Chapter 5: PlayGround
Andrea's POV
Uwian...
Nasa harap ako ng aming room upang hintayin ko si Bryan dahil siya naman sa isang cleaners.
Inopen ko ang aking FB sa aking selpon at tinignan ang acc ni Mystery Cy na offline parin haist kailan kaya ito mag oonline?
Sumilip ako sa bintana ng aming room, nakita ko si Bryan nag bubura sa Blackboard kahit walang nakasulat at hindi umaalis sa pwesto.
Sigeee tudo bura lang -__-
Kinuha ko ang aking triangle ruler sa aking bag, pinasok ko ang aking kamay at binato ko ang triangle ruler kay Bryan at tinamaan siya sa ulo.
At bigla na siyang natumba -__- ang oa...
Pagkalipas ng ilang minuto. sabay kaming lumabas ng campus.
"Andrea, may time ka pa?" Tanong sa akin ni Bryan.
"Uhm, oo." Aking sagot.
"Pwede ba tayu tumambay muna sa Playground sa bayan?" Kaniyang muling tanong.
Haluh nag aaya ba siya ng date? Pfft huwag kang assuming Andrea.
"Sige ba." Wala nang tangihan.
Pumunta kami sa Playground at umupo sa duyan. maraming bata naglalaro ng Slide, nagduduyan sa kabila.
"Saglit lang." Sabi ni Bryan at pumunta sa nag titinda ng fishball, at bumalik siya dito.
"Oh heto." Inabot niya sa akin ang isang plastic cup na may kalahating souce at fishball, at kinuha ko.
And then umupo siya sa kabilang duyan.
"Oo pala sino yung kapatid mong babae?" Aking pangunahing tanong.
"Si Sarah." ang kaniyang sagot, at nakita ko sa kaniyang mukha na malungkot at nakatitig sa kaniyang fishball.
"Nasaan siya ngayun?" Aking muling tanong.
"Wala na siya."
"Teka ano nangyari?"
"Lagi ko siyang kasama na pag pasok sa skwelahan at paguwi, minsan dito kami nag duduyan habang may time kami, Kapag may sakit ako, liliban siya ng klase nang maalagahan niya lang ako. Matulungin at Masayahing bata si Sarah.
At isang gabi, lumabas si Sarah para pumunta sa kaniyang kaklase. 10PM na hindi pa siya bumalik, nag aalala na ang mga aming magulang..
At iniisip namin baka nakitulog nalang siya sa kaniyang kaklase. Kinabukasan, wala pa si Sarah.
Nabalitaan namin na may natagpuan na 13 years old baaeng bangkay sa bakanteng lote.
Pumunta kami sa lugar na iyon Nakita namin na ang Bangkay na iyon ay si Sarah. Sabi sa inbestigasyon, ginahasa siya at pagkatapos ay sinaksak siya ng limang beses.
Nang dahil dun Nagiba ang aking ugali. hindi ko tinangap na ganun ang nangyari sa kapatid ko" ang kaniyang kuwento at lumuluha siya.
Kinuha ko ang aking panyo mula sa aking bulsa at ibinigay ko sa kaniya, at pinusan ko ang kaniyang luha.
"Nag iba na ang aking ugali nang nawala si Sarah, naka bugbug ako ng mga studyante kaya na kick ako sa SPA." Kaniyang patuloy.
"Pasyensana at tinanong ko pa sa iyo." Aking saad.
"Oke lang." Kaniyang sagot.
"Alam mo yung time na nabungo mo ako---" ang kaniyang puttol na sabi.
"Ui magdidilim na..." ang kaniyang wika habang nakatingin sa taas.
"Oo nga..."
"Sige bukas uli Andrea." Kaniyang sabi at tumayo na siya.
"Sige bye at salamat pala sa pagkain...."
Kaya pala bakit siya na Kick..
At first time ko siyang nakitang lumuluha...