Chereads / The Badass Twins / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

Dana's POV

Oh my gosh! Ngayon na raw papasok ang mga kapatid ni Sky. Excited na akong makilala sila. Kaso nakakahiya kung makikita nila akong ganito na may black eyed at medyo namamaga pa ang dalawa kong pisngi. Urgh! That bitch! Heaven! Siya ang may gawa nito sa'kin!

Humanda siya sa'kin kapag pumasok na siya rito sa Huntress University!

"Dana, bakit ka ba nakasalamin? Eh, nandito naman tayo sa loob ng room."

Saad ni Ozi ng mapansin niya ang get up ko ngayon.

"Tapos, nasobrahan yata ang blush on mo sa pisngi. Masyadong mapula po."

Ani naman ni Song. May laman pa ang bunganga niya na Burger.

"Ano... Kasi... Ito muna ang fashion ko this day."

Pagsisinungaling ko. Hindi ko kasi sinabi sa kanila ang nangyare sa'kin kahapon sa MOA. Because I don't know kung ano ang sasabihin nila sa'kin. Oras na malaman nila ang ginawa ko. Pero hindi ko naman nilandi si Sun...

"Dito na daw pala mag-aaral ang Kambal na kapatid ni President Blade. Sina Katana at Archery."

"Talaga? Di ba ang sabi nasa Russia sila?"

"Oo, pero ngayon nandito na sila sa Pilipinas."

"Gosh! Ano kayang itsura nila sa personal, noh?"

"Syempre maganda! Kita mo naman si President Blade ang gwapo at ang hot pa!"

Nagpantig yata ang tainga ko sa sinabing iyon ng kaklase kong babae.

Tumayo ako't hinarap ang mga kaklase kong chismosa.

"Hoy! Para malaman niyo! Akin lang si Sky kaya WAG niyo siyang pantasyahan! Mga chismosang palaka!"

Tumahimik naman sila kaya napangisi ako. I'm the SSG Vice President here. At lahat ng sasabihin ko ay sinusunod nila.

"And by the way, wag na kayong umasa na papansinin kayo ng mga kapatid ni Sky. They are Empyreal habang kayo ay mga low profile. Hanggang tingin lang kayo sa kanila while me I'm sure magiging kaibigan ko sila."

Nakangisi kong saad. Sigurado naman ako sa sarili ko na makakasundo ko ang mga kapatid ng future husband ko. Dahil siguradong mababait sila tulad ng kuya nila. Umupo na ako ulit dahil nanahimik naman na sila. Pero maya-maya pa ay may nagdadaldalan na naman... Dahilan para hindi ako makakilos sa kinauupuan ko...

"Oy! Alam niyo na ba yung scandal video sa MOA. Si Sun Sullivan binugbog daw ng isang babaeng naka-hood."

"What?! Bakit naman daw? Kawawa naman si Sun."

"Here, may video ako. Panoorin natin."

Napatingin ako sa mga kasama ko dahil mukhang curious din sila sa pinag-uusapan ng mga kaklase namin. No! Wag silang manood...

Tumayo ako ulit at...

"Hoy! Itigil niyo na nga yan! Pumunta na kayo sa Field dahil mag fla-flag ceremony na!"

"Luh siya? May 30 minutes pa nga eh bago mag flag ceremony."

Panira tong kapatid kong ampon!

"Duh! For your information, may program ngayon!"

"Huh? Program? For what? Diyan sa bago mong fashion? Sun glasses at sobrang kapal na blush on?"

"Shut up! Shut up! Kainis ka talagang ampon ka!"

"Tss."

Singhal niya at lumabas na dito sa room. Sumunod naman ang mga kasamahan namin sa kanya.

"At kayo! Ano bang tinutunganga niyo! Lumabas na kayo dito sa room!"

Sigaw ko sa mga kaklase ko agad naman silang nagsikilos at lumabas na rin dito sa room.

Ozi's POV

Sumunod na kami kay Desiree nang lumabas na siya sa room. I knew her already because we're childhood friend. Best friend.

Wala mang emosyon ang mukha niya I know deep inside nasasaktan siya sa sinasabi ni Dana sa kanya. Para siyang si Worth na walang pakialam sa paligid niya... Pero minsan nakikita ko naman siyang ngumingiti 'once in a blue moon'. Hindi katulad ni Worth na stoic human.

"Excited na talaga akong makilala sina Katana at Archery."

"Yeah, me too. For the first time, makikita na natin sila sa personal.

I bet mababait din sila tulad ni leader."

Napa-iling na lang ako kanila DK at Song. Masyado silang masayahing tao.

"Akala ko ba, Sina Heaven at Godee ang crush niyo? Pero kung maka-fanboying kayo diyan talo niyo pa ang bata na nakuha ang gusto niya."

Saad ko sa kanilang dalawa. Godee and Heaven are definitely beautiful. Aminado akong attracted ako sa kanila pero hanggang doon lang dahil may nag-mamay-ari na nitong puso't kaluluwa ko. Nasa side side lang.

Heaven and Godee are popular in Underground Society. Lalo na sa Race Tournament sila ang nangungunang mga Racer at Rider. Sa Sports car Race Level si Godee ang palaging nangunguna habang sa Motor Bikes Level naman ay si Heaven. Grabe! Ang Kambal na yun. They are so cool and amazing.

They are also known as 'Badass Twins' sa mga paaralang ipina-kick-out sila. Palagi kasing nagtre-trending ang mga ginagawa nilang kalokohan kaya ayun pati rito sa school namin sila ang topic.

"Oo nga pala, speaking of them. Heaven and Godee, bakit kaya hindi pa sila pumapasok dito sa school natin? Di ba nilipat na sila rito ni Mrs. Sullivan."

Saad ni Rider. Kung titignan mo ang lalaking toh aakalain mong babae siya dahil sa buhok niya. Mahaba kasi ito hanggang balikat niya.

"Like what I said before, hindi sila nababagay dito sa school natin. Bukod sa low profile sila. Napaka-immoral din nila."

Biglang singit ni Dana. Napa-iling na lang kami sa sinabi niya. Para kasing sinasabihan niya na rin ang sarili niya. Immoral.

Pero... Nawiwirduhan talaga ako sa itsura niya ngayon. Kasi... Bakit kailangan niya pang mag-suot ng sun glasses eh wala namang araw at saka ang kapal talaga ng blush-on niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ma-irita siyang tignan.

Hindi na lang namin siya pinansin dahil wala namang patutungohan ang sinasabi niya.

Heaven's POV

Psh. Bulok naman pala tong school ni Kuya. May nalalaman pa siyang pa-fountain entrance. I mean pagpasok mo dito sa loob ng Huntress University bubungad sayo ang napakalaking fountain at may tatlong babaeng statue pa ito sa gitna. Tinalo pa ang Columbia Statue sa ganda ng tatlong babaeng statwa. Kapag titigan mong mabuti ang mga statue may kamukha sila. Matutukoy mo rin ang pagkakaiba nila. Kahit na pareho lang ang mukha ng mga toh.

"Twin, bakit taong statwa ang pinagawa ni kuya diyan sa Fountain? Di ba dapat, si Mother Mary o Brother Jesus ang pinatayo niya diyan? Hindi yang tatlong statwa na yan?"

Tanong ko kay Twin na nakatingin din sa fountain especially sa tatlong statue.

"Hmm, malay mo meron siyang pinatayong rebulto nila Mother Mary at Brother Jesus dito sa Huntress. Diyan sa side side side."

Napatango naman ako at nilibot ang paningin sa paligid nitong Huntress. Hindi na ako nagulat ng may nakita akong Mini Church as in Simbahan siya hindi Chapel.

"Masyado talagang Banal si Kuya. Pati ba naman sa school niya, may Simbahan."

Napatawa na lang ako sa sinabi ni Twin. She's right, our Big brother is one of a hell este Holy. Maka-diyos na tao. Ni minsan hindi siya nagsasalita ng 'Bad words' o gumawa man ng kasalanan. Ika-nga nila his the conformist of Jesus Christ.

"Tara na sa room, Twin. Baka nagwawala na yun si kuya dahil sobrang late na tayo."

"Psh. Kasalanan niya yun. Iniwan niya tayo eh."

Nagtungo na kami sa Building C which is for the 1st - 4th year college students. Bawat antas ay may kanya kanyang building. Building E for elementary may limang palapag ito, Building H for Highschool na may 15 floor and Building SH for Senior high na may 15 floor din. At Ang college building ang pinakamataas dahil may 25 floor ito.

'Room 8817. Section-Empyreal'

Nangunot ang noo ko ng mabasa ko ang nakapaskil sa pinto nitong room.

Empyreal? Pinakamataas...

Ibig sabihin ang nasa section ni kuya ay lahat sila mga Heiress at Heirs. At ang pamilya ng mga ito ay Topnotcher sa Business World at under sila ng Hunterose Clan.

"Kumatok ka na, Twin"

Utos sa'kin ni Godee. Kaya salubong ang kilay ko na tumingin sa kanya.

"Inuutusan mo ba ako?"

"Yeah, remember mas matanda pa rin ako sayo kaya sumunod ka sa'kin."

Nakangisi niyang saad. Ngumisi rin ako. Ngising inis.

Imbes na kumatok. Sinipa ko ang pinto ng ubod ng lakas! Kay twin pa rin ako nakatingin.

Kaya nagtaka ako dahil sobrang gaan ng pinto. I mean ang dali lang sipain.

"OH MY GOSH!!!"

Tumingin ako sa pinto este sa sinipa ko. Guro! Nakahandusay na siya sa lapag. Wala na siyang malay. Patay na yata.

"What the hell are you two doing here?!"

Tumingin kami kay bruha. Siya pala yung suminghap ng malakas kanina.

Nagsitayuan naman ang mga bagong kaklase namin. At nakiki-sosyo rin dito sa may pinto kung nasaan kami ni Twin nakatayo. Hindi pa kami tuluyang pumasok sa loob ng room dahil may bruhang nakaharang.

"Hala! Sina Heaven at Godee!"

"They are here... Seriously? I can't believe"

"Shit... Ang gaganda nila!"

"Look at their eyes, Sky blue and Dark black... So cool and beautiful."

"Shut up! Mga chismosa't chismosong palaka! Talagang pinupuri niyo pa ang dalawang toh! Eh, fake lang naman yang mata nila. It's just contact lense. Dahil brown talaga ang kulay ng mata nila!"

Pfffft... Naloko pala toh sa Techno-glass namin ni Twin.

"We all know na ang mga Hunterose Family lang ang may Dark Black and Sky blue eyes. Kaya malabong ganon din ang dalawang toh. So I consider na naka-contact lense lang sila."

Tinignan niya kami ni Twin mula paa hanggang ulo. Insultong tingin.

"Mga immoral na nga! Trying hard to be Hunterose pa!"

I smirk. The games begin...

"Kto yavyayutsya Vy? Pochemu yavyayutsya kriki k nam?"

Inosente kong tanong sa kanya. Using our Russian language. Pfffft... Gusto kong matawa dahil napanganga ang bruha! Napangiti naman ako ng lihim dahil meron sa mga kaklase namin ang naka-intindi sa sinabi ko.

"Hala, Russian pala sila Heaven at Godee."

"Kaya nga eh. Napaka-fluent nila magsalita ng Russian language. Infairness, ang cute ni Heaven sa inosente niyang mukha."

"Ano ba yung sinabi ni Heaven?"

"She said 'Who are you? Why are you shouting to us?' ayun ang tanong niya kay Vice President."

Vice President pala ang bruhang toh. Tsk. Ang panget naman pumili ni kuya ng SSG.

"Wala akong pakialam kung magaling kayong mag-russian. Ang importante umalis kayo dito sa Huntress dahil hindi kayo welcome dito! Saka tignan mo tong ginawa mo sa guro namin! You're so immoral!"

Aish! Naririndi na ang tainga ko sa kakasigaw niya.

"Ostavit' kriki, byli ne glukhoy, ved'ma."

Si Twin naman ang nagsalita. Using her actual voice. Not innocent like mine.

"Witch pala si Vice President"

"Pfffft... Ved'ma Vice President"

Namula sa inis ang bruha. ah-nah. Pula na pala ang pisngi niya. Hahahahaha! Hindi pa rin pala magaling yung pisngi niyang sinampal ko. I wonder, kung ano ang itsura ng left eye niya ngayon sa likod ng suot niyang sun glasses...hmm...

"What happened here?"

Ngumisi ako ng marinig ko ang boses na yun mula sa likoran namin.

"Sky! Thanks god... You're here na."

Biglang saad ni Bruha. Nakaka-letche ang boses niya! Huminhin po!

Dumaan pa siya sa pagitan namin ni Twin... In a hinhin way... Bwiset na toh!

"Look, Sky... Dumating na yung dalawang transferee from Sullivan University. At ang panget ng greetings nila sa'min."

Mahinhin na ani ng bruha kay kuya. Hindi kami gumalaw sa kinakatayoan namin para lang tignan sila. Waste of time ang kaplastikan ni Dana.

"Twins"

Tawag sa'min ni kuya kaya humarap kami sa kanya. Tinarayan pa kami ni Dana. Luh...siya...

"Kilala mo ba sila, Sky? They are the so called 'Badass Twins' trending worldwide."

"What?"

Tanong ni kuya pero sa'min siya nakatingin. Patay kang bata ka... Hindi nga pala alam ni Kuya ang... Badass badass Twins thingy na yan...

"Yeah, sila yun. Heaven and Godee. Ayy oo nga pala, hindi ka interesado sa mga taong immoral. Kaya hindi mo sila kilala. So, ano na? Tanggalin na natin sila dito sa Huntress dahil hindi naman sila nababagay dito."

Hindi pinansin ni kuya ang mga sinabi ni Dana. Dahil sa'min lang siya nakatingin... Tas... Lumipat ang tingin niya sa taong nakahandusay sa sahig... Then he mouthed 'oh brother jesus'... Saka siya tumalikod...

"Twins, follow me"

"Wait lang Sky, hindi mo ba sila tatanggalin?"

Despiradong tanong ni Bruhang Dana.

Huminto naman si Kuya at hinarap ang mga kaklase namin.

"They are my sisters"

Four words, five syllables, sixteen letters... Dahilan para ikahinto ng mundo ni Dana... At ilan sa mga kaklase namin... Sa sobrang gulat...

"Guys, paki-hatid si Mr. Tomasoh sa clinic. Twins, let's go."

Ngumisi kami ni Twin at sabay nag 'tongue out with bleh sound' kay Dana.

Saka kami sumunod kay Kuya Sky. Nang makalapit kami sa kanya

Kumapit ako sa braso niya. Tinignan niya naman ako ng masama pero ningitian ko lang siya.

"Izvinite samy starshiy brat. I Iyubov' vy"

(Sorry kuya, I love you)

Malambing kong saad saka siya hinalikan sa pisngi.

Nawala ang masama niyang tingin sa'kin saka siya bumuntong hininga.

"Haist. I love you too, bunso."

Hahahahahahaha!!! He can't resist me. My loving Big brother.