Chapter 6 - M.U

Andrea's Point Of View

Halos hindi ako nakatulog dahil sa kinuwento ni Bryan sa akin kahapon.

Hindi rin ako makapag online at maka chat si Mystery Cy.

Habang papasok na ako sa main gate, una ko nakita si Bryan na nag hihintay.

"Bakit mo ako hinihintay Bryan?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala akong ka-close sa ating kaklase. At ikaw lang naman ang kaibigan ko." Sabay ngiti sa akin.

Hindi ako nakapag salita dahil sa sinabi niyang, kaibigan niya ako.

"Oo pala tungkol kahapon, bakit kinwento mo sa akin?" Muling tanong ko sa kaniya.

"Dahil alam kong hindi mo yun pag kakalat." Saad niya.

"Huh?"

"Ang sabi ko, Cute ka sana kung hindi ka bingi." Sabay tawa nang sinabi niya iyon, bigla kong nilabas ang 1foot kong at hinampas ko siya sa braso niya.

"Aray! Bakit?" Saad niya habang hawak hawak niya ang kaniyang braso na napalo ko. At tatawa tawa naman ako ngayun.

At patuloy na kami sa paglalakad.

Sa pagpasok namin, may mga babaeng nakatangin sa amin at nag bubulungan teka ano meyroon?

"Totoo bang nag date sila?"

"Oo bess"

"Grabe, totoo ngang ang landi ni Andrea."

"Handa siya sa akin."

Kahit nagbubulungan sila, naririnig ko parin. Biglang nagbago ang aking mood nang narinig ko na malandi ako.

Bigla ako hinila ni Bryan papunta sa aming upuan sa likod.

"Huwag mo silang pakingan, hindi totoo ang pinagsasabi nila. Umupo ka muna." Bulong niya at pina upo niya ako at umupo din siya sa upuan.

Parang ang sumakit ang ulo ko nong sinabing 'totoo akong malandi."

At biglang nag rung ang bell. Muntikan pala kami ma late.

Nakalipas ng ilang minuto, nag lelecture ang aming teacher.

Tumingin muna ako sa katabi kong Bryan at parang may tinitignan siya sa labas at parang ang sama ng tingin.

Tinignan ko ang kaniyang tinitignan sa bintana at si Joel ng taga ibang section at parang ang sakit ng tingin niya kay Bryan.

"Psst Bryan, bakit ang sama mo tumingin kay Joel?" Bulong ko sa kaniya.

"Ahh.. Joel pala pangalan yong lalake na iyon." Bulong niya.

"Oo, Joel ang pangalan niya. Bakit mo siyang tinitigan ng masama?" Muling tanong ko sa kaniya.

"Sinusubukan ko lang naman itong bago kong biling Telescope Eye Contact. Sabi nila kaya itong mag telescope. Kaso mukhang peke." Sabi niya at ngumuti siya.

Ang konrey ng joke niya ngayun pero susupport parin ako.

Recess...

Kasabay ko siyang papunta sa canteen upang makabili ng pagkain.

"Malapit na pala ang 1st Grading exam natin." Wika niya.

"Ehh ano ngayun?" Tanong ko sa kaniya.

"Masasabi ko lang na good luck hehehe." Oo nga pala, sa subrang lutang ko nakalimutan ko may kalaban pala ako.

Naku naki kailangan ko mag review.

"Andrea, mauna ka na sa canteen may pupuntahan lang ako saglit." Saad niya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kaniya

"Basta, bilihin mo na rin ako ng pagkain. Eto ang pera ko, alam mo na ang pagkain ko diba? Pagkatapos mo bumili, dumeretsyo ka agad sa room natin at huwag kang lalapit sa iba." Saad niya at binigay sa akin ang kaniyang wallet sa akin.

"Sige punta na ako." Sabi niyasabay kumaway siya at dumeretso siya. Balak ko sanang sundan siya kaso pinagbibili niya ako at pabalik niya pagkatapos ko bumili.

----

Bryan's Point of View

Pumunta ako sa lbandang likod at nakita ko si Joel na nag hihintay.

"Bakit mo ako tinawag?" Tanong ko sa kaniya at ngumiti

"Tinawag kita para sa bihin ko sa iyo na huwag kang lalapit kay Andrea." Seryusong niyang sabi.

"Haha, huwag mag alala, mag kaibigan lang kami men." Saad ko.

"Basta huwag kang tatabi."

"Bakit, sino ka ba sa kaniya?" Muling tanong ko at nagseryuso na ang aking mukha.

"Ako naman ang kaniyang M.U mula noong Grade 7!" Sagot niya at bigla ako tumawa.

"Hahahaha!!! Teka ngayun ko lang nalaman na may ka MU si Andrea."

"Tumahimik ka." Nag bwelo siya at bantang susuntukin niya ako sa mukha subalit nasalag ko gamit lang ang aking palad.

"Joel, huwag kang mag alala, magiging kaibigan kami ni Andrea. Sige punta na ako gutom na ako, sturbo ka eh." Sabi ko sa kaniya at umalis.

Pero promise ang sakit ng palad na pangsalo sa pagsuntok niya.

Naka ilang minuto rin nakarating na ako sa aming room at nakita ko agad si Andrea sa likod ng upuan at tabi ng bintana at nasa tabi niya ang mga pagkain ko hehehe.

"May nag away ba sa iyo bata? Huwag kang umiyak may kendi ako dito." Pangangasar ko sa kaniya at ang sama ng tingin niya sa akin.

"Hehe Joke lang." Patuloy ko at umupo sa kaniyang tabi, takot na akong hampasin uli ng ruler niya.

"Oo pala, sino pala si Joel?" Tanong ko sa kaniya at nagsimula na ako mag subo ng pagkain.

"Bakit mo na tanong?" Tanong niya.

"Wala na carious lang ako sa kaniya." Sagot ko.

"Si Joel Santos ay kaklase ko siya noong Grade 7 hangang Grade 8 sa PNHS o Palguyod National Highschool." Wika niya habang kumakain siya ng kaniyang pagkain.

"Ahh so, nag aral ka rin sa PNHS dati." Aking saad.

"Oo, dahil taga Barangay Palguyod naman talaga ako, pero nung kagitnahan ng Grade 8 lumipat ako dito dahil may nangyari." Seryuso mukha na pagkasabi niya.

"Ahh, ganun ba. Oo pala balita ko magkakaroon tayu ng activity ngayung subject natin." Ang paglihis kong topic. Nilihis ko ito dahil alam kong may masamang alala rin si Andrea.

"Oo nga pala, luhh nakalimutan ko." Pag panic niya.

Nakalipas ng ilang minuto at nag simula ang aming Pangatlong subject ngayung araw.

Na set na ang aming Group at nag kahiwalay kami ni Andrea.

"So Andrea, mukhang pagkakataon mo na talunin mo ako." Aking sigaw dahil nandito na ako sa aking mga kagrupo, at tumango naman sj Andrea.

Yumuko kami ng aming ka grupo para mag meeting.

"Guys madali lang ito. Ganito ang plano, mag CUTIING TAYO!!!" Sigaw ko at biglang may timama sa aking na isang Triangle Ruler.

Aray!!!