"Siya ba ang pinsan ni Ian na palagi niya kine-kwento tuwing nag-iinom kami?" magulo at paputol-putol na tanong ng lalaki kay Robin habang pinagmamasdan ako kaya hindi ko maiwasang maasiwa.
Yung mga malalalim niyang mga mata... tila bang kine-kwestiyon ang buo kong pagkatao. Mabuti napa-tigil ko ang aking puso na nagpa-palpitate, kung 'di, malaking kahihiyan na naman ang aabutin ko sa maling akala!
"Oo, siya nga," matipid na sagot ng aking kasama na pasimple naman lumingon sa akin.
Bakas sa kanyang mukha ang awkwardness. Hindi ko mapigilang iiling ang aking ulo bago ilipat ang buo kong atensyon sa mga malaking Monitor Screen - kung saan makikita ang pa-raming bilang ng mga tao na pumapasok sa venue.
Bahala na kung ma-pagkamalan nila akong maldita.
An sarap kaya mangaltok kapag bigla nalang in-acknowledge yung presence mo pagkatapos iparamdam na hindi ka belong sa group.
"You look really wasted, should I call Sheryle?"
Mula sa side view ng aking mata, nakita kong tumayo ang lalaki na binabalot ng asul na kumot. The light from the screen in front of him reflects onto his face.
My forehead creased.
The portion of the blanket covering his head, fell off. He have this brownish hair na magulo at halos matakpan ang kanyang mukha.
"Sana sinabi mo nalang kay Sanchez na masama ang pakiramdam mo kung ganito rin pala gagawin mo. Remember, this is not a nightclub, Collin."
Umiwas ako ng tingin at limang beses humakbang palapit sa pintuan. Kahit hindi pa ako familiar sa personalities ng kuya ni Viene, I can tell from his tone na seryoso siya, and at the same time ay napipikon.
Paano ba ako nakapunta dito?
Oo. Aminado ako na kuryoso ako sa totoong ugali niya and treatment when I meet him. So far, ang masasabi ko palang sa kanya na he is the type na never lilingon sa iyo except when the situation calls for it.
As seconds passed by in our ambiance, napag-desisyunan ko na lumabas, at hintayin na lamang sila matapos sa kanilang pinag-uusapan.
I quietly opened the door, and when I walked out of this intimidating yet relaxing place, napasandal ako sa pader. Ipinantay ko sa aking mata ang aking relo para tingnan ang oras.
'7:45 pm'
"May tao ba sa loob?"
Napahawak ako sa aking dibdib nang biglang sumulpot ang isang lalaki na nakasalmin. He was smiling at me na hindi ko malaman kung ang ngiti na iyon ay friendly smile or it is just his charms.
Gosh ISLANNA! Stop being malandi!
"Oo, meron," sagot ko ng mabawi ko ang lumulubog kong katinuan.
Tumango siya at kanyang inayos ang pagkakalagay ng kanyang salamin. Sa hindi na malamang dahilan, naging blangko ang aking utak ng walang salita na pumasok siya sa loob ng kwarto kung saan may nangyayaring tensyon.
Napapikit ako.
'Aliver, alam ba ni Sanchez nandito ka?'
Rovin's voice was the one I heard when Mr. Smiling face entered the room.
'Hindi,' Mr. Smiling face answered nonchalantly.
Sikreto ko silang pinanood mula sa dent ng pintuan, and the man who was covered by that blue blanket is finally out of his shell.
Nakaupo siya sa upuan kung saan namin siya naabutan na natutulog kanina. Tila nagbago ang kanyang aura dahil sa pag kunot ng noo.
'Walang katu-' Robin was about to utter words when that man stood up. He faced Robin, and a smile rose in his lips.
"I can't contact him. Maybe you should bring Emerson's cousin to Sanchez instead. I will call nalang Sheryle gawa panigurado maghahasik na naman ng kalokohan iyon."
Mr. Smiling Face or Aliver was confused. I tilt my head more nang biglang magsalita ang lalaki na tinawag ni Robin na Aliver.
"Siya ba yung nasa labas na babae?" he asked before turning into my direksyon. My eyes grew bigger when I realized na sobrang halata ng pakikinig ko sa kanila.
The man Robin called Collin looked at me as if he had found a Guinea pig that could be used as a subject in the experiment.
If he looked as adamant as Robin and Sanchez earlier, now, he looked as cunning as Sheryle Awon that they all know and dubbed as Shawntell.
"Pwede bang ipaalam gusto ko siyang ireto sa pinsan kong bato?"
Kung hindi ako nagkakamali...
This man who is looking at me is possibly the half brother of Augustine and Shawntell na na-ikwento sa akin ni Kuya Iggy kanina while reminiscing his SHS life.
***
I was about to utter my disagree nang bigla naman nag pa-alam na si Rovin na sinundan naman ni Aliver. Umuna na maglakad si Rovin who I think already forgot my existence.
Thankfully, marunong bumasa ng sitwasyon si Aliver, the fifth guy that I personally met from their squad na siyang sinasabayan ako ngayon sa paglalakad.
"Ano ba talaga ang deal sa lalaking 'yon?" I stepped inside my zone dahil curious rin ako. Base sa mga kwento ni Kuya Iggy kanina, Kuya Augustine almost failed his studies because of that person.
Aliver shrugged his shoulder, "Hindi ko rin alam eh. Sa ilang taon na pagka-kaibigan namin, ngayon ko lang nakilala si Kuya Scott ng personal." he said at sinandal ang kanyang ulo sa braso niyang nakataas. Nasa unahan naman namin ang snobber kong kasama na sikreto kong ini-irapan.
"Alam mo ba na, four out of nine ang isnobero sa amin magkakaibigan. Huwag kang mag-alala, hindi ka niyan pinapatay sa isipan niya, sadyang stiff lang talaga 'yan si Elliot gawa mahiyain though kasama siya sa bilang ng mga snobber."
Napahilamos ako sa aking mukha. Why are my actions all obvious? Can't I be secretive?
"Hala siya. Ba't ka nagba-blush. Don't tell me. Fan ka ng romance novels? Geez, sana sinabi mo sa akin para ma-warning kita. Baka sabihin mo ako na typical na lalaki na one sight palang kilala kita. Mahirap na."
Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi. Think of it, sana hindi na lang ako umattend gawa one time millionaire lang pala ang luck ko. If this is just the start of my bad luck, then there will be worse upcoming.
***
I was already tired to realize na nakarating na pala kami sa pag-iiwanan sa akin. Robin gave a way to my new found friend. Aliver knocked twice sa pintuan na may nakalagay na staff only.
Hindi pa nakaka tibok ang puso kong mabigat, bumukas na ang pintuan. Hindi tulad sa kwarto na pinanggalingan namin, this room gave a tensed atmosphere.
"Tahimik lang kayo, baka ma-abala ang mga nag o-ojt." paalala ni Aliver. Sabay kaming tumango ng aking kasama. Unang pumasok si Aliver sa loob na sinundan naman ni Robin para mahuli ako.
The room where Collins was is smaller than this room. Also, this room gave me an intimidating aura na madalas kong nararamdaman kayla Kuya Emerson at Kuya Iggy tuwing sa sila'y tumutugtog.
Feeling ko tuloy, parang illegal sa age ko na wala pa sa legal na pumasok rito.
Tumigil si Aliver sa isang tinted na glass wall. Napatitig ako sa semento, and a light from the other side reflects sa navy blue kong sneakers.
My new found friend opened the door, at tumambad sa amin harap ang dalawang lalaki na magkatabi sa mahaba na sofa. Ang isa ay naka-brace ang kamay, at isang lalaki na nakangiti na may hawak hawak namang bote.
"So, if I do that, handa mo akong suntukin?" that man said while smiling wolfishly. The man who had a cast in his arms was about to bonk his seatmate not just when Aliver caught their attention.
"Yahoo! May bisita tayo. Say Hello."
Tuluyan na kaming nakapasok dalawa ng aking kasama. The man who had cast in his arms and the man who was still smiling wolfishly turned to us and to my surprise.
"Bakit ka nandito?" magkasabay na tanong namin ni Kuya Jerome sa isa't isa.
Nawala ang ngiti sa labi ng kanyang katabi ng mariin naman akong pinagmasdanan. "May I know where we met?"
The attempt of Kuya Jerome bonking his seatmate head with an empty bottle, successfully executed.
"Aray, nagtatanong lang naman Laurente." the man exclaimed, scratching his head. "Then take your hands off into my cousin's life." Rome hissed for me to wince.
"Eh, bakit hindi mo pagsabihan si Robin at Ali. May favoritism ka talaga!" the man pouted at itinuro ang mga kasama ko. "Don't joke around with me, Harley. Remember these guys are loyal to their girls, na hindi tulad mo kaya mas may tiwala ako sa kanila."
"Then may babae na rin si Cali?" pamimilosopiya ng lalaki na nagngangalang Harley sa aking pinsan. Napapikit ang aking pinsan kaya agad akong tumabi sa kanya.
"Akala ko kasama ka sa lineup nila Kuya Cali," pag a-avert ko ng atensyon ng aking pinsan na siya naman humarap sa akin. "Anong nangyari diyan?" tanong ko sa kanya, habang tinititigan ang naka-brace niyang kamay.
He shook his head, "Wala iyan. It's just Aliver thought that I am too athletic para ipasa sa akin ang bola."
Mariin ko siyang pinagmasdan while my mind is debating whether kung maniniwala ba ako o hindi.
"O-"
"Bakit ko narinig ang pangalan ko diyan. Don't tell me -"
I heard Aliver speaks kaya napalingon ako sa direksyon nila. I saw Robin talking to a guy na nakatalikod sa amin for me to realize. Nasa Control Room kami ng Auditorium?
The two finished talking while Aliver still adores the full view of the scene below. Lumingon sa akin si Robin, and with that cold yet warm treatment - kahit nakakainis siyang kasama, he smiled at me then waved his hand.
Simpleng ngiti lamang ang tinugon ko sa kanya, at tango. He closed the door quietly as he departed from my sight.
"You still didn't realize the real deal between him and Valerie no?"
The music shuts down, at unti unti nawala ang liwanag sa aming pwesto. I was about to face my cousin to answer his concerning yet brutal question nang mahagilap ko ang isang pamilyar na mukha na nakatingin sa akin.
Wala sa sarili akong ngumiti.
So I'm facing the real deal right now?
#
aiberu