Heaven's POV
After 3 years. Nandito na ulit kami sa Skyline Village. Nasa pinakadulo nito ang Mansion ni Tanda. At halos sa kalahati ng village na toh ay sakop ng Mansion sa sobrang laki non I mean malawak yung ground dahil pinatayuan namin yun nila Kuya ng Basketball court at swimming pool. May Jacuzzi pool kami kaso nasa rooftop nga lang saka maliit yun hindi kami nakakapag competition ng swimming doon.
Pagdating namin sa harap ng Mansion bumaba na kami sa Bugatti Veyron ni Kuya dahil pinarada niya na ito sa parking lot niya. Yeah, parking lot niya lang dahil sa kanya lahat ang mga sports car na nakaparada doon. Katabi niya ng parking lot si Twin. Then, sa'kin na may pinakamalaking espasyo. Makikita mo roon ang Robot form at car form na si Bumblebee , Optomost Prime, Megatron, at pati rin ang main character na vehicles sa 'Cars Movie' si Lightning McQueen.
And the rest mga Big Bikes ko na. Suzuki Hayabusa, BMW S1000RR, Ducati 1199 Panigale R, Lightning LS-218, MV Agusta F4 1000 R 312, Honda CBR1000RR, Kawasaki Ninja H2R, MTT Y2K Turbine Superbike, and Dodge Tomahawk. They are the fastest and most expensive motorbikes in the world. At bawat brand ay may tig-iisang kulay ako na Black, Blue, Red, Gray, White, Yellow, Then Black green, Black pink, Black white, Black red and Gray black. Ganon kadami ang mga collections ko sa mga motor bikes. Sabi nga ni Twin at Kuya kulang na lang makompleto ko na ang lahat ng kulay sa color wheel.
"Sino ang nagmamay-ari sa building na yun Kuya?"
Tanong ni Twin ng makalapit si Kuya dito sa pwesto namin. Tinignan ko yong building na nasa harapan lang ng Mansion. Mukhang bagong pagawa lang toh.
"Ah. Yan, Family ni Dana"
"Dana?"
"Yeah, I mean ang Miller Family ang nag-mamay-ari niyan at pinamana kay Dana. A friend of mine."
"Dana Miller your friend?"
"Oo, myembro siya ng grupo kong ACES. Bakit kilala niyo ba siya?"
"Hindi"
"Geh. Hayaan niyo ipakilala ko kayo sa kanya pati na rin sa mga bagong myembro ko sa ACES diyan lang sila nakatira sa building na yan."
So it's a condominium... Interesting...jan pala nakatira ang mga exchange students na yun.
"We're not interested"
"Aish... Mababait naman sila eh. And I'm sure makakasundo niyo sila."
Talaga lang huh? Nagkatinginan kami ni Twin saka sabay na ngumisi. Kung alam mo lang kuya. Matagal na naming kilala ang mga bagong myembro ng grupo mo.
Bago kami tuluyang pumasok sa loob tinignan muna namin ni Twin ang Condominium Building at lalong lumawak ang ngisi namin ng may namumuong plano sa isipan namin.
We are twins. So our mind is connected. Chosss lang... Minsan talaga nagkakatugma ang iniisip namin. Saka identical twins kami dahil magka-iba ang kulay ng mata namin. Her is dark black pareho sila ni Kuya na namana nila kay Dad while mine is sky blue na namana ko naman kay mom.
Godee's POV
Nagmo-movie marathon kaming magkapatid. 9 pm. pa naman kaya pwede pa kaming manood.
"Twins, Ito na ang mga Black cards niyo. At Key-remote ng Parking lot niyo."
Binalik na ulit sa'min ni kuya ang mga black cards namin at ang Key-remote ng parking lot. It means magagamit na ulit namin ang mga collections namin ni Twin. Well, lingid sa kaalaman ni kuya may mga naipundar din kaming sports car at motor bikes tuwing nanalo kami ni Twin sa race at sa underground. Nasa Head Quarters lang namin naka-park. Bawal kasing ihalo yun dito sa parking lot namin sa mansion dahil magtataka si kuya kung saan namin nakukuha ang pera sa pambili. Mahirap na baka malaman niyang pumupunta kami sa underground at malaman niyang nakikipag-race kami. Siguradong grounded kami. As in kukunin niya ulit ang mga Black cards namin at ang Key-remote. Bilang parusa. At ayaw naming mangyare ulit yun! Ginawa niya na kasi yun dati sa'min.
"Ibinabalik ko na yan sa inyo dahil alam kong nagbabago na kayo. Sabi sa'kin ni Tita Solar hindi naman daw kayo gumawa ng kalokohan sa Sullivan University dahil kayo pa raw ang nagdidisiplina sa mga estudyante roon."
Pfffft... Si Tita talaga... Mahal na mahal kami... Hindi man lang sinabi kay kuya na halos kami ni Twin ang palaging laman doon sa detention office. Sabagay nagawa niya ring itago kami kay kuya... Sayang nga lang at tatlong taon lang ang tinagal namin sa S.U dahil nahanap na kami ni Kuya. Tsk.
"Pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang hindi niyo pagpasok sa H.U sa sinabi kong araw."
"Sensya na kuya, tinamad kami eh"
"Okey lang... Matanong ko lang sa inyo... Kayo lang ba ang kambal sa Sullivan University o mayron pang iba?"
"Madaming kambal doon. May kapareho pa nga sa pangalan namin eh."
Para namang naniniwala si kuya dahil patango tango pa siya. Pffft...
"So I conclude... Hindi naman siguro kayo ang may gawa non kay Dana, noh?"
"Sino bang Dana? Ah. Yung kaibigan mo...aba malay namin. Wala nga kaming kilalang Dana eh."
"Hmm... Ang grupo ko kasi ang mga exchange students doon sa Sullivan. Then, ayun nga nagsumbong sa'kin si Dana na may nambully daw sa kanya na kambal. Tinanong ko siya kung ano ang kulay ng mata nila... At sinabi niya sa'king parehong brown daw. Saka parang nerd daw yung kambal dahil pareho ring nakasalamin. Akala ko nga kayo yung nambully eh dahil kaparehas niyo ng pangalan."
"Kami? Nambubully? Never kuya. Mang-trip oo pero bully hindi. Ah"
Saad ko. Saktong nag-ring ang telephone sa center table. Si kuya na ang sumagot.
"Hello, Sky Blade Hunterose speaking"
Hindi namin naririnig ang sinasabi ng kabilang linya. Kay kuya lang kami tumitingin na tumango-tango lang. Akala mo talaga nakikita siya ng kausap niya eh. Tss.
"Ok see you tomorrow, bye"
Aniya saka binaba na ang telepono.
"Sino yun Kuya?"
"Si Tita Solar sabi niya nasa Hospital daw si Sun."
"Bakit daw?"
"May bumugbog daw sa MOA ayun nawalan ng malay hanggang ngayon hindi pa rin nagigising."
"Hindi talaga magigising yun dahil natutulog na yun. Tsk. Gabi na kaya."
Saad ni Twin. Kaya napatawa ako.
"Speaking of gabi na. It's already 10 pm kaya matulog na kayong dalawa dahil maaga pa ang pasok natin bukas."
"Aish. Hindi pa tapos yung palabas eh"
"Nope, umakyat na kayo sa kwarto niyo at ng matulog na."
Sumimangot na lang kami ni Twin at sinunod ang utos ni kuya.
Maraming kwarto itong mansion pero nasa iisang silid lang kami ni Twin. Iyon kasi ang gusto namin. Saka sa lahat ng kwarto dito sa mansion ang kwarto namin ni Twin ang pinakamalaki at malawak. Kasya trentang tao chossss lang....
Makatulog na nga!