Is it just the hunger of mine kaya nasabi ko 'yun, o yung hidden sarcasm ko?
"Alam mo, kanina pa kita napapansin na mailap. May problema ba?" konpronta sa akin ni Kuya na naka-kunot na ang noo. I wiggled the cards he gave to me, and quickly beamed a smile, "Wala. Baka gutom lang, hindi ba, I didn't eat the sinigang that Manang Celia prepared. Tssk… Akala ko nga hindi mo na ako maalala."
His eyes slightly squint, maybe checking kung nagsasabi ba ako ng totoo. Baka nga gutom lang.
"Oh, nga pala, baka hindi kita ma-contact gawa nakalimutan kong due date na pala ng sim ko. Ano pala yung 'ayun na lang ulit'?" tanong ko sa kanya bago ipasok sa loob ng aking bag ang kanyang debit.
Umiling siya, "Bahala na as long na maibabalik ka ng kakainin natin sa normal na wisyo."
I can't help but to click my tongue and at the same make a face when I heard what he answered.
"Islanna, nakikita kita. Kung ako sa iyo itigil mo ang pang-aasar sa akin at pumunta ka na lang sa Casa, dahil baka marami ng tao at wala tayo maupuan." aniya. I shut my eyes for a mere second and fired an answer, "Fine. Fine. Pero teka, paano naman kung wala ng available na table sa Casa, sa MAKS nalang tayo?"
"You know what? Give me your account details, babayaran ko nalang sa online ang sim mo so that we can easily communicate. Imagining things that you are saying right now, gusto kong mainis gawa hindi magandang idea,"
Malamya akong tumawa sa kanyang sinabi bago ilabas ang aking phone. I gave to my older brother the details of my unsettled bill. He then opened his phone, and generously paid my bills na mabilis naman nagpop sa screen ko ang message receipt.
"That's why I love you kuya, you are a sugar daddy material. Kaya kung may LF for asukal de papa akong makikita sa FB, ikaw ang - joke lang," napa-bawi ako sa aking salita when he gave me that silent glance. "Can't you just start hunting for a restaurant so that you won't look manic?" aniya.
I then faked a cough to lessen the amount of my kahihiyan gawa alam kong naiinis na siya. "Kuya nagloloko lang naman and it is as if I will do that kind of things knowing you are the dearest brother of mine," Hindi na niya ako nilingon pa for me to shrugged my shoulder, "Okay. I will text or call you nalang incase kung saan ako mapadpad! By the way, thanks for your brotherly love!"
"Do not thank me, Cielle, gawa sasabihin ko rin naman kay Kuya Iggy,"
Si-sigawan ko sana siya ng "I HATE YOU" ng may pumasok na iba pang tao sa loob ng shop. Wala sa sarili akong suminghal before excusing myself and left my older brother, Calli inside. I almost forgot nga pala na he is kind of sadistic.
Pagkalabas ko sa pintuan ng jewelry shop, unang bumungad sa akin ang tanawin ng mga tao na labas-pasok sa entrance ng department store. Mahigpit akong napahawak sa strap ng aking sling bag for precaution you know, and amble towards the escalator kung saan marami naman sumasakay pababa.
"Ganon pala ka-hazzle maghanap ng album ng EASTERS! Mabuti pogi si kuya kanina, nakakapag-selos tuloy gawa panigurado an swerte ng girlfriend niya."
Mayroon magkaibigan na babae na sa tingin ko ay kasing ka-edaran ko. Hearing the topic they are chatting about, I can't stop myself from giggling.
"Bakit ba kasi yung pinaka-unang album ng EASTERS ang trip mong bilhin, hindi ba may latest na sila," wika nung kasama ng babae. Sasagot na sana yung babae na SILA ata when her friend told her na mag-pokus sa daan gawa malapit na bumababa.
Nang makababa na sila, I didn't hear any chats mula magkaibigan as they went into a different direction. Sa totoo lang, everytime I heard someone talks about EASTERS, hindi ko mapigilan matuwa. Why? Because the EASTERS is the band that my Kuya Sello formed.
Still feeling the happiness inside me, I can't stop myself from smiling wide as I walk my way outside papunta sa Casa Vida. The reason why I like eating at Casa Vida everytime we go here is because of the view of GALLERIA's Botanical Garden na nakakagaan ng pakiramdam lalo na after manood ng sine kapag kasama namin si Saxory.
Paglabas ko sa garden area ng mall, bumungad sa akin ang malakas na simoy ng hangin. Ipinikit ko ang aking mata para hindi ako mapuwing at nang kumalma na ang hangin na sumalubong sa akin, dumilat ulit ako. From the place where I am standing, I tipped the toes of my feet para tingnan ang loob ng Casa Vida kung marami bang tao sa loob na naka-pwesto sa kabilang side of this circular building.
Ayun! Ang labo!
"Miss, pwedeng maki-usod, nakaharang ka sa daanan." I slightly jumped from my place nang humatak sa hem ng suot kong t-shirt. Realizing na nakaharang nga ako slightly, I unapologetically smiled, and apologized before walking off the scene. Though I want to praise the view more, mas pinili ko nalang na tuluyan na pumasok sa Casa Vida for the fear of what hunger can make me.
"Kuya sir, may available pa po ba na seats for two people?" tanong ko sa crew na may hawak hawak na listahan.
"Wait lang, tingnan ko," Lumingon siya loob na ginaya ko rin which I ultimately regret.
"Meron pa." Narinig kong sagot ni kuya crew. Ilang beses akong napa-kurap at nagawa ko pang i-tilt ang ulo ko habang pinapanood ang magkakaibigan nina Arevalo at Fernandez who are currently having fun in a long table na sa may bandang gilid.
"Ma'am? Meron pa PO. Do you want to assist na you po ba o may hinihintay pa po kayo?" ulit ni kuya crew para matauhan ako especially when Aliver suddenly glanced in my direction.
"Ah, Mamaya nalang. Nagpapa-check lang po yung kasama ko kung may available seats pa." sagot ko, at tipid na ngumiti. I saw the crew shrug his shoulders and fix the elevation of his eyeglasses bago ako tumalikod.
Naglakad ako papunta sa kabilang stall kung saan bakante, at kinuha ang aking phone. I searched for Kuya Cali's number in my contact list and sent him a message.
Isla:
Kuya puno na ang CASA. MAKS nalang tayo?
A mere minute of waiting, Kuya Cali replied.
Cali:
Okay. Make sure before I can get there
nandon ka na :)
Reading his reply, I winced.
Isla:
>:/
Cali:
Why?
Tumunog ulit ang phone ko. Upon reading that dry 'why' of his, I rolled my eyes and started to walk my way inside the mall again. Nang makapasok ako sa loob, humawak ulit ako sa strap ng aking sling bag to make sure na walang makakuha nito if ever. I also hummed a song to play with myself while walking lalo na't nagsisimula na naman ako sikmuraan.
Can fortune be on my side right now? Please G!
Inangat ko ang tingin ko para i-check kung tama ba ang pinagla-lakaran to just realize… I quickly shut - open my eyes and nonchalantly laughed while glancing at the fronstore of MAKS - located on the other side of the area where I am standing. Mali na nga ako ng dinaanan, puno pa ang MAKS!
I hissed in irritation. Sa lahat ng choices ko, bakit walang available na pwesto!? Wala pa naman ako sa mood na kumain sa fast food. But who knows - STOP ISLANNA!
"Islanna, did you already got any idea kung saan tayo kakain?" Napatigil ako sa pagra-rant mentally nang biglang sumulpot si Kuya Calli sa aking unahan. I heavily sighed and shook my head, "Ikaw nalang kaya magyaya kung saan." sabi ko sa kanya bago kunin at isauli ang mga card na binigay niya sa akin kanina.
"What about here, masarap naman ata pagkain dito." Lumingon ako sa aking likuran ng magturo si Kuya. Sandali akong napa-isip, analyzing what kind of cuisine that this restau serving. "Chinese?" patanong kong saad.
Kuya shrugged and patted my shoulder in a soft manner, "Halina na, baka ano pa mangyari sa iyo."
Nauna ng pumasok si Kuya Calli sa loob ng Hap Xia na agad ko naman sinundan. The cold breeze of air enveloped my body pagkabukas ko ng pintuan. Unlike sa MAKS and Casa Vida, the atmosphere here is surprisingly alluring and calming dahil may access pala ito sa view ng garden.
"Ano sa iyo Islanna?" tanong ni Kuya pagka-lapit ko sa kanya while he holds the menu in a sophisticated manner. I took the seat in front of him at sinagot siya, "Kung ano na rin yung sa iyo gawa 'di pa ako familiar."
I slightly stopped for a moment when he suddenly handed the menu to me.
"Kuya?" tawag ko sa kanya. He then leaned on the table while awkwardly turning his head, avoiding meeting my gaze.
"Hindi rin ako f-familiar eh," aniya na sinundan ng isang simpleng pag-kibit balikat. Patay malisya ko siyang tinitigan. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa sitwasyon namin ngayon because WE LOOK DUMB! Gosh, I hate this kind of situation that I want to burst out.
We ain't naman ignorant, just clueless okay?
Kahit masama ang loob ko, binuklat ko pa rin ang menu and silently spammed in each pages that barely have any picture of the dishes written. Mayroon mga familiar na pangalan ng pagkain but it is enough confirmation para umorder ng basta basta.
"Are you familiar with Lechon Macau, Kuya?" tanong ko sa aking kapatid who was already leaning in the table. He sighed , "Nope. Maybe we should -"
"Is it really true that Callisto Van invited me for a treat!?" excited na wika ng isang pamilyar na boses. I froze in my position nang naramdaman kong may kamay na pumatong sa aking balikat. Dahan dahan ko ito nilingon at diretso na tumingin sa lalaking nakatayo sa aking tabi na may-ari ng kamay na ito.
"Scott, hindi baston kapatid ko." narinig kong singhal ni kuya. Nanatili pa rin akong nakatitig sa lalaking katabi ko na siya naman humarap sa akin. He has this mullet styled hair and a grinning smile on his face na tila ba naghahanap ng compliment that which I avoided.
Nakakailang.
"Come on, how can you forget this handsome face of mine!" kunyareng nagtatampo na wika ng katabi ko. Ipinan-harang ko naman ang menu na kanina ko pa binabasa to out myself from their conversation. Yet I can't.
Narinig kong nagsalita ulit si Kuya, and as sign of curiosity and reflex, pa-sikreto kong inangat ang aking tingin for me to just literally froze when I saw someone who I never thought I can encounter in this time of day or today.
"Did Sanch also get a card suspension too?" tanong ni kuya habang nakatitig kay Pres Sanchez. Umiwas ng tingin si Pres Sanchez kay Kuya, at umiling, "Why would I? Hindi naman ako malaking gumastos at saka na-pasama lang ako sa kalokohan ni kuya."
Binalik ko ang aking tingin sa binabasa ko ng gumawi ang tingin niya sa aking gawi, also in embarrass when Kuya Calli laughed which I can clearly feel the sarcasm behind it.
"You are temporarily homeless then?"
Gusto kong mag-tago dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang ugali ni Kuya Calli - na mas dinadagan pa ng kaba ng maalala ko ang sinabi niya kanina to which he included Sanchez.
Hindi ako aware sa relations nilang dalawa gawa ngayon ko lang sila na-kasama ng sabay sa personal, but what if they have beef like I feel na meron rin sina Harley at Kuya?
"Just Kuya Scott as of now," kumalma ang nagpapa-palpitate kong puso ng kalmado na sumagot si Sanchez. Umupo naman sa aking tabi ang lalaki na nag-ngangalan na Scott na agad naman pinigilan ni Kuya.
"Collins! Ako diyan."
"Callisto naman, wala akong gagawin. Gusto ko lang magpakilala."
"Then you must order first." pambabara ni Kuya Calli kay Scott.
"Eh? Ano naman connect nun?" nagtataka na balik ni Scott. Inalis ko ang pagkakaharang ng menu sa aking mukha at kahit nahihiya ako, I asked him, "Do you know what Lechon Macau looks like?"
Maybe the reason why Kuya Calli called this man in the first place is because he might know the dishes here!
"Ummmm… mukhang masarap? Akin na nga," Nagulat ako ng biglang hablutin ni Scott ang menu mula sa akin kamay na inabot naman kay Sanchez. "Ikaw nga Aleks. Hindi ko rin alam kung ano 'yun eh," dagdag nito upang mata-meme ako sa aking upuan.
Akala ko magre-react ang katabi ni Kuya Calli ngunit kalmado nito binuksan ang menu, at ngayon ko lang na-realize, wala pala siyang suot na salamin.
"Alam mo, Argente. If you continue obeying this sucker, panigurado matutuluyan ka sa card suspension." pabulong ngunit malakas na sabi ni Kuya nasa tingin ko ay intensyonal because Kuya Scott immediately reacted.
But wait a minute… Scott… parang ang familiar ng pangalan ni– Oh G.
Wala sa sarili akong napahilamos sa mukha when I realized something that I am grateful na naalala ko.
The Scott na katabi ko ngayon ay si Timothy Scott Collins de Vila - who almost brought Kuya Augustine and our Eldest brother, Sello in gaming addiction!
As I remember, eight years ago, there was this famous mobile game, and as competitive brother Kuya Augustine is, humingi siya ng tulong kay Kuya Sello para mag-pabuhat sa ranking to please his brother in which Kuya Sello didn't declined gawa 'pag kapatid ang usapan, our eldest brother is just one call away.
Well, they executed the plan successfully and got a hold of Scott now… I think? Pero the process is tough na lagi ako nagigising 8 years ago ng madaling araw to watch a sight of Kuya Augustine and Kuya Sello playing like a manic in Living room.
"Naglalaro ka pa ba ng Mobile Legends?"
Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko ang boses ni Kuya Calli. Napatingin ako sa katabi ko na sandali napatigil. Ayun ba ang pangalan ng larong 'yun?
"Hindi na. Si Aleks, iyan. Palaging kalaro sina Sheryle at Robin." turo ni Scott kay Sanchez. Hindi ko namalayan na naka-order na pala sila nang may lumapit sa amin na waiter na may dala-dalang tray na ang laman ay pinggan, baso, at utensils.
"Bakit? Akala ko ayaw mo maglaro? Why interested now?" tanong ni Sanchez na tila ba may halong pagka-asar.
Kuya Calli shrugged his shoulders, "Just wondering'. Palagi ko kasi naririnig kay Vale kaya na-curious lang ako that's why I asked you gawa isa kayo nila Kuya Iggy na naaalala kong adik dun."
Hindi ko makapaniwala na nilingon si Kuya Calli sa kanyang sinabi. On my peripheral view, I also saw Kuya Sanchez looking at him too, while Kuya Scott on my side, burst out laughing full of sarcasm.
"Seryoso ba ang naririnig ko sa'yo Laurente? I thought you were gonna dismiss that girl?! Like dude, you ain't blind man to see that she is literally kind of 'pick me' gawa she is literally playing with you guys, and yet you still see that as being over reacting na!"
Ilang beses ako napakurap sa sinabi ni Kuya Scott kung kaya napatingin ako sa kanya.
"Kuya, mabait naman si Valerie. Wala naman ginagawa siya kayla Shawntell, Robin, at Calli, it's just natamaan talaga lang sila." depensya ni Sanchez sa kaibigan na wala rito.
My seatmate continuously clicked his tongue and fired an answer na sana ay hindi ko na lang narinig.
"Hindi kasi porke't gusto ka ng tao, gagamitin mo na sila for your own benefits gawa it's called abusing the kabaitan or in short kalandian. At saka ikaw naman Callisto, as advice in behalf of Augustine and also as your friend or second Augustine of Sello, gusto mo bang matulad talaga sa Kuya Ignacius mo na inabuso rin ng babae ang kabaitan?"
#
aiberu