Chapter 6 - Chapter 6

Mabilis na natanaw ni Li Xiaolong ang kanilang bahay mula sa malayo. Nakaramdam ng kaba si Li Xiaolong tungkol sa bagay na kanyang hawak maging sa malawak na ilog na Bloody Gem River. Hindi ito sakop ng kanilang Li Clan sapagkat kaunting porsyento lamang ng ilog ang tumutuntong sa kanilang teritoryo. Ang totoo niyan ay malawak na sakahan ang pumapalibot sa kanilang teritoryo na siyang alam niyang kagagalitan siya ng kanyang ama dahil sa mga pangyayaring ito. Naisip niyang huwag na lamang ilahad ang mga pangyayaring buwis-buhay dahil siguradong sandamakmak na sermon ang aabutin niya sa kanyang ina.

Hindi niya alam kung kaninong teritoryo ang sumasakop sa malawak na ilog na nagsisilbing pomoprotekta sa kanila. Maraming tanong ang naglalaro sa isipan ni Li Xiaolong. Isinawalang-bahala niya na lamang ito at binilisan ang kanyang paglalakad papunta sa kanilang bahay habang pinapasan ang malaking halimaw na isda.

Alas sais na ng umaga nang makarating si Li Xiaolong sa kanilang bahay. Agad na pumasok siya sa kanilang bakuran habang pinapasan pa rin ang malaking halimaw na isda.

Agad siyang nakita ng kaniyang ama habang nagpapakain ito ng kanilang alagang baboy. Sa katunayan ay marami silang iba't ibang mga hayop na inaalagaan maging ng mga wild beast na karaniwang kinakain nila katulad ng wild boar, wild ducks at iba pa na masasabing mga low-grade beasts.

"O, saan ka galing anak? Bakit napaaga ka yata ng gising?" Pasimulang mga tanong ni Li Qide sa kaniyang anak na si Li Xiaolong.

"Ah...eh... namasyal lamang ako sa tabing ilog ama." Sambit ni Li Xiaolong habang mabilis nitong tinago sa kaniyang likuran ang halimaw na isda na hindi niya pa alam kung ano ang pangalan.

"Talaga ba? Eh ano yang tinatago mong bagay sa likuran mo?" Sambit ni Li Qide sa kanyang anak nang mapansin niyang may kung anong bagay na tinatago ang kanyang anak sa likuran nito na animo'y hindi mapakali.

"Ah... Eh wag po sana kayong magagalit ama ha. Ano po ba itong hayop na ito, Ama?" Sambit ni Li Xiaolong habang pinapakita sa kanyang ama ang kaniyang itinatago.

Magkahalong gulat at takot ang biglang umusbong sa damdamin ni Li Qide lalo pa't isa sa kinatatakutang halimaw ang hawak ng kaniyang anak.

S-saan m-mo i-yan nakita a-anak? N-napakadelikadong n-nilalang iyan anak!" Sambit ni Li Qide sa kanyang anak ng may takot na nadarama.

Agad na nabitawan ni Li Xiaolong ang kaniyang bitbit na halimaw na isa sa kanyang kamay.

"Bakit naman po ama, ano bang klaseng hayop ito?" Tanong ni Li Xiaolong sa kanyang ama halatang may kuryusidad ito.

Agad na lumapit sa kanyang anak si Li Qide at masusing sinuri ang halimaw na hawak-hawak kanina ng kanyang anak.

Nakita ni Liqe ang nakakatakot na anyo ng halimaw na isang uri ng Demonic Beasts lalo pa't napakapula ng mata nito. Tumatalbog-talbog pa ito gamit ang palikpik na napakahaba ngunit nagmistulang walang puwersa ito.

Matapos niyang masuri ang nasabing halimaw ay bigla niyang tiningnan ang kanyang anak na may komplikadong ekspresyon sa mukha nito.

"Ang halimaw na hawak mo anak kani-kanina lamang ay isang Black Roping Fish na masasabing isang First Grade Magical Beast na ang lakas maikukumpara sa isang Peak Viscera Training Stage ngunit dahil na rin sa bata pa lamang ito ay siguradong nasa Middle Strength Training Stage pa lamang ito " Sambit ng kanyang ama na parang nagtataka at binigyan ng impormasyon ang anak niyang si Li Xiaolong.

"Huh?! Magical Beasts? Peak Viscera Training Stage? Middle Strength Training Stage?!" Nagtatakang sambit ni Li Xiaolong habang nakatingin sa kanyang ama. Halatang wala itong kaide-ideya sa mga sinasabi ng kanyang amang si Li Qide.

"Ah... Eh... Uhmmm anak s-------" magsasalita pa sana si Li Qide ng bigla siyang makarinig ng huni ng mga Seven White Stripped Horses o mas kilala sa tawag na Tiger Horse/s. Isa itong Hybrid na Martial Beasts na angkop maging mount o sasakyan ng mga kawal o mandirigma ng isang kaharian o organisasyon. Likas na mabilis ang mga Tiger Horses na ito dahil may dugo ang kabayong ito ng isang White Tiger dahil sa matalino at pagiging lamang nito sa larangan ng bilis.

Nang makita ni Li Qide ang mga hindi inaasahang bisita ng kanilang lugar ay mababakasan ng takot ang kaniyang puso't-isipan lalo pa't nagugulumihanan siya sa kakaibang pangyayaring ito. Minsan lamang darating sa kanilang lugar ang mga dayuhan maging ng alinmang mandirigmang galing sa mga malalaki at malalakas na lupain.

"Pumunta ka muna sa loob anak tsaka sabihan mo ang nanay mo na ipagpaliban muna ang paglabas sa teritoryo ng Li Clan." Sambit ni Li Qide sa kanyang anak na si Li Xiaolong na may kasamang paalala.

Sigurado si Li Qide na hindi ito tungkol sa darating na kompetisiyon sa pagkakaroon ng pagkakataon sa sinumang batang nag-uumpisa pa lamang sa pagtahak sa daan ng Cultivation na makapasok sa Cosmic Dragon Institute. Nalaman niya mula sa mga tao sa pamilihan na pormal na inanunsiyo na pitong taon pa mula ngayon gaganapin ang nasabing kompetisiyon kung kaya't nais niya ring makapasok ang kanyang anak para maging malakas na Martial Art Expert sa hinaharap. Ayaw niyang maging katulad si Li Xiaolong sa naging kapalaran nila. Maliit lamang ang porsyentong makapasok ang kanyang anak sa Crimson Dragon Institute ngunit naniniwala siyang may tinatagong potensyal ang kaniyang anak.

Nawaglit sa isip ni Li Qide ang kaniyang iniisip nang makita niya sa malapitan ang mga kawal na nakasuot ng mabibigat at makakapal na mga uri ng baluti. May hawak din ang mga ito ng kulay pula na mahahabang espada sanhi upang humawi ang mga grupo ng mga taong nagkukumpulan sa lugar na siyang ruta ng Li Clan at ng mga karatig na mga pamilya at mga angkan. Sa postura at disenyo ng mga kawal ay siguradong kilala sila ni Li Qide.

"Sky Flame Kingdom" tanging naibulalas ni Li Qide ng makita ang kawal ng kahariang hindi niya alam kung ano ang kanilang hangarin upang pumunta sa lugar nila.

Napuno ng pangamba ang loob ni Li Qide dahil na rin dito. May dalawang malaking kahariang malapit sa lugar nila na alam nilang mayroong malaking hidwaan dito.