Chereads / The Badass Twins / Chapter 7 - Chapter 6

Chapter 7 - Chapter 6

Godee's POV

We're here in sacred place... Este... Sa Office ni kuya. SSG Office. Urgh. First day na first day namin sermon agad. Like Bakit daw late na kaming pumasok? Eh, maaga naman niya kaming ginising kanina bago siya umalis sa Mansion... Then,

"Twins, I can't believe na kayo pala ang mga Badass Twins na yun?"

"Kami rin naman kuya, hindi rin nakakapaniwala na kami pala yun."

Nakangising saad ni Twin.

"Aish! Ibig sabihin, nagsinungaling sa'kin si Tita Solar?"

"Luh... Hindi naman... White lies lang talaga ang sinabi niya sayo."

Saad ko.

"Saka hindi na namin kasalanan kung bakit kasi hindi ka gumagamit ng social media. Ayan tuloy... Wala kang alam."

"Gumagamit ako ng social media para sa mga importanteng bagay lang."

"Weh??? Bakit sabi ni Dana sa'min nakita ka raw niyang nanonood ng porn sa cellphone mo?"

"Holy brother Jesus!... Paano niya nasabi sa inyo? Eh, ngayon lang naman kayo nagkita,ah?"

"Hindi na importante yun kung kailan niya sinabi sa'min basta narinig lang namin siya sa side side. Pero... Aminin nanonood ka Kuya, noh?"

"Tch! Shut up. Godee, I never watching pornography."

"Lul. Lokohin mo lelang mo."

"Heaven!"

"Hahahahahaha! Ito naman hindi mabiro."

"His a perfectionist. Kaya hindi yan nabibiro, Twin."

Ani ko.

"Hayyy... Ewan ko sa inyong dalawa. Mabuti pa't pumunta na tayo sa canteen at ng maka-lunch na tayo."

"Hindi mo kami paparusahan, kuya?"

Tanong ni Twin.

"Hindi muna sa ngayon dahil alam ko namang hindi mo intention na sipain si Mr. Tomasoh."

Pinagdidiinan niya talaga ang salitang 'sa ngayon' eh. Cu's we know, next time ... Kapag malaman niyang may ginawa kaming katarantaduhan ni Twin... For sure, we'll face the punishment.

Ryder's POV

Ang tahimik pa rin nila... Hindi na kami nagulat ni Worth ng malaman namin na sina Godee at Heaven ay mga kapatid ng leader namin. Matagal na namin silang kilala.

"Worth-oppa, Bakit hindi niyo sinabi sa'min na sila pala ang kapatid ni Sky?"

Kanina pa toh si Dana eh. Nanlulumo ang mukha niya... Stress na stress...

Hindi naman siya pinansin ni Worth dahil nag-kibit balikat lang ito.

Pagkatapos naming ihatid si Mr. Tomasoh sa clinic kanina dito na kami dumiretso sa canteen para mag-lunch.

Di ko alam kung matatawa ba ako o ano eh... Nang maalala ko ang nangyare kanina sa room, sa Twins.

Alam kong sinadya ni Godee na inisin ang kambal niya. Rinig kasi namin ang bangayan nila mula sa labas. Tas, nong binuksan ni Mr. Tomasoh ang pinto... Boom! Siya ang nasipa. Kawawang prof. Terror teacher pa naman yun.

Tila nag slow motion ang paligid ng pumasok ang tatlong magkapatid. Lalo na sa'kin sa kanya lamang nakatuon ang mata ko. She's so beautiful a perfect definition of a Goddess.

"Sabi na nga ba eh, sila ang kapatid ni President Blade."

"Yeah, ganon din ang hinuha ko dahil yong statue sa labas kamukha nila."

"Ang ganda talaga nila lalo na si Heaven nakaka-akit ang mata niyang sky blue."

"Same with Godee. Ang cool ng eyes niyang dark black."

"Kyaaahhh! Para silang mga God and Goddesses."

Madami pang nagbubulungan at may mga impit pang tumitili.

Sila ang mga taong mahirap maabot hanggang tingin ka lang sa kanila.

A Hunterose Family.

We're lucky dahil naging myembro kami ng ACES at naging kaibigan pa namin si Sky.

Dahil ang ibang Hunterose especially the Twins, Heaven and Godee. Sa tagal ko na sa ACES never ko silang nakikita na may kaibigan sila. At piling tao lamang sa ACES ang pinapansin nila. Ang mga Sullivan...

Akala ko noon, sadyang close lang ang Twins kanila Sun at Moon... Pero ayun naman pala... Magkasintahan sila.

Ang sakit lang sa Heart.

Umasa pa naman ako na sana balang araw mapapansin din niya ako. Pero hindi eh, they are Empyreal at hindi sila nababagay sa'min na mga Tauhan lang ng Hunterose.

Napa-ayos ako ng upo ng makalapit na sila dito sa table namin. Pati mga kasama ko napa-ayos din sila ng upo. Except Worth.

"Hello there people."

Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ko ang mala-anghel niyang boses.

"Tatlong babae pala ang bagong myembro ng grupo mo, Kuya?"

"Anong tatlo? Dalawa lang. Sina Dana at Desiree lang."

"Hindi ka ba marunong tumingin ng babae kuya? Look, babae rin kaya toh. Ganda ng hair niya."

Ani ni Godee at tinuro pa ako. Wait---me? A girl???

"Kaya nga, tinalo pa ang buhok mo Twin, sabog. "

Natatawang saad ni Heaven. Ngumisi lang si Godee at hindi sa inaasahang pagkakataon... For the first time... She look at me directly into my eyes.

"Pwedeng mahaplos ang buhok mo, Gandang Ryder?"

Aniya. Hahawakan niya na sana ang buhok ko pero pinigilan ko ang pulsohan niya.

"No! Wala akong ibang pinahahawak nito. Ako lang."

Sa sobrang kabang nararamdaman ko. Iyon ang nasabi ko sa kanya.

"Psh. Arte mo naman bagay kayo ni Dana magsama. Mga maaarte. Pero maganda ka naman kaya okey lang."

Nakangising saad niya saka hinila ang pulsohan niya mula sa pagkakahawak ko.

"Twins, wag niyo ng pagtripan si Ryder. Maupo na kayo."

Saad ni Sky. Sumunod naman ang kambal at umupo na ito. Kaharap ko pa si Godee. Shit! Heart! Relax!

"Twins, Anong gusto niyong pagkain?"

"Pork no veges, Kuya."

Si Godee ang sumagot.

"Mine, is Beef with leafy, Kuya."

"Ok copy, then sa drinks niyo? Water na lang."

"No, I want soft drinks. Coke."

"Mine again, coffee."

"Godee, bawal ka sa soft drinks remember? Kaya mag tubig ka na lang."

Ani ni Sky dahilan para sumimangot si Godee.

"Kawawang Twin, hanggang tubig lang siya. Pfffft... Poor."

"And you Heaven, bawal ang palaging kape ang iniinom mo. Kaya mag tubig ka na lang din."

Panghuling saad ni Sky saka siya nagtungo sa may counter para mag-order ng pagkain nila.

"Pffft... Kawawang Twin, hanggang tubig lang din siya. Hahahaha!!! Pulubi."

"Tsk! Si Kuya talaga kahit kailan. Nakuuuuu naman talaga."

DK's POV

Spell awkward... Atmosphere... ni Dana. Gusto kong matawa dahil hindi yata lumalabas ang pagka-bitch niya ngayon.

"Hi! Kayo pala ang mga bagong members ng ACES, nice to meet you all."

Nakangiting ani ni Heaven. Grabe! Ang ganda niya especially her sky blue eyes. Kaharap ko siya sa lamesa kaya nakikita ko ng harap harapan at malapitan ang mala-diyosa niyang mukha.

Magpakilala na sana kami ng sumenyas siyang wag ng ituloy.

"No need for the introduction, guys. Kilala na namin kayo."

Napangiti naman kami maliban kanila Worth at Dana while Desiree napansin ko siyang ngumiti ng tipid.

"You are DK Froilan, then the boy beside you is Song Kwon, next is Kazunari Jun, then this pretty lady Desiree Miller, the man beside her is Ozi Howen, then si Beautiful Ryder Han, then this man beside me is Worth Galvez, and you nothing."

Inisa-isa kaming tinuro ni Heaven habang sinasabi niya ang mga pangalan namin. At yung panghuli muntikan na akong matawa dahil si Dana yun. Kahit na kay Ryder langya nilagyan pa ng beautiful sa unahan.

"Sina Worth at Ryder matagal na silang member ng ACES, Twins. Hindi niyo lang sila napapansin sa Head Quarters namin kapag pumupunta kayo roon."

Anang kakarating na si Sky. Umupo siya sa pagitan ni Worth at Heaven. Saka niya binigay ang pagkain ng mga kapatid niya.

Nag-umpisa na kaming kumain.

"Really? Matagal na members na pala sila Worth at Beautiful Ryder? Hindi namin sila napapansin."

"Kasi ang mga Sullivan lang ang pinapansin niyo."

"Hey, are you saying something?"

Tanong ni Heaven kay Worth. Nagtataka ring kaming tumingin kay Worth dahil may binulong siya.

"Nothing"

Tinignan muna sandali ni Heaven si Worth saka siya nag-shrug na lang at kumain na.