Chapter 3 - Chapter 3

Napabuntong-hininga na lamang ang kanyang ina at tinapos ang mga gawaing bahay na hindi niya natapos. Saka niya pinuntahan ang natutulog nitong anak na sanggol pa lamang. Naawa nga siya sa anak niyang si Li Xiaolong dahil hindi nito maaaring kargahin ang nakababatang kapatid nito dahil na rin sa hindi pa nito kontrolado ang lakas nito. Siguradong kapag nagsimula na itong maging Cultivator ay saka lamang ito makokontrol ang tamang puwersang dapat na ilabas ng katawan ng kanyang anak. Napanatag ang loob ng kanyang ina dahil sa ligtas na nakauwi ang kanyang anak ngunit nag-aalala siya sa kanyang asawa. Medyo lumalalim na ang gabi kung kaya't binalot ng pangamba ang kanyang loob.

...

Medyo malalim na gabi kung kaya't mas lalong tumitingkad at lumiliwanag ang mga bituin sa langit. Walang bakas ng makulimlim na panahon na siyang pahiwatig na walang namumuong bagyo maski ulan. Napakatahimik ng lugar at tanging ang mga huni lamang ng mga insekto ang maririnig sa paligid na siyang nagbibigay kahulugan sa gabi. Walang bakas ng anumang kakaibang pangyayari ang maaaring makagulo sa pagpapahinga o pagtulog ng Li Clan.

Sa apat na sulok ng maliit na silid ay makikita ang isang batang may puting buhok at may maamong mukha ang nagmemeditate. Itong batang ito ay walang iba kundi si Li Xiaolong. Nagkakaroon ng mga mumunting mga enerhiyang bumabalot sa katawan nito at paunti-unting nagkakaroon ng rotasyon at sirkulasyon sa enerhiyang parang sumasayaw at masayang pumapasok sa bawat ugat nito ngunit karamihan sa mga enerhiya ay pumapasok sa ilong ni Li Xiaolong direkta sa meridian nito sa bandang tiyan na siyang lokasyon kung saan matatagpuan ang dantian nito.

Sa edad na tatlo ay ginagawa na ito ni Li Xiaolong dahil sa musmos pa lamang ito ay naimpluwensiyahan siyang gawin ito. Nagsimula ito ng minsang pumunta sa pamilihan ang ama niya at isinama siya nito upang mamili't-mamasyal. Sa paglalakad nila ay maraming nakitang kakaibang bagay ang batang si Li Xiaolong habang karga-karga siya ng kanyang ama. Sa edad na ito ay nakakapagsalita na siya maging ang ibang mga bata dahil na rin sa mga Bloodline ng kanilang mga kaangkan.

May binili ang kanyang ama kung kaya't kailangan siysng ibaba muna ng kanyang ama upang maisilid sa bayong na dala-dala ng kanyang ama na si Li Qide.

Sa oras na iyon ay may lumilipad na kulay puting paro-paro na sobrang nakakaakit kapag tiningnan ng sinuman. Hindi nakaligtas maski ang batang si Li Xiaolong kung kaya't sinimulan nitong abutin at hulihin ang kaakit-akit na kulay puting paro-paro gamit ang mumunting kamay nito sa paniniwalang madadakip nito. Nagsimulang humakbang ang paa ng batang si Li Xiaolong upang hulihin ang paro-paro hanggang sa pabilis ng pabilis ang hakbang nitong. Hindi namamalayan ng batang si Li Xiaolong na malayo na siya sa lugar kung saan naroroon ang kanyang ama at mas lumalayo pa ang distansya na namamagitan sa kanila subalit patuloy pa rin sa lakad takbo at talon ang batang si Li Xiaolong hindi alintana ang mga siksikang mga taong bumibili sa mga eskenita. Ang atensyon lamang ng bata ang ang lumalayong pigura ng paro-paro na siya namang hinahabol nito. Ilang paliko-likong eskinita ang dinadaanan ng bata hanggang sa bigla na lamang nawala ang pigura ng paro-paro na siyang ikinapagtataka ng mumunting batang si Li Xiaolong na wala musmos pa lamang ang pag-iisip.

"Gusto mo bang makita ang kaakit-akit na paro-parong iyon?" Sambit ng isang tinig na animo'y uugod-ugod na.

Agad na napatigil sa paghahanap ang batang si Li Xiaolong sa pinanggagalingan ng boses at nakita nito ang isang matandang uugod-ugod na habang may hawak na baston.

"Opo! Kaarkit-arkit po ryon!" Sagot ni Li Xiaolong sa di mabigkas ng tama ang sinasabi nito.

"Naniniwala ka bang paro-paro iyon na lumabas sa katawan mo?" Sambit ng matanda habang nakangiti.

Kahit na makikita ang pagkamangha sa mukha ng batang si Li Xiaolong ay biglang naalala niya ang habilin ng kanyang am't-ina. Biglang nawala ang manghang ekspresyon nito sa mukha.

"Sabi ni ama, bawal akong kumausap sa hindi ko kilala pasensya na po lolo." Sambit ng batang Li Xiaolong habang may malungkot na ekspresyon.

"Okay lang iyon iho, dahil sa pinagtagpo ang landas natin ay gagantimpalaan kita ng Martial Absorption Technique. Matagal pa bago mo makita ang kaakit-akit na paro-paro. Hindi lang isa kundi hindi mabilang sa dami. Isang ulit ko lamang gagawin ang Technique na ito, ang lahat ay nakasalalay na sa iyo bata kung magagawa mo ito o hindi." Sambit ng matanda habang matamis na nakangiti sa batang si Li Xiaolong ngunit may halong lungkot na hindi nahahalata ng batang ksnyang kasama.

Hindi na hinayaan ng matanda na makasagot pa ang batang si Li Xiaolong. Agad siyang pumuwesto sa sementadong lugar at agad na isinagawa ang Technique sa pamamagitan ng pagmeditate. Pumikit ang dalawang mata ng uugod-ugod na matanda at nagsagawa ng mga pagkilos o pagkumpas ng mga kamay upang isagawa ang nasabing Technique. Unti-unting nagkaroon ng mga enerhiyang bumabalot sa katawan ng matandang lalaki at mabilisang hinihigod ang enerhiya patungo sa katawan nito. Maya-maya pa ay nagkakaroon ng hugis ang mga enerhiyang nakakalat kani-kanina lamang.

"Palo-palo, mga palo-palo." Sambit ni Li Xiaolong habang hindi nito mabigkas ng tama ang salitang "paro-paro."

Mula sa pag-upo hanggang sa pagkilos at pagkumpas ng kamay ay tinandaang maigi nito at itinanim sa puso't-isipan ng batang si Li Xiaolong takot na mawalang saysay ang kanyang ginawang pagtingin sa nasabing Absorption Technique.

Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang nakarinig ng pamilyar na boses si Li Xiaolong sa kanyang likuran. Nang tingnan niya ito ay bumungad sa kanya ang pigura ng kanyang ama habang may dala-dala itong mga supot at ang lalagyan ng bayong nito.

"Saan-saan ka sumusuot anak, diba kabilin-bilinan kong huwag kang lumayo dahil siguradong pagagalitan ako ng iyong ina. Pinag-aalala mo kami." Sambit ni Li Qide na siyang ama ni Li Xiaolong.

"Dito lang po ako ama, sa katunayan ay kasama ko po siya." Sambit ng batang si Li Xiaolong habang may tinuturo ito sa kanyang harapan.

"Sino anak?!" Sambit ni Li Qide sa kanyang anak.

"Siya pooo???!" Pagtuturo ni Li Xiaolong ngunit ng hinarap nito ang nasa kanyang harapan ay isang malaking pader na lamang ito ni walang anumang bagay na naririto.

"O diyos ko, anak baka pinaglalaruan ka ng demonyo o ng masamang espiritu ng lugar na ito, Umalis na tayo sa lugar na ito maaaring may gustong kumuha sa iyo." Sambit ng kanyang ama na pahisterikal. Alam niyang maraming kwento-kwento tungkol sa lokasyong ito kung saan ay sakop ng pamilihan. Mayroong misteryong bumabalot sa malaking pamilihan na ito lalo pa't walang ideya ang karamihan sa totoong nakaraan ng lugar na ito.

Mabilis na nilisan ng mag-ama ang lugar na ito upangbumalik sa kanilang bahay. Walang plano si Li Qide na isalaysay ito sa kanyang asawang si Li Wenren lalo pa't sandamakmak naman na sermon at leksyon ang maririnig nito.

Dahil sa pangyayaring ito ay ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng Absorption Technique si Li Xiaolong hanggang sa kasalukuyan ngunit isa rin ito sa dahilan kung bakit mas lumakas ang kanyang pisikal na lakas. Subalit sa kabila nito ay gusto niyang makita ang kaakit-akit na mga paro-paro na siyang noo'y nasaksihan niya sa matandang hindi niya kaano-ano.

Minsan ay naiisip niysng niloloko lamang siya ng matandang lalaking iyon dahil sa dalawang mag-aapat na taon na ay ni walang maski isang paro-paro ang lumabas sa katawan niya o kung kayang magkaroon ng hugis paro-paro ang mga enerhiyang bumabalot sa katawan niya.

"Malaking Kalokohan!" Sambit ni Li Xiaolong sa kanyang isip ng binalikan niya sa kanyang alaala ang matanda, ang Absorption Technique at ang mahigit tatlong taong ginugol niya sa Absorption Technique daw.

"Hindi maaari, maraming taon na ang ginugol ko upang makarating sa estadong ito, ngayon pa ba ako susuko. Ang sumusuko ay talo!" Sambit ng kabilang parte ng kanyang isipan.

Gulong-gulo ang isip niya ukol sa maaari niyang gawin ngunit mas pinili niya ang pangalawang naiisip niya. Hindi siya susuko dahil wala naman siyang mapapala kung titigil at susuko siya. Ayaw naman niyang may pagsisihan siya sa huli. Naisip ni Li Xiaolong ang mabubuting dulot ng Absorption Technique na ito lalo na sa gawain niyang pagsisibak ng mga kahoy gamit ang palakol, ang pagiging malakas niya, talas ng memorya lalo na sa kanyang pambihirang lakas sa kasalukuyan.

Patuloy pa rin siya sa nagmemeditate kahit na muntik ng itigil ni Li Xiaolong ang kanyang ginagawa dahil sa magulong isipan nito. Mabuti na lamang at hindi nagambala ang kanyang sinagawang meditation.

Hindi namamalayan ni Li Xiaolong na malapit ng magbukang-liwayway nang unti-unting nararamdaman nito ang kakaibang pangyayari sa kanyang katawan partikular na rito ang unti-unting pamumuo ng porma o pigura ang mga nakakalat na enerhiya.

Halos namangha si Li Xiaolong ng makita ang pagbabago sa mga enerhiya na ngayon ay animoy mga paro-parong masyang pumapasok sa katawan niya. Napakasarap sa pakiramdam habang dumadaloy ang maraming porsyento ng enerhiya sa kanyang buong katawan lalong-lalo na sa kanyang dantian.

"Sa wakas ay nakita ko ang bunga ng aking matiyagang pagmemeditate na isang uri ng pagcucultivate. Sa oras na lumakas ako ay mayroon ng magandang kapalaran para kina ama, ina at sa aking kapatid. Lolo kung sino at saan ka man ngayon, Maraming salamat sa biyayang ibinahagi mo sa akin!" Puno ng Sinseridad at pasasalamat ang kanyang gustong sabihin sa matandang nagbahagi ng nasabing Technique sa kagaya niya na hindi naman nito kaano-ano.

Maya-maya pa ay tinigil na ni Li Xiaolong ang kanyang ginawang pagmemeditate. Sinabi sa kanya ng ama niya na isa ang pagmemeditate sa mabilisang pagcucultivate. Pero wala siyang kaide-ideya sa sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama tungkol sa pagcucultivate o Cultivation, isinawalang-bahala niya na lamang ito dahil alam niyang malalaman niya rin ito balang araw.