ang paghahari ng Levexon Empire sa mundo gaya ng kaniyang matagal ng inaasam-asam.

"Sniper #1, #2 and #3 on positions," rinig ni Vincenzo na anunsyo ng kaniyang mga kasamahan mula sa suot nitong earpiece.

Muli niyang sinilip mula sa kaniyang binocular ang kaka-landing lang na chopper sa helipad ng palasyo ng House of Fenderhell. Nasa loob ng chopper ang sunod na target nila para sa araw na ito, walang iba kun'di sina King Kazuhiko Ludendorff ang nag-iisang anak nitong si Prince Akihiro Ludendorff at manugang na si Princess Akemi.

May mga ilang sundalong nagkalat sa rooftop na naatasang magbantay at salubungin ang kanilang pagdating bukod doon ay may mga kasama ring ilang royal guard sa loob ng chopper ang mga Fenderhell. Ngunit hindi naman sila magiging malaking sagabal para sa plano nila. The Fenderhells will still die, with or without the soldiers and royal guards beside them.

Maya-maya pa ay humilera na sa tapat ng chopper ang mga sundalo para magbigay pugay, ang iba naman ay nanatili pa rin sa bawat sulok ng building upang magmatyag.

"All snipers get ready, the targets will soon get off the chopper," pang-iimporma nito sa mga kasamahan. Binuksan na ng isang sundalo ang pinto ng chopper, unang lumabas ang mga royal guard upang igiya palabas ang mga Fenderhell. "Incoming, incoming..." anunsyo ni Vincenzo sa mga kasamahan.

At ilang sandali pa ay lumabas na nga sa chopper ang tatlong maharlika. "Now! Shoot the targets!" pagkasabi nito ni Vincenzo ay agad nang inasinta ng mga snipers ang ulo ng kanilang mga kaniya-kaniyang target. The bullet immediately penetrated on their heads and they fell on the floor with blood flowing endlessly.

Nagulat ang mga sundalo at royal guard nang bigla at sabay-sabay na natumba ang tatlong maharlika. Naalarma ang lahat sa nangyari. Awtomatikong nilibot nila ang paningin upang alamin ang pinanggalingan ng tatlong magkakasabay na putok at mabilis na nagsipaghanda sa maaaring magiging susunod na atake.

Ngunit iba sa atakeng inaasahan nila sumunod na nangyari. Dahil sa halip na bala ay isang apoy ang mabilis na kumalat at tumupok sa iba't-ibang bahagi ng napakalaki at magarbong palasyo ng House of Fenderhell.

Mahina ngunit malademonyong napatawa si Vincenzo habang pinagmamasdang sa binocular ang nangyayari ngayon sa palasyo, animong isa itong napakagandang palabas sa kaniyang paningin. Kita-kitang niya rin maging ang loob ng palasyo kung saan nagkakagulo ngayon ang mga tao dahil sa sunog.

At mula roon ay nahagip din ng kaniyang binocular ang isang pamilyar na taong ngayon ay pasimple nang tumatakas. Napangisi siya. That person is one of the Hellraiser Force's members and the one who inflicted the arson.

"Magaling," bulalas niya at napatawa ng malakas dahil sa sayang dulot ng kanilang panibagong tagumpay. "Good job! Good job everyone!" Then he smirked. "Three down, one to go..."