Third Person's POV
Monday morning. Antok na antok pa sina Heaven at Godee ng pumasok sila sa Huntress University.
"Late na naman kayo, Twins"
Bungad ng kuya Blade nila ng makapasok sila sa class room nila. Mahinahon ito pero halatang may iniindang sakit.
"Sorry, we're late"
Tamad nilang sagot sabay hikab pa.
Pumasok na rin sila sa loob at dumiretso sa mga upuan nila. Tahimik ang mga kaklase nila pero may mga palihim na kumukuha ng pictures sa kambal. Their fans.
"Ayos lang ba kayo?"
Kunwareng nag-alalang tanong ni Heaven sa mga kasama nila sa bahay.
"Palagi na lang panda ang mga mata niyo."
Saad ni Godee. Gusto niyang tawanan ang grupo ng kuya nila dahil ang lalaki ng eyebags ng mga ito. Halatang mga puyat at may iniindang sakit. 24 hours kailangan nilang tiisin ang sakit. Hahahaha mga kawawa. Delivery food pa kayo ah.
Sakto namang dumating na ang Lecturer nila sa Research.
"Good morning class, our topic for today is about to your project."
Ito ang semester na gawaan ng mga projects. Pahirapan na naman.
Nakikinig lang lahat sa discussion ng guro nila.
"Instead of doing Research paper I want you all to do a Outreach program. That's your project for this whole semester. Napag usapan na rin namin ng mga Lecturers niyo tungkol dito. Meaning to say, sa lahat ng subjects niyo ay ito na ang pinaka projects niyo. Nothing else."
"By group po ba Miss?"
"Yes, hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Bawat pangkat ay magkakaroon ng labing limang members. Binigay ko na kay President Blade ang mga magkagrupo. Siya na ang bahala sa inyo."
"Saan po gagawin ang Outreach program, Miss?"
"In different places. Group 1 will handle the Feeding program for kids. Group 2 will do Planting program and the group 3 will handle the Caregiving program. Nakasulat na sa papel kung saang lugar kayo pupunta. And you have 2 weeks to finish this task starting tomorrow. That's all for today class, Blade ikaw na ang bahala sa kanila. See yah, goodbye class!"
Pagkaalis ng Lecture nila halos sabay sabay na tumayo ang grupo ni Blade at nag-unahang lumabas sa class room. Nagtaka pa ang mga kaklase nila sa kanilang kinilos dahil hindi gawain iyon ng mga SSG officers.
Ang kambal naman ay lihim na tumatawa sa kanilang isipan dahil alam na nila kung saan ang punta ng mga ito. Cr.
"Bakit naman kase ginawa mo pang 24 hours yung LBM nila, twin?"
Natatawang wika ni Godee sa kambal na walang pakialam na ngumunguya ng bubble gum at pinapalobo pa nito.
"Pasalamat pa nga sila dahil 24 hours lang yun kundi gagawin kong isang buwan yun."
"Hahahahah! Kung ginawa mo yun baka hindi na nila maranasan grumaduate."
"Tch! Sisihin nila si Worth kung hindi lang naman ako ininis ng taong yun edi sana wala silang LBM ngayon."
Napa-iling na lang si Godee sa kambal halatang badtrip ito kay Worth. Dinamay pa ang iba. Kilala nila ang may-ari ng pinag-orderan ni Dana ng food nila kagabi kaya madali lang sa kanila gawin ang salbaheng balak nila. At saka, wala din namang pakialam ang may-ari ng restaurant na yun kung mawalan man sila ng customers. As long as, magbigay sila ng tag-iisang Big bike at Sports car dito. Basic.
"Heaven Katana Amore Hunterose and Godee Archery Amare Hunterose, come to my office now."
Anunsyo iyon mula sa speaker sa labas. Nagsalubong ang kilay ng dalawa ng banggitin ng kuya blade nila ang buong pangalan nila.
"Minsan, papansin din si kuya"
"Kulang sa tulog ang isang yun kaya sabog"
Nagtawanan silang dalawa saka tumayo at lumabas na rin sa class room nila. Break time na kaya madaming estudyante sa labas. Bukod sa sikat naman talaga sila agaw pansin pa rin ang mga tindig nila. Hindi pa sila naka school uniform kaya nakaka-agaw atensyon ang bawat hakbang nilang maangas.
Godee's POV
Sacred office again. Hindi na kami kumatok ni twin at deretso ng pumasok sa opisina ni kuya blade.
"Di ba bawal demonyo sa eskwelahan na toh. Bakit may dalawang demonyong nakapasok dito?"
Her crimson eyes. Napangisi kami ni Twin.
"Alam mo palang bawal demonyo dito bakit nandito ka? Balita ko boss ka ni Satanas."
Sagot ni Heaven sa kanya. Ngumisi lang ito. Demonyo talaga.
"Hindi ba't dapat ipako na kayo sa krus. Bakit wala akong nakita jan sa simbahan?"
"Hindi sa muna ngayon. Syempre kailangan munang mauna ka bago kami."
Ngising sagot ko. Lumawak ang ngisi nitong nakakakilabot lalo pa't crimson ang mata nito.
"Tss. Wala pa rin kayong pinagbago kambal"
Lumabas ang magandang ngiti niya. Ngumiti na rin kami ni Twin saka namin siya dinamba ng yakap.
"Na miss ka namin, Sky!"
Sabay naming sabi ni twin saka kami kumalas sa yakap.
"Hahahahha! Na miss ko rin kayo kaya nga naisipan kung pumuslit sa school namin para makapunta dito sa Huntress pumunta pa ako ng Sullivan University wala na pala kayo doon."
Nakangiti niyang wika sa'min. Malaki na ang pinagbago ni Sky hindi na siya tulad ng dati na wala ata sa vocabulary na ngumiti.
"Mabuti naman at pinayagan ka nila tita na dito na mag aral sa Pilipinas."
Saad ni kuya blade. Parang hindi na masakit ang tyan nito. Bumalik na yung dati niyang sigla.
"Wala naman silang magagawa si Sky pa buong pagkatao yata nito is bossy."
Sabi ko. Tumawa lang siya. Totoo naman talaga ang sinabi ko. Sa aming magpipinsan siya ang pinaka bossy sa lahat namana niya yun sa mommy niya pati na rin sa lola namin. Kaya doble doble ang pagiging bossy nito sa katawan.
"Baliw, may mission pa rin ako noh kahit nandito ako kailangan kung gawin ang inutos sa'kin nila inang reyna at amang hari."
Mission. Sa pamilya nila halos lahat gumagawa ng mga mission.
"Ano palang mission mo?"
Tanong ni kuya.
"Mission ko makapagtapos ng pag-aaral para cool. Nga pala, alam nyo bang may tatlong nawawala ngayon sa Hunterose. Sina Gubat, Mahal at si Kamatayan."
"Pfft... Pagkakaalam ko tumakas sila at nagtatago na kung saan saan."
Sabi ko.
"Ayun na nga, nahirapan na ang mga magulang nila na hanapin sila lalo na si Kamatayan walang nakakaalam kung nasaan siya. Basta lahat sila mahirap hanapin kaya ang ginawa ng mga tito at tita natin ay trillion trillion dollars ang pabuya kung sino man ang makahanap sa kanila."
"Tss. Mahirap hanapin ang mga taong ayaw magpahanap kaya good luck na lang sa mga naghahanap hahahaha!"
Natatawang sabi ni twin.
"Pero sayang ang trillioness na pabuya. Maghanap na rin kaya tayo twin."
Dagdag niya pa. Tss. Mukhang pera talaga toh. Pero sayang nga naman. Pambili na rin ng sports car yun.
"Mag-aral ka na lang Heaven kaysa mag bounty. Hayaan na natin ang mga pinsan natin. Gusto rin nilang lumaya at magiging independent tulad natin."
Kunwareng marangal kong payo sa kambal ko. Si kuya naman ay ngumiti at tumango tango pa. Sang-ayon sa sinabi ko. Habang si Sky ay nagpipigil ng tawa. Kabisado nga pala nito ang ugali namin.
"Kailangan ko na palang umalis baka magwawala na yung hari sa school namin kapag malaman niyang wala ako sa clinic."
Biglang wika ni Sky. Sinuot niya rin ang technoglass na dala niya. Ang crimson niyang mata ay naging dark brown na.
"Sige, kitakits na lang insan. Ingat ka palagi. Wag kang magpapagutom doon sa school niyo. Always pray and God bless you."
Ngumiti ngiti lang si Sky kay kuya. Alam niya ugali ng kuya namin masyado itong maka-diyos.
"Bye, mga pinsan kong magaganda at pogi"
Gusto kong matawa ng nasapo ni kuya ang dibdib sa kaba dahil sa bintana niya dumaan si Sky. Walang alinlangan nitong tinalon ang matayog na building na toh.