Godee's POV
Sa dinami dami ng mall bakit dito pa naisipan nila kuya na mag shopping.
"Sabi sa market sila pupunta pero bakit nandito sila?"
Wika ni Desdes. Walang emosyon ang mukha niya. Parehong pareho sila nong pinsan nilang si Worth.
"Nagtaka ka pa eh, kasama niya si Dana the bitch"
"Kanina pa sila umalis sa mansion pero wala pa silang nabibili"
"Baka nag motel muna sila bago pumunta dito"
Biro lang yun pero sumama ang mukha ni Desdes.
"A-ano...Bakit naman sila mag-momotel? "
Humina ang boses niya.
"Syempre alam mo na si Dana kasama niya. At pagkakataon na ito ni bitch na solohin si kuya sa isang lugar kung saan pwede makarating sa langit."
"Bakit sa motel ba ang daan papunta sa langit?"
Walang emosyon ang mukha niya pero ang inosente ng kilos at pananalita niya. Sa isang linggong kasama namin ang grupo nila. Hindi mahirap kabisaduhin ang mga ugali nila. At isa na dito si Desdes napaka inosente niya sa ibang bagay para siyang bata na walang emosyon. Siya lang din ang mabilis naming nakasundo ni twin sa grupo nila.
"Hindi lang sa motel pwede rin sa hotel"
Ngising saad ko. Tumingin ako sa gawi nila kuya papunta sila sa Snacks Area.
"Gusto mo bang sundan natin sila des? Malay mo may gagawin silang kababalaghan doon"
"Wag na. Umuwe na lang tayo. Andoon si Dana siguradong magwawala yun kapag makita tayo. Pinakaayaw niya sa lahat iniisturbo sila ni Blade."
"Ay ganon? Baka ayaw magpaawat. Tibay din pala ng bruhang yun noh?"
"Oo, umiinom ng maraming vitamins yun kaya matibay sa lahat"
Napakamot na lang ako sa sinabi niya. Minsan talaga lutang siya.
"Tara na nga, baka may masapak pa ako dito"
"Bakit ka naman mananapak?"
"Kase yung utak ko puno ng riddles at hindi ko alam kung paano ito sasagutin. Alam mo yun sa ating utak may nakatatak na mga tanong tanong"
"Oo alam ko yun ganun din kase sa'kin minsan"
Oo, at minsan araw araw pa nga. Inakbayan ko siya at naglakad na palabas sa mall.
Heaven's POV
Langya talaga ang taong walang emosyon na yun. Isa siyang malaking kumag! Kupal! Pakyu pa!
"Worth Galvez isa kang malaking kulangot!"
"Hahahhaha anyare twin?"
Tanong sa'kin ni Godee na kakapasok lang dito sa kwarto namin. Ang daming dala nitong mga bagong Manga. Kumuha ako ng isa at inis na binuklat iyon.
"Hey, easy baka mapunit mo yan. Mga bagong release yan."
Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa pagbuklat.
"Kase naman may kupal dito sa mansion!''
Inis kong sabi. Napunit ko ang isang pahina.
"Haist. Sabi ko dahan dahan lang eh! Tsk. Alam ko na yun daming kupal dito sa bahay. Bakit ba kase?"
"Dahil yung kupal na si Worth sinabihan akong hindi daw bagay sa'kin ang damit ko kanina!"
"Para yun lang? Nainis na ka na?"
"Hindi lang naman kase yun. Meron pa siyang ginawa sa'kin! Hindi nga magawa gawa ni Araw sa'kin yun tapos ang Galvez na yun ang lakas ng loob na hawakan ang bewang ko! Iisumbong ko talaga siya kay kuya!"
Naiinis talaga ako! Wala pang lalaki na humawak sa bewang ko at sa hita ko! Maliban sa kupal na yun!
"Hahahahhahaha!!! So, anong naramdaman mo nakiliti ka ba Hahahahhahaha tibay boto na ako kay Worth Hahahahhahaha!"
Kingina! Ano bang nakakatawa? Naiinis na nga ako may oras pa siyang pagtawanan ako. Urgh!
Bakit naman kase sinabi ko pa sa kanya ang ginawa sakin ng kulangot na yun! Aish. Alam niya kasing malakas kiliti ko sa mga bahaging iyon ng katawan ko.
Hindi pa rin siya tumitigil sa pagtawa. Naiinis na ako. Halatang nang-aasar ang kambal kong toh. Tinignan ko ang hawak ko at walang prenong binato ko yun sa may pinto.
"Arayyy! Bakit mo ko binato!"
"Hala! Twin naman! Bakit mo binato ang libro ko?"
Sabay nilang wika. Si Dana na sapo ang noong namumula na Bulls eye ko siya. Habang si twin naman ay mas concerned pa sa libro niya kaysa sa taong bruha na toh.
"Bakit naman kase nadito ka? Bawal bruha dito sa kwarto namin!"
Sigaw ko kay Dana. Tinarayan lang ako nito.
"Pinapatawag kayo ni Blade ko"
Mataray niyang saad. Saka siya nag martsa paalis. Tss. Hindi man lang napuruhan doon sa pagbato ko dapat pala nilakasan ko ng todo para mawalan ng ulirat.
"Ang hina ng bato mo. Alam mong may papasok eh"
"Tss. Kapag nilakasan ko yun siguradong nagluluksa ka na ngayon."
Masyado niyang mahal ang mga libro niya kaya dapat ingatan.
Dumating kami dito sa sala. Kompleto ang grupo ni kuya. Nakita ko na naman si Worth pangit! Sumimangot na lang ako at umupo sa sofa katabi ni kuya blade ganun din si Godee.
"Ba't ganyan mukha mo, baby?"
Tanong ni kuya sa'kin. Sumimangot ako lalo.
"Dami kasing kulangot sa paligid"
"Ewww yuck. You're gross."
Maarteng usal ni Dana. Epal.
"Isa ka sa mga boogarts na yun. Tignan mo nga yang ilong mo may kulangot pa."
Pang-aasar ko sa kanya.
"Childish"
Amp! Narinig ko ang bulong na yun ni Worth. Tinignan ko siya ng masamang masama! Nagkampihan pa sila ng bruha niyang pinsan!
"Kuya, ako na magluluto ng dinner natin ngayon"
Malambing kong saad kay kuya. Sa isip ay may binabalak na masama. Ngumiti lang si kuya.
"No need to cook for dinner tonight baby. Nag pa deliver na si Dana."
"ANO!"
Nagkatinginan kami ni Twin dahil sabay pa kaming nagsalita.
"Bakit gulat na gulat kayo? Don't tell me ngayon niyo lang maranasan kumain ng delivery food?"
Mataray at maarte na sabi ni Dana. Sarap talaga patayin ng babaeng toh.
Hindi namin siya pinansin ni Twin. Bahala siya sa buhay niya.
"Dana, namumula ang noo mo. Anong nangyare dyan?"
Nag-alalang tanong ni Jun sa kanya. Hindi rin siya pinansin ni Dana kundi tinarayan lang ng bruha. Witch talaga.
"Panik na muna kami ni twin kuya. Tawagin mo na lang kami kapag dumating na yung food natin."
Sabi ni twin. Tumayo na ako at nauna ng pumanik. Sumunod naman si Twin.
"What's the plan?"
Tanong ni twin ng dumating kami dito sa kwarto namin. Ngumisi ako.
"LBM 24 hours"