Andrea's POV
*kring
Natapos ang aming first subject na puro lecture at tahimik naman si Bryan na to pero tahimik na nakatingin sa akin pfft.
By the way una nang umalis ang mga aming kakaklase para makapunta sa ibang room para sa susunod na aming subject.
Well kami ang natira ni Bryan. Nauna na ako umalis at sumunod naman siya.
"Ba't ang tahimik mo?" Kaniyang tanong at syempre hindi ko sinagot.
"Masakit ba ang ngipin mo? May mums? o nireregla ka, gusto mo bilhin kita ano brand with wings?" Sa subrang inis ko hinigot ko ang 1foot ruler sa libro dahil nakaipit ito at hinampas ko sa kaniya.
*Pak
"Aray!"
Sa subrang lakas ng hampas ko nakatatoo na ang brand ng ruler ko sa pisngi ni Bryan.
"Nang aasar ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang ako ay naka kunot.
"Ano sa tingin mo?" Kaniyang pinaka matinong sagut huseth.
"Bakit ka sumusunod sa akin?" Muling tanong ko habang sinusoksok ko ang aking ruler sa hawak kong libro.
"Hindi ko alam ang susunod nating room." Kaniyang sagot.
Pffft sabagay may point naman siya, buti mabait kung hindi ilalagay ko ito sa ibang room.
"By the way about sa kahapon." Kaniyang seryosong sambit.
Teka yung nagbunguan kami? Bakit? Haluh baka bugbugin ako ng de oras at naalala ko sinabi niya kahapon na.
"Pasyensa na sinagawan kita." Kaniyang seryusong pagkasabi.
"Huh?"
"Sabi ko flat chested ka." Nainis ako at pinalo ko uli siya ng ruler sa kaliwang pisngi. At tinignan ko naman ang dibdib ko. hindi ako flat chested, sadyang maliit lang (-__-).
Nakarating na kami sa room at katabi ko uli siya sa upuan.
"Teka ba't lagi tayo magkatabi sa upuan?" Aking muling tanong.
"Magkatabi lang, at ang masmaganda pa yun dahil tayung dalawa ang matalino kaya walang kopyahan magaganap." Kaniyang sagot.
Ayyyt alam niyang matalino ako at waw hah matalino daw, kaya hindi na uli ako nagtanong uli.
Ilang saglit dumating ang aming Math Teacher tama math ang aming subject at nasa Math Building kami.
"Good morning" Pagbati ng teacher.
"Good morning ma'am" Aming reply.
"We have a Quiz today bring out one Whole paper." Sambit ng aming teacher.
"Ma'am sigurado?"
"Ma'am paano si Bryan, tranfree siya?" Pag aalala ng aming kaklase.
"Sige lang ma'am at baka ma topic na namin yung pinapaquiz ninyo." Saad ni Bryan habang nakangiti.
So ayun na nga nagsimula kami nag quiz isang minuto ang nakalipas tinignan ko si Bryan aba't tumayo na siya at pinass ang kaniyang papel,so means tapos na siya? Ang bilis naman.
Bigla ako kinabahan, matalino na ba siya at siya makakatalo sa akin? O baka pinaglaruan ang kaniyang sagot. hmmf bahala na nga.
Pagkalipas ng ilang minuto nagulat na lamang ako sa resulta.
Ang score ko 30/30
At si...
Si Bryan naman ay 30/30??
"Ang talino naman ni Bryan."
"Kala ko katulad namin."
"Naku mukhang may makakalaban na kay Andrea sa section natin."
"Gash this is Rival Battle about grades?"
"Hindi ko makapaniwala na lalake ang makakalaban niya pagdating sa utakan."
Tama, may makakalaban na ako. Paano kung naging Top 2 ako this 1st Grading, siguro todo pahiya ako nito parang... parang gusto ko mag lipat ng ibang section.
"Bakit ang tahimik mo? Na rereg--" *PAAK!!! "AGEH!!! (aray)" sigaw ni Bryan habang hinawakan niya ang kaniyang braso dahil Pinalo ko kase gamit ruler.
"Tumahimik ka nga." ang aking sambit.
Pagkalipas ng ilang years este minuto
*kriiiiiiing
Senyales na recess na namin.
Sawakas first time humaba pang tunog ng bell
Kasabay ko nanaman si Bryan papuntang coop o ang main canteen, dahil sabi ko ng masmasarap ang tinda nila doon.
"By the way Bryan bakit ka nag transfer?" Tanong ko sa kaniya kahit alam kong kinick siya pero gusto ko malaman na bakit siya kinick.
"Para magkaroon rin ng guwapo sa inyo." Ang kaniyang sagot, grave napaka hangin.
Ilang saglit biglang tumago si Bryan sa likod ko at yumuko ng kaunti.
"B-bakit ka tumatago?" Ang aking tanong.
"Bat may dala silang spada? May Civil war ba?" Kaniyang tanong habang tinuturo niya na dalawang studyante na kulay brown na uniform at nasa beywang nila ang mga spada at naglalakad.
"Loko-loko mga C.A.T mga yan.." aking sagot at naglakad na ako at sumunod siya sa akin.
"Bakit hindi ka pumasok sa mga highest section like SSC?" Aking muling tanong hehe gusto ko talaga ipalipat sa ibang section.
"Ayoko, irerecomenda na sa akin ng Guidance Councilor na papasok ako sa mga higher section." ang kaniyang sagot.
"Bakit naman?"
"May pogi na sa kanila eh kaya pumunta ako sa section ninyo para may pogi narin."
*pak!!
"Aray bakit mo uli ako pinalo?" Kaniyang tanong.
"Wala." at sabay ngumiti na lamang ako.habang hawak hawak ko ang aking 1foot ruler ko.
----
7;00 na gabi at nasa higaan ako at nakatutok sa akin ng laptop ko, dahil may hinihintay ako.
Meyroon kase ako nakahanap na ka chat ko kaso dummy account ang gamit niya at sakto dummy acc din ang gamit ko.
Hmm... lalake siya, mabait at masayang ka chat.
Nagkasundo kami na para mas ecxiting wag namin ibibigay ang more details about sa sarili namin at magkita kami sa pinagusapan na petsa.
Pagka alam ko nakatira rin sa parte ng Pozorrubio, Pangasinan. At hindi ko alam kung saan siya papasok kung sa SPA, PNHS o BVANHS.
*pong
Tumingin ako sa aking laptop at nag chat na nga siya.
Mystery: Hello Princess musta na?
Princess: Heto hindi ok mula yung may nagtransfer sa amin.
Tama Princess ang pinangalan ko sa aking acc at ang lalakeng ka chat ko ay Mystery.
Mystery: Bakit binubully ka?
Princess: Eh, mukhang ganun na nga...
Mystery: Naku!!! Kung alam ko ang pangalan. Btw sino yown?
Princess: Basta yaan mo yun binabawian ko nalang nga palo.
Mystery: Waw hah, haha alam mo may kilala ako ganiyan?
------
Bryan's POV
"Bryan!!! Kain na!!" Sigaw ng mama ko.
"Sige ma." aking reply.
Sa kasulukuyan nasa kuwarto ako at nakatutok sa desktop ko.
Mystery: Geh kakain muna ako.
Princess: Ay sige eat well.
Mystery: Hindi ka matutulog?
Princess: Matutolog na pagod ako ngayun..
Mystery: ay di ko sana tinanong. Basta magkita tayo huh?
Princess: sige.
At nag out na nga siya. A c t u a l l y hindi ko pa nakilala sa personal itong ka chat ko, 5months na kami nag chachat... magkikita daw kami kapag 4th grading.. eh matagal pa yun... sa tingin ko maganda at chix ito... haha...