Chereads / The Badass Twins / Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 16 - Chapter 15

Third Person's POV

Pinatawag ang lahat ng section Empyreal na pumunta sa School Museum nila para tignan ang Top 10 artwork na ginawa nila noong friday.

"Siguradong si Dana na ang nangunguna sa mga Artwork."

"Yeah, siya ang pinakamagaling mag painting dito sa Huntress University natalo niya pa si President Blade."

"Yup, she's so talented"

Pangiti ngiti si Dana sa mga papuri sa kanya. At sigurado naman talaga siyang top 1 na naman ang gawa niya ever since walang nakakatalo sa kanya dito sa Huntress University.

Taas noo siyang nangungunang pumasok sa Museum nila. Sumunod ang mga kasama niya. Inaasahan na nilang lahat na magaganda ang mga gawa nila. Pero, hindi sila makapaniwala sa mga nakikitang artwork na nakadisplay sa pader. Ito ang top 10 artwork ng section Empyreal. Nagsinghapan ang ilan sa nasaksihang artwork.

"Oh my gosh! Bakit naging ganyan ang gawa ko! At bakit panghuli ang sa'kin?"

Halos mangiyak ngiyak si Dana ng makita ang artwork niya. Ito ang gawa niya pero wala siyang nilagay ng kung ano anong kababuyan!

Walang pumansin sa pag tatantrums ni Dana dahil busy ang lahat sa pagkamangha sa nangungunang painting.

Nag-tie ang top 1. Una, Ang isang painting ay isang magandang dyosa. Kaakit akit ang mukha nito. Pero hinuha nila may kahawig ito sa SSG Officers.

"Ang ganda ng nasa painting parang nakita ko na siya"

Saad ni DK. Sumang-ayon ang ilan sa sinabi niya.

"Kanino bang gawa toh?"

Inis na tanong ni Ryder. Kilalang kilala niya ang nasa painting. Gusto niya ng sumabog sa hiya dahil halos lahat ng boys ay naglalaway sa taong nasa painting.

Babaeng dyosa na nakabikining pula at labas na labas na ang cleavage ng dibdib.

Habang ang ka tie ng top 1, ay isang gwapong lalaki na naka formal attire ngunit nakalabas ang dila nito at may kulangot sa nguso.

"Di ba, parang si Worth Galvez yang nasa painting?"

"Pffff...."

"Grabe naman ang nag drawing niyan"

Gustong matawa ng ilan dahil sa nakita pero pinigilan nila ang sarili dahil mahirap na. Baka patayin sila ni Worth na wala man lang itong reaction sa painting.

Ang ibang Top 10 artwork ay magaganda ngunit ang panghuli kay Dana Miller. Alam nila ang nasa top 10 dahil may penmanship ito ni Dana.

"Hahhaahahah! Si kuya Blade yan ah?"

Natatawang wika ni Heaven. Gustong gusto ang nakikita.

"Bakit naman ginawa mong demonyo si kuya, dana?"

Kunwareng inis na sabi ni Godee but deep inside gusto niyang tumawa ng walang kupas!

Dana's painting is Sky Blade Amar Hunterose. Kuhang kuha ni Dana ang pag painting sa mukha ng binata pati ang buong katawan nito. Kaso, may sungay itong pang demonyo at may hawak pang scythe ito kaya nagmumukha siyang si satanas.

"Hindi ako may gawa niyan! Blade, believe me. Oo, ako ang nagpaint sa mukha ni Blade pero hindi ako nag drawing ng demon's staff na yan!"

Nagsasabi siya ng totoo. Gusto niyang maiyak dahil hindi kalmado ang mukha ni Blade. Salubong ang kilay nito na minsan lang nilang nakikita. Ayaw niyang magalit sa kanya si Blade.

"Lagot ka Dana, magtra transform into demon na talaga yan si kuya, hahahahha!"

Tawa tawang saad ni Heaven. Halatang inaasar si Dana na nagawa pang tarayan siya.

"Siguro, kayo ang may gawa ng mga kababuyan sa painting ko noh!"

Bintang ni Dana sa kambal. Nagsalubong ang kilay ng dalawa at tinignan ng masama si Dana.

"Bago mo kami bintangan maglabas ka muna ng ebidensya. Gusto mo yatang makatikim ng almighty punch"

Wika ni Godee.

"Maganda naman drawing mo kaso hindi mo lang tanggap na nasa huli ka hahahahaha!"

Papuri ni Heaven ngunit may kasamang asar. Tinarayan muli siya ni Dana.

"Enough twins. Mauna na kayong umuwe sa mansion. Dito muna kami ng mga kasama natin. Mag-iimbistiga kami."

"Tss. Mag fe-feeling prosecutor na naman kayo."

Ani ni Godee sa kuya nila na salubong pa rin ang kilay. Hindi ito nagsalita at tinignan lang ang kambal.

"Napaka-inosente ng mukha nila"

Saad ni Blade sa sarili habang pinagmamasdan ang kambal. Ayaw niyang mang bintang ng kung sino sino lalo na sa mga kapatid niya.

"Sige na, umuwe na kayo. Hintayin niyo na lang kami sa Mansion."

"Pwedeng isabay na namin si Desdes, kuya?"

"No, may gagawin pa kami."

Lumobo ang pisngi ng kambal at nanlalaki pa ang mga mata nila habang nakatingin sa kuya nila.

"Twins, don't over think"

Saway ni Blade sa mga kapatid. Alam niya ang reaction ng dalawa. Napa-iling siya at inakbayan ang dalawa para ihatid ito sa gate ng school.

"Blade, may ideya ka ba kung sino may gawa ng mga paintings yung sa Top 1?"

Tanong ni Ryder kay Blade ng makarating ito sa SSG Headquarters nila pagkatapos ihatid ang mga kapatid nito. Walang penmanship ang dalawang painting kaya hindi nila alam kung sino ang nag paint ng mga yun.

" Si Miss Santos kailangan natin siyang maka-usap."

Sabi ni Blade.

"Papunta na siya rito, Blade."

"Naniniwala akong hindi sila Godee at Heaven ang may gawa nong mga paintings at yung kay Dana."

Usal ni Song. Napa-ikot ng mata si Dana.

"Gusto mo lang kase si Godee kaya mo sila pinagtatanggol."

Mataray na sabi ni Dana. Naiirita siya sa mga kasama dahil kasundo ng mga ito ang demonyetang kambal.

"Walang access ang Twins para makapasok sa School Museum dito sa Huntress."

Saad ni Blade. Masyadong mahigpit ang security ng school niya kaya walang basta bastang makapuslit dito.

"Simula namang dumating sila dito hindi na matahimik itong Huntress. They're so annoying!"

Inis na sabi ni Dana. Sakto namang dumating na si Miss Santos ang Lecturer nila sa MAPEH.

"President Blade, nabalitaan ko ang nangyare sa School Museum. Mali ang arrangement ng mga artwork si Dana ang top 1. At yung nakalagay sa top 1 ay hindi iyon kabilang sa mga artworks. Sana, agad nyong malaman kung sino ang may pakana nito bago magsimula ang Outreach program ninyo."

Lantaya ni Miss Santos.

"Yes ma'am, kami na po ang bahala."

Tumango ang guro at agad ring umalis.

"Blade, ito na ang mga CCTV footage sa School Museum."

Pinakita ni Ryder ang laptop niya kay Blade. Pinanood ng ilan nilang kasama ang footage.

Gabi ng linggo nangyare ang lahat, may tatlong taong pumasok sa museum pawang mga naka itim at may mga maskara ang mukha. Kitang kita nila ang buhok ng mga toh. Girls.

May kulay ang mga buhok.

Green, Gray at pink.

At sila ang may pakana ng lahat!