Chereads / The Badass Twins / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Heaven's POV

FOUR DAYS LATER so today is freaky Friday. MAPEH lang ang subject namin ngayon. As in Music, Art, Physical Education, and Health. Yan lang ang ituturo ng guro namin no more subject.

~~~Art Classroom~~~

"Class, go to your particular area."

Anang guro namin sa Art sub. Si Professor Santos.

Pumunta ang mga kaklase namin sa kanila kanilang pwesto habang kami ni Twin nakahalukipkip lang dito sa isang tabi.

Tuwing MAPEH pala dito ay lumilipat kami ng room.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong Art room. So many paintings, small sculptures, animal figures, mosaic tile, abstract and more. Pamilyar sa'kin ang ilan sa mga paintings at sa mga nag-paint nito.

Pagdating naman sa mga pwesto ng mga estudyante may mga nakalaan na sa kanila na mga sketch pad na kasing laki ng cartolina at mga gamit sa pang-drawing o pang-paint. Kompleto na lahat.

"Twins, ano pang tinutunganga niyo diyan? Oh I forgot, wala pala kayong pwesto dito."

Saad ni Dana. Psh. Wala pa rin namang nagbago sa kanya still maarte at witch pa rin. Hinahayaan na lang namin siya sa pag-uugali niya dahil masaya naman siyang pagtripan eh. Saka tang*na sobrang bida-bida niya.

Sa loob ng isang linggo namin dito ni Twin sa Huntress University. Masaya. Masayang pagtripan sila kuya at mga ka-grupo niya. Lalo pa't nalaman namin na sila pala ang mga SSG officer dito sa H.U.

Then ang mga estudyante naman dito is sobrang kay babait at nakakasundo rin namin sila ni Twin na siya namang ikinatuwa nila dahil akala raw nila snober kami ni Twin.

Mabait kami sa kanila maliban sa mga SSG.

"Heaven, dito ka na lang sa pwesto ko. Share tayo."

Nakangiting saad sa'kin ni DK.

"Godee, ikaw din dito ka na lang din sa pwesto ko. Pwede naman sigurong mag-share ng gamit eh."

Ani naman ni Song kay Twin.

Pareho kaming umiling ni Twin. Sumimangot sila. Sa grupo ni kuya silang dalawa ang ka-good vibes namin pati na rin sina Desiree, Ozi, at si Jun. Mababait naman kasi sila kaya hindi namin sila pinagtritripan.

"Twins, pumunta na kayo sa area niyo."

Sabi ni kuya sa'min.

"Tsk. Nakakatamad mag-drawing eh."

Ani ko. Tumango naman si Twin saka kami nagpunta sa pwesto namin. As asual, nasa pinakadulo at malapit sa bintana.

"Remember Dana, it's our brother's school so we always have a place here."

Wika pa ni Twin ng madaanan namin ang pwesto ni Dana. Tinarayan niya lang kami. Bruha talaga.

"Okey, today you need to paint anything or a scenario that important to you."

Sabi ni Prof. Santos.

"And then, ang may pinakamagandang painting ay masasali sa Best Artwork at madi-display ito sa Museum natin dito sa H.U."

Saad pa niya.

Nagbubulungan naman ang mga kaklase namin.

"Sigurado si VP Dana na naman ang mangunguna sa Best Artwork."

"Kaya nga eh. Magaling siya pagdating sa pagpaint o drawing pa yan."

Tumingin kami kay Dana na pangiti ngiti lang sa harap ng sketch pad niya. Kang tanga lang. Feel na feel ng Bruha ang papuri sa kanya.

"And class, Bawal tumingin sa painting ng mga kaklase niyo. Ang top ten na mapipili namin ng mga kapwa ko Art prof. ay makikita niyo sa monday doon sa Museum's Best Artwork. Now, you have 45 minutes to finish your works."

Tumahimik naman na lahat. Kami naman ni Twin ay nagkatinginan saka sabay na ngumisi. Hmm... Painting pala huh?.

Ang unang tao na mahuli kong nakatingin sa'kin ay siya ang ii-paint ko.

Worth?

Nahuli ko siyang tumingin sa'kin pero agad din siyang nag-iwas ng tingin. That stoically guy. I wonder if his more handsome when he smiling. Never ko pa kasi siyang nakikitang ngumingiti. Pero madalas ko siyang nakikitang umiigting ang panga niya kapag may kumakausap sa'kin na mga lalaki.

Nagtataka nga ako dahil hindi naman siya ganon pagdating sa mga pinsan niyang babae, sila Dana at Desiree kapag nilalapitan ito ng mga boys.

Kaya naisip ko baka bakla siya at naiinggit siya sa ganda ko. Hahahaha!!!

Maka-drawing na nga lang.

Desiree's POV

Pagkatapos ng Art subject namin ay lunchtime muna then P.E ang pang last sub.

"Basketball tayo bukas sa Mansion niyo, Sky. Wala namang pasok eh."

Saad ni Jun.

Nandito kami sa canteen ngayon nag-la-lunch.

"Sige ba."

"Mag be-bake ako ng cupcake para Merrienda niyo after maglaro ng basketball."

Ani ni Dana.

"Sure, that's good."

Hanggang langit ang ngiti ng bruha kong kapatid. Tss.

"Wow! Marunong kang gumawa ng cupcake?"

Manghang tanong ni Heaven.

"Oo, isa iyon sa ma-ipagmamalaki ko na kaya kong gawin na hindi kayang gawin ng kapatid kong ampon."

Ngising sagot ni Dana. Para bang tuwang tuwa siya dahil namangha ang isang Heaven sa kanya.

"Luh siya? Oo o Hindi lang ang sagot. Tsk. Dinamay mo pa si Desdes."

Singhal ni Godee sa kanya. Para naman siyang napahiya dahil kumuyom ang kamao niya at tinarayan pa ako.

"Cupcake lang ang kaya mong i-bake?"

Tanong ni Heaven sa kanya. Tumango naman siya na may ngiti sa labi.

"Dana, marunong si Heaven mag-bake ng iba't-ibang cakes at marunong din siyang gumawa ng pizza. Gusto mo paturo ka sa kanya?"

Nawala ang magandang ngiti kanina ni Dana sa sinabing iyon ni Blade.

"Tsk. Para sa cupcake lang? Nagmamalaki ka na? Duhhh."

Asar sa kanya ni Godee.

"Hahahahaha! Grabe ka naman twin, mabuti nga si Witch marunong siyang gumawa ng cupcake. Eh, ikaw kahit mag-halo ka na lang ng itlog. Natatapon mo pa."

"Tss. Kasalanan ko bang tumalon ang itlog sa bowl."

"P.E na ang next sub. natin. Twins, kailangan niyong magpalit ng PE uniform."

"Wag na, kuya. Nakakatamad eh."

Ani ni Godee.

"Saka wala kaya kaming PE uniform."

Dagdag pa ni Heaven.

"Meron na kayo nasa mga locker niyo."

"Aish!"

Patungo kami sa Girl's Locker Area habang yong mga boys pumunta rin sa Locker Area nila.

"Magkatabi lang pala ang locker natin, Desdes."

Nakangiting ani ni Heaven sa'kin. 'Desdes' ang palayaw nila sa'kin ni Godee.

Binuksan ko na ang locker ko saka kinuha ang P.E uniform ko.

Kahit na ayaw kong suotin ito pero kailangan.

"Luh? Bakit Jersey short at Sando?"

Tanong ni Godee ng makuha niya rin ang P.E uniform niya.

Sa nakikita ko ayaw niya rin sa P.E uniform namin.

"Pero cool naman ang kulay, twin. Kaya okey lang kaso ayaw kong suotin toh."

Saad ni Heaven. Black ang kulay ng Jersey short na may tatlong white strip sa gilid habang ang sando naman ay White color na may printed name na 'Huntress University' sa harap. Then varsity number sa likod.

"Oh my gosh!!! Yuckkkkk!!! Ewwww!!!"

Pareho kaming tumingin kay Dana na biglang tumili ng buksan niya ang locker niya.

"Problema ng bruhang yan?"

Takang tanong ni Godee. Nagkibit balikat lang kami ni Heaven saka nilapitan si Danang maarte.

"Wow! Ang cute ng mga Hamsters, Twiny"

Masayang saad ni Heaven saka kinuha yung dalawang hamster sa locker ni Dana.

"Yuckkkk!!! Yuckkk!!! Ilayo mo sa'kin ang mga creepy creatures na yan!"

"Luh siya? Hindi naman toh creepy creatures ah? arte talaga."

Sabi ni Heaven saka nilapit pa ang hamster sa mukha ni Dana na halos mangisay. Hahahahaha!

"Ano ba! Ilayo mo sa'kin yan!"

"Haist. Twiny, akin na nga ang kulongan ng mga Baby Hamster natin."

Saad ni Heaven. At nilayo na kay Dana ang Hamster.

"So, kayo pala ang naglagay niyan dito sa locker ko?!"

"Hindi ah. Baka isa sa mga admirer mo"

"Eh, bakit may cage kayo niyan?"

"Pake mo ba. Tsk."

"Isusumbong ko kayo kay Sky bukod sa nagdala kayo ng creepy creatures dito. May kulay pa yang buhok niyo."

What? Tinignan ko ang buhok ng Kambal. Itim lang naman ang kulay nito.

"Anong pinagsasabi ng bruhang toh? Wala namang kulay ang buhok namin ah?"

Tanong ni Godee.

"Meron! Nakita ko ang buhok niyo kapag nasisinagan ng araw lumilitaw ang kulay nito. Sayo green habang kay Heaven ay gray. Alam niyo namang bawal ang may kulay ang buhok dito sa Huntress pero ginawa niyo pa rin. Malalagot talaga kayo kay Sky."

"Bahala ka sa buhay mo, witch."

Iniwan na namin si Dana.

"Hindi ba kayo magpapalit ng P.E uniform?"

Tanong ko sa Twins. Hindi kasi nila dinala ang mga uniform nila.

"Yeah, sasamahan ka na lang namin sa cr para magpalit ka na."

Tumango na lang ako sa sinabi ni Godee.