Chereads / Ventures Of the Cat / Chapter 4 - Chapter 01: The Real Deal (Misfit of Luck)

Chapter 4 - Chapter 01: The Real Deal (Misfit of Luck)

'Elliot Rouen Vincente Alora'

'Di ko mabilang na sa daliri ng aking mga kamay kung ilang beses ko nang binanggit ang pangalan na iyan sa naglalayag kong isipan.

Rovin is the kind of person na walang alam kundi ang maging estatwa, dahil sobrang hirap i-decipher kung ano ang kanyang mga iniisip gawa puro pag ngiti lang ang alam niya. May nakalap akong impormasyon na nagsasabi na girls call him a trap.

Hindi yung tipo na pa-iibigin ka niya tapos iiwan, because this is more much cold hearted! Gawa ayun ba kasing akala mo cool lang kayo, pero deep inside, he loathed you. Kumabaga, parang plastik lang ang peg.

Pero ang lamya namang tawagin ko siyang plastik gawa ang gwapo kaya niya!

Sayang naman kung tagili-

STOP ISLANNA!

"Isla may naghahanap sa iyo! Pinasasabing kaklase ka raw niya, at kapatid siya ng kaibigan ng Kuya mo!" sigaw ni Manang Celia mula sa kusina.

Bumalik ako sa reyalidad and realized what I just thought. Napahilamos ako sa aking mukha dahil kung saan saan naman ako dinala ng aking imagination!

Ipagpatuloy mo lang self, minus ten ka ulit sa langit.

Tumayo ako sa aking kama, at nagmamadaling kinuha ang sling bag at jacket na dadalhin ko. It was thirty minutes nang matapos ako sa paghahanda kaya sigurado ako na wala akong nakaligtaan, kundi lagot ako mamaya.

Lumabas ako sa aking kwarto na hindi ko na magawang isarado ang pintuan. Dali-dali akong bumaba sa hagdanan habang yakap yakap ang mga dadalhin kong gamit. Magsasalita pa sana si Manang Celia, but I cut her off with my sweetest Goodbye.

The door clanked loudly, and the next thing I knew, literal akong na-estatwa sa aking kinatatayuan when I saw Viene who was looking at me, shocked.

Hinawi ko patalikod ang hibla ng buhok kong humaharang sa aking mukha at ginawaran siya ng isang malamyang peace sign. We are not close enough for me to approach her like this. But whatever, she is my friend now.

"Ikaw ang kapatid ni Calire Laurente?" tanong niya na tila ba hindi makapaniwala. We had a small conversation in school dahil malimit ko siyang nakakasama sa groupings with Maru which I had found na meron silang tea sa aking kapatid.

Kung hindi ako nagkakamali, may gusto si Maru kay Kuya Calli na minsan sinasakayan ko ang trip. Tulad ng isang beses, when kuya passed by our classroom, inasar ko siya kahit feeling close lang ako. Well, she appreciated naman ata gawa nakita ko siyang mag-blush.

Tumango ako bilang tugon, at saka binuksan ang gate.

Biglang niyang tinakpan ang kanyang bibig, kaya napa-iling ako.

"No need to be worried, laging sober si kuya kaya wala akong time na isumbong kayo, kahit wala naman talaga akong balak." pangwawasak ko sa kanyang possibilities.

My brother's love life is not a business to intervene with. But as possible, I should remain neutral and observant, gawa kapag kailangan na nila ng guide saka lang ako lang naman ang ipapasok ko sa kanila. Sabi kasi ni Tita Laurie na ako ang overseer sa pagkakataong hindi nila alam kung ano ang pipiliin nila, kaya kailangan kong maging aware at updated pa rin sa kanilang buhay.

Nagbasa ako ng maraming libro na related sa kanilang personalities. I might wish na makahanap sila ng mga babae na talagang mamahalin sila o kaya career na doon sila mag i-stay. But life is so playful. Kailangan kong maging matalino sa bawat salita ko na sasabihin sa kanila sakaling may mangyari na hindi inaasahan.

Nakalabas na ako sa bahay namin and as eager she is, sumunod si Manang Celia sa akin na may hawak hawak na sandok. Pinahabulan niya ako ng mga habiling taos puso ko naman pinakinggan.

"O siya, Isla. Tawagan mo sina Callisto o Kuya Archarias mo kapag nakalimutan ka nila ha." pabulong na paalala niya sa akin. Tumango ako habang iniisip kung ano ang pumasok sa utak ni Manang Celia para sabihan ako ng ganun.

Hindi na ako nagtanong pa sa tagapag-alaga namin, at sinundan na si Viene. Unexpectedly, as Viene and I walked across the road papunta sa kanilang sasakyan, biglang yumakap sa aking sistema ang panlalamig.

"Isnobero ba talaga si kapatid mo?" wala sa sarili kong tanong.

Viene laughed upon hearing my question.

"Saan mo naman narinig na isnobero ang kuya ko?" she asked, throwing the stage back to me.

My eyes squinted at binalikan ang araw kung kailan ko ito narinig. Ngunit, bago pa ako makapag-isip, literal akong na-estatwa sa gitna ng kalsada.

I can tell my cheeks are already like a tomato! Aware, be aware rin Islanna no?

"Islanna, okay ka lang ba?" Dahan dahan kong itinaas ang aking kamay para ituro ang bintana ng kotse nila na naka-bukas. Sinundan ni Viene ng tingin ang direksyon kung saan naroon si Robin na tumatawa ng kaswal habang nakatingin sa rearview mirror.

"Ay. Muntik ko na pala makalimutan na sabihin sa iyo na kasama namin si Ate Valerie at si Kuya Shawntell na dadaanan pa natin sa bukana ng village. Huwag kang mag-alala, sa unahan siya uupo mamaya, katabi ni kuya kaya hindi ka makikita nun," paliwanag ni Viene sa akin, habang nakatuon ang buo kong atensyon sa kanyang kapatid.

Ano ba talaga ang deal between sa kanila ni Valerie?

***

Grade 3 ako nang pumasok ako sa Eastern Margaritaria.

That time, Calli and Ate Valerie were grade 5 students and when they graduated two years later after that time, they became classmates with Rovin, Shawntell, and Jerome. Silang tatlo lamang ang kilala ko ng personal sa kanilang circle. Ang natitira naman ay puro sa pangalan ko lang kilala, gawa hindi na ako nagkaroon ng chance na makita sila ng personal dahil inilipat ako ni Tita Laurie sa WestColle para doon magtapos ng elementary, at junior high school.

But it doesn't stop me para tingnan ang buong angle sa mga nangyayari sa East.

Sa tatlong kilala ko, si Kuya Jerome lang ang ka-close ko. He is like a third older brother to me or to be exact a 2nd cousin.

Malimit niya akong ilibre dati sa The East habang hinihintay si Kuya Calli. Madalas ang laman ng usapan namin ay tungkol sa mga rekla niya sa mga pinaggagawa ni kuya, at syempre school life. May pagkakataon rin na binigyan niya ako ng mga chismis, at sa lahat ng sinabi niya sa akin isa lamang ang tumatak sa aking isipan.

"Knock, knock," Mabilis kong inilipat ang aking tingin sa katabi kong bintana.

What Viene told me earlier before we entered their white Accent is a scam!

Yes, I am comfortable around the boys because my siblings and most of my cousins are boys.

Pero pagdating kay Shawntell, na siyang iniiwasan ko since nang pumasok ako sa East, he is the guy I hate to be with, second with my cousin named Saxory. Aminado ako na he looks like Rovin na mukhang mabait at matino. Pero sa oras na makasama ka sa kalokohan niya, straight minus fifty points sa langit!

The first time we met was at Ate Mari and Kuya Augustine's wedding. Isa ako sa mga abay sa kasal nila, and unfortunately, he became my partner hanggang sa reception- na muntik ng masira when this insane boy kissed the flower girl na ka-table namin.

Nang magsumbong ang flower girl na iyon sa kanyang nanay, sinabi ni Shawntell that I dared him which is absolutely false!

"Yeza, sigurado ka ba hindi estatwa ang katabi ko?" tanong niya kay Viene na katabi ng kapatid niya sa unahan. I heaved a sigh, then slowly faced him.

I tried my best to look so done yet unbothered dahil baka hindi ko mapigilang mapaismid.

"Tinatawag mo po ba ako?" tanong ko sa kanya, then the car suddenly filled with laughter.

Biglang pumait ang mukha ni Shawntell while everyone's except me were laughing

"Ayan! Ayan! Nakahanap ka na ng katapat mo shokoy!" tumatawa na pang-aasar ni Viene sa unahan. Shawntell made a face, "Diyan naman kayo magaling sa pagtutulungan!" he said.

I saw Rovin looked at the rearview mirror kaya bumalik ulit ako ng tingin sa bintana, "It is called karma kasi, Shawn." he said before giving his full attention sa kalsada.

Unti-unting kumalma ang atmospera sa loob ng sasakyan ng mga Arevalo. Hindi ko maiwasang mapa-pikit sa aking pwesto dahil sa inis sa aking ginawa. I want to say sorry kay Shawntell, yet my ego said no.

'Yan tuloy Viene, ang awkward niyo na!

***

Finally! G answered my silent prayers!

I might use all my misfortunes earlier sa loob ng sasakyan, pero sino ang nagsabi na hindi ako magkakaroon ng chance na maging maswerte?

Mabuti, nang magkaroon ng tensyon sa pagitan namin ni Kuya Shawntell, we are already inside the venue. Hindi ko napagtanto iyon kanina dahil nasa ibang bagay ang aking atensyon. It was just when I heard Valerie open the door.

Sa entrance ng venue kami binababa ni Rovin, at doon rin kami nag hiwa-hiwalay. Kasama ni Viene si Shawntell na biglang sumigla nang makalabas kami ng sasakyan at naiwan naman akong kasama nina Valerie at Rovin.

Ganon ba talaga niya ako ka-hate?

"Huwag kang mag-alala kay Shawntell. He never takes everything seriously except for his Academics Performance." Nagulat ako ng kausapin at harapin ako ni Rovin. I was about to utter an answer when Valerie suddenly excused herself para hindi mapa-tigil ako.

Hinintay ko ang dalawa na magpaalam sa isa't isa, and when they are contented in each other's farewell, I was expecting na ipagpapatuloy ng kapatid ni Viene ang pag e-entertain sa akin, ngunit hindi na ako hinarap ng kasama ko and he just instructed me to follow him.

Nang makarating kami sa pintuan papuntang backstage, may dalawang malaking lalaki ang humarang sa amin. May suot suot kaming dalawa na STAFF id. He just got his earlier, at ang sa akin naman ay kanina pang umaga ko nakuha.

Pinakita namin ang aming ID. We ain't staff here. But because of some connections towards the organizers, we became one based on Kuya Iggy's explanation.

"WELCOME TO THE TENTH YEAR OF DIREKTO'S BATTLE OF BANDS! We are -"

Tinakpan ko ng bigla ang aking mga tenga sa sobrang lakas ng musika at ang pagba-bounce ng audio na mula sa labas.

"Okay ka lang?" tanong ng aking kasama.

Tumango ako, "Okay lang." matipid kong sagot at patuloy siyang sinundan hanggang sa marating namin ang bahagi ng backstage kung saan may isang puting pintuan.

Binuksan iyon ni Rovin. Nang magkaroon ako ng maayos na view sa kabuuan nito. My eyes widened. Is this a broadcasting studio?

Unang pumasok si Robin. I followed him outside the room habang patuloy na tinangkilik ang mga malalaking LCD screen na nakadikit sa pader. Ang ganda!

"Dude, wake up! The show is starting, they must be waiting for you!"

Before I could react to how I was moved by this room's setup, luckily I heard Robin's voice speak because someone was already here before us!

Tumigil ako sa aking kinatatayuan na tatlo metro ang layo mula kay Robin at sa lalaking na may nakasabit na asul na kumot sa kanyang katawan. Pinanood ko silang mag-usap kahit alam kong masama iyon.

"Shit, I didn't realize that I had fallen asleep." I heard the man say.

My eyes squinted para kilalanin ang lalaking ito dahil I can't afford to lose another misfortune if lalapitan ko pa sila.

"Are you not waste na-"

Bumuka ang aking bibig when realizations hits na sinundan ng isang nakakabinging tunog na pumasok sa aking tenga nang makilala ko ang lalaking binabalutan na asul na kumot.

Anong ginagawa niya dito sa backstage?

#

aiberu