Chereads / The Badass Twins / Chapter 52 - Chapter 51

Chapter 52 - Chapter 51

Heaven's POV

Ano bang nangyayare kay Godee? Kanina pa siya hindi mapakali at namumula pa ang mga pisngi niya.

"Tutulong ka ba o hindi?" mataray na tanong sa kanya ni Dana. We're here currently in our kitchen. Kaming mga babae ang magluluto ng dinner namin tonight. Habang ang mga lalaki naman ay nasa Sports Room yata silang lahat.

"Ano bang gagawin ko? Wala naman akong alam sa pagluluto." tamad na saad ni Godee. Tumango rin si Desdes.

"Ako rin, walang alam about cooking." she emotionless said.

"Ayos lang yan, kapatid. At least, may matutuhan ka rito kapag panunuorin mo ang bawat galaw namin." ani ni Dawn.

"Gosh. Aminin niyo na kase na tinatamad kayong magluto dami nyo pang arte." mataray na naman na saad ni Dana. Hindi siya pinansin ng dalawa. Bagkus, walang emosyon ang mga mukha nitong tumango sa kanya.

"Pumanik na lang kayo sa taas kami na ang bahala dito." sabi ko at agad ngang umalis si Godee, Desdes at Dawn? Tumawa tawa itong sumunod sa dalawa. Gaga talaga. Ahahhahaha. Isa ring tamad.

"Baka gusto mo ring pumanik? Pumanik ka na rin." sabi ko kay Dana. Nag-ikot ito ng mata bago nagsalita.

"Psh. Hindi na. Baka lagyan mo pa ng pang-LBM at mga uod ang mga pagkain." Ngumisi ako sa sinabi niya at napa-iling na lang. Hindi na talaga mawala sa katawan ni Dana ang pagiging maarte at mataray. Kaso, ang hindi namin maintindihan bakit kailangan niya pang maging mahinhin sa harap ni kuya? Tss. Lintik na pag-ibig.

"Hindi na mauulit yun. Once na nagawa na namin ang isang bagay hindi na namin inuulit. Gets?"

"Kaya pala paulit-ulit niyo akong pinagtritripan."

"Sino naman nagsabi sayong pinagtritripan ka namin?"

"Bakit hindi ba? Sa lahat ng tao dito sa mansion ako palagi ang nakikita niyo."

"Oh? Bakit hindi kita napapansin?"

"Ewan! Wala talaga kayong kwenta kausap!"

"Hahahahahahaha! Maldita ka kase."

"I'm not maldita. Psh!"

"Edi, mataray na lang."

Hindi siya sumagot at tinarayan lang ako. Ano kayang mararamdaman niya kapag malaman niyang hindi pala siya tao? Poor Dana.

"Magaling ka sa lahat pero bakit sa combat wala kang alam?" tanong ko sa kanya. Tumigil siya sa paghihiwa ng karne at mataray na tumingin sa'kin.

"Hindi naman kase kami nag-aral ng Combat skills. Ewan ko nga, bakit ang galing ni Dawn pagdating sa pakikipaglaban. Hindi naman siya tinuturuan ng parents namin dahil busy ang mga ito sa business namin."

"Mag-bestfriend sila ni Godee."

Sagot sa tanong niya.

"Psh! I don't care."

"Hahahahhaha! Inggit ka? Wala ka kasing kaibigan."

"Psh! I don't care. Si Blade kaibigan ko siya at si Ryder kaibigan ko rin."

"Ow? Parang di naman halata hahahahaha!"

"Wag mo na nga akong kausapin! Magluto na tayo!"

"Hahahahahaha! Ang taray mo talaga, Dana."

"Psh! You don't care."

"Hahahahahahahaha!"

"Tsk! Tawa ng tawa! Naalala ko na naman yung ginawa niyo kanina ni Worth-oppa sa kotse niya. Di pa kayo titigil kung di dumating sila Blade."

"Ikaw huh, masama ang manood ng privacy ng mag-couple."

"Eh? Kayo na ba ni Worth-oppa?"

"Matagal na?"

"I mean, hindi pa siya nanliligaw sayo bakit couple na agad kayo? Tapos gumagaws pa kayo ng kababalaghan. Ewan na lang talaga kapag makita kayo ni Blade."

"Tss. When Worth fall in love with me. Akin na siya at sa kanya ako. Nothing else. Ano pa bang kailangan kong ipagawa sa kanya para maging kami?"

"Syempre! Mas masarap pa rin sa feeling kapag liligawan ka niya, haharanahan, bibigyan ng flowers every morning o di kaya date every weekends."

"Yun ba ang gusto mong mangyare sayo kapag may lalaking magkagusto sayo?"

"Yeah?"

"Iba-iba naman kasi tayo ng pananaw sa buhay Dana, So keep it up. Good luck na lang sa guy na magugustuhan mo."

"It's your brother, Heaven."

"Di ka naman niya gusto hahahahahaha!"

"Pisti!"

"Hahahahahahaha!"

"My Amoŕe is enjoying. Can I help here?" Napangiti ako kay Worth ng yumakap ito sa likuran ko. Naiilang pang tumingin si Dana sa'min kaya nagpatuloy na lang ito sa ginagawang paghiwa sa mga karne.

"Dana, pumanik ka na sa taas kami na ni Worth ang magluluto ng dinner natin."

"Ahh ehh, sige." naghugas muna ito ng kamay bago nagpaalam na umalis. Tinignan ko si Worth na kumuha ng kulay itim na apron at sinuot iyon. Pogi.