Godee's POV
Haist! papasok na kami sa simbahan.
"Ate, wag na tayong pumasok, siguradong masusunog tayo diyan sa loob."
Saad sa'kin ni Heaven.
"Si kuya kasi eh"
"Kayo talagang dalawa"
Saad ni kuya.
"Oo na nga papasok na kami"
Nauna na kasi yung iba tapos kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa labas. Pinanghihila kami ni kuya sa loob ng simbahan.
Ngayon nandito na kami sa upuan at nagsimula ng nag-mass si Father. Tahimik lang naman kaming nakikinig hanggang sa mag ama namin na.
Ngayon ko lang napansin na katabi ko pala itong si Song kasi si Heaven lumipat siya ng upuan ayon katabi niya si DK.
"Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa't-isa"
Nag peace peace sila ganon din ako. Napansin ko ngang tumingin si Worth kay Heaven pero ang ginawa ng magaling kong kambal ay nag 'bad finger' siya. Nakuuu kapag nakita siya ni kuya lagot na naman siya. Binigyan naman siya ni Worth ng poker face. Hahahahaha!
Hanggang sa matapos na ang mass at umuwi na rin sa bahay.
"Sinong pwedeng sumama sa'kin sa Market?"
Tanong ni kuya.
"Ako na lang, Sky-oppa"
"Naku! Dana, lalandiin mo lang naman si kuya."
Saad ko.
"What? Hindi ah... Mabuti nga nag-volunteer ako eh."
"Ok Dana, let's go tayong dalawa na lang."
Desiree's POV
Tama si Godee lumalandi lang talaga yung si Dana.
"Ok lang yan des, magbasa na lang tayo"
Takang tumingin ako kay Godee. Nangbabasa ba siya ng isipan ng may isipan?
"Hindi ko naman binabasa ang nasa isipan mo eh, sadyang nahulaan ko lang ayon sa reaction ng mukha mo."
Ngeh? Paano niya naman nahulaan yun?
"Kasi siguro, ganon yung iniisip mo"
Hah? Bakit alam na naman niya?!
"Again nahulaan ko lang"
Hah? na naman?
"Syempre! Kung magsalita ka kaya yung hindi nakatingin ka lang sa'kin na para akong tangang binabasa yang reaction mo sa mukha."
"Sabi ko nga eh"
"Di ba may black card ka?"
Maya-maya'y tanong niya sa'kin.
"Oo, bakit?"
"Punta tayo sa MOA, libre mo ako"
Ngising saad niya.
"Hah? Uhm... Sige"
"Bili tayo ng mga libro"
"Sige, si Heaven hindi ba natin isasama?"
"Wag na yun, peperahan ka lang non"
Ikaw nga rin eh.
"Hindi kita piniperahan ah, nagpapalibre lang naman ako sayo."
"Oo na lang"
Saad ko saka kami umalis sa Mansion.
Third Person's POV
Lihim na napangisi si Worth ng si Heaven na lang ang babae sa Mansion dahil wala yung tatlo at ang banal na si Sky.
"What if pag-tripan ko kaya siya?"
Wala naman yung iba eh dahil nagsi-alisan maliban kanila Dk at Song nasa kwarto nila.
At itong si Heaven kagagaling sa kusina kumuha ng kape pagkatapos ay tumungo sa sala kung nasaan naroon din si Worth na nanonood ng movie. Nakaramdam ng inis ang binata dahil kanina niya pa pinagmamasdan ang dalaga pero ni isang sulyap nito sa kanya ay wala. Kainis.
Naka indian seat na umupo si Heaven sa mahabang sofa. Tumingin siya kay Worth na kanina niya pa nararamdamang nakatingin sa kanya agad itong nag-iwas ng tingin at pinokos ang sarili sa pinapanood.
"Panget naman ng palabas na yan. Ilipat mo nga, bruh."
Ani ni Heaven kay Worth. Nagsalubong ang kilay ng binata dahil sa tawag sa kanya ng dalaga 'bruh? ' really? Hindi niya pinansin si Heaven. Gusto niyang inisin ito.
"Bruh? Narinig mo ba ang sinabi ko?"
"..."
"Are you deaf?"
"..."
"Hoy! Bruh!"
"..."
"Hoy! Binging Walang-emosyon!"
"..."
"WORTH!"
Binalingan niya ang dalaga ang sama ng tingin nito sa kanya kaya ngumisi siya saka tumayo at nilapitan ito.
"Why? Mi Amore?"
Nakangising tanong niya.
"Ano ba! Bakit kailangan mo pang lumapit? Saka wag ka ngang ngumisi ngisi para kang adik!"
Ani ng dalaga sa kanya. Tumayo na rin ito saka nagmartsa patungo sa kusina. Napangiti siya ng lihim saka pinatay na lang ang TV.
"She's more cute when she's annoyed."
"Bro, nakita mo ba si Heaven?"
Tanong sa kanya ni Dk. Kabababa lang nito sa hagdan. Walang imik na tinuro niya ang labas ng mansyon.
"Okey. Thanks bro."
Anito saka lumabas.
Tsk. He rolled his eyes. Halata namang may gusto ang kaibigan niya sa Mi Amore niya. Pumunta na lang siya sa kusina para mawala ang plano niyang ipa salvage si Dk. Kaibigan niya pa rin iyon. And he don't want to kill a friend.
Naabutan niyang kumakain ng Hawaiian pizza si Heaven kapares ang kape nito. Iyon yata ang tirang pizza na pinakain nito sa kanila kahapon.
'Ang weird talaga nitong umupo. Tsk. She's like a boy."
Aniya sa isipan habang tinitignan ang likoran ng dalaga. Nakatalikod ito sa pwesto ng ref nila kung nasaan siya naroon kumukuha ng maiinom. Kumuha muna siya ng soda bago sumandal sa ref. He look at her again. Kahit likod lang ng dalaga ang mapagmasdan niya sapat na iyon para mabuo ang araw niya.
"Baka matunaw, bro.
Heaven, pahingi ng pizza mo, please?"
"Okey sige, kumuha ka lang"
"Tsk."
Panira ng momentum itong si Song.
Mabuti at umalis naman agad ito pagkatapos kumuha ng pizza.
"Anong tingin tingin mo dyan? Gusto mo rin ba ng pizza ko?"
Masungit na tanong ni Heaven sa kanya. Hindi niya pinansin ang tanong nito bagkus nilapitan niya pa ang dalaga sa kinauupuan nito. Hindi man lang ito natinag sa binibigay niyang tingin. Nakasimangot ito at salubong ang kilay na nakatingin sa kanya.
"So pretty"
Aniya sa isipan habang pinagmamasdan ang dalaga. Gusto niyang haplusin ang magandang mukha nito. Bumuntong hininga siya at nag krus ng braso. Walang emosyon ang mukha niyang tinignan ang dalaga pero sa loob loob niya may nagwawala lalo pa't naka maong short ito at naka laceball croptop na kulay puti. Litaw na litaw ang hubog ng katawan nito at ang makinis na hita nito.
"Mi Amoŕe"
"Baka Heaven pangalan ko"
"I know but I want to call you Mi Amoŕe"
"O. A mo stoically alam ko ibig sabihin ng salitang yun"
"Then, tell me what is the meaning of that words?"
"Hmp! Ayaw ko nga"
"Ok fine but I want you to change your clothes"
Pinasadahan niya ng tingin ang dalaga. Lalong nagsalubong ang kilay nito at sumimangot.
"The heck para kang si Kuya. Minsan nga lang ako nagsusuot ng ganito eh."
Ngumisi siya ng nakakaloko sa dalaga. Lumapit pa siya lalo dito kaya halos magkadikit na ang katawan nila. Saka niya hinawakan ang bewang nito at pinisil iyon ng marahan. Alam niyang natigilan ang dalaga dahil kitang kita niya kung paano lumaki ang mata nito at namula ang pisngi.
"Magpapalit ka o ako ang magpapalit sayo?"
Dahan dahang gumapang ang kamay niya pababa sa mga hita nito at saka nito pinipisil ng marahan.
"Pakialam mo ba sa suot ko huh!"
"Dahil hindi bagay sayo---"
Ang bilis ng pangyayare dahil hindi man lang niya namalayan ang kamao ng dalaga na tumama sa dibdib niya kaya napaatras siya. Si Heaven naman ay dali daling umalis sa kusina pero bago yun nag bad finger pa siya kay Worth.
"I hate you! Fuck you!"