"Ano ba ang mga napakaitim na likidong kumakapit sa katawan kong ito?! Makapaglinis nga!" Sambit ni Li Xiaolong sa kanyang isipan habang napakasimangot. Siguradong tutuksuhin o pagtatawanan naman siya ng kaniyang ina.
Isa lamang ang naiisip niyang paraan upang hindi siya makita ng kaniyang ina. Ito ay ang pagpunta sa malawak na ilog upang maglinis ng kanyang buong katawan. Ilang beses ng nangyayari ito at masasabi niyang napakaganda sa pakiramdam kapag lumabas sa kanyang buong katawan ang mga maiitim na likidong bumabalot sa kanyang katawan. Yun nga lang ay nagmumukha siyang negro o puwet ng kawali dahil sa bagay na ito. Takot din siyang magtanong sa kanyang ama lalo na ang kanyang ina dahil sobra pa sa imbestigador kung magtanong kaya't napapailing na lamang siya ng kanyang ulo indikasyon na hindi siya magsusumbong sa kanyang mga magulang.
Dahil sa maliit siya ay nakaya ni Li Xiaolong na mapagkasya ang maliit nitong katawan sa kanyang medyo may kalakihang bintana. Makailang beses na rin siyang dumaan dito kahit na pinagsasabihan siya ng kanyang magulang na isa itong taboo o kalabagan dahil hindi pintuan ang bintana ngunit isinawalang-bahala na lamang ito ng medyo pasaway na batang si Li Xiaolong.
Mabilis na nakalabas ang batang si Li Xiaolong sa bintana ay agad ma kumaripas ng takbo sa direksyon kung saan matatagpuan ang nasabing malawak na ilog. Ilang minuto ang ginugol niya upang makarating sa ilog. Napabuntong-hininga na lamang siya ng makita ng kanyang singkit na mga mata ang nasabing malawak na parte ng ilog. Mayroong saya na nadarama si Li Xiaolong habang binubulay-bulay ang nakaraan. Para sa kaniya at sa kanilang Li Clan ay animo'y buhay ang ilog sapagkat noo'y sinasabing hindi pa kasinlawak ng ganito ang ilog at sobrang babaw lamang ng tubig nito ngunit sa tagal ng panahon ay nagkakaroon ng pagbabago rito. Hindi niya o nila batid na mapapanatili pa rin ang ganda at malinis ang tubig ng ilog na ito. Tinatawag ang ilog na ito sa tanyag nitong pangalang Bloody Gem River.
Maraming kwento patungkol sa kung bakit tinatawag na Bloody Gem River ang nasabing ilog na ito. Ito ay dahil sa pasalin-salin na kwento tungkol sa pagkakita ng kayamanang bato, walang iba kundi ang Bloody Gem. Ito ay isang klaseng batong may napakatingkad na kulay pula na kakulay ng dugo. Maraming mga haka-haka na pinapasa-pasa patungkol dito maging ang iba ay naikwento na sa kanyang ina at ama. Isa daw ito sa naging dahilan ng pagbagsak ng Li Clan. Ito ay pag-aagawan ng kayamanan patungkol sa pag-angkin ng mga opisyales sa lahat ng mga Bloody Gem ngunit nauwi lamang ito sa matinding labanan at ayaw sa mga mamamayan ng Li Clan at sa mga Opisyales nito resulta ng paghina ng puwersa ng Li Clan. Marami pang kwentong narinig niya mula sa kanyang mga magulang patungkol sa Bloody Gem ngunit wala ni isa man sa mga ito ang nagkaroon ng sapat na ebidensiya kung Kaya't palaisipan pa rin ito sa lahat lalo na sa mga batang musmos pa lamang katulad ni Li Xiaolong.
Isinantabi muna ni Li Xiaolong ang lahat ng kanyang iniisip dahil na rin sa unti-unting pagkatuyo ng maiitim na likido sa buo niyang katawan. Walang sinayang na oras si Li Xiaolong at bigla na lamang siyang kumaripas ulit ng takbo upang marating agad ang malawak ng ilog.
Hinubad nito lahat ng kanyang saplot sa karawan at agad na tumalon si Li Xiaolong sa ibabaw ng napakalinaw na tubig ng Bloody Gem River. Agad na sinimulang linisin ng batang si Li Xiaolong ang kanyang buong katawan. Kuskos doon, kuskos dito ang kanyang ginagawa upang siguraduhin na matatangkal ang lahat ng nakakapit na mga dumi sa kanyang katawan. Hindi alintana ni Li Xiaolong ang lalim ng ilog na ito maging ang mga nilalang na nasa ilalim nito. Ngunit sa araw ding iyon ay siya palang isa sa unangagiging karanasan niya sa pakikipaglaban.
Halos nasigurado na ni Li Xiaolong na napakalinis na ng kanyang buong katawan kung kaya't naisipan niyang lisanin sng lugar na ito. Ngunit agad na napansin ni Li Xiaolong na may kaakibang nangyayari sa ilalim ng katubigan na kanyang kinaroroonan. Nakita niya ang isang napakapangit na uri ng isda na ngayon lamang niya nakita ss buong buhay niya. Kakaiba ito dahil sa mayroon itong napakapulang mata. At ang isa sa napansin niya ay ang malalubid nitong mga palikpik sa katawan nito. Dahil sa kaniyang murang edad ay wala pa siyang anumang ideya sa ganitong klaseng nilalang. Isa lamang ang naiisip ni Li Xiaolong, ito ay ang lisanin ang katubigang sakop ng ilog at tumapak sa kalupaan kung saan ay maraming lupa.
Ngunit napansin niya ngayon-ngayon lamang na masyado siyang nasarapan sa pagtatampisaw sa malawak na ilog kung kaya't ang kaninang maliit na distansya niya mula sa pampang ng ilog ay masyado ng naging malaki ang distansya nito. Halos malapit na siya sa gitna ng ilog ngunit ang mas nagpapaalarma sa kanya ay ang dambuhalang halimaw na mukhang isda ang nasa paanan niya na alam niyang hindi ito gagawa ng mabuti. Sa mapupula pa lamang nitong mga mata na animo'y nanlilisik at handang lapain ng buhay si Li Xiaolong ay siguradong kakikitaan na ng pangamba si Li Xiaolong. Isa sa malaking lamang ng halimaw na isda kay Li Xiaolong ay ang katubigan. Batid ng halimaw na maliit na nilalang ang batang ito kung kaya't ito ang naisipan nitong gawing hapunan.
Si Li Xiaolong ay halos mamuti sa sobrang takot. Ano ang aasahan mo sa isang bata? Mistulang natuod sa kinaroroonan si Li Xiaolong dahil na rin sa halimaw na sa kanyang paanan.
Ang halimaw na isda ay biglang umatake sa takot na takot na si Li Xiaolong. Hindi na nakapag-isip ang bata sa kanyang gagawin. Ang tanging magagawa lamang niya ay tingnan ang kanyang mapait na sasapitin niya sa malaki at katakot-takot na itsura ng nasabing isda.
Mabilis na tumungo ang medyo may kalakihang halimaw na isda sa kanyang kinaroroonan. Ipinakita nito ang mala-lagari nitong mga ngipin idagdag pang hindi mabilang ito.
Shackkkk! Shackkkk! Shackkkk!
Maririnig ang tunog ng mga ngipin ng halimaw na isda haabng mabilis itong pumupunta sa kinaroroonan ni Li Xiaolong.