"Kuya, kung subukan mo kaya magkaroon ng love life," suhestiyon ko habang binabasa ang mga kanta na ginawa ni Kuya Iggy mula sa screen ng aking laptop.
Hindi ko maiwasang mapa-iling while reading his flowery yet mapanakit na lyrics. Minsan naiisip ko kung nagkaroon na ba siya gf or bitter lang talaga.
"Naku, naku, Islanna. Tiis tiis lang hanggang sa tumanda kang dalaga." sagot niya, and after that, he laughed. I frowned, "Seryoso kasi kuya, gawa malungkot kaya kapag na-realize mo na may kulang sa iyo. Tulad ni Kuya Leiv, I can tell he is still longing for something despite being a very successful movie director."
"Nako, nako talaga," he gestured his hands in disagreeing motion, "Just tell me directly na gusto mong mag pa-liGAW na." aniya.
Bakas sa tono ng kanyang pagkakasabi na talagang tutol siya and at the same sarcastic. Siguro naman, hindi hahantong sa point na magdesisyon siya na ipasok ako sa kumbento?
"Wait lang, Isla. Hold ko lang sandali muna ang call. Ipapasa ko muna ito kay Issarie," Tumayo si Kuya sa kanyang upuan, at nakita kong kinuha niya ang isang kulay green na sliding folder mula sa gilid. I closed the document he sent to me, at ni-refresh ang aking laptop bago bumalik sa browser tab kung saan kami nag-uusap.
The Video Call is on Hold kaya I decided to open a new tab. Binuksan ko ang aking facebook account, at masayang binisita ang aking news feed. Most of the post na nakikita ko ay mula kay Emerson, Maru, Viene, at Saxory. But sa apat kong friends na 'yon na halos laman araw araw ng aking feed, Maru's post caught my attention the most.
Maru Lopez: ootd for BoB!
Maru is wearing a white tee, paired with a mini beige skirt - na mas dinadagan pa ng charisma with her familiar oversized varsity jacket. I clicked the Mirror Selfie that she posted 30 mins ago and zoomed in at its maximum. My eyes squinted as I was trying to guess kung namamalikmata lang ba ako, o hindi.
Hindi nga ako nagkakamali. Maru is wearing a varsity jacket like mine. How is it possible? The jacket I wore yesterday in the library was customized and was given to me by Iggy.
I shook my head, trying to avert my overwhelmedness in a different direction. Yesterday, I saw my brother Cali like an old cassette tape, and now, malalaman ko na may sira rin ang kapatid ko. For pete sake, 6 years ang agwat namin ni Kuya Iggy, kaya kasing edaran ko lang si Maru.
Bakit mo magagawa sa akin magtago ng sikreto, Ignacius!
"O, Islanna, ba't bigla ka ata naging problemado?"
Agad kong binack ang tab kung saan naka-display ang picture ng aking kaklase, at bumungad sa akin ang mukha ni Iggy na may bakas ang pagka-curious. For no reason, I pouted then asked him, "Kuya, did you still remember the jacket you gave to me nung college kayo?"
Kumunot ang kanyang noo, at maya-maya ay tumango. "I can still remember. Why? Did Emerson wear his kaya nagtatanong ka?" sunod sunod niyang tanong.
Umiling ako, "Hindi, may nakita lang kasi ako na jacket na 'sing parehas talaga sa akin." pag-amin ko. I saw him smiled, "Sa pagkaka-alala ko, the one I gave to you are one na pareho kila Marie and Issarie," tumigil siya sa pagsasalita and clasped his hands.
Nawala ang linya sa kanyang noo ng sumilay ang isang malaking ngiti sa kanyang labi. "August nagged me yesterday na mag video call chat daw kami gawa ayaw tumigil ni Marie na hindi ako makita. Ang weird no, ako ang pinaglilihian. Nag-iisip tulay ako kung ano kaya ang itsura ng magiging anak nila, gwapo ba na katulad ko?"
When he mentioned Marie, agad ako nagkaroon ng idea. Sa pagkakaalam ko na bukod sa kambal niya, ay meron pa siyang isang kapatid.
"Si Ate Marie na asawa ni Kuya August, yung lagi ka inaasar nung college kayo?" I curiously asked.
Tumawa siya at tumango, "Korek. Sila nga. Si Lopez at Ferrer na ngayon raw parehas ng Fernandez. Geez, I still remember the time na pinilit nila akong gumawa ng kanta para sa wedding." he made a face nang banggitin niya ang apelyido na "Ferrer".
Sa mga kaibigan ni Kuya Iggy, siya na lang ang single. Most of his friends are in a lovey dovey state and engaged. Mayroon na rin kasal tulad ni Ate Marie and Kuya Augus. Sa totoo, kahit wala naman talaga ako karapatan na panhimasukan ang lovelife ni kuya, nagi-guilt ako.
Imbes na maghanap na siya ng makakasama niya sa buhay, he is here, helping Cali and I to be successful.
I hope someday, someone involuntarily paints my brother's world with her smile.
***
Hindi namin napagtanto na magkapatid that we are already talking for two hours. Nagpaalam na ako kay Kuya na kailangan ko na mag-ayos dahil it is already time. He smiled and told me goodluck gawa unang beses ko pa lang daw magko-commute - which is the real problem here.
When he intuitively ended the call, bumagsak ang aking balikat. Wala sa sarili akong napa hilamos sa aking mukha. Napasandal ako sa headboard ng kama, at huminga ng malalim.
This is the reason why I called Kuya Iggy, para isumbong si Kuya Calli na ayaw ako ihatid because he wanted na masanay na raw ako mag-commute. Of course, tutol ako, gawa malayo ang venue ng Direkto's Battle of Band mula sa aming bahay!
However, consulting Iggy doesn't cancel that idea, dahil mas pinaboran pa niya ito. Kay galing nga naman ng luck mo, Islanna!
Sinimula ko ng ligpitin ang aking laptop, kasama na rin ang mga papel na nilukot ko dahil sa inis - na nasa ibabaw ng aking study table. Nang matapos ko ang aking ginagawa, lumabas ako sa bukana ng pintuan ng aking kwarto at inilabas ang mga kalat sa tagiliran.
"Isla, hindi ba ay susunduin ka ni Ivan mamayang alas-syete. Ika'y maghanda na. Alam mo naman ang kuya mo, ayaw nun na nahuhuli."
Papasok na sana ulit ako sa aking kwarto ng makita ko si Manang Celia na may dala dalang walis tambo. She looked at me confused kaya I faked a laugh para maiwasan ang pagkalat ng awkwardness.
Ilang taon na namin kasama si Manang Celia dito sa bahay, at hanggang ngayon ay masyado pa rin ako nahihiya kapag kinakausap siya.
"Eh, manang Cely," Marahan akong napakamot sa aking batok, "About diyan, iniwan na ako ni Ivan. . ." napatigil ako nang tumingin siya sa akin kaya dahan dahan ako nagpatuloy, "may alam po ba kayo sakayan ng tricycle dito sa subdivision."
I tried my best to sound warm and shy, dahil baka ma-misunderstood niya ako na isa akong snobber at cold person na naman.
"Nako neneng, malayo ang terminal ng tricycle dito. Gusto mo bang tawagin ko si Sir Leiv sa kabilang bahay nang sa gayon ay maihatid ka sa labasan?" she answered concernedly. Sandali ako napa-isip para i-analyze ang kanyang offered.
But imagining the possible outcomes, napa-iling ako.
"Okay na po ako Manang. Baka ma-istorbo pa natin si Leiv." pagtanggi ko, at agaran pumasok sa aking kwarto. I don't care if I left an expression again kay Manang Celia as long na hindi ko marinig uli na inuugnay ako sa pinsan kong 'yun!
I need help, but he won't help anything.
Dumiretso ako sa aking cabinet, at binuksan ito. Tumambad sa akin ang mga damit na maayos na nakalahera at naka hanger na mayroong label. I can't stop myself from sighing. That cleaning freak Cali!
Sa totoo lang, hindi nawawala ang time na napapa-isip talaga ako whether my brothers are gay. Kuya Iggy is the guy na mailap sa babae, while Calli naman is somewhat mailap, pero may pagka-straight forward. Hay naman Islanna, kapag nalaman nila ang mga iniisip mo ngayon, panigurado kumbento ang ending mo.
"Islanna, tumawag si Ivan. Pinasa-sabi sayo na susunduin ka by 7 pm ng kaibigan niya. Sagutin mo rin raw ang mga messages ng Kuya Ivan mo dahil may importante rin siyang sasabihin sa iyo, Neng."
I shook away my intervening thoughts and dived in my closet when I heard Manang's voice. But realizing that she said na mayroon daw message si Kuya Cali, binuksan ko ang aking cellphone, then went into my inbox.
Calli:
Cielle kilala mo naman diba si Elliot no
I thought it is a good idea na ipasabay ka sa kanya papunta dito gawa nasa isang subdivision naman tayo,
Huwag kang mag-alala, he is a trusted friend of me and Arys.
Nanlaki ang aking mga mata nang mabasa ko ang kanyang mga messages kaya agad akong napa-type ng reply.
Isla:
Di ba meron kayong band performance mamaya?
Baka hindi siya maka-perform!
Nanlalamig ang aking kamay habang hinihintay ang sagot ni Calli. Seryoso ba talaga siya? Si Robin Arevalo na miske kapatid hindi makausap ay magiging priority ako?!
Nako, Islanna.
Huwag ka mag-assume, panigurado kasama naman si Viene. Sa chismis mo lang nakukuha ang mga info mo, remember?
I stopped babbling unnecessary remarks in my mind nang mag-vibrate ulit ang aking cellphone. Nang mabasa ko ang lahat ng message ni Kuya Cali, napa buntong hininga ako. Sino nga ba naman ako para mag assume.
Calli:
There is no need to be worried about Rovin, Ciel.
I can guarantee you na he is free gawa most of his schedule sa The East ay clear
Also, if you think na awkward ang magiging trip, kasama naman sina Viene, and Valerie kaya may makaka-usap ka.
I know na you are the type na hindi makatiis magsalita kapag masikip ang situation.
So, it is a better option than to become guilty if something happens to you.
#
aiberu