Dalawang araw na ang nakalipas simula nang matapos ang Direkto's battle of Bands, at hindi pa rin ako maka-get over sa final results ng mga nanalo.
The Eastern Margaritaria placed as the Grand Champion for this year's battle. Everybody expected that the Colleans would bring the golden privilege home dahil three consecutive times na sila na nanalo.
Maybe this is what they call Tesio's luck?
"Kanina ka pa nakatulala diyan, Anna. Kung malalaman ni Manang Celia na ayaw mo ng niluto niyang sinigang sa bangus, siguradong magtatampo yun sa iyo."
Napatingin ako kay Kuya Calli na nag eenjoy sa pagkain ng kanyang agahan. I looked at him with disgust. Sa totoo lang, alam kong nang-aasar siya. Sino ba naman kasi nagsabi na pang-agahan ang sinigang?
Nang makaramdam ang kapatid kong na naka-upo sa aking harapan na handa ko na siyang dambahan, ibinaba niya ang hawak hawak niyang kubyertos sa kanyang pinggan, at ininom ang tubig na nasa kanyang braso.
I averted my atensyon sa lumalamig na ulam na hinanda ng aming tagapag-alaga. Wala pang isang minuto na tinitigan ko ang pagkain, I felt my empty stomach twisted dahil sa maasim na aromang nanggagaling rito.
"Gusto mo ba na i-order nalang kita ng Chicken Sandwich at BFF fries?" offer sa akin ni Kuya Calli. I turned to him, at nakita kong hawak hawak niya ang kanyang cellphone. Sandali akong napa-isip.
Realizing sa dami na ng ginastos namin nitong mga nakakaraan na linggo, I immediately shook my head, disagreeing in his offer.
"Then, what do you want, Anna?" tanong niya and I can tell that I'm already testing his patience.
Napailing na lamang ako dahil ito ang problema sa aming dalawa ni Kuya Calli, pareho kaming stubborn at tamad sa gawaing bahay.
Tumayo ako sa aking upuan na hindi siya sinagot at pumunta sa kusina. My body is still in its siesta state kaya masyado pang malambot ang aking muscles para kumilos ako na tila isang pagong sa bagal.
When I reached my intended destination, I raised the tip of my toes as I tried to reach the opening of our kitchen cabinet. Pero f nalang sa genes ko!
"Kuya! Tulungan mo naman akong abutin yung Hot Chocolate Powder!" pasigaw kong tawag kay Cali na nasa Dining area habang sinusubukan ko pa rin abutin ang pinaka-bukasan ng kabinet, kahit aminado ako na kulang talaga ako sa height.
Minsan ang unfair rin ng genetics gawa hanggang kay Calli lang naipasa ang genes ni Papa.
"Sino ba naman kasi magha-hot chocolate ng tanghali?" Pumasok sa kusina si Calli na naka-ngiwi ang labi. Ipinagkrus ko ang aking braso, "Eh ano naman ngayon na tanghali? Ikaw, sino ba naman ang kakain ng sinigang pagkagising na pagkagising?" pagtataray ko sa kanya.
Tanging pag-iling ang kanyang sinagot bago lumapit sa akin. I gave him a way as he reached the jar of my favorite hot chocolate powder na nakalagay sa pinakamababang part ng kabinet.
He successfully retrieved the jar of my favorite drink and before I can say my thanks for his deeds, I quickly regret na bakit hindi na lang ako kumuha ng upuan. My smile faded as soon he lifted the jar of my favorite drink.
I stomped my bare foot in irritation, "Kuya Calli naman! 'Di kasi ako nakikipag lokohan sa iyo! Alam mong hindi ko 'yan kayang abutin dahil kulang ako sa height!"
A playful yet cunning smile formed into his lips.
"Paano kung ayaw ko? Abutin mo muna para 'di magalit si Mama sa sinasabi mo Islanna." pang-aasar niya sa akin. Sa hindi makapaniwala, napaawang ang bibig ko.
"Hindi ko naman sinisisi si Mama na maliit ako e!" Pagtatama ko sa kanyang paratang.
Umirap siya, "Ang lakas nga ng loob mong sumali sa Entertainment, ni wala ngang one hundred sixty centimeters ang height mo,"
Biglang uminit ang aking ulo ng narinig ko ang kanyang sinabi.
"Wow! Hiyang hiya naman sa iyo Callisto. Pwedeng pakihinaan ang switch mo ngayon. Hindi kasi bagay dahil nakakairita." Nauubos na pasensya kong ganti sa kanya. I thought he was going to stop teasing me, but I was wrong.
He still went on.
"HA HA HA. Ayun pwede na ba?" Naningkit pa ang mga mata niya nang tanungin niya ako sa pilosopong paraan upang mas lalo pa ako mapikon.
Sa totoo lang kaya ayokong kasama minsan si Kuya Calli, he is more like Kuya Leiv in terms of maturity. Para kasi silang mga ibon na nakawala sa hawla na patuka-tuka without raising their awareness sa surroundings nila.
In short, they are insensitive.
Dahil sobrang pagka-pikon, hindi ko na mapigilan pa na lumabas sa dining area. Agaran kong hinila ang upuan kung saan ako umupo kanina papunta sa kusina. A mere minute of me throwing tantrums, Cali went out from the dents of the kitchen, holding my favorite hot chocolate jar in his embrace.
"Is your head really stubborn? You know Iggy doesn't want you to just make the chair like that," saway niya sa akin.
I stopped and sheepishly smiled, "Then consider it done!"
The chair clanked when I pushed it.
Giving up from the argument, wala na lamang siya sa sariling umiling.
I watched Cali walk towards me with my sweetest smile.
"O, iyan. Siguraduhin mong mapupuno ang tiyan mo ha." Tumigil siya sa aking harapan at inabot ang bagay na kanina ko pa gustong mainom. Agad ko naman ito niyakap sa oras ng makuha ko ito mula sa kanyang kamay.
'Upang matalo ang isang nakakainis na kalaban, kailangan mong maging mas nakakainis kaysa sa kanila'
Well, that doesn't apply with my brothers. Just in case lang naman.
Calli was like a mother goose being followed by a little penguin as we headed back to the dining area. I waited for him to return to my seat before I sat down. He also sat down in his seat and opened the jar containing the instant coffees.
Waiting for him to finish, kinuha ko ang aking cellphone at binuksan ito.
Alexzander Argente sent you a friend request. 10m
"Gusto mong sumama papunta Galleria?"
Muntik ko nang mabitawan ang aking cellphone sa sobrang gulat ng buksan ko ang unang notification na galing sa facebook.
"Dahan dahan, clumsy ka pa naman" aniya ni Kuya Calli sa akin na bahagyang napatigil sa paghahalo ng kanyang Kape.
Mariin kong hinawakan ang aking cellphone and refreshed my facebook notification tab. Nang mag load ulit ang notification tab ko, the nervous arising in my system gradually faded ng hindi ko na nakita ang account na iyon.
Prank lang naman yun G no?
"Ba't ka parang nakakakita ng multo sa itsura mo?"
Napatingin ako kay Kuya Calli, at tinanong siya.
"Si Kuya Sanchez ba is type na private person?"
Ilang segundo kami nagka-titigan before he shook his head.
"Why would a Council President be a private person if they are always exposed to the public?"
Getting confirmation from him, I just nod my head.
Tama naman si kuya, sino ba naman ang hindi magiging Council President if they are not socially inclined?
***
Nang makauwi na si Manang Celia galing sa palengke, tumakbo kaagad ako sa aking kwarto.
Tumatawang tinawag pa ni Kuya Calli ang aking pangalan gawa gusto niya ata akong maabutan ni Manang Celia. Pero saan siya? Mas nanaig pa rin ang reason na ayaw kong ma Q & A at hindi na ako uto-uto. Duh.
Alas-dose na ng tanghali. Late na ako nagising dahil sa pag bi-binge watch ng mga Asian telenovela na ni-recommend sa akin ni Viene noong isang araw, yet my system is still drowsy.
Lumapit ako sa aking kabinet, at binuksan ito para maghanda ng isusuot na panlakad. Unlike two days ago na sobrang ayos ng pagkaka-yupi at pagkaka-salansan ng mga damit, ngayon ay tila dinaanan ng tsunami ang bawat compartment ng kabinet dahil sa sobrang gulo ng aking mga damit.
My nose scrunched as I carefully dived through my clothes.
"Islanna, bilisan mo, bihis na ako!" Pagkatok ni Kuya Calli sa aking pintuan kaya pinili ko na lamang na isuot ay ang three quarter jeans, at printed tee shirts na nauna ko nakita.
Mabilis akong nagpalit ng damit at nang kumatok pa uli si Kuya Calli sa aking pintuan, hindi na ako nag-effort na isuot ang sandals na regalo sa akin ni Ate Issarie.
I bring the remaining accessories na hindi ko afford isuot at lumabas sa aking kwarto.
Kuya Calli was leaning against the wall beside the door of Kuya Iggy's empty room na hindi man lang halata na nagmamadali sa pagbibihis on how sophisticated he look in his outfit.
Kung sa height hindi ako biniyayaan ni Papa, sa pagiging fashionista naman hindi ako biniyayaan ni Mama. Ang unfair talaga ng hereditary!
***
Kalahating oras ang naging byahe namin papuntang Galleria.
Kasalukuyan, nakatayo ako sa harapan ng entrance ng isang clothing apparel habang hinihintay si Kuya Calli sa pagpa-park.
Marami ang tao ngayon dahil Linggo at panigurado ang mga tao na chine-check ng mga guwardiya sa labas ay galing rin sa simbahan na malapit sa Mall na ito.
Firmly holding the ends of my cell phone, I quietly surfed through the latest posts ng mga friend ko sa FB when I stumbled into this someone's post.
Maru Lopez
Finally, I owned a picture with him!
Halos lumaki ang aking mata when I saw Maru post 15 hours ago.
Maru was holding a bouquet of flowers and behind her was my one and only second brother, na nakangiti ng matipid. Hindi ko alam kung anong mukha ang gagawin ko if matatawa or unbothered lang ba ako.
Sorry. Sorry Maru Anna.
It is just… How?
How can you persuade Kuya Calli who is the literal definition of ice cold king sa lahat?
Binuksan ko ang comment section, and into my wondering.
Shawntell Fernandez
Anne Lopez - Fernandez nagdadalaga na po ata
ang kapatid niyo
Anne Lopez - Fernandez
Stop giving me cringe Anna,
Anne Lopez - Fernandez
Isusumbong kita kay Sello that you like his
little brother.
Cailean Geronimo
How to be u po Maru Lopez
Bea Castillo
<3
Yeza Arevalo
-0- diba katabi lang kita?
Maru Lopez
Hala, paano nakita ni Ate Anne?
Realizations hit me ng makonekta ko ang bawat piraso ng kasagutan.
I almost forgot that all of this time we belong in the same center, yet we are in different circles.
#
aiberu