Chereads / The Badass Twins / Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 8 - Chapter 7

Dana's POV

Di ko alam kung paano ko sila patutungohan lalo na si Heaven. It's my fault kung bakit sila naghiwalay ni Sun. Pero sa nakikita ko ngayon... Parang hindi man lang siya umiyak o nagluksa man lamang sa break up nila ni Sun. Napaka natural lang niyang kumilos.

"Remember guys, bawal ligawan ang mga kapatid ko. Friends pwede pa pero boyfriends wag muna."

Saad ni Sky. Lalo talaga akong humahanga sa kanya dahil sa pagmamahal niya sa mga kapatid niya.

"They have already a boyfriend."

Lahat kami napatingin kay Worth-oppa ng magsalita siya. Walang-emosyon ang mukha niya pero ramdam namin ang pagdiin niya sa salitang 'boyfriend'. Tipong hindi niya gusto iyon.

"Whoa!? Ang haba ng sinabi mo, pards. Naka 5 words ka. Achievement!"

Oo nga noh, Worth-oppa is a man of few words. Makaka-usap mo siya pero tanging gestured lang ang ginagawa niya. O kaya nama'y magsasalita siya pero hanggang 2 words lang. No more less.

"Pero anong sabi mo Worth? Ang mga kapatid ko may mga boyfriends na?"

"Oo Sky, Sina Sun at Moon."

Ako na ang sumagot. Sakto namang dumating ang twins dito sa room. Pagkatapos kasi naming kumain kanina sa canteen hindi na sila sumabay sa'min na pumunta rito sa room kaya nauna na kami.

"What?! Kailan pa nila naging boyfriends sila Íťökö?"

"Since birth, kuya"

Nakangising saad ni Heaven. Doon sila sa pinakadulo umupo malapit din sa bintana.

"Pero nagbreak na kami ni Íťökö dahil may lumandi sa kanya na isang bruha."

Napayuko ako dahil alam kong para sa'kin ang sinabing iyon ni Heaven.

"I'm sure. Nagluluksa na si Sun ngayon. Mahal na mahal ka non eh."

Natatawang saad ni Sky.

"Yeah. Nagluluksa siya sa Hospital."

"Pero papatawarin mo pa ba siya?"

"I can't resist him, kuya."

"Hmm... Sabagay"

"So, okey lang sayo na may boyfriend sila?"

Biglang tanong ni Ryder.

"Nope, pero ok lang naman sa'kin kung sina Íťökö ang boyfriends nila."

"Tsk."

Singhal ni Worth-oppa. Pero nasa labas ng bintana ang tingin niya.

"Dana, nasobrahan yata ang blush on mo sa pisngi. Panget sa babae ang ubod kapal na make-up."

Maya-maya pa'y wika ni Sky. Nakaramdam ako ng hiya. Alam ko namang ayaw niya sa mga babaeng makakapal mag make-up.

"Okey lang yan, Kuya. Witch naman siya kaya bagay sa kanya ang makapal na blush-on."

Nakangising saad ni Heaven tinignan niya pa ako tas nagpipigil siyang tumawa sila ni Godee.

Napakuyom ko ang kamao ko... Gusto ko silang makasundo kaso malabo ng mangyare yun.

"Pero bakit kailangan niya pang mag sun glasses? Ano nasa beach lang ang peg? Tsk. Witch talaga."

Ani naman ni Godee. Ang mga kaklase naman naming nakarinig sa kanya ay mahinang naghahagikgikan.

I don't care kung sila ang kapatid ni Sky. Naiinis na ako...

I stand up saka tinanggal ang suot kong salamin. Madaming napasinghap ng makita nila ang kaliwang mata ko.

"Sky, si Heaven ang may gawa nito sa'kin at kaya makapal ang blush-on ko dahil namamaga ang pisngi ko sa sampal nila ni Godee."

Sumbong ko kay Sky. Tumulo rin ang luha ko. I cried. Nang maalala ko ang nangyare kahapon sa MOA.

"Paanong nangyareng ginawa nila yan sayo?"

Nagtatakang tanong ni Sky. Hindi ako naka-imik dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila... Huminga ako ng malalim.

"Kahapon namasyal ako sa MOA. Hindi sa inasahang pagkakataon nakasalubong ko si Sun Sullivan doon. Hindi ko na sana siya papansinin dahil nahihiya akong makihubilo sa kanya. Then he insist, siya ang unang pumansin sa'kin dahil natandaan niya raw ako na isa sa mga exchange students sa school nila. Inaya niya akong samahan siya sa pamamasyal dahil wala naman daw siyang kasama saka ang girlfriend niya raw na si Heaven nowhere to found. At saka nakita niya raw itong may kasamang ibang lalaki kaya siya nagpunta na lang sa MOA para maalis ang sakit na nararamdaman niya sa pagtataksil ng girlfriend niya. Tapos, masaya na si Sun habang namamasyal kami sa Mall kaso bigla na lang sumulpot ang Twins. At itong black eyed na toh at pamamaga ng pisngi ko ay gawa ni Heaven! Pati si Godee sinampal niya rin ako! Ang sasama nilang dalawa! Wala naman akong ginagawang masama! I'll just made Sun happy! pero itong dalawang toh sinira nila!"

Galit kong saad habang umiiyak. Tahimik lang ang lahat. Inaabangan ko kung ano ang sasabihin ni Sky pero nakatingin lang siya sa'kin na para bang ibang tao ako. Hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

"Tapos ka ng mag-drama?"

Walang-gana na tanong ni Heaven sa'kin. Nakaramdam ako ng kaba ng tinignan niya ako mismong sa mga mata ko. Her sky blue eyes...turn into cold, emotionless, and lethal.

Lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa takot ng tumayo siya.

"Heaven!"

Biglang sigaw ni Sky sa kapatid pero parang wala itong naririnig sa'kin lang siya nakatingin habang nakatayo pa rin. Nang nagsimula siyang maglakad papunta sa'kin bawat hakbang niya para siyang si Death. Nataranta sila Sky at Godee kahit sina Ryder at kuya Worth na tumayo rin mula sa pagkaka-upo...

"Heaven Katana Amore Hunterose!"

Sigaw muli ni Sky sa pagkakataong ito buong pangalan na ng kapatid niya.

Huminto si Heaven saka tinignan ang kapatid.

"I'm bored, Kuya"

Nagsitayuan yata ang lahat ng balahibo namin sa katawan ng magsalita siya. Walang-gana pero napakalamig ng boses niya.

Gusto ko ng maihi sa takot ng maglakad siya muli palapit sa'kin.

"Godee, give her bored reliever now."

Utos ni Sky na humarang sa harapan ko. Si Godee naman ay may kinuha itong 'Yakee' sa bag ni Heaven. Saka nilapitan ang kambal niya.

"Here Twin, eat this."

Tinignan ni Heaven ang inabot sa kanya ng kambal.

"My Bubble gum, hmm... Thanks, Twin."

Parang isang gamot ang bubble gum na kinain niya dahil bumalik na siya sa dati ang presensya niya.

"Weak"

Nakangising saad niya sa'kin saka siya lumabas dito sa room.

Desiree's POV

Napahinga kami nang maluwag ng lumabas si Heaven dito sa room. She's more dangerous when she's bored. Totoo nga ang sabi ni Kuya Worth sa'kin noon.

"Don't make false stories, Dana. Pinaka-ayaw ko sa lahat ang mga sinungaling. Lalo pa't myembro ka ng ACES."

"I'm sorry, Sky."

Sincere na paumanhin ni Dana kay Blade pero hindi na siya nito pinansin dahil lumabas na rin ito sa room.

"Tsk. Next time, galingan mo ang pagsisinungaling mo. Well, no more next time dahil walang Hunterose na madaling naloloko. Kaya ikaw Witch, pasalamat ka't hindi ka sinaktan ng kambal ko. And for your more information, Íťökö Sun loves my twin so much. And I know, you know, we all know, Sun Sullivan is emotionless and cold-hearted person but he only show his true emotions to people that important to him and the love of his life, Heaven."

Saad ni Godee saka siya bumalik sa upuan niya.

Tumingin ako sa kapatid kong maldita para siyang naupos na sigarilyo dahil sa hiyang nararamdaman.

Ako rin man nahihiya ako sa pinagsasabi niya kanina. Tsk. Di ko alam na may pagka-desperada pala siya. Nakakahiya.